Chapter 5

1321 Words
ELIAS Matapos kong pirmahan ang unang dokumento, kinuha ni Attorney ang kanyang kopya at ibinigay sa akin ang isa. Kinuha ko ang pangalawang ipinamana sa akin ni Don Ramon. Parang lumuwa ang mata ko sa nabasa. 25 percent share of stock sa isang malaking kompanya ang ipinangalan n'ya sa akin, wala pa doon ang limang milyong peso na sadyang pinamana n'ya sakin bago sya pumanaw. Binaba ko ang dokumento at umiling. Ibinalik ko ito kay Attorney Santos. "Hindi ko po matatanggap ang share ni Don Ramon. Kalabisan na po iyan. Gusto ko pong ilipat n'yo sa charity foundations ni Don Ramon ang share na yan, Attorney, " mariin kong tanggi sa ipinamana sa'kin. Sapat na sa akin ang limang milyon at ang kotse dahil bago pa man namatay si Don Ramon nailagay n'ya na ito sa bangko ko bilang panustos sa aking pag-aaral sa abogasya. Natawa si Attorney Santos matapos kong magsalita. Nakatingin ito sa'kin na may paghanga sa kanyang mga mata. "Hindi talaga nagkamali si Don Ramon na sayo ipamana ang shares n'ya dahil alam nito na hindi mo tatanggapin, at mas gustong pang ipagkaloob ito sa mga nangangailangan," pahayag nito na ikinabit balikat ko lang ngunit naroon ang lunngot sa aking puso kapag naalala ko ang butihing abogado. Sadyang kilala na ako ni Don Ramon kaya alam nito ang tama kong gawin. Hindi ako interesado sa pera n'ya simula pa lang. Pinaghirapan ko ang mga bagay na ibinigay nya sa'kin, at pinag igihang mabuti ang aking mga ginagawa upang ipagmalaki n'ya ako . Maprinsipyo akong tao at hindi ako nasisilaw sa malaking halaga. Kaya nga lahat ng mga ibibigayn ni Don Ramon sa'kin ay hindi ko alam para hindi na ako makatanggi pa. Maliban dito. Hindi ko kailangan ang share n'ya. Ang pagtubos n'ya ng lupain namin ay sapat na para mamuhay kami ng mapayapa sa probinsya. May kinuha pa na mga dokumento si Attorney Santos sa kanyang kabinet at itinulak sa akin. "Yan ang mga dokumento na dapat mong pirmahan para malipat ang shares ni Don Ramon sa mga charity foundations na tinutulungan n'ya." Napahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Attorney. Agad kong binasa ang mga laman ng papeles at pinirmahan bawat dokumentong aking nabasa. Tingin ko sinadya ni Don Ramon na sa aking ipangalan ito, dahil kung isa sa mga kamag anak n'ya siguradong aangkinin nila ito ng walang alinlangan. Matapos kong pirmahan lahat, para akong nabunutan ng tinik ngayong wala na sa akin ang malaking share. Kinuha ko lahat ng kopya na para sa akin at nagpaalam ng tuluyan kay Attorney Santos na ako'y aalis na. Agad akong lumabas sa kanyang opisina at tuluyan ng lisanin ang bayan na ito. Mabuti na lang at hindi ko na nakita pa si Kristine hanggang sa makalabas ako ng bahay. Binabawi ko ang aking iniisip dahil ganoon na lang ang pagkunot ng noo ko nang makita ko s'yang nakasandal sa aking kotse. "May kailangan ka, Kristine?" Nagtataka kong tanong, napahinto ako ilang hakbang sa kanya at hinintay s'ya sa pagsagot. "Can we go for a ride, Elias? Baka pwede mo akong ihatid sa friends ko sa kabilang bayan?" malanding pakiusap nito. Umiling ako. " Pasensya na, Kristine pero ibang rota ang dadaanan ko." Napatanga lang ito sa akin. Hindi nya yata akalain na tanggihan ko s'ya. Kilala ko ang ganitong style, parang linta kapag pinayagan mong mapalapit sayo. Sumakay ako sa kotsi ko at iniwan s'ya sa kanilang bakura na hindi makapaniwala. Aalis ako sa lugar na ito at iwanan ang naging bisyo ko sa babae. Ang nangyari kagabi ay s'yang maging huli kong relasyon hanggang sa matapos ang aking pangarap maging abogado. Sapat na ang naging karanasan ko sa mga babae nitong nakalipas na taon para mag isa. Tulad ng sabi ko kay Kristine, ibang rota ang dinaanan ko dahil hindi naman sa lungsod ang tahanan ni Don Armando. Mula sa bayan na ito, may limang oras pa bago ko makarating sa kanilang lugar. Bukas pa naman balak kong pumunta sa tahanan ni Don Armando para magsimula ng aking trabaho. Limang oras ang lumipas dumating ang sa bayan nina Don Armando. Nagtanong ako ng direksyon ng Hacienda Madrigal, at agad naman akong binigyan ng natanungan ko ng direksyon. Mga kalahating oras sa labas ng bayan ang Hacienda Madrigal. Matapos kong magtanong, humanap ako ng matutuluyan kahit isang gabi lang. Hindi naman ako nabigo dahil may munting hotel malapit lang sa Hacienda Madrigal. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan agad si Don Armando upang makausap s'ya na magsimula ako bukas. Nang sinagot n'ya ang tawag ko sinabi nya sakin na nasa lungsod sya ng ilang araw, pero sabihan n'ya raw ang kanyang asawa na darating ako bukas doon. Pumayag naman ako, magsisimula lang daw ako ng aking trabaho oras na dumating s'ya at kausapin ako. Kinabukasan, maaga akong nagising at naligo, saka kumain ng agahan sa kalendirya sa di kalayuan ng hotel. Nang bumalik ako sa hotel, agad akong nag ayus at umalis na. Hindi rin nagtagal nakarating ako ng Hacienda Madrigal. Napahinto ako sa guard house at sinabi ang pangalan ko. Nagulat sila na ako ang maging drayber ni Ms. Madrigal. Pinapasok nila ako sa loob at tinawagan si Mrs. Madrigal na narito na ako. Pinarada ko sa harap ng mansyon ang aking sasakyan at lumabas patungo sa pintuan. Kumatok ako. Hindi nagtagal bumukas ito. Isang dalaga na nadamit pangkasambahay ang bumukas nito. Pinasadahan ako ng tingin na may paghanga sa kanyang mata ngunit walang bahid na paganansa dito. Nakahinga ako ng maluwag. Isa pang kasambahay ang tumabi sa kasama n'ya. Tulad ng una, paghanga lang ang nasa mata nito. "Anong kailangan mo, kuya?" tanong ng ikalawang kasambahay. "Bibang naman, kailangan pa bang itanong yan. Syempre nandito yan para manligaw. Sinong kailangan mo, kuya?" saway ng unang kasambahay. " Gusto kong makausap si Mrs. Madrigal, nandito ba sya?" tanong ko sa kanila. " Tuloy po muna kayo, kuya," sabi ni Bibang Pumasok naman ako sa mansyo at dinala nila ako sa sala. " Ay, magalang si Kuya, pahintulot muna ni Ma'am Bernadette ang gusto. Sino po ang nililigawan n'yo?" Umiling ako. " Narito ako para magtrabaho bilang drayber ni Ms. Adeline Madrigal." Nanlaki ang mata nila. " Ikaw, drayber, kuya? Swerte naman ni ate Addie na masakyanan ka." "Gaga, anung masakyan ang sinasabi mo dyan? Ikaw, Mayang, ayusin mo ang pananagalog mo," saway ni Bidang sa kanya sabay palo sa kanyang braso. " Aray naman, Bibang. Eh totoo naman ah. Masakyan s'ya ni ate Addie, drayber s'ya nito." " Ang kotse ang sasakyan ni ate Addie, hindi si kuya. Naku, ayusin mo ang paggamit ng salita mo, Mayang. Jusko kapag may makarinig sayo, iwan ko," saway ni Bibang sa kanya. Napanguso naman ang isa. " Sorry naman daii, bisaya ako. " Lihim akong napangiti sa bangayan nilang dalawa. Tama naman si Bibang. Ang sagwa pakinggan ang sinabi ni Mayang. "Yun na nga. Pakitawag na lang kaya si Ma'am Bernadette, daii." Sumunod naman si Mayang sa utos ni Bibang pero nakanguso ito. " Pasensya ka na kuya kay Mayang ha, ilang buwan pa lang yan dito sa amin eh. Di pa s'ya gaano kagaling sa paggamit ng tamang tagalog." Tumango ako kay Bibang. " Ok lang, naintindihan ko naman." Ilang saglit pa dumating ulit si Mayang. " Saglit lang daw, kuya. Ako nga pala si Mayang. Ito naman si Bibang. Ikaw, kuya, anong pangalan mo?" " Elias." Maikli kong sagot. " Nays to mit you, kuya!" Turan ni Mayang sa English ngunit bisayang tuno ang ginamit n'ya. Napatampal ng noo si Bibang. "Nays to meet you too both." Nakipagkamay ako.sa dalawa bago bumaling kay Mayang. " Bisaya din ako." " Ganyan talaga kapag accent na bisaya ang gamitin." paliwang ko kay Bibang. " Kaya nga kuya. Pero pogi nyo pong lalaki, may lahi po kayo?" " Mayang!" Nanlaki ang mata ni Bibang sa kanya. Mukhang magiging masaya ang tira ko dito kung silang dalawa ang kasama ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD