ELIAS
"Pagpasensyahan mo na si Mayang, kuya. Kahit 'wag n'yo na po sagutin."
Hinatak ni Bibang si Mayang papunta doon sa kabilang.side ng living room bago pa man makapagprotesta ang isa.
Hindi rin ako nakapagsalita sa bilis ni Bibang kumilos. Saktong may isa pang kasambahay ang nagdala ng isang mainit na kape, at ilang piraso ng cookies para sa akin, at dali-daling umalis patungong kusina matapos kong magpasalamat dito.
"Ikaw talagang babae ka, bakit ganoon ang mga tanong mo sa tao. Nakuuu, nakukuha mo rin ang ugali ng nobyo mong panot," sita ni Bibang sa kanya.
Nagbubulongan yata ang mga ito pero abot pa rin dito ang boses nila.
"Ikaw, Bibang ha makalait ka sa nobyo ko, wagas. Malapit nang mapanot yun pero ang pogi naman," mataray na sagot ni Mayang. Hindi ko tuloy maiwasang pakinggan ang usapan nila habang naghihintay kay Mrs. Madrigal.
"Sori naman, ang pogi kasi ni kuya. Mi lahi talaga s'ya. Hmmm kung hindi Indian, Arabo." Dagdag pa ni Mayang. " At buti na lang kay ate Addie s'ya napunta hindi kay bruhilda."
" May lahi nga si kuya, tingin mo kaya magtatrabaho pa yan dito kung kompleto pa pamilya n'yan? Tapos tinanong mo pa talaga!" gigil na sabi Bibang sabay kurot sa tagiliran ni Mayang.
" Aray! Sori na nga eh. Ang talim ng kuko mo." Protesta ni Mayang sabay himas sa kanyang tagiliran. "Pero tama naman ang huli kong sinabi di ba? Gawin lang s'yang boy toy ng bruhildang iyon katulad kay Mario dati, at nang magsawa na pinagbugbog sa tauhan ni Sir dahil sa kasinungalingan n'ya."
" Tama ka talaga. Buti na lang kay Ate Addie s'ya mapunta. Ang swerte pa ni Ate Addie sa kanya, ang pogi eh. Huwag lang sana s'ya magpaakit sa bruhilda na iyon kapag makilala n'ya. Ganda nga saksakan naman ng pangit ang ugali at ang landi. Hmmp!"
Napakunot ako ng noo sa sinabi n'ya. Mukhang ang panganay na anak ni Don Armando ang tinutukoy nila.
" At akala ko ba binabayaran kayo dito para magtrabaho?" Napatingin ako sa nagsalita. Isang early-forties na ginang ang mataray na titigan ang dalawa. Walang bakas na galit sa mukha nito. Mukhang sanay na rin sa ugali ng dalawa.
" Ayyy palaka! " sigaw ni Mayang sabay sapo sa kanyang puso. "Tita Madam naman, para kang kabute na susulpot na lang eh."
"Eh kung kurutin na lang kaya kita ng tuluyan sa singit dahil sa kalokohan mo, Mayang. Ilang beses ko bang sabihin sayo na pumili ka ng isa na i-address sa'kin. Walang Tita Madam na tawag." Naka-panimaywang ito habang nakatingin sa dalawa.
"Eh tita madam naman. Ayaw ko rin tawagin kita na tita lang eh sa inyo ako nagtatrabaho. Kung Madam lang, pwede rin kaso ayaw ko. Kung Ma'am naman magkatunog sila ng Mom na tawag sa nanay ng mga mayayaman."
Napatampal ng noon niya si Mrs. Madrigal. Mukhang sumuko na ito ng tuluyan. "Bahala ka na nga, Mayang. Mabubuang ako kapag ikaw kausap ko. Hala magsitrabaho na kayo."
"Nagtatrabaho naman po kami," rason din ni Bibang.
"Mas naubos na sa daldalan ang oras, gawin n'yo iyan mamayang gabi." Naningkit ang mata nito kay Mayang. " Sabagay paano nga pala kayo mag-usap sa gabi kung isa sa inyo ang wala kada gabi sa kwarto n'yo."
Patay-malisya lang si Mayang habang si Bibang ay pigil na pigil ang tawa.
" Lah! Doon kaya ako natutulog," rason ni Mayang kay Mrs. Madrigal.
" Righttt! Matapos n'yong gawing motel ang sagingan?" mataray na tanong ni Mrs. Madrigal.
" Nakuuu, sabihan mo yang si Caloy, Mayang ha. Kapag may ilang dahon pa ng saging ang gawin nyong higaan. Pababayarin ko na s'ya sa bawat dahon na kinuha nyo."
" Tita Madam naman, mi dala po kaming banig sa sagingan," inosenting protesta ni Mayang na ikina-halakhak ni Bibang.
Pigil na pigil din sa tawa si Mrs. Madrigal sa narinig. Hindi nito alam kong ano magiging reaksyon n'ya. Lihim din akong napangisi sa sinabi ni Mayang. Ayos din ang trip ng magnobyo na ito. Ginawang motel ang sagingan.
"Bakit kasi hindi na lang kayo magsamang dalawa? Ilang beses ko ng sinsabi yan eh."
"Tita Madam, ayaw ko nga po. Nid personal spays pa rin po. Nid ko rin po ang preydam sa mga gagawin ko." matatag na sabi ni Mayang.
Gusto kong magkamot ng balok sa pagsalita ni Mayang ng english pero tunog tagalog pa rin. Mukhang sanay na sina Mrs. Madrigal at Bibang sa kanya dahil napailing lang ito.
"Maloka talaga ako kung ikaw ang kausap ko. Hala, mag si trabaho na kayong dalawa at pwede ba kapag magbulungan kayo hinaan nyo ang boses nyo. Aba, abot sa hagdanan ang tinig n'yo eh," puna Mrs. Madrigal sa kanila at dumeretso sa pwesto ko. Napatayo ako bilang paggalang sa kanya.
Hilahad nito ang kamay para makipagkamay ako sa kanya.
" Hello Mr. Elias Sandoval. I'm Bernadette Madrigal. My husband called upon your arrival."
" Hello po, Mrs.!" magalang kong bati.
"Myyyy! You're so handsome para maging drayber lang. Anyway, have a seat again, Elias."
Sabay kaming napaupo na dalawa. Matiim n'ya akong tinitigan.
"Mamayang gabi pa ang dating ni Adeline kaya may oras ka pang makapagpahinga, Elias. Nasabi sa akin ng aking asawa na pansamantala lang ang iyong trabaho dito. May I know why?"
" I'm going to study Law next year, Mrs. Madrigal. Late Don Ramon asked me to continue my study, and be a lawyer someday. Pangarap n'ya po para sa akin," paliwanag ko sa kanya.
Napangiti ito sa'kin at tumango bilang approval sa sinabi ko. Naunawaan n'ya ang aking desisyon.
"That's good to hear." Bago pa man ito makapag patuloy sa sabihin dumating ang kasambahay kanina n nagbigay sa'kin ng meryenda. Nilapag nito ang isang tasa ng kape sa harap ni Mrs. Madrigal at isang may palaman na tinapay. Ibinigay n'ya rin ang isa sa akin. Mukhang bagong luto dahil sa mabangong aroma a na nagmumula dito.
"Now, let's talk about your work with Addie. You see, she love to drive but driving is not her best. Madalas itong magkaroon ng minor accident na halos kada linggo nasa talyer ang kotse dahil may gasgas or bumps ang kotse n'ya. She had few drivers before but end up fired because of their unnecessary behaviors towards her."
Uminom muna ito ng kape bago magpatuloy sa pagsalita.
" Because of her sweet personality, men take it in different level, something that she wasn't ready for it, and his father wont allow it either. Kaya hindi nagtatagal ang mga driver sa kanya. You're very handsome man but despite your pleasing appearance, my husband chose you because he heard you don't mix business with pleasure in your co workers and now, more importantly your employer."
Napatango ako sa kanya. "Wala po akong balak makipagrelasyon sa ngayon, Mrs. Madrigal. Tinapos ko na po lahat ng ugnayan ko sa naging karelasyon ko bago umalis."
"Mabuti kong ganoon, Elias. Siguradong matutuwa si Armando sa sagot mo.
"Next issue, sigurado narinig mo ang sinasabi nilang si bruhilda, right?"
Napatango na naman ako.
"My eldest step-daughther have kalandian sa katawan. His father is oblivious of her action still thinking his sweet little girls are still the same. Well, kung kay Addie, walang pinagbago pero sa panganay doon ka mag ingat. Ngayon pa lang sinasabi ko sayo, she will be the reason of your failure so keep your distance from her, kung ayaw mo matulad sa iba."
Tango lang din ang isinagot ko.
" Good. For your accommodation here, may maliit na cabin sa north side ng mansion, baka doon na pumunta sina Bibang at Mayang dahil tahimik ang bahay. Sila kasi nakatuka sa paglilinis."
" Salamat, Mrs. Madrigal."
" You're welcome, Elias. As you work, ipagdrive mo at maging bodyguard ka ni Addie kahit saan s'ya pumunta. She travels often dahil hands on silang magkaibigan sa mga project ng kanilang kompanya. Pero dito pa rin ang uwi nito maliban na lang kapag gabihin na talaga kayong husto. May bahay naman kami sa Angel's Haven Subdivision at si Madilynn lang ang madalas mamalagi doon. Si Addie hanggat ok ang panahon dito talaga iyon dumederetso."
Napatango pa rin ako.
" Do you have any question, Elias?"
Umiling ako. " Wala na po Mrs. Madrigal. Hihintayin ko na lang po si Don Armando gusto n'ya raw akong makausap. "
" He will only threaten you, for sure." She chuckled. " Pero mabuti na ring malaman mo ang gagawin n'ya kapag sinuway mo sya. My husband is good on his words but worst in his actions, especially to those who defy him."
Mrs. Madrigal told me a few more rules bago nya ako sinamahan sa titirhan ko rito. Tama nga s'ya patapos ng maglinis sina Bibang at Mayang sa paglilinis nang dumating kami.
Pang isahang tao lang talaga ng cabin. Isang kwarto at banyo saka sala. Soon pa rin daw ako kakain sa mansion. Kaya walang kusina dito maliban sa isang maliit na fridge.
"You can rest now, Elias. Lunch is always 12:30 in the afternoon kaya dapat naroon ka rin para makilala mo ang aming mga tauhan."
"Sige po, Mrs. Madrigal!" tugon ko.
"Good. Welcome to Hacienda Madrigal, Elias!"