Prologue
PROLOGUE
Si Elias Sandoval ay dalawamput-walong taon sa kasalukuyan, magandang binata bakas sa kaanyuan nito ang lahing arabo ng kanyang ama, may matikas na tindig at pangangatawan. Marami ang nahuhumaling sa kanya, mapadalaga, may asawa at matrona man. Marami na itong naging karelasyon ngunit puro panandalian, walang bahid na pagmamahal o anu pa man kundi sekwal lamang. Kilala itong mister simpatiko sa kanilang lugar dahil sa taglay n'yang karisma at pagiging matulungin.
Dalawangpung taong gulang pa lang noon si Elias ng makipagsapalaran s'ya sa Manila upang makatulong na itaguyod ang kanyang lola sa kanilang probinsya. Dahil sa hindi nakatapos ng pag-aaral ngunit may kaalaman sa pagmamaneho, pinipili n'ya mamasukan bilang driver. Isang mayaman na Don ang tumanggap sa kanya bilang driver nito. Matandang binata si Don Ramon at halos lahat ng pamilya nito ay nasa America naninirahan. Dahil sa angking kasipagan, pinaaral ng Don si Elias upang makatapos ito ng pag-aral bilang pulis.
Nagawang makatapos ni Elias sa kanyang kurso ngunit pinili n'ya pa rin na paglingkuran ang Don kahit itinutulak s'ya nitong magkaroon ng permanenteng trabaho. Maraiin ang pagtanggi ng binata at s'ya pa rin ang pinili nito, lalo na at may lubhang karamdaman ang Don at may taning na ang buhay.
Sa loob ng walong taon, naging tapat na driver si Elias ng Don hanggang sa binawian ito ng buhay. Parang mag-ama ang turingan nilang dalawa. Nagawang punuan ng Don ang parte ng buhay ni Elias na kulang dahil isa s'yang bastardo at inabandona ng kanyang ina na masaya na sa sarili nitong pamilya. Ang kanyang Nanay Lucing at ang Don lang nagbigay sa kanya nang kahulugan ng isang pamilya.
Sa pagpanaw ni Don Ramon, iniwanan n'ya ng malaking halaga ang binata at ipinamana ang sasakyan na madalas nilang gamiti upang magkaroon ito ng matiwasay na pamumuhay kahit wala na s'ya. Tinanggap man, walang balak si Elias na gamitin ito lahat, at piniling maghanap ng panibagong trabaho.Sa araw ng libing ni Don Ramon nakausap ni Elias ang malayong kamag-anak nito.
Si Don Armando Madrigal ay nagmula sa mayamang angkan sa probinsya ng Quezon. Pag-aari niya ang malawak na lupain ng niyugan, na panganunahing pinakukuhanan ng naturang produkto sa Pilipinas. May dalawa itong anak na dalaga, ngunit ang bunsong anak ang paborito nito at hinahanapan n'ya ng driver dahil hindi ito magaling magmaneho, at bodyguaurd kahit saan ito pumunta lalo na sa uri ng kanyang trabaho.
May ari kasi ito ng Fun and Plan Co. isang event planner. Pinatayo dalaga at bestfriend nito, hands-on ang dalawa sa kanilang negosyo at madalas sa field kaysa sa opisina.
Nakita ng Don ang potensyal ng binata at inalok ito ng malaking halaga para maging driver ng kanyang anak. Tinanggap ni Elias ang trabaho pero sinabi n'ya sa Don na pansamantala lang ito dahil may balak s'yang mag-aral sa susunod na pasukan sa abogasyo upang tuparin hanggad ng namayapang Don para sa kanya.
Naintindihan ng Don ang pangarap, kaya binigyan ni Don Armando ang isang buwan si Elias upang ayusin anu mang nais ayusin sa kanyang dating trabaho.
Sumang-ayon naman ang binata sapagkat hinihintay pa niya ang mga mahalagang dokumento mula sa abogado ng dating amo tungkol sa kanyang mana. Gusto n'ya rin na matapos ang apatnapung araw na pagluluksa n'ya bago umalis sa dating trabaho. At pormal na putulin ang lihim na relasyon n'ya sa isang biyuda na kanilang kapit-bahay.
Kung tutuosin maari siyang manatili upang silbihan ang pamangkin ng yumaong Don, na nagmana sa iniwang yaman nito ngunit tumanggi si Elias sa kagustuhang maka-iwas sa asawa nito na may pagnanasa sa binata. Mahilig man sa babae si Elias ngunit hindi s'ya pumapatol sa may asawa kaya mas naisin n'yang umalis, para sa ikabubuti ng lahat at makaiwas sa tukso.
*****
Adeline Madrigal, dalawangput-tatlong taong gulang, bunso at paboritong anak ni Don Armando. Kasama ng kanyang bestfriend buo sila nang maliit na kompanya para sa mga social events, ang Fun and Plan Co na ang main agenda ay event planning and catering sa lahat ng okasyon. Naging successful ang kanilang negosyo lalo na swak sa budget hanggang pang magarbo ang kanilang serbesyo.
Maganda si Adeline, maamo ang mukha at palangiti. Marami ang nanliligaw dito ngunit busted ang mga ito sa dalaga. Ilang taon na itong single dahil natakot s'yang lokohing muli ng isang lalaki. Nagkaroon kasi ito ng karelasyon noong nasa kolehiyo pa lang s'ya.
Mahigit isang taon din silang may relasyon nang malaman n'ya na pinagtataksilan s'ya nito. Ipinagpasalamat lang ni Adeline na hindi n'ya ibinigay ng buo ang kanyang sarili sa binata dahil iyon lang pala ang habol nito sa kanya. Nagfocus na ito sa kanyang negosyo at hinyaang ang tadhana ang magbigay sa kanya nang tamang lalaki na mamahalin.
Kinaiingitan s'ya ng kanyang panganay na kapatid dahil sa pagiging responsable. Madalas mag-away ang dalawa at alam ng dalaga na inaakit ng kanyang kapatid ang mga lalaki na binasted niya upang ipamukha sa kanya kung anu kanyang pinakawalan.
Binaliwala ni Adeline ang mga ginagawa nito at hinayaan sa gusto n'ya. Wala siyang balak patulan ang kalokohan ni Madilynn dahil lalo lang lalayo ang loob nito sa kanya. Isa pa, hindi siya nakikipagkompitensya sa kapatid kahit ito ang tingin n'ya sa kanya.
Supportado naman ng kanyang ama at madrasta ang kanyang mga desisyon. Kung tutuosin, spoiled s'ya sa mga ito. Sampung taong gulang s'ya ng pumanaw ang kanyang mama sa sakit na breast cancer at nag-asawang muli ang kanyang ama, na naging pangalawa n'yang ina. Hindi naman ito kasundo ng kanyang kapatid, pasaring nito kung kausapin ang kanilang madrasta at binabaliwala ang magandang pakitungo nito sa kanya. Maswerte sila na s'ya ang naging madrasta nila dahil mabait ito at maaalahanin.
Ngunit may kahinaan ang dalaga, hindi ito magaling magmaneho at ilang beses ng makabangga sa poste o harang sa gilid ng kalsada dahil dito. Sa takot at pag-alala ng kanyang ama pinagbawalan s'yang magmaneho, at hinanapan ng driver at bodyguard kung saan s'ya pupunta.
Nang mabalitaan n'ya na may nahanap ang kanyang ama na magiging driver n'ya pansamantala, may kung anong lumukob sa kanyang katawan. Nakaramdam s'ya ng galak na makilala ito, lalo na nang mapag-alaman n'ya na binata ang lalaki at may pangarap sa buhay.
She find herself looking forward to meet him.