ELIAS
Pasado na alas onse ng umaga nang magising ako. Naghilamos lang ako ng aking mukha at lumabas patungong kusina para magkape.
"Magandang umaga, pare!" Bati sa akin ni Bisoy. Isa sa mga tauhan ng mansyon. Nakatingin ito sa akin nang makahulugan.
Napatango lang ako at nagtempla ng kape ko.
"Ang ingay ng jugjugan nyo kaninang umaga, pre. Mabuti na lang at mahinang tunog na lang ang marinig namin mula sa kwarto mo, " bulong nito sa akin na nakangisi.
" Napasarap kaya di mapigilan ang ingay, " tugon ko naman. Hindi ko na kailangan pang-itanggi ang nangyari.
"Sino ang kasama mo, pre? Mukhang nag-enjoy talaga ang babae sa lakas ng ungol n'ya eh, " tanong nito. Lihim akong napailing. Tsk. Kalalaking tao tsismoso.
"Sekreto ko na iyon," sagot ko sa kanya. "Sige, Bisoy, magliligpit na ako ng gamit ko."
Umalis na ako agad sa kusina dala ang aking kape at ilang pirasong pandesal, bago pa man ito makatanong ulit. Wala akong balak ipahiya si Maria sa kanila at hindi ko ugali ipaglandakan ang mga katalik ko.
"Bisoy, nakita mo ba si Maria?" Halos mapahinto ako sa narinig kong tanong ni Aling Nena. "Tanghaling tapat hindi pa rin gising? Saan nagpupunta ang babaeng yan kapag gabi? Ang pinag uutos ko hindi pa rin ginagawa!"
Hindi ko na narinig ang sagot ni Bisoy at dali dali akong bumalik sa kwarto ko. Pagdating ko sa aking kwarto, agad kong tinawagan ang abogado ng namayapang Don upang ipaalam dito ang pag alis ko, at dadaanan ko mamaya ang mga dokumento na pipirmahan ko sa kanilang tahanan; dahil ngayon na ako aalis dito sa masyon.
Inayos ko ang aking mga kagamitan. Inilagay ko sa dalawang maleta ang aking mga damit, at sa malaking kahon ang ibang gamit ko. Una kong dinala ang mga maleta dahil may kalakihan ito.
Saktong pagbukas ko ng aking kwarto dala ang natititrang kahon at dumaan si Aling Nena. Napahinto ito nang makita akong buhat buhat ang kahon.
"Aalis ka na, 'nak?" Nagulat ito sa nakita. Nagtataka kung bakit napaaga yata ang alis ko. "Akala ko ba sa makalawa na?"
"Opo nay, tumawag na kasi Don Armando. Kinakailangan na ng kanyang anak ang driver. Napag-isip-isip ko po na umalis na lang ngayon. Dadaanan ko na lang ang mga dokumento sa bahay ni Attorney Santos," pagrarason ko sa kanya.
Alangan naman na sabihin ko na takot akong mapikot kaya ako aalis. Wala akong tiwala sa hindi ipagsasabi ni Maria ang nangyari sa amin kaya mas mabuti nang wala ako bago pa malaman ng lahat ang nangyari.
Malungkot man napatango na lang si Aling Nena. " Kung iyan talaga ang desisyon mo, humayo ka, nak. Huwag mong kalimutan na tumawag sa amin kung may pagkakataon ka?"
Matapos kong ilagay sa trunk ng kotsi ang kahon at sinarado ito, humarap ako kay Aling Nena at niyakap s'ya. " Salamat po, Aling Nena sa mainit na pagtanggap sa akin dito sa simula lang. Makakaasa po kayo tatawag po ako sa inyo. Ingatan n'yo po ang inyong sarili."
Kumalas ako ng yakap sa kanya at pinahiran ng aking palad ang kanyang luha. " Paalam, Aling Nena."
Hindi ko na hinintay pa na makita ako ng iba kong kasamahan sa trabaho, at pinaandar ang kotsi papalayo sa lugar na nagkaroon ng malaking bahagi sa aking pagkatao.
Dumaan ako sa sementeryo at pumunta sa puntod ni Don Ramon. Nagpaalam ako sa kanya saka nag usal ng panalangin. Sana gabayan n'ya pa ako sa panibagong yugto ng aking buhay.
Pagkatapos kong dalawin ang puntod ni Don Ramon, dumeretso ako sa bahay ni Attorney Santos sa bayan. Kailangan mapasa akin ang mga legal na dokumentong naiwan sa akin ni Don Ramon, upang walang hahabol sa mga pamilya nito sa anu mang ipinamana n'ya sa'kin.
Bumaba ako sa sasakyan at kumatok sa pintuan ng bahay ni Attorney Santos. Ilang segundo pa ang lumipas bago bumukas ito. Ang panganay na anak ni Attorney Santos ang bumukas ng pintuan.
"Magandang araw, Miss. Andyan ba ang iyong ama? May appointment kasi ako sa kanya," magalang kong tanong sa kanya at binaliwala ang pagnanasang nasa kanyang mata habang nakatingin sa kabuoan ko. Nanatiling blanko ang akong reaksyon.
"Hello! You most be, Elias Sandoval. I'm Kristine Santos. Come on in, " malambing nitong wika sabay ngiti sa'kin ng may pang-akit. Napatango lang ako at pumasok sa loob ng bahay.
"Follow me."
Nauna itong naglakad, na sinadyang magpakimbot kimbot ng kanyang bewang kabang naglalakad pero sa halip na maakit, napailing lang ako. Ni hindi man lang ito nakaapekto sa akin. Sanay na ako sa mga tulad nila. Ang ganitong uri ng babae ang aking iniiwasan.
Tahimik lang akong nakasunod sa kanya at kahit panay ang lingon nya sa'kin nanatiling ganoon pa rin ang reaksyon ko.
Kumatok ito sa pintuan ng opisina ng kanyang ama at binuksan ang pintuan ng inanyayahan kaming pumasok.
"Elias, mabuti at nandito ka na. Have a seat." Sininyasan ako ni Attorney na umupo saka ito bumaling sa kanyang anak.
"Thank you, Kristine. You may go now."
"Yes, Papa," tugon ni Kristine. Umingin sya sa'kin ng may pang akit at napakagat-labi pa ito. Hindi ko pinansin ang kanyan panglalandi, hanggang sa umalis na lang ito.
"Mabuti na rin na dito natin ito ginawa, Elias baka may makakaalam na may ibibigay akong dokumento na hindi alam ng kamag anak ni Don Ramon."
Dalawang dokumento ang inilahad sa akin ni Attorney. "Gusto kong basahin mo iyan, Elias at handa akong sagutin ang tanong mo."
Kinuha ko ang una at binasa; sa title pa lang ng dokumento nanlaki na ang mata ko. Tinubos kasi ni Don Ramon ang nakasalang lupain ng aking lolo at ipinangalan sa akin. Nakasaad sa dokumento na sa Enero sa susunod na taon tuluyan nga mapapasa aming muli ang malawak na lupain ng pamilya ko. Matagal na kasi itong nakasanla sa kaibigan ni lolo at halos nasa kalahating milyon na ang presyo nito pati na ang tubo ng pera.
Lalo akong napahanga sa kabutihang ipinakaloob ni Don Ramon sa akin. Alam nito kung paano ko pinag iiponan ang pera na pang tubos sa lupa.
"Pwede ka ng hindi magtrabaho kay Don Armando, Elias" payo sa akin ni Attorney.
"Nakabitiw na po ako sa salita at hanggang sa makahanap s'ya ng permanenting driver sa kanyang anak,"paliwanag ko sa kanya.
" Iyon lang, basta mag ingat ka, mahirap kalabanin si Don Armando," paalala nito sa'kin kaya napakunot ako ng noo.
" Wala naman akong balak kalabanin sya."
"Kung ganoon pigilan mo ang iyong sarili na umibig sa dalagang paglilingkuran mo, Elias. Kaya hindi makahanap ng matinong driver si Don Armando ay dahil sa mga lalaking umibig sa kanya. Tinanggap ka n'ya dahil sa reputasyon mo sa pagtatrabaho kay Don Ramon."
Tumango lang ako. Wala akong balak makipagrelasyon kahit kanino.
" Maari naman s'yang kumuha ng pamilyadong driber, Attorney," turan ko.
" Maging sila hindi maiwasang pagnanasaan ang dalaga, Elias. Mabait kasi ang dalaga at palakaibigan. Hindi ito tumitingin sa antas mo sa buhay. Bagay na nakakaakit nga lalaki. Ilan na rin ang nabugbog ng tauhan ni Fon Ramon dahil sa kamaliang iyan," paliwanag nito.
Nagkibit-balikat lang ako. Mabuti na lang hindi ko hinahaluan ng 'monkey business' ang trabaho ko.
" Huwag po kayong mag- aalala, Attorney , tanging trabaho lang ang pagbibigay kasiguraduhan ko kanya.
Tumango ito na mga pag-alinlangan, maging s'ya hindi kumbinsibona maari ko itong magawa.