Chapter 5
Iris
“He must be missing her so much, Tita. Baka naman bumili lang ng pangregalo si Achilles kaya po wala sa opisina niya? I’ll ask Adam about it!”
Nang makalabas na silang dalawa ay saka pa lamang kami nakahinga nang maluwag. Hindi ko akalaing halos magkapareho ang epekto ng mag-ina kapag nandito. Nagagawa nilang patigilin ang paghinga ng marami nang walang ka-effort-effort.
I went back to my table. Ginalaw ko ang mouse at tahimik na nagtrabaho. Pero ang totoo ay wala ang focus ko roon.
There was Zonia. His fiancée. The girlfriend. The real girlfriend!
Naghihintay daw sa office niya?
I scoffed but I could feel the vile over my taste bud. Wala akong narinig na salita mula kina Mabelle at Lean. Pero dumating si Sir Adam. Nilapitan ako at inakbayan sa balikat habang nakaupo pa ako.
“Okay ka lang?” pag-aalala niyang tanong sa akin.
Mabilis akong um-oo at tumango pa.
Kumunot ang noo niya. “You sure?”
I smiled. “Yes, Sir. Ano bang iniisip niyo?” natatawa kong tanong. Binalik ko ulit ang paningin sa monitor. Ano nga bang ginagawa ko ngayon? Ngayong nalaman kong may mapapangasawa na pala si Achilles.
Napalunok ako. I didn’t mention that I like him. Not even started to like him. I just discovered something new about him. What went wrong was . . . he didn’t mention that he has a girlfriend!
The worst was I let him kissed me. Not only once.
Hindi ko malaman kung anong dapat maramdaman. Magalit ba? Malinaw naman na hindi kami. Nilinaw ko iyon sa kanya. Ang mairita, pwede pa. Dahil malinaw pa sa mineral water na nagsinungaling siya sa akin.
Kaya pala walang text ngayon. Akala ko nagtatampo lang dahil sa nangyari sa kagabi. Iyon pala, dumating na ang legit niyang babae.
Ang kapal ng mukhang ligawan ako at suyuin ang Mommy gayong may pakakasalan na pala. Ano iyon? Ginawa niya akong reserba? Pamlipas-oras ako habang nasa ibang lugar naman ang totoong nobya niya.
Naiirita lang ako. Dahil nagpahalik din ako sa kanya at pumayag. Naiirita ako dahil nagpadala ako sa mga matatamis niyang salita. Naiirita na ako dahil oo-nagustuhan ko rin ang halik niya kahit siya pa lang ang nakagawa no’n sa akin.
Nakakairitang maloko ng lalaki!
Kaya rin siguro atat-atat siyang maging girlfriend ako ay para makuha niya rin ang gusto sa akin.
Mapakla akong tumawa. Nakakairita!
Sa akin pumanig ang mga kaibigan ko. Julia was very happy. Happy that I was fraud by his rich friend and our boss.
Sa sumunod na araw ay pumunta ulit sa bahay si Achilles. Hindi na ako nagpakita.
“Sabihin mo na lang, Mi, may sakit ako. Nagtatae kamo,”
“At bakit ko naman sasabihin ‘yan?!” taking-taka niyang tanong. Kanina lang ay sabay kaming kumain kaya alam niyang wala akong iniindang sakit.
Napakamot ako ng buhok. “Ayokong magpakita, ‘Mi. Sabihin mo rin ‘wag nang bumalik.”
“Ha?!”
Sinarado ko na kaagad ang pinto at ni-lock. Bumalik ako sa paghiga sa kama. Bumalik ako sa pakikinig ng music. Sinuot ko ang earphone para hindi na ulit marinig ang pagkatok sa pinto ni Mommy.
Hindi ako tumayo kahit ang sumilip sa bintana kung nakaalis na ba si Achilles. But then I received a text from him.
Achilles:
Are you okay? Do you need my help? I’m worried.
I tsked his text messages. I didn’t reply. The worst that I could do was to block his number. But I didn’t do it. Hindi pa naman ako ganoon kahulog sa kanya.
Totoo nga siguro na may darating na tao sa buhay natin pero dadaan lang at mag-iwan ng lesson. Baka ganoon si Achilles sa buhay ko.
Then why the hell Ridge didn’t tell me about his girlfriend?
But . . . but . . . did he know about me and his cousin?
Baka hindi naman. Hindi rin naman alam ni Ridge na nanliligaw ang pinsan niya sa akin. Pero iyong comment sa litrato . . . kung makabara siya kay Sir Adam ay para bang may alam siyang hindi ko alam.
Napasabunot ako sa sariling buhok. “Stress, stress lumayo ka sa akin!” I recited for myself.
Binagsak ko ang katawan sa kama at tumitig sa kisame.
“Babalik daw siya bukas. Baka okay ka na raw no’n.”
Hindi ako sumagot. Late ako uuwi para wala na akong abutan dito.
I stopped replying to his text messages. Good thing, hindi niya ako ginugulo sa opisina. Hindi na niya iyon magagawa kasi nandito na ang fiancée niya. Baka makarating pa sa Mama niya ang pakikipagmabutihan sa akin kapag pinagpatuloy niya pa ako. And there was Julia. Tiyak na magsusumbong iyon.
Makalipas ang isa pang linggo ay hindi na nga kami nagkikita ni Achilles. Pakiramdam ko naman ay nakausad ako. Lalo na’t naging laman na lang siya ng usapan naming magkakaibigan.
“Kailan kaya ang kasal nila?” tanong ni Mabelle habang kumakain kami ng ice cream sa canteen.
Hindi ako umimik. Pero nakita ko ang pagbunggo ni Lean sa kanya.
“Ano?” reklamo ni Mabelle.
“Bakit mo ba tinatanong? Wala na kayong pakielam doon. Imbitado ka ba?”
“Hindi naman naging sila ni Iris, ah. Kaya pwede naman tayong pumunta, ‘di ba?”
“Asa ka. Tiyak na puro alta sa siyudad lang ang kukumbidahin at ekis tayo roon!”
Nangalumbaba ako. “Tiyak masarap ang pagkain do’n.” komento ko.
Sabay silang napalingon sa akin na para bang namaril ako.
“Ano? Bakit gan’yan kayo makatingin?”
Nagpakurap-kurap si Lean. Hinawakan ang mukha ko. “Hindi ka affected?”
“Oo nga,” segunda sa kanya ni Mabelle.
Nagsalubong ang mga kilay ko. “Hindi ‘no! ‘Buti nga hindi ko sinagot at nalaman ko agad ang totoong pagkatao no’n.”
“Kung hindi mo nalaman, sasagutin mo rin ba si Sir?” kuryosong tanong ni Mabelle.
Kung pwede ko nga lang mabawi iyong halik ko, babawiin ko talaga! E, kaso, wala. Hindi na pwede. Past is past na lang. May future pa naman ako.
“Hindi ko alam.”
“Pero nadinig ko, nitong mga nakaraang araw daw ay naging mainitin ang ulo ni Sir Achilles. Marami ang nasisigawan sa taas,”
“Baka kulang lang sa kiss.”
Binalingan ako ni Lean. “Ni Iris?”
I rolled up my eyes and smirked. “Meron naman siyang ibang mapagkukunan no’n. Bakit ako pa?”
“Nag-kiss na nga kayo?!” sabay na naman nilang gulat na tanong.
“Sssh!” saway ko. “May sinabi ba akong nag-kiss na kami? Wala naman, ah!”
Nilapit ni Mabelle at Lean ang mga mukha sa akin at pinatitigan akong parang kriminal.
“Weh? Sa sampung sinabi mo parang labing-isa ang mali, Iris.”
“Oo nga. Tama ka. Hindi ako naniniwalang hindi pa kayo nagki-kiss. Ang sama makatitig sa ‘yo dati ni Sir, e!”
Kulang na lang ay tahiin ko ang mga bibig nila dahil sa sobrang daldal. Now, Achiles was an old news for me. Parang ang bilis ng mga pangyayari. Noong nakaraan lang, nagde-date kami. Tapos ngayon, laman na lang siya ng chismis naming tatlo. Though, I really didn’t like. Pero kapag sinabi ko namang huwag nang pag-usapan ay iisipin nilang may gusto ako roon. No! Hindi ako papayag.
Pagkatapos ng break ay bumalik din kami sa opisina. Naabutan ko ang isang babaeng nakatayo sa tabi ng table ko. Nang lumapit ako roon ay agad niya akong nginitian. She was wearing a black skirt and a white longsleeves polo. Naka-hang sa kanyang kwelyo ang suot na company ID. May hawak na ballpen na panay ang pindot sa dulo. Maayos naman ang pagka-ponytail ng kanyang mahaba at straight na buhok.
“Good afternoon, Ms Iris?”
I curiously nodded.
“Yes! Uh, pinapatawag ka po ni Mr Castillano sa opisina niya. Ngayon na raw po, Ms Iris.” Malinaw niyang sabi sa akin.
Hindi na ako no’n nakapagsalita pero nalingunan ko pa si Mabelle sa gilid ko na nakinig sa sinabi ng babae.
Sumama ako sa kanya pag-akyat sa taas. Noong una, habang nasa elevator ay nakaramdam ako ng matinding kaba. Ngayon pa lang ako napatawag sa taas. Pero habang umaandar ang lift ay nabawasan din ang kaba ko. Naging, curious ako. Alam kong wala akong ginawang mali sa trabaho. Kung may dapat namang ipatawag ay sina Julia o Sir Adam. Dahil sa proyektong naipasa nila. Pero ako kasi, wala.
Mr. Castillano. Ha? Ilang araw ko siyang iniiwasang makita. Isang tawag lang pala niya sa opisina niya ay wala rin akong takas.
“This way po, Ms Iris,” turo niya sa akin.
First time kong makaakyat dito. Mas tahimik pala ang floor nila. Siguro ay dahil katatapos pa lang ng break. May mga naririnig akong tipa sa keyboard, ring ng telepono, hum ng printer at ilang maliit na pag-uusap. The typhical office ambiance.
Nang huminto siya ay huminto rin ako. Dalawang beses siyang kumatok sa kulay brown na double-door na pintuan at saka pinihit ang door knob pabukas. Pagkatapos ay gumilid ito at minuwestra sa akin na pumasok.
“Mm, thank you, Miss.”
“Ara na lang, Ms Iris.” Sabi niya.
I smiled at her again. “Thank you, Ara.” Tinulak ko ang pinto. Marahan at saka humakbang isang beses. Lumabas agad ang lamig mula sa loob ng opisinang iyon. Sumilip ako. I only saw the gray couches and little table for visitors. May wall pa kasing nakaharang. Pumasok pa ako at marahang nilapat ang pinto. Naiwan ang mga kamay ko sa doorknob.
Mas narinig ko ang paghinga ko. I could hear the click from the computer mouse. Nagmumula ang mahinang tunog mula roon sa likod ng wall. Humakbang ako sa entrance. Hindi naglilikha ng tunog ang sapatos ko dahil sa kinakain ang iswelas ko ng malambot na itim na carpet.
Sumilip ako sa gilid ng pader, saka ko nakita ang mas malaking espasyo ng opisina. Sa kanang bahagi ko ay naroon ang malaking working table ni Achilles. He looked like a bored King. Nakapangalumbaba ito habang nakatingin sa kanyang laptop.
Lumipad ang mga mata niya sa akin. Ang kaninang seryosong mukha ay mas naging seryoso pa yata nang nakita ako.
Wala na siyang suot na coat. Nakaputing longsleeves ito na walang kurbata. Naka-tuck-in pa rin sa baywang pero tinaas na niya hanggang sa siko ang mga manggas kaya tiyak kong pinagmalupitan na ang plantsado niyang damit.
Umayos ako ng tayo at tumikhim. I remained calm and very, very impassive.
“Pinatawag niyo raw po ako, Sir Achilles?” I asked with formality.
He stared at me. He didn’t move.
Nagtagal kami sa ganoong eksena sa loob ng halos isang minuto. Ako na ang unang umiwas ng tingin. I immediately scanned the design of his office. Dating opisina raw ng kanyang ama at pinamana rin sa kanya. I saw a colorful and big framed painting. Nakaharap sa kanya. I figured, dahil sa nature ng business nila ay asymmetrical din ang concept ng kanyang opisina. Pero hindi. Malinis, maluwag, malamig at simple lang din. Ang ganda kasi ng building nila kaya inasahan kong mas lalo na sa opisina niya. Nagkamali ako.
Nagtagal ang pananahimik niya at paninitig sa akin.
Malakas akong tumikhim. Naging awkward na nga ang pakiramdam ko. Mabigat akong bumuntong hininga. “Kung wala kang importanteng kailangan ay babalik na lang ako sa baba-“
“Did I tell you to just stand there?” he cut me off.
Mangha akong napalingon sa kanya. “H-ha?”
“I should have been the one to ask you, why are you avoiding me? Right after our hot makeout in my car? Ha, Iris?” magaspang at tila galit niyang tanong sa akin.
Nanigas ang lalamunan ko. Dala ng gulat, kaba at pati ng malakas niyang air conditioning. Hindi ba siya giniginaw dito tapos mag-isa lang siya?
Oy, oy, oy! Malamang na hindi siya rito madalas na mag-isa dahil nakauwi na nga pala si Zonia. The real girlfriend!
I scoffed. Hindi ko na napigilan ang sariling humalukipkip. I even flipped back my hair. Mas lalo siyang tumitig sa akin.
Yes. Inalagaan ko ang buhok na pinaayos nina Mabelle at Lean. I even upgraded my clothes. Ngayon nga ay naka-dark skinny jeans ako, squared-neck top at black stilleto. Sinigurado kong kumportable naman ang mga suot ko. Pati ang paglalagay ng pangkulay sa mukha ay inaral ko. Now, I like enhancing my brows and putting colors on my cheek and lips. I even looked for good and affordable perfume. Iyong hindi ginto ang presyo pero mabango naman.
Napapatingin sa akin sina Julia. Kapag nahuhuli ko ay iirapan nila ako ng matindi.
I did it for myself. Not for everybody. Or for someone. Period.
“Hindi kasi ako pumapayag na maging reserba mo, Achilles. If you want a hot makeout again, better go to your fiancée and do it with her.” Mapakla at galit ko ring sagot sa kanya.
Pagkatapos dumating ng fiancée niya ay nagtataka pa siya kung bakit ako umiiwas?
“Fiancée? Nakita mo na si Zonia?” kumunot ang noo niya.
“Tsk,” parang tunog casual naman yata ng pagkakatanong niya. Feeling ba niya, okay sa akin iyon? “Hindi ko siya kailangang makita. Alam kong meron kang fiancée!”
I wanted to kick his so-perfect-sculptured face. I wanted to put an end to whatever’s left in between us. Kaya lang, naalala ko, wala pa lang kami. Kaya mas madali kong matatapos ang kung anong meron man sa aming dalawa.
“Kung sobrang kating-kati ka na, mas maiging hintayin mo na lang ang kasal ninyong dalawa imbes na gamitin ako!”
He stood up. Nabigla ako at napatraas. Ang galit ko ay lumalasa na sa dila ko. I raised my voice then he stood up like as if he was going to fight back.
“I can see that you’re jealous.” Mahinahon niyang salita.
Ngumisi ako. Grabe. Ang kapal.
“I’m not jealous. I’m mad at you. Manloloko ka.”
Pagkatapos tumayo ay namulsa siya at umikot sa harap ng kanyang mesa. He sat and crossed her long legs. Then he started staring at me.
“Zonia and I are childhood friends. Malimit pag-usapan ng mga magulang namin ang tungkol sa pagpapakasal naming dalawa pero wala talaga kaming malinaw na usapan tungkol d’yan. Hinahayaan namin ang isa’t-isa na magkaroon ng ibang karelasyon dahil hindi naman kami.”
“I don’t care. You can go on with your life!”
“We can call off the wedding if we want to. And I want to.”
“There must be a misunderstanding between you and your mother. Dahil tinawag niyang fiancée mo ang naghihintay sa opisina mo.”
“So, that’s why you’re avoiding me, huh? Because you’re jealous.”
Namilog ang mga mata ko. I wanted to scream my lungs out but that would be a sign of being defeated. So, I calm myself first. I closed my eyes and massaged my temple.
“Hindi ako nagseselos, Achilles. Hindi kahit kailan.”
“Then why are you avoiding me?”
Mangha ko siyang tiningnan. “May girlfriend ka na! Tapos ay nanliligaw ka pa sa akin?! Anong gusto mong patunayan sa p*********i mo, ha? Na two-timer ka? Na sobrang gwapong-gwapo ka sa sarili mo kaya gusto mong maging boyfriend ko?”
“I don’t have a girlfriend yet.”
“You’re lying!”
“Zonia’s not my girlfriend nor my fiancée. If there’s anyone who I wanted to be my girl, she’s just in front of me and beautifully angry at me. She’s so gorgeous. Especially when she’s showing her fangs like she wants to bite me. ” he smirked.
Napangiwi ako. He was so good at this. Sweet and praising words. Nabarkada nga pala ito sa pinsan niyang si Ridge kaya ganito siya magsalita. Plus, the good looks and background. Sinong hindi magkakagusto rito?
I couldn’t say yet, that I like him. But . . . but . . .
I always ignored Achilles. That was before. Now, I wanted to ignore him once again.
Pakiramdam ko, sobrang komplikado ang maiugnay sa kanya. Napakayaman niya. Gwapo. Malaki . . . ang katawan. Maipaglalaban ka sa lahat ng digmaan pero pagdating sa usaping pamilya, ayaw ko.
Bakit ko siya hinayaan na manligaw?
Basted na nga una pa lang.
Hindi ko na napigilan na ituloy niya iyon ulit.
Then I looked at him. He was still quietly staring at me. Gumagalaw na naman ang panga niya.
Gusto kong malaman kung anong iniisip niya ngayon sa akin. Pero walang lumalabas sa bibig ko.
I was nervous. Gusto ko na lang na tumalikod at tumakbo palayo sa taong ito na parang magnet na yata sa kakulitan.
After a long silence, he spoke.
“May pag-asa ba ako sa ‘yo, Iris?”
Natigilan na naman ako. That was a straight question coming from a suitor.
I gulped. “Noong sinabi kong ‘wag ka nang manligaw, sa tingin mo binibigyan kita ng pag-asa?”
He gulped. Nagbaba ng tingin.
I sighed. “Let’s just stop this, Achilles. Ayoko talaga ng magulong relasyon. Sinabi ko na naman sa ‘yo noon na ‘wag na. ‘Wag na talaga.”
Nagulat siya at mabilis na nag-angat ng mukha.
“Misunderstanding. Yes. Baka nga. Pero tapusin na rin natin dito. ‘Wag ka nang pupunta sa bahay. ‘Wag ka nang magt-text at tatawag. At ‘wag mo nang kausapin ang Mommy ko. Let’s stop this here. Okay?”
Umigting ang panga niya. Noong una ay kinabahan ako. Iyong mga titig niya sa akin ay parang may mga sinasabing ayaw pakawalan. Hinanda ko ang sarili sa kanyang protesta.
Pero hindi iyon nangyari. Sa halip, may inabot siyang puting sobre mula sa gilid ng kanyang mesa, sa tabi ng laptop.
“I’m going to an event. This. And I want you to come with me, Iris.” mababang boses niyang salita.
Nakatungo siya roon sa labas ng sobre. Hindi ko na tiningnan pa. A party. With him again? I bit my lower lip. Umiling ako. Kapag pinutol na ang tali, hindi na dapat magtakang itali pa iyon para magdugtong ulit.
Siya at ako ay tapos na.
Tahimik akong lumabas ng opisina niya. Hindi ko siya sinagot. Hindi niya ako tiningnan. Hindi niya ako pinigilan. Understood na iyon na hindi ko tinanggap ang imbitasyon niya. Sa iba na lang. O kaya’y si Zonia ang isama niya.
Mabigat akong umupo sa harap ng table ko. Mabigat ko ring pinatong ang braso sa mesa. After what happened and did, ganito pa ang naramdaman ko?
Baka sa umpisa lang ito. Kapag naglaon ay babalik din sa dati ang lahat.
**
He didn’t text me again. Okay. That was good. He didn’t call me anymore. Okay. That was fine. He didn’t visit me in the office. I was glad he did.
Ang pananahimik ni Achilles ay naging magandang senyales ay hindi ko na rin makikita ang Mama niya. Kung tingnan man niya ako ulit, hindi na ako kakabahan dahil tapos na ang panliligaw ng anak niya sa akin.
And for Zonia, the childhood friend and wife-to-be, she would be happy because I am now out of the picture.
Tinawagan ako ni Ridge. Inimbitahan niya akong sumama sa event na pupuntahan niya.
“Bakit hindi si Ellie ang isama mo? ‘Di ba magkasama na kayo sa iisang bahay?”
Natahimik siya sandali. Bakit kaya hindi pa niya pakasalan? Gayong ang tagal-tagal na niyang mahal si Ellie.
“I don’t want her to be seen by other men. Not yet. Kapag sigurado na akong akin na siya, saka ko isasama sa mga susunod na event.”
Napabuntong hininga na lang ako. At sinabi sa kanyang wala akong damit na susuotin. Walang problema iyon kay Ridge dahil siya na rin daw ang bahala.
“Bakit ‘di ka na lang pumunta mag-isa ro’n? Bakit kailangang kasama pa ako?”
He heavily sighed. May kaluskos akong narinig. Kumunot ang noo ko. Then, I heard clinks of dishes. Probably, glasses.
“I just thought you’re perfect to be there. Do you want to meet veteran architects, right? So, I thought of you.”
“Wow. Ang sweet. O sige, payag na ako. Basta sagot mo na ang susuotin ko, ha? Wala nang bawian ‘yan!” I chuckled in the end.
“Yes, ofcourse. We’ll send your dress tomorrow.”
“Wow ang bilis,”
He laughed. “You know me.”
“Whatever!” pinatay ko ang tawag at agad na tumingin sa salamin ng tokador.
Party! Ridge really knew me when it comes to my career.
At tulad nga ng pinangako niya ay dumating kinabukasan ang gown na susuotin ko. Napa-wow kaming dalawa ni Mommy. Si Mommy ang nag-ayos sa akin. Susunduin daw ako sa bahay ni Ridge. Sandali lang daw naman kami roon at uuwi rin.
I didn’t even tell Mabelle and Lean about this. Kasi, baka sabihin nila na Castillano na naman. Though alam kong iba si Ridge ay hindi ko na binanggit pa.
I remained calm but very excited when we arrived at the party. Agad nga akong humiwalay kay Ridge para makakilala ng ibang beterano at magagaling na architect.
Ang ganda ng venue. Ang gaganda ng mga babaeng nakita ko. Lumapit ako sa buffet table. Sinilip ko ang mga nakahanda roong pagkain. Mukhang masasarap. Isa pa naman itong sikat na hotel sa Pilipinas. Buti at sumama ako kay Ridge!
Nang may dumaang waiter ay inabot ko ang isang champagne glass. Sumimsim ako habang nakamasid sa paligid. Nagustuhan ko ang lasa kaya sumimsim ako ulit. Nahagip kong umiinom na rin si Ridge at busy sa pakikipag-usap sa isang matandang lalaki. Businessman din siguro iyon. Super serious ang mga mukha nila.
Nang tanungin ko nga sa kanya si Ellie, ang sabi niya ay natutulog na raw. Everytime I asked about her, his stance was always guarded. Para bang ingat na ingat siyang may masabi patungkol sa kanya. For all I knew, he was so in love with her. Noon pa. Alam kong patay na patay siya kay Ellie niya.
“Hi,”
Napalingon ako sa isang lalaking lumapit sa akin. Matangkad siya at medyo payat. Maganda ang ngiti.
“Hello.” Magalang kong sabi.
“Are you alone?” tumaas ang mga kilay niya.
“Naku, hindi. I’m with Ridge. He’s my friend.” Itinuro ko ang dereksyon kung nasaan siya.
“I see. From what company are you?”
Pinagmasdan niya ako.
“CDC. Ah, Castillano Develepment-“
“I know that company. That’s pretty big time, huh?” natatawa niyang sabi.
“O-oo nga,” tumango-tango ako at sumimsim ulit sa hawak.
“My bad. I’m sorry I forget to introduce myself. I’m Lance Howard,” he offered his hand.
“Iris Lewis-“ natigilan ako nang mahagip ng mga mata ko ang isang kilalang pigura. Kumurap-kurap pa ako kung tama ba ang nakikita. Pero bumalik ang atensyon ko kay Lance nang pisilin niya ang kamay ko.
“You have a beautiful name. It really suits you, Iris.”
“Ah? Thank you,”
Binalik ko ulit ang mga mata sa pigurang nakita. Ngayon ay mas malinaw ko na siyang nakikita at hindi na natatakpan ng mga tao.
Hindi ko alam na nandito rin pala si Achilles. Ridge didn’t tell me. Well, I didn’t ask too!
Katulad ni Ridge ay nakasuot din ito ng complete corporate suit. His body looked so masculine and bigger frame. Kaya naman ang mga leeg ng ilang kababaihan ay umiikot para makita siya. And he was looking at me! Nagsalubong ang mga kilay niya at pumihit palapit sa kinatatayuan ko!
Humakbang ako paatras. Para akong nasa dagat at si Achilles ay tila pating na papalapit sa akin.
“You okay, Iris? Sino bang tinitingnan mo-“
“E-excuse me, Mr Howard. I-I need to go to the ladies’ room,” may pagmamadali kong paalam sa kanya.
“Oh. Ihatid na kita-“
“’Wag na!” awat ko agad.
Tinalikuran ko na siya. Hindi ko alam kung nakita o kilala niya si Achilles. Pero alam niya ang kumpanya niya kaya siguro-ganoon na rin iyon.
Lumusot ako sa pwedeng lusutan. Nag-excuse sa mga nararanaan at nag-sorry sa mga nabunggo ko. Ito kaya iyong event na gusto akong isama ni Achilles? Kaya ba galit na galit siyang makita ako rito kasi sa iba ako sumama imbes na sa kanya?
“Shit.” I murmured at myself. Hindi ko naman alam!
“Iris.”
“s**t!” I walked faster. Narinig ko na sa malapit ang malaking boses ni Achilles.
Malalaking hakbang akong lumapit kay Ridge. Iba na ang kausap niya ngayon. Matangkad din at mas bata kaysa kanina. Umaalon ang dibdib ko nang lapitan ko siya at umabrisiete sa kanyang siko. Napatingin silang dalawa sa akin.
Ridge’s brow arched for me.
“Iris,”
I was calming myself. Then I looked at my back. Nakita kong huminto sa paghakbang si Achilles. He looked down at my arm.
Napalunok ako. Agad kong inalis ang tingin sa kanya nang paakyat na rin ang paningin niya sa akin.
“Sorry!” Ginawa kong pamaypay ang kamay ko. “Ang init na pala,” ang awkward ng tawa ko pero tinuloy ko pa rin.
Lumingon sa likod si Ridge. Pinagpatuloy ko ang pagpaypay dahil ramdam ko ang butil ng pawis sa noo ko.
“Para kang nakakita ng multo.” Ridge commented. He looked down at me. Then grinned.
“Ha? Paanong magkakamulto rito. E, ang daming tao.” sinabayan ko iyon ng tawa.
“A ghost from the past?”
Kumunot ang noo ko.
“If there’s someone bothering you, Iris. You can ask a help from me. I won’t let you hurt by anybody.” Seryoso niyang sabi sa akin.
Hilaw ko siyang tinawanan. “Sabi mo ‘yan, ah.”
Paano kung pinsan mo, Ridge? Kaya mo ba akong ipagtanggol doon?
Hindi ko na tinanong iyon sa kanya. Pinakilala niya ako sa lalaking kausap niya at madaling nag-resume ang pinag-uusapan nila. Tapos ay may siyang kilalang socialite ang lumapit sa amin. Kilala niya sina Ridge ang kausap nito.
“Sinong gumawa ng gown mo?” malaking ngiting tanong niya sa akin.
Sinulyapan ko ang suot na bigay ni Ridge. Ang sabi niya kanina ay binili raw ito. Nakita ko lang sa box iyong pangalan ng gumawa at sinabi rito.
Namilog ang mga mata niya.
“Wow! I knew his works! Can I take a picture with you, Miss Iris? With Mr Ridge Castillano?”
Tumabi siya sa akin at tinaas ang cellphone. Nilingon namin si Ridge pero busy pa rin ito sa pakikipag-usap. Nagkibit-balikat na lang ako at ngumiti sa camera.
“Thank you!”
“Thanks!” sagot ko.
Pagkaalis niya’y nakita kong nagta-type na ito sa cellphone. Then I saw Achilles’ eyes again. He looked at me like as if there was a narrowed path in front of me. Napalunok ako at umatras ulit. Tumabi ako kay Ridge na nakikipag-usap pa rin.
I didn’t know what was in Achilles’s mind. I didn’t like it either.
We’re done.