Chapter 4
Iris
Pagkagising ko kinabukasan ay una kong tiningnan ang social media account ko. Unang tumambad sa akin ang picture na in-upload ni Lean account niya. Naka-tag ako pati si Mabelle. Nakaharap kaming lahat sa malaking salamin. Nasa harapan ako katabi si Lean. Samantalang si Mabelle ay nakatago sa likod ko at naka-peace sign at nguso.
Sa picture ay kitang-kita ang kabuan ko. Tinaas ko nang kaunti ang kanang balikat. Medyo na-empasize ang shoulder blades ko. Ang mga kamay ko ay magkasalikop sa harap ng tiyan ko. Nakaekis din ang mga paa ko. I was smiling without showing my teeth. Iyong red lipstick ay nagpakita ng shape ng labi ko. And it received a big numbers of likes and hearts. Pati comment ay umabot pa ng halos 300! Binasa ko iyon isa-isa.
Mabelle Arnaiz: Ganda ni Iris!
Leandra Bernabe: Syempre. Alam mo na kung sino ang stylist hahahaha
Napangisi ako. Pa-suspense pa itong dalawa. I scrolled down and I saw a lot of comment. Iyong iba ay mga friends ko at kaklase dati. I even read Ridge’s ever single word.
Ridge James Castillano: Wow.
Kasunod ng kay Sir Adam.
Alexander Damien Rivera: The lady in black dress is gonna be mine.
Namilog ang mga mata ko. Napabangon ako. Sobra naman kung maka-comment si Sir! Sa comment niya ay nagkomento ulit si Ridge at mga kaibigan nila ni Achilles. Kahit si Julia.
Ridge James Castillano: You sure?
Julia Gerlie Oliveros: Pagsabihan mo nga, Ridge!
Another man commented.
Jeric Palermo: Oo nga. Sigurado ka ba talaga? Baka hanggang salita ka lang?
Julia Gerlie Oliveros: Hahahahahaha boom, Adam!
Alexander Damien Rivera: Wait and see.
Kumunot ang noo ko. “Wait and see?” sambit ko. Ano kayang ibig sabihin? Tiyak na siyang may pag-asa siya sa akin? Ganoon ba iyon?
Iyong usapan ay unti-unting nalihis sa ibang topic. Wala nang kinalaman sa litrato. Hindi ko na binasa lahat dahil halos biro lang naman. Iyong iba ay nakakangiti pa ako. Pero kapag nagko-comment si Julia at kakilala iyon ay para niyang binabara.
Tiningnan ko iyong mga friend request sa akin. Napa-O shape ang labi ko nang makita ang pangalan ni Achilles. Tiningnan ko ang profile niya. Then I grimaced when I saw my picture as his profile banner! Naka-crop na sina Mabelle at Lean. Ang bilog n’yang profile picture ay leeg niya na kita ang kurbata. Tapos ang mukha ko ay nakabandera sa account niya!
“Damn.”
So, nakita na pala niya ang litratong ina-upload ni Lean. Kahit sina Sir Adam ay hindi niya friends. Ito yata ang unang beses niyang magkaroon ng account o binuhay niya lang ito ngayon.
Sa huli, I accepted his friend request. He was online too!
May nag-pop up sa notification. He commented on the photo.
Achilles Castillano: My girl. f**k off everyone.
Nabitawan ko na ang cellphone ko at nabilaukan pa sa sarili kong laway. Mangha akong nagpalingon-lingon sa paligid ng kwarto pero iba naman ang tumatakbo sa isipan ko. Makakakain pa kaya ako nito mamaya?
Pagkatapos ng pagdalaw ni Achilles kagabi ay naging madalas na rin ang pagti-text niya sa akin. Nahigitan pa ang number of text ni Sir Adam. Kung minsan ay nagsasabay sila kaya sabay ko ring niri-replayan. Tulad ngayong araw.
Sir Adam:
Nakasakay ka na ba? Pwede kitang sunduin sa inyo?
Ako:
Nasa byahe na po ako, Sir. But thanks!
Achilles:
Can I call you at lunch?
Ako:
Bakit?
Achilles:
Gusto kong marinig ang boses mo.
Pagkatapos ay papasok naman ang text ni Sir.
Sir Adam:
Okay. Ingat ka.
Hindi ko maiwasang maramdaman si konsensya. Kahit na alam kong wala naman akong ginagawang mali. Pero bakit ganito? Wala naman akong pinangakuan. O dahil ba sa magkaibigan ang dalawa at sabay kong kinakausap?
This was not a battle! Ni hindi nga ako confident sa mga pangyayari sa personal kong buhay. Binasted ko na nga si Achilles pero pursigido naman. Si Sir Adam ay kailangan ko pang kausapin pero nababaitan ako masyado sa kanya. Like, seryoso kaya siyang may gusto siya sa akin? Ang pagkakaiba nila ay kilala ni Mommy si Achilles dahil pumupunta sa bahay. Si Sir Adam ay hanggang text at trabaho pa lang. Sa huli, pareho ang intensyon no’ng dalawa.
Takot akong madamay ang trabaho dahil sa kanilang dalawa. Pareho silang may posisyon sa kumpanyang pinapasukan ko. Lalo na si Achilles Castillano. Kabagu-bago ko pa lang ay may ganito na akong eksena sa opisina. Magmula nga ng party sa club ay nagbago rin tingin sa akin ng grupo ni Julia. Hindi ko naman iyon pinapansin. Inisip kong baka ganoon talaga siya. Kaibigan din niya iyong dalawa. Alam niya ang pagpaparadam sa akin ni Achilles at nakita rin niya iyong pagsayaw namin si Sir Adam.
Naging madalas na rin ang pagdalaw ni Achilles sa bahay. Dumating na ako sa puntong unti-unti ko nang natatanggap ang presensya at intensyon niya. Si Mommy ay giliw na giliw sa kanya kaya hinayaan ko na. He was sweet. Iyong gesture niya ay nakakahila rin sa akin para mapalapit din sa kanya. Pero may isa akong ayaw niyang gawin.
Kumunot ang noo niya. Tinitigan ako na para bang may mali sa mukha ko.
I sighed. Nagliligpit ako ng pinagkainan namin sa hapag nang sabihin ko iyon sa kanya. May one week na rin siyang pumupunta rito sa bahay para manligaw. “Iyon ang gusto ko. ‘Wag ka nang kumontra.” Dagdag ko dahil batid kong ayaw niya sa gusto kong suhestyon.
“Anong dahilan mo? Bakit ayaw mong malaman nila?”
“Baka maging usap-usapan tayo. Actually, usap-usapan na nga. Ayokong makaabot pa ito sa Mama mo,” pinagpatong-patong ko ang mga plato at tasa. Ang mga kutsara’t tinidor ay nasa ibabaw din.
“So?”
Tumaas ang kilay ko. Huminto ako at tiningnan siyang nakatingala sa akin. “Anong So? Syempre hindi na niya dapat malaman pa itong ginagawa mo sa akin, Achilles. Nakakahiya roon. Saka, ano na lang ang sasabihin sa iyo ng angkan mo?”
“Anong sasabihin nila tungkol dito?” taking-taka pa rin niyang tanong.
Lumaylay ang mga balikat ko. Nakakapagod pa lang magpaliwanag. Akala ko ay alam na niya ang ibig kong sabihin. Hindi pa pala.
“Achilles, Castillano ka. Mayaman. Makapangyarihan. Hindi ka dapat naiuugnay sa akin,”
Sinandal niya ang likod sa upuan at humalukipkip nang hindi inaalis ang titig sa akin.
“Bakit si Ridge pwede? Ako, hindi?”
Natigilan ako sandali at hilaw na ngumiti. Kumapit ako sa edge ng lamesa. Mabuti na lang ay umakyat na si Mommy sa taas.
“Iba si Ridge. Magkaibigan lang kami no’n. Ikaw . . .” natigilan ako sa sariling salitang gustong lumabas sa bibig ko.
Tumaas ang isang kilay niya. Napalunok ako at ayos ng tayo.
“Ikaw, iba rin. Iba ang intensyon mo sa pagparito sa bahay namin.”
Tinagilid niya ang ulo. Para bang mas natutuwa pa siya sa nakikitang pagkabalisa sa mukha ko.
“Matagal kong hinintay ang pagkakataon na makalapit ako sa ‘yo, Iris. Pagkatapos ay pagbabawalan mo ‘kong ipakita ito sa ibang tao? Parang ang unfair naman yata,”
“Anong unfair doon?”
“You. You want me to be discreet when I’m around with you and anybody,”
“Personal naman itong hinihiling ko sa ‘yo. Hindi dapat natin hinahalo sa trabaho.” Giit ko. Hindi ko tuloy malaman kung tama ba ang pagkakasabi ko at pagkakaintindi niya.
“Then what’s wrong about letting them know that you’re my girl?”
“I’m not your girl, FYI.”
He tsked. He looked down and shook his head. “Not yet. Okay.” He murmured.
“Hindi na kita pinagsabihan doon sa banner mo sa f*******: account mo, ha? Tapos itong simpleng gusto ko hindi mo pa mapayagan,”
“Iyon na nga. Nakahantad ka na sa profile ko bilang akin pero ayaw mong maglapit tayo kapag nasa opisina? Ano pang pagkakaiba no’n?”
Napasuklay ako ng buhok. Hindi naman ako namomoroblema na sa social media niya kasi ako lang naman ang naka-add sa kanya magpahanggang ngayon. Iyon nga lang, kapag nabibisita ang account niya ay nakikita rin ako. Nakita nina Mabelle at Lean ang litrato ko roon. Paano pa kaya ang iba pa niyang mga kakilala, kaibigan, kamag-anak at lalo na ang parents niya?
“Una, hindi tayo. Pangalawa, wala kang permiso sa akin na ilagay ang picture ko sa profile banner mo. Pangatlo, ilang beses na kitang binasted pero punta ka pa rin ng punta rito. Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko sa ‘yo, e!”
He grinned. Napatitig ako sa swabe at gwapo niyang asal.
“Solusyunan natin ‘yong una mong problema para hindi ka na ma-stress sa pangalawa at pangatlo.”
Inabot niya ang kanang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. Marahan. Parang ingat na ingat na masugatan ng stubble niya ang balat ko.
“Be my girlfriend, Iris.”
Nanghina ako. Kumalabog ang dibdib ko pero hindi dahil sa sinabi niya kundi sa pabilog niyang haplos sa palad ko gamit ang hintuturo niya. Ang taba ng mga daliri niya at napakagaspang. Naghahatid ng kakaibang boltahe sa dugo ko.
Marahan niya akong hinihila pero hindi ako nagpatianod. Baka biglang bumaba si Mommy at makita pa kami. Binawi ko na lang ang kamay sa kanya. Dinala ko na lababo ang mga pinggan.
“Tumigil ka. Hindi mo ‘ko mauuto, Castillano.” Sabi ko. Binuksan ko ang gripo at naghugas ng kamay. I looked down at my right hand. Na kahit mabuhusan iyon ng tubig ay para bang nagmarka na roon ang labi ni Achilles.
Narinig ko ang pagtayo niya. Umurong ang mga paa ng upuan. I could feel him coming behind my back. But I didn’t rebel or whatnot. Nanatili ako sa harap ng lababo.
“Sino bang nagsabing inuuto kita? Gusto kita, Iris. Matagal na.”
Nanindig ang balahibo ko nang maramdam ang mainit niyang hininga sa batok ko. Bago pa ako makaprotesta o pigilan siya ay naramdaman ko na ang paglapat ng mainit niyang labi roon. Napaigtad ako at iwas ng katawan sa kanya. But I stiffened when I felt his big hands on my waist. Steadying me.
“No, Achilles,” bulong ko. Tinapat ko ang mga pinggan sa gripo. Hindi ko na iyon pinatay sa takot na mamayani ang boses at paghinga niya sa paligid ko.
Imbes na alisin ay diniin pa niya ang mga kamay sa baywang ko. Malalim akong bumuntong hininga. Lumunok. Damn. I could shoo away his hands but I kept myself busy with the dishes instead. Damn.
“I like you, Iris Lewis. I really like you.” he whispered over ear.
Tinuon ko ang paningin sa sponge at pinatakan ng Joy. “Kung talagang gusto mo ‘ko, e’di dapat susundin mo rin ang gusto ko, ‘di ba?” hamon ko. Sinabunan ko na ang mga baso. Sa bawat paglapag ko no’n ay humihigpit din ang mga braso niya sa pagyakap sa baywang ko.
Pinarinig niya sa akin ang pag-ungol niya sa pagtutol sa sinabi ko.
“Gusto talaga kita. Pero paano ko maipapakitang gusto nga kita kung ayaw mong lumapit ako sa ‘yo sa opisina? Para mo na akong tinatali palayo sa ‘yo,” bulong niya.
I could feel his frustration over this matter.
“Malaya ka namang nakakapunta rito. Nakakapag-text ka pa. Paano mo naramdamang tinatali kita palayo sa akin? E, ni ayaw mo ngang magpaawat sa panliligaw kahit na basted ka na. Kita mo nga, nakayapos ka pa. Iyan ba ang nanliligaw pa lang?”
Tumawa siya sa tapat ng tainga ko. Lihim akong ngumisi habang nagsasabon ng mga kutsara at tinidor.
“It feels like you’re my girlfriend already. Ayaw mo lang tanggapin sa sarili mo.” Tukso niya.
Bahagya ko siyang nilingon at inirapan.
“’Wag kang mangarap ng gising at baka ka bangungutin!”
“Kung ikaw ang kasama ko sa bangungot, walang problema. Pero hindi ka bangungot, Iris. Pangarap kita.”
Napakagat ako sa labi. Gosh. Bakit ganito siya magsalita? Saan kaya niya natutunan ang mga ganito?
Humigpit ang yakap niya sa baywang ko. Nahinto na ako sa paghuhugas at pinatong pa niya ang ulo sa balikat ko. Kumikiliti ang mainit niyang hininga sa ilalim ng tainga ko. “Achilles,” I protested lightly. Damn. I was so demure.
“Mmm? Niyayakap ko lang ang pangarap ko.” mainit niyang bulong.
Nagdurugo na yata ang labi ko sa sobrang diin ng kagat ko. He was staring at me. Natatakot akong lingunin siya.
Hindi na ako nagsalita. Pinagpatuloy ko ang paghuhugas kahit na may nakalingkis sa akin. Hindi na rin siya nagsalita pero alam kong nakatitig pa rin siya sa akin. Nang matapos ay pinunasan ko ang lababo. Bahagyang lumuwag ang braso niya. Gusto kong sanang ibalik ang init ng yakap niya pero hinding-hindi niya iyon malalaman.
“Be my girl, Iris.”
Natigilan ako. Siya rin ang bumasag sa mahabang katahimikan naming dalawa.
Nilingon ko siya pagkatabi ko sa basahan.
“Agad-agad, Achilles?”
Ngumisi siya. Namulsa at malalim na bumuntong hininga.
“So I can have the right to kiss you at any time.”
“Tsk. ‘Yan lang pala ang gusto mo sa akin kaya ka nanliligaw!” pagalit kong sabi.
Tinalikuran ko siya at tinungo ang palabas ng kusina. Hindi ako totoong galit o nainis naman. Kundi naramdaman ko ang pagbulusok ng init sa buong mukha ko at kalabog sa dibdib ko. It was alarming. Disturbing.
Hinabol niya ako at pinigilan sa siko.
“That’s not what I entirely mean,”
I sighed. “You can have any woman you want, Achilles. There’s no need for you to pursue me like this.”
Bumalandra ang galit sa mga mata niya. Pati sa kanyang mukha. Naggalawan pati ang panga niya.
“But I want you.” may diin niyang sagot. “Kung kailangang abutin ito ng ilang buwan o taon, wala akong pakielam. I will pursue you not just for a simple kiss, Iris. I will court you because I wanted you to be mine.”
Pakiramdam ko ay nangatal ang labi ko pagkatapos. Tinitigan niya ako. Kung may apoy mang lumalabas sa mga mata niya, malamang na nahaplusan na ako. Pero tila nagyeyelo rin ang pagkakahawak niya sa akin.
He asked for a date. Okay. Pinagbigyan ko basta pagbibigyan din niya ang gusto ko. Hindi na rin naging masama ang pagpayag kong ligawan niya ako. I think, he didn’t need a permission anymore. May sarili siyang paraan at batas na hindi ko na sakop. Isa pa, may mga nakakatuwa rin akong bagay na nadidiskubre sa pagkatao ni Achilles.
Mukha siyang matigas kung titingnan sa malayo. Pero kapag sa malapitan ay nakita kong may malambot din pala siyang feature. Iyong ilong niya pababa sa labi. Napakaamong tingnan at kung minsan ay napapatitig pa ako.
He could laugh too. May mahihina pero brusko pa ring tawa siyang nagagawa. Ang ganda ng mga ngipin niya. Pantay-pantay at mapuputi rin. Kapag bumubulong siya, parang ako lang ang tao sa paligid niya.
Ganoon ang nararamdaman ko. Para bang sini-separate niya ako sa karamihan. Binabakuran.
Siguro ay talagang naging judgmental ako sa kanya noon. Ang pagkakamali ko ay naikumpara ko na agad siya kay Ridge. E, iba naman ang pinagdaan ng kaibigan ko. Kung hindi siguro naging pursigido si Achilles na manligaw ay hindi ko rin to mari-realise.
Dinala niya ako sa sinehan. Kakaunti ang tao dahil magkakalayo rin ang mga upuan. Nagustuhan ko rin kasi malalayo ang mga nanonood at para lang kaming nasa bahay. We watched the movie silently. May popcorn at softdrinks. Pero madalas ay nasa panoorin lang ang atensyon ko.
Pagkatapos naming manood ay sa restaurant naman niya ako dinala para maghapunan. I texted Mommy na kumain na kami kaya hindi na ako nagpatira pa ng pagkain sa bahay. I even texted our location. Baka hindi na ako iuwi nito. Char!
Gumagaan kasama si Achilles. Lalo kapag ang pinag-uusapan namin ay ang nakaraan. Kung paano raw ako naging suplada sa kanya. Kahit ang pagseselos niya kay Ridge noon ay tinawanan ko na lang. Kung magtatangka nga siyang manligaw noon, malamang na iwasan ko lang din. Siguro ay talagang tinadhana na ngayon lang niya gawin.
Habang lumalalim ang gabi ay mas lumalim din ang titig sa akin ni Achilles.
Binilhan niya ako ng bulaklak at tsokolate. Hindi ko na matanggihan. I wanted to buy something for him. Pag-iisipan ko muna kung ano. Mahirap kasing magregalo sa taong nakukuha naman ang lahat ng gusto.
Kapapasok pa lang niya sa driver’s seat nang tawagin niya ang atensyon ko. Nasa kandungan ko ang mga bulaklak. Kakakabit ko lang din ng seat belt. “Hmm?”
He licked his lips. Kumintab iyon. Nagtaas ako ng tingin sa mukha niya. Ngayon ko napansing naging malamlam na pala ang mga mata niya.
“I . . . I really wanted to do this inside the cinema,”
Kumunot ang noo ko. “Ang alin ba?”
He gulped. Umigting pa ang panga niya.
“I want to kiss you.” he whispered.
“Oh . . .” naiwang ganoon ang shape ng labi ko. Napakamot ako ng sintido at sabay tingin sa labas ng sasakyan. “B-baka may makakita rito,”
Ows. Damn. s**t. Iris? Really?
Napalunok ako. Gabi na. Madilim sa labas at heavily tinted ang salamin ng sasakyan niya. What a stupid reason huh, Iris Lewis? Ayaw ko ba talaga? Bakit ang pintig ng ugat ko excited yata?
His low chuckle made me look at him again with curiosity. I caught him caressing his lower lip with his thumb.
“I just don’t want to end this beautiful night without kissing you,” then he looked at me again. Ngayon, may paglalambing na tingin na at sulyap pa sa labi ko.
Napalunok ako. A kiss. Bumuntong hininga ako. “Okay. Kiss me now,” udyok ko.
Nalusaw ang ngiti niya. Pero alam kong hindi rin siya aatras. Ngayon pang may basbas ko.
Binasa niya ulit ang labi niya bago yumuko sa akin at banayad na nilapat ang labi sa akin. Napapikit ako. This was not our first kiss. Nahalikan na niya ako sa unang date namin. Pero dumoble ang dagundong sa dibdib ko.
Nakatabingi ang ulo niya. Wala pa siyang suot na seatbelt. He was leaning on my seat. He was holding my jaw while he started to move his lips. No’ng una ay sinipsip niya ang labi ko. Napalunok pa ako. Then he parted my lips using the tip of his tongue. Para akong nangilo sa sensasyong naramdaman. Mas mainit ang atake niya ngayon sa labi ko.
But I voluntarily opened my lips for him. I kissed him back the way he was kissing me. I bit his lower lip and he groaned. s**t. Nasaktan ko yata. Gaano kasakit, Achilles?
“So-sorry,” bulong ko.
He gave me a low chuckle and shallowly kissed my lips. Nang hindi binibitawan ang panga ko.
“Mababaliw na ako. Sa labi mo pa lang,” pinagdikit niya ang mga noo namin at humugot ng hangin. Paglipas ng ilang segundong pahinga ay inangkin niya ulit ang labi ko. Mas maalab. Mas marubdob na halik na ang ginawad niya sa akin.
I was stunned with his kisses. No’ng una ay hindi ako makaagapay sa galaw ng labi niya kaya hindi ako makasagot. Pinagpapawisan na rin ako.
He knew how to slide his wet lips. Then his tongue went inside my mouth. Para akong nalulunod. Kaya bahagya kong tinulak sa dibdib niya si Achilles. But he groaned and captured my wrists. Mas lalo pa niyang pinag-igihan ang paghalik sa akin.
The protest was buried with my soft moans. His growls stumbled inside his car. Imbes na itulak pa siya ay umakyat ang mga kamay ko sa leeg niya at buhok. His hands went down to my waist, arms and went back to my face.
Hindi ganoon ang inaasaahan kong halik. Hindi rin naman ako inosente sa ganito dahil napapanood ko sa mga palabas sa TV at higit sa pelikula ang klase ng mga halik. Ang hindi ko inaasahan ay ang intensidad. Ang nararamdaman na para bang nagwawala ang puso ko. Nag-iinit din ako. Kinakapos ng hangin.
The streets were busy. As well as Achilles’ lips and hands. My fingers touched his scalp. Tulad ko ay pinagpapawisan na rin siya at nadama ko iyon. His hand went at the side of my breast. Napatingala ako nang bumaba sa leeg ko ang halik niya at humahaplos-haplos naman ang mga kamay niya.
“Shit.” He whispered later on and then stopped. Naiwang nakabukas ang bibig niya at hingal na hingal. “Be my girlfriend, please,”
I almost moan when he cupped my breast. No one ever touched me there other than myself. But when he did, all I could do was to issue a quiet moan and died with it. It was only a touch. Dammit.
“Iris, please?” he helplessly asked while doing my breast.
Nakasandal na ako sa upuan pati ang likod ng ulo ko. I closed my eyes. I let myself felt the warmth of his calloused hands. I was still clothed. There was still barriers. If he ever let his hands inside my shirt, I would let him do whatever he wanted to do with me. Even if it was beyond kissing.
No, Iris! H’wag kang magpatangay!
Nanlamig ako. Mabilis ko iyong naramdaman na parang binuhusan ako ng yelo. Dumilat ako at inalis ang kamay niya sa dibdib ko. Nagulat siya. Talagang magugulat siya sa bigla kong panlalamig samantalang kanina ay halos bumigay na ako.
I gulped and fixed my hair. My lips were sore. I licked it.
“Tama na, Achilles. Ihatid mo na ako.” aya ko. Inayos ko muna ang sarili ko. Ang damit at ang naipit na bulaklak sa kandungan ko. Mabuti at hindi umabot ang kamay niya sa ibaba ko.
Napalunok ako. I cursed myself. The kiss went to a makeout. I knew about makeout.
Tinitigan pa niya ako ilang sandali. Nilingon ko siya. Umiigting ang panga niya. Madiin ang pagtitig niya sa akin. Madilim na madilim din ang mukha niya na parang may namumuong bagyo roon. His lips were so red too! At kita kong hindi mababaw ang pangtaas-baba ng dibdib niya.
Bumuntong hininga ako. “Tara na, please. Pinagbigyan na kita. That’s enough. You got more than kissing.”
“That’s not enough.”
“Ano ba, Achilles.” Napu-frustrate kong sabi at pati sa sarili.
Frustrations were all over myself.
“What’s wrong about being my girl, Iris?”
Was he disappointed?
Napapikit ako. Napagod na ako. Sa ginawa namin maghapon at ngayon sa halikan namin at yapusan.
“’Wag na tayong magtalo, please? I’m so tired.” Pagod ko na ring boses.
Maingay siyang bumuntong hininga. Mabigat ding sumandal sa upuan. Pero hindi niya agad pinaandar ang sasakyan. Siguro ay pinapahinahon muna niya ang sarili.
As if on cue, my eyes went down to his crotch area. Madilim naman pero bakit ang nakita ko ay malaking umbok. Ganoon ba talaga ang size no’n o . . . may nagbago lang ngayon dahil sa halikan namin?
Mabilis kong inalis ang titig doon nang mapansin niya ang dereksyon ng paningin ko. Tumikhim ako. Tumingin ako sa labas ng bintana.
“Ihahatid na kita.” Malamig na niyang salita.
Tumango na lang ako. Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Nilabas ko iyon at binasa ang text.
Sir Adam:
Where are you? May I invite you tonight? Sa bar lang.
Nahuli kong nakibasa rin si Achilles sa text. Nilingon ko siya. Umayos ito agad ng upo at saka pinaandar ang sasakyan. Habang nagmamaneho ay saka niya sinuot ang seatbelt niya. Napailing ako.
Ako:
Pass muna ako, Sir.
Tanggi ko. Bukod sa totoong pagod na ako ay kasama ko pa si Achilles.
Sir Adam:
Okay. Pero next time um-oo ka na, ha? Haha
Napangiti ako. Hindi ko na nireplayan dahil narinig ko ang mabigat at sadyang pagbuntong hininga ni Achilles sa tabi ko.
Naisip ko, napapag-usapan kaya nila akong dalawa? Sa trabaho ay professional silang dalawa. Parang walang ilangan o problema. Hindi naman sa nagmamaganda ako pero batid kong kahit papaano na ang panliligaw niya at constant na pag-text ni Sir Adam ay pwedeng makaapekto sa pagkakaibigan nilang dalawa.
Pareho namang ayaw magpaawat. So, sino ang mag-a—adjust? I am new to this.
Kinabukasan sa trabaho ay may dumating na bisita na hindi ko inaasahan. Magmula kagabi ay hindi pa nagti-text o tawag si Achilles. Nanibago ako syempre. Naggu-good morning iyon sa akin. Pero nawala na iyon sa isipan ko nang makita ko si Mrs Regina Alva Castillano. With her classis and regal look, she went inside our office. Nakasabit ang branded niyang bag na parang balat ng ahas sa kanyang bisig. Nakataas ang noo niya kaming pinasadahan ng tingin.
Napatayo kaming lahat. Maraming bumati sa kanya. Huminto ang paningin niya sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin. Tumaas pa ang mga kilay. Siguro ay nanibigo sa bago kong look.
“Hello, Tita!” masayang lumapit si Julia rito. Nakipagbeso sa magkabilang pisngi ng Ginang. “Hindi po nasabi ni Achilles na darating po kayo rito,”
Julia looked at me. Mayabang ang ngiti niya sa akin.
“Hinahanap ko nga rito ang anak ko, hija. Do you know where he is?”
Ang boses niya’y nakapanindig-balahibo rin. Naalala ko tuloy iyong dumating siya sa jewelry shop.
Nilabas ni Julia ang cellphone. “Hindi ko po alam, Tita. Medyo busy po kami ngayon sa work. Wait po, tawagan ko-”
“That’s useless, Julia. Nagawa ko na ‘yan pero hindi naman ako sinasagot. I was just wondering if he’s really here in your department,”
She looked at me again. Napaayos tuloy ako ng tayo.
Then she sighed. “Wala naman pala. We’re here to surprise my son. I’m with Zonia.”
Namilog ang mga mata ni Julia pagkarinig sa pangalan.
“Really, Tita? Where is she?”
“Naiwan sa opisina ni Achilles. Hinihintay ang fiancé niya.”
Then her stares went at me again. Hindi ako kumibo kahit na may kalakasan ang boses na iyon. But I felt Mabelle and Lean’s shocked glances at me.
Still, I didn’t give them any reaction other than being emotionless.