Chapter 6
Iris
Hindi rin kami nagtagal sa party ni Ridge. Pansin ko ngang tulad ko ay panay din ng silip niya sa oras. Ako naman ay gusto nang makaalis dahil sa mala-rugby sa lagkit na titig sa akin ni Achilles. Hindi siya nagtakang lumapit. Kahit ang batiin ang pinsan niya ay hindi niya rin ginawa. Ang titig niyang ayaw humiwalay sa akin ang tanging nagpapakaba sa akin sa event na iyon.
Inihatid ako ni Ridge sa bahay. He was quiet all the time we were at his car. Kung nagsalita man siya ay hindi ko rin yata nadinig. My mind left at the party. Kinikilabutan ako. Kumakabog ang dibdib. I could still remember the way his cousin nastily stared at me.
Was it possible to take with me his drunken stares?
Naabutan ko pa sa sala si Mommy. Nagtsatsaa at nanonood ng TV. Tumuloy lang ako sa kwarto at nagbihis ng pantulog. Tulala pa ako habang tinitiklop ang gown nang kumatok si Mommy sa labas ng pinto ko. “Po?” pinagpatuloy ko ang pagtiklop at inabot ang hanger.
“Nasa labas si Achilles. Gusto ka raw makausap?”
Napatda ako at gulat na nilingon ang pintuan ko.
Ano? Sumunod pa siya rito? Sinabi ko na sa kanyang huwag nang pumunta pa rito!
“Lalabas ka ba?” sigaw ulit ni Mommy.
Napalunok ako. Natuliro. “Ang kulit talaga niya,” bulong ko sa sarili.
Lumapit ako sa pinto at sinabit doon ang hanger. Binuksan ko ang pinto. Naabutan kong nakapamaywang na si Mommy at tila kay lalim pa ng iniisip.
“Nag-away ba kayong dalawa?”
I sighed. Humakbang ako palabas at sinarado ang pinto sa likuran ko. “Hindi po, Mi. Pero binasted ko na siya.” nauna na akong naglakad pababa.
“Anak, muk’ang pursigido sa ‘yo si Achilles. Hindi mo ba talaga siya magugustuhan?”
Nakasunod sa akin si Mommy. Hindi na niya nakita ang pagrolyo ng mga mata ko.
“Hindi po, Mi. Complicated ang buhay niya. Ayokong maki-join.”
Dumeretso na ako sa nakabukas na front door namin. Kanina sa event, galit na galit siya sa akin. Mukhang maamong mukha ang pinakita niya sa Mommy ko ngayon.
“Anak, hindi sila ang makakasama mo, kundi si Achilles. P’wera na lang kung hindi ka niya kayang ipagtanggol doon? Hindi naman porke’t hindi mo gusto ang pamilya niya ay hindi mo na rin siya magugustuhan?”
I abruptly stopped and looked back at my curious mother. “Matagal ko na pong binasted si Achilles. Pero siya ‘tong nagpupumilit na manligaw pa rin. Hindi ko na napigilan kasi hindi naman niya ako pinapakinggan.”
“So, hindi mo siya gusto?”
Bumagsak ang mga balikat ko. I remember those kisses of him. He was my only kissing partner. Nadala ako. Nagustuhan ko kahit na hindi pa ako sigurado sa nararamdaman para sa kanya. Kaya lang kasi, may fiancée na siya. Para iyong cue ko na hindi ko na dapat siyang paasahin pa. Na stop na talaga. Wala kaming mapapala sa isa’t-isa.
He never told me about Zonia. Sana dapat ay mula umpisa pa lang ay sinabi na niya sa aking may nirereto na sa kanyang magiging asawa niya. Pero hindi, e! Binulaga na lang ako ng Mama niya tungkol sa babae.
Mahirap bang sabihing, “Nga pala, may gustong ipakasal sa akin ang parents ko. Pero ikaw pa rin ang liligawan ko.” sa taong nagugustuhan nga niya?
“Hindi po, Mommy. Wala po akong nararamdaman para kay Achilles. Ni hindi ko ma-imagine ang sarili kong kasa-kasama siya. Kinikilabutan lang po ako,” pagod kong sagot.
“Iris!”
Namilog ang mga mata ko. “Iyon ang totoo, Mommy! Hindi mo pa po siya lubos na kilala. Hindi niya kaugali si Ridge kung iyon po ang inaasahan niyong katauhan ni Achilles. Tita Lian is so pure and so kind. While his mother . . . arggg! I don’t really like her. And I think she feels the same with me. Kaya, maaga pa lang ay gusto ko nang putulin ang ugnayan ko sa lalaking ‘yon!”
“H-hija-hijo! Kanina pa ba d’yan?” medyo gulat na salita at tingin ni Mommy sa likuran ko.
Naestatwa ako. Pagod akong napipikit bago pumihit paharap sa pintuan namin. Doon ay nakita ko siyang nakatayo sa labas ng bahay. Pinapanood kaming mag-ina. He wasn’t smiling. Bakit naman, ‘di ba?
Nilagpasan ako ni Mommy at nilapitan si Achilles sa pintuan. Bumuntong hininga ako para mabawasan man lang ang malakas na kalampag ng puso ko.
Bakit naman ako magsisisi kung narinig niya?
“Ma’am,”
Napalunok ako nang marinig ang boses niya. He was calm. Then I think he was okay.
“Pasok ka muna, hijo,”
“Hindi na po, Ma’am. Gusto ko lang po makita si Iris.” Magalang niyang sabi.
Saka ako lumapit sa pintuan. Humalukipkip ako at tiningnan siya. He wasn’t wearing those coat anymore. Ang magkabilang longsleeves ay parang galit na tinaas hanggang sa mga siko. Hindi na rin naka-tuck in sa baywang. Lukot na lukot na rin ang bandang baba ng damit niya.
“Good evening, Iris.”
Isang beses akong tumango sa kanya. “Gabi na, Achilles.”
“Anak.” Siniko ako ni Mommy. “Ayusin mo ‘yan.” Bulong niya sa akin bago kami iniwan doon.
I sighed heavily and loudly. Sadya kong pinarinig sa kanya. Sumandal ako sa frame ng pintuan. I didn’t bother to let him in para hindi na siya magtagal dito.
“Ano ba ‘yon?” nainip kong tanong sa kanya.
He was staring at me. Was that his expertise?
“I wanted to see you,” mababang boses niyang sagot.
Umirap ako. “Oh, nagkita na tayo kanina sa event? Hindi pa ba sapat ‘yon? Umuwi ka na nga.” Marahas kong taboy sa kanya.
Agad kong naramdaman ng pagguhit ng sakit dito sa tapat ng puso ko.
Guilt. I named it as guilt or maybe conscience.
I bit my lower lip. Para hindi ko bawiin ang nasabi ko na.
“I wanted to hear your voice. I wanted to touch you,”
I sighed again. “Okay ka na? Narinig mo na ang boses ko?”
I knew I could never offer my hand for him to be able to touch me.
Mariin ang naging pagtitig niya sa akin. Umiigting ang kanyang mga panga na tila nag-iipon ng galit sa loob ng bibig. But I still didn’t regret anything I had said.
“I invited you first. Pero sa iba ka sumama.”
I scoffed. “We’re done, Achilles. At hindi ko rin alam na iisang party lang ang dadaluhan ninyo ni Ridge.”
“Then are you going to turn him down if you only knew I was going to attend too?”
Pagod akong umiling. “Wala na akong pakielam sa ‘yo no’n. Si Ridge ay kaibigan ko lang. Walang malisyang namamagitan sa aming dalawa. Kayong marurumi lang ang nag-iisip na may namamagitan sa aming dalawa,”
“Nagseselos ako.”
“Ano?”
“Nagseselos ako.”
I stopped there. If there was one thing I probably half like and half hate about him-was his prowess to tell me what was in his mind directly at point. And he was making me very uncomfortable.
He stepped forward. Nanatili akong hindi gumagalaw sa pagsandal sa frame. Humakbang pa siya at tinapat ang mukha sa akin.
“I f*****g hate this feelings, Iris.”
His lips barely moved but he could still speak those words.
He looked at me in the eyes.
He gulped. “I wanted to break my cousin’s arm so he couldn’t touch you anywhere. I wanted to rip off every men’s eyes so they couldn’t look at you anywhere of your body. I wanted be the one who could whisper in your ear. I wanted your glances. I wanted it mine. But you wouldn’t allow me. You made so f*****g jealous and I hate this feelings, Iris.”
I gritted my teeth despite the fact I got affected with his words.
“You’re so freaking possessive, obsessed and insane man, Achilles! Umalis ka nga!”
Isang beses ko siyang tinulak. Pero hindi siya tuminag. Niyuko niya lang ang kamay kong dumikit sa kanya.
“Why, Iris? Why I can’t be the one for you, hmm?” malambing niyang bulong.
Napalunok ako. Humalukipkip ako ulit sa takot na makita niya ang kaba sa akin.
“Noon pa man, iyon na talaga ang nararamdaman ko sa ‘yo. Ikaw lang ‘tong-“
“You let me kissed you, dammit!”
“’Wag mo ‘kong murahin! Unang tangka mo pa lang, basted ka na, ‘di ba? You asked me to kiss you.” may diin kong sagot.
“You’ll let anyone to kiss you if they’ll only ask?” his teeth gritted.
“No!”
“Then you kissed me because you like me too?” giit niya.
“I said no!”
He tilted his head. Mocking me. “Sinungaling.” Akusa niya.
Namilog ang mga mata ko. Napatda ako. Nang makabawi sa paratang niya at umayos ako ng tayo. Tinulak ko siya ulit. “Umalis ka na nga!”
Hinuli niya ang kamay ko. Mahigpit na hinawakan.
“I’m crazy about you, Iris. I’m crazy . . .” he murmured.
Bumilis ang paghinga ko na tila may humahabol.
“Tumigil ka na. May girlfriend ka nang iba.”
He stared at me and I watched his eyes bled. Pakiramdam ko ay nagtutunugan na rin ang panga niya sa labis na paggalaw nito.
“Wala akong iba. Ikaw lang ang nag-iisip na meron.”
Pinalakihan ko siya ng mga mata. “Your mother-“
“I don’t care! Zonia can marry anyone but not me. I’ll marry you instead, baby.”
Nilapit pa niya ang mukha sa akin. Pinagdugtong niya ang aming mga noo habang ang kamay ko ay pinipisil niya sa tapat ng kanyang dibdib.
“S-stop it, Achilles.”
He sighed. I smelled the liquor he drunk at the party.
“Please, give me back my chance,”
“Binigay ko na. Pero hindi ka nagsabi sa akin ng totoo!” may diin pero mahina kong sagot. Sinubukan ko siyang itulak ulit. He barely moved. Kaya’t inahon ko ang noo sa kanya. He looked at me. Mapupungay at nangungusap pa ang mga mata sa akin.
Kung hindi siguro ako matigas na babae ay baka magpatianod ako sa pagmamakaawa iyong ni Achilles.
Umatras na ako at sinarado ang pinto.
“Iris! Iris!”
Kumatok pa siya sa labas.
“Umuwi ka na!” I locked the door and turned off the lights. Pero hindi ako umalis sa tapat ng pinto hangga’t alam kong naroon pa rin siya sa kabila.
Tumahimik ilang sandali. Akala ko no’n ay nakaalis na siya. Pumihit na ako paakyat nang marinig ko ang huli pa niyang sinabi.
“Alam kong nand’yan ka pa. Hindi ako naniniwalang wala lang ako sa ‘yo. Magiging akin ka rin, Iris. Akin.”
Hindi ako nagsalita. Noong una ay para mabatid niyang wala na ako roon. Na hindi ko narinig ang sinabi niya. Pero sa huli, napagtanto kong hindi na ako nakapagsalita dahil sa matinding dagundong sa dibdib ko.
**
I received a call from Ridge. Pumunta raw ako sa address na tinext kung hindi naman ako busy. Napailing pa ako. Para kasing may pakonsensya iyong pagkakasabi niyang “kung hindi ako busy”. Isa pa, nang malaman kong get together night iyon nina Ellie, Rica at iba pang mga classmate ko noong high school ay talagang hindi na ako huminde.
Para naman kahit papaano ay mabura na sa isipan ko si Achilles. Dalawang araw na siyang pirmeng tumatakbo sa utak ko.
I wore my blue hugging dress. Syempre, ngayon ko lang ulit sila makikita kaya tinodo ko na ang porma ko. Pero hindi ko naman tinodo ang makeup ko. Ayaw ko no’n.
Nag-taxi na ako papunta roon. Naabutan ko sa labas ng bar si Ridge. Nakasandal sa pintuan ng sasakyan niya. Nakangiti akong nagbayad sa taxi driver. Agad naman akong nilapitan ni Ridge at siya pang nagbukas ng pinto para sa akin.
“Salamat! Nasa’n na sila?” tinanaw ko ang pinto sa bar. May mga tao sa labas. Pero hindi ko kilala. “Sa loob na?” inayos ko ang bag.
“Nasa loob na rin si Ellie.” tahimik at matamlay niyang sabi.
“Wow, ha. Talagang hinintay mo pa ako rito,” tukso ko pa. “Kilala ko naman silang lahat doon. Dapat sinamahan mo na lang si Ellie mo.”
Napahilot ito ng batok. Nakaalis na ang taxi ay hindi pa rin kami nakakapasok sa loob. Pinagmasdan ko si Ridge. Para bang hindi mapakali.
“May problema ba?” curious kong tanong.
He looked up at me. He looked tense, angry and spacing out.
“Huy!” sinuntok ko siya sa braso. “Anong nangyayari sa ‘yo?”
“Tsk.” He looked at the bar and at me. “Can I ask a favor?”
Hindi ko pa man din alam ay tumango na ako. “Sure. Ano ba ‘yon?”
Ang iniisip ko ay baka gusto niya akong ikuntsaba at magpo-propose na ito kay Ellie. Ang sweet!
Pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod niyang sinabi. Nalaglag ang panga ko.
“Gago ka ba?” wala sa sarili kong tanong.
He sighed. “Please, Iris. Ngayon lang naman,”
Napaawang ang labi ko sa pagkamangha. Ang gusto niya ay magpanggap akong girlfriend niya sa harap ni Ellie at mga kaibigan ko!
“Anong alam ni Ellie tungkol sa ating dalawa? Hindi mo sinabing magkaibigan lang tayo?!”
I knew that the world thought we were together even if we weren’t. Ang tingin ng iba, walang mag-bestfriend na lalaki at babae ang hindi nagkakagustuhan. But we were different.
Para sa akin, ang weird na nga ng mundo. Pero mas weird pala itong kaibigan ko!
Napasuklay ako ng buhok. I was disappointed. Frustrated. Gusto kong pasukin doon si Ellie at sabihin ang totoo kung sakaling may hinala siyang mali sa amin ni Ridge.
All his life, kay Ellie lang tumatakbo ang buhay niya. Wala siyang sineryosong iba. Naghintay din ito kahit walang sinasabihan. Tapos ngayon, ang gusto niya pasakitan ang babaeng mahal na mahal niya!
“Ridge naman.” Napapagod kong sambit. “Si Ellie ‘yon, oh? Bakit mo pagseselosin?”
His jaw clenched. Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay may dinukot ito sa bulsa ng pantalon at inabot sa akin.
“Wear this.” Tahimik at walang-buhay niyang utos sa akin.
May pagtataka ko iyong kinuha. It was a silver bracelet. Sa malabong ilaw mula sa poste ay pinagmasdan ko iyon. “Bakit kailangan pa ‘to?”
At first, I thought it was just a simple bracelet. Baka tulad noong party ay kailangan ding naka-awra.
But I gasped quietly. Nilapit ko ang bracelet at nabasang maigi ang nasulat doon.
Off limits. Ridge’s property.
“Ang gago mo na talaga, ‘no?!” galit kong sambit sa kanya. I didn’t trim my words anymore. “Nasisira na ba ang ulo mo?!”
Binalik ko sa kanya ang bracelet.
“Pinapunta mo lang ako rito para magpanggap at saktan si Ellie? Kung gano’n, gawin mong mag-isa!”
What was wrong with him? They were living together. Nakuha na niya ulit si Ellie. So, bakit niya sasaktan pa?
He was my best guy friend but I wouldn’t tolerate such awful things!
Hirap na nga ako sa pag-iisip sa huling sinabi ng pinsan niya ay dumagdag pa siya. At si Ellie . . . napakabait no’n. Bakit pa niya pinapahirapan?
Agad ko siyang tinalikuran at pumara ng masasakyan. Nilagpasan lang ako. Then Ridge followed me.
“Please, Iris. Ngayon lang-“
“Ayoko! Mag-usap kayong dalawa kung meron kayong hindi pagkakaintindihan! Hindi ako artista, Ridge!”
“Hindi mo ba ako kayang tulungan ngayon?”
Tuluyan ko siyang hinarap at pinameywangan.
“Kung sa tingin mo, makukuha mo sa gan’yan si Ellie, pwes sana hindi ka na niya balikan! Siraulo!”
Umigting ang panga niya. He got angry. Ofcourse. Thinking about Ellie not coming back to him, aba, talagang masisira ang ulo nito.
“I helped you.” may diin niyang sabi.
Nagsalubong ang mga kilay ko. “Anong sinasabi mo? Pinagmumukha mo na sa akin ang mga binili mo? Iyong sa party-“
“About Achilles.” Malinis niyang putol sa akin.
Natigilan ako. Nalusaw ang pagsasalubong ng mga kilay ko.
“Alam ko ang nangyayari sa inyong dalawa. Nilalayuan mo siya, ‘di ba? I let you used me in the party,”
“Hoy, Ridge, hindi kita g-ginamit!”
He smirked. “You know, I could corner you and let you be with my cousin. But I didn’t. I let you used me so you could avoid Achilles. You never heard anything from me, Iris. So, why not return the favor now? Mahirap bang maupo lang do’n at sumagot nang kaunti para makita ko ang magiging reaksyon ni Ellie? Whatever happens, Ellie is mine.”
Nanginig ang kalamnan ko. Kumuyom ang mga kamao ko. Ngayon pa lang ako nakaramdam ng ganitong pagkamuhi kay Ridge. I knew that he was a Castillano. A different one. But I guess, I was wrong.
Nananalaytay pa rin ang kalupitan sa dugo niya.
He could corner me and let me with Achilles? Katulad ba kung paano niya nakuha ulit si Ellie?
Tahimik kong sinuot sa wrist ko ang bracelet. I didn’t usually think ill about him. But tonight was different. Naninigas ang lalamunan ko sa galit.
Bakit kaya kung minsan maiipit ka sa sitwasyon at wala ka na lang magawa kundi ang sumunod? Bakit kaya kahit pwede akong tumakbo paalis dito ay hindi ko magawa kahit magmukha akong tanga?
There were times I only had questions myself but didn’t get any right answers.
Hindi muna ako pumasok sa loob. Pinahinahon ko muna ang sarili. Pero masamang tingin ang ginawad ko sa kaibigan ko. “Kapag nagalit sa akin si Ellie o kung sinuman sa mga kaibigan namin, ikaw ang mananagot.” Then I walked inside the bar.
“Sorry.” Dinig kong sambit niya sa likuran ko.
Hindi ko na siya pinansin. Malakas akong tumikhim at hinanda ang pinakada-best kong ngiti.
I’m so sorry, Ellie.
She looked so pretty. Bumagay sa kanya ng kulay maroon na damit na nakalabas ang mga balikat. She looked so simple. Siya ang nagdadala sa kanyang suot at kilos.
Hindi ko siya matingnan nang maayos. Kantyaw agad ang inabot ko kina Wesley. Naroon din sina Rica, Mark, Alec at Andrew. And Ellie looked stunned when she saw me and Ridge. But I never heard foul words from her. Nanatili pa siyang walang kibo at tila nahihiya.
Nang umoder sila ng beer ay kumuha ako ng isa. I would need this. Para naman hindi ko masipa ang katabi ko sa galit. Alam kong civil ang pakikitungo sa akin ni Rica. She was closed with Ellie. Kahit noon pa ay silang dalawa na talaga ang malapit na magkaibigan.
Tahimik akong nakikinig sa mga kwelang kwento nina Alec at Andrew. They were now working in corporate world. Hindi rin nalalayo sa akin. Nagagawa kong ngumiti kapag nagjo-joke sila. Ang sabi lang naman ni Ridge ay umupo ako rito at magsalita ng kaunti. Edi gano’n na lang ang gagawin ko.
“Ikaw, Ellie?”
Napatingin kaming lahat sa kanya. Nawalan ng kulay ang maganda niyang mukha.
“Ha?”
Nakita ko rin ang mapaglarong ngiti kay Alec. Muntik pa akong mapailing. He was up to something.
“‘Di mo ba kakamustahin ang mga Ex mo?”
Tinukso nila si Ellie. Pati ang dati pa nitong naging boyfriend noon. Pasulyap-sulyap ako kay Ridge. Lihim akong nagdiwang dahil naging sunud-sunod ang pag-inom nito.
“Sino ba ang type niya? ‘Yung umiiyak sa labas ng bahay?”
Napatda ako roon sa wala sa linyang asar ni Wesley. Napasinghap si Rica at natahimik kaming lahat sa mesa.
Nilingon ko ulit si Ridge. He was now angry at Wesley.
“Okay, next topic!” putol ni Rica sa katahimikan.
“Teka, ilang taon na ang nakalipas, ‘di pa ba iyon pwedeng pag-usapan? C’mon!” walang prenong bibig ni Wesley.
“Oo nga. Saka sina Ridge at Iris na naman, ah?”
Natigilan ako sa sinabi ni Andrew. Halos mapangiwi ako roon. Kung hindi ko lang kailangang magbayad ng “favor” ay hindi ko naman ito maririnig.
Naaawa ako kay Ellie. Gusto ko na nga siyang hilahin paalis dito nang silang lahat na lang ang mag-iinom.
“Okay lang ba sa ‘yo pag-usapan, Iris?”
Bigla akong tinanong ni Wesley.
Naramdaman ko ang pagsipa ni Ridge sa paa ko. Medyo masakit. But I still managed to smile.
“Oo naman. Ilang beses na rin ‘yang kinuwento sa akin ni Ridge.” Nilingon ko si Ellie kung nasaktan ba siya. Pesteng Ridge ‘to! “Ikaw, Ellie, okay lang ba sa ‘yo?”
Tinitigan ako ni Ellie. I stared at her and hoped she could read what was written in my eyes.
“Okay lang.” mahinhin niyang sagot.
Halos bumagsak ang mga balikat ko. Nagpatuloy ang kantyawan. Ridge was asked too. He said he was fine with it. Pinatong ko ang braso sa mesa. In my peripheral vision, I knew that Ellie saw the bracelet.
Lihim akong nagngitngit sa galit sa lalaking katabi. Nanalo na siya. I knew then she was so affected. That she was still so in love with him. She became restless.
Nararapat lang din na makaramdam ng galit at selos sa akin si Ellie. Hindi ko siya masisisi kung isumpa pa niya ako. Wala rin naman akong nagawa nang ipagawa ito sa akin si Ridge. At si Ridge ay walang ginawa kundi ang uminom.
Nag-request sila ng kanta. Sweet si Wesley kay Ellie. Nahuli ko ang ngisi niya at sulyap kay Ridge kaya batid kong sinasadya niya iyon.
Naisip ko tuloy, bakit kaya kailangang may patunayan para makitang mahal ka nga ng isang tao?
Hindi sapat ang simpleng salita lang at effort. But then, iba-iba rin kasi ang case ng tao. Merong mababaw lang ang problema at merong may malalim na pinaghuhugutan. Merong may mahabang pinagdadaanan.
What about my parents? Noong nagkaroon ng problema ay hindi naman sila nagtagal. Hindi napatunayang mahal nga nila ang isa’t-isa. They were just there because of . . . me.
Napabuntong hininga na lang ako nang kumuha ng panibagong bote si Ridge. Pag-ibig nga naman. Nasasaktan na, mas lalo pang sinasaktan ang mga sarili. Paano sila pakawalan?
“Ridge?”
Tila may bagon na dumagan sa dibdib ko nang marinig ang isang pamilyar ba boses.
I looked up at him.
“Achilles,”
Napalunok ako. What is he doing here?!
Pinasadahan niya ng tingin ang mesa namin. He stopped at Ellie and smiled at her.
Nagpakurap-kurap doon.
They knew each other? Pareho yata kami ni Ridge na nagulat. He could asked how. While I remained silent.
Kumuha na ng upuan niya si Achilles he did look at me. He glanced at me. He was probably questioning me again or accusing me why I was here. Baka sa utak ay naglalaro na ang tanong niyang: “Kaibigan lang pala, ha?” Damn.
But then, why bother thinking about what was inside his mind? Wala na naman siyang aasahan sa akin.
Sinusulyapan niya kami ni Ridge. Pero ang pinsan niya ay walang kamalay-malay at may lihim ding sulyap kay Ellie.
Hindi na ako makatagal doon kaya inaya ko na siyang umalis. Nauna na akong lumabas. Ridge followed me. Though I knew he wasn’t incline to go home early.
Pagdating sa labas ay saka ko siya hinarap. I sighed. Hinubad ko ang brace at binalik sa kanya. Sinuksok niya iyon sa bulsa ng pantalon.
“Mauna na ako.”
He sighed. His face was red.
“I’m sorry about Achilles, Iris-“
“Oo na. Alam ko. Mukha ka ngang sincere.” Mapakla kong boses. “Pinapunta mo ba?”
Umiling siya. “No. Ang alam ko ay may sarili siyang lakad ngayon kasama ang barkada niya,”
Pinagmasdan ko siya. Hindi ko alam kung nagsasabi ito ng totoo o hindi. Magpinsan sila. Anong malay kong nagtutulungan din ito.
“Sige na. Uuwi na ako. Balikan mo na sa loob si Ellie. Sumusobra ka na, Ridge.”
He smirked. “Ipapahatid kita kay Achilles,”
“’Wag na! Kaya ko!”
Mabuti na lang ay agad akong nakapagpara ng taxi. Alam na nga niyang iniiwasan ko, ipapahatid pa ako?
Nananadya talaga.
Nakita ko siyang bumalik ulit sa loob ng bar. He was excited to go back and get his Ellie.
Then, I remember Achilles’ face . . . napalunok ako.
Anger and jeaslousy were both shown on his face.