bc

Wonderwall (Touch #4)

book_age18+
48.1K
FOLLOW
638.8K
READ
dark
possessive
drama
twisted
sweet
bxg
office/work place
enimies to lovers
first love
virgin
like
intro-logo
Blurb

Lennox Castillano – “Stained” (Boy Next Door #3)

Ridge James Castillano – “First Heartbreak”

A Castillano Legacy continues . . . 

Iris Lewis Faustino is a hard-working woman. Life thought her to stand on her own and grab what was in available no matter what happens. Being an only child in a broken marriage made her stronger to face her future and bound to secure their life together with her mother. Her bestfriend, Ridge Castillano helps her to work in one of the well-known Construction Company in the Philippines.   

Achilles Castillano runs his father’s construction company and pursues to court Iris, his cousin’s bestfriend, after so many years of having a secret crush on her. Kahit alam niyang hindi interisado si Iris sa kanya. When he thought he got everything under his hands, his world collapsed. 

Under the circumstances of the buried secrets within his family, how he will get back the woman he wronged? 

He must protect his wife and children. And he must find the truth behind the wall.

chap-preview
Free preview
Prologue
  Prologue Iris I always knew that love has its limit. Katulad ng nangyari sa mga magulang ko. Bata pa ako noon at palagi ko silang nakikitang nagtatalo. Nagsisigawan. Binabato ng takip ng kaldero ni Mommy ang Daddy. Galit na galit ang mukha ng Mommy no'n. Tapos ay hinila siya ng Daddy sa kamay. Ang sabi niya, "Hindi na kita mahal!" sigaw niya rito dahil sa malakas ng boses ni Mommy. Natigilan ang Mommy at tumitig sa Daddy ko. Iniwan niya ang Mommy sa kusina. Pumasok ito sa kwarto nila. Umiiyak ko siyang sinundan doon. Pinanood ko siyang hinahagis ang mga damit niya sa loob ng maleta. Hindi ko malaman kung anong gagawin at sinong uunahing aluin. Ang Mommy na tulala sa kusina o ang Daddy na nagbabalak nang umalis sa bahay namin. Ilang taon ang lumipas, saka ko lang naintindihan ang sinabing iyon ng Daddy. He stopped loving my mother. He just stopped doing it. Bakit kaya? Anong dahilan? Ah, kasi hindi nagtatagal ang pag-ibig. May expiration iyon. Hindi pala panghabangbuhay. Kaya lang, iyong mga magulang ng kaibigan ko, matagal na naman. Ah, siguro ay wala lang silang mapupuntahan na ibang bahay kaya nagtiis na lang sa asawa. Ganoon naman iyong iba. Kasi wala silang ibang pamimilian kundi ang magtiis na lamang. Iyong araw-araw nilang pagtatalo, akala ko ay normal. Pero nang huminto sa pagsigaw ang Mommy sa kanya ay nag-alala ako at umiyak. Umalis ang Daddy nang hindi kami nililingon bago lumabas ng pinto ng bahay namin. Tinawag ko siya. Pero hindi niya ako pinansin. Kalaunan ay nag-asawa ng iba ang Daddy. But my mother didn't remarry. Naging abala ito sa pagtatrabaho. Nagbukas ito ng sari-sari store pero hindi rin nagtagal at nalugi. Maliit daw kasi ang kita roon. May pinasukan itong pabrika. Sinama siya ng kapitbahay namin. Pero sa gabi ang pasok nila kaya naiiwan akong mag-isa sa bahay. Isang umaga ay umuwing magulo ang buhok ng Mommy at hindi maayos ang suot na damit. Ang sabi niya ay hindi na siya papasok sa pabrikang iyon. Hindi ako nagprotesta. Mas gusto kong kasama ang Mommy lalo na sa gabi. Nakakatakot mag-isa. Ang sunod niyang naging trabaho ay isang sekretarya sa clinic ng isang lalaking doctor. When I get older, my father didn't matter to me anymore. Kahit ang magalit sa kanya ay aksaya na lang ng oras para sa akin. Nag-aral akong mabuti. Ang resulta ay matatas ang gradong nakukuha ko. Sa UP ay naging close ako kay Ridge Castillano. Ahead siya sa akin ng isang taon pero dahil sa naging classmate ko iyong crush niya noong high school na si Ellie ay naging magkaibigan na rin kaming dalawa. He's my bestfriend. Walang malisya. Tropa lang ang tingin namin sa isa't-isa. At saka, alam kong patay na patay iyon kay Ellie niya. Pinakilala ko siya kay Mommy. Akala niya ay boyfriend ko si Ridge. Nandiri kaming pareho sa isa't-isa kaya pareho naming tinama ang Mommy ko. Pero alam kong umasa ang Mommy na maging kami ni Ridge. She adored him. Gwapo, malaki ang katawan, matalino, masipag at isa pa, may sinasabi sa lipunan ang apelyido. Kahit na ba hindi naman siya sa mansyon nakatira. Pinakilala naman ako ni Ridge sa mga pinsan niya. Kinukwento niya sa akin ang mga ka-close niyang pinsan. Sina Lennox at Achilles. Mas nauna kong nakilala si Achilles. Mas matanda kay Ridge. Pero hindi niya tinatawag na 'kuya'. Pabalik-balik nga iyon sa America at Pilipinas. Hindi nila problema ang pera. Akala mo ba'y namamasyal lang sa ibang bansa. But Ridge was somehow different. Hindi siya lumaki sa luho kaya naman nagkasundo kaming dalawa. Nakikita ko siyang pumupunta ng UP. Sinusundo si Ridge minsan. Eh, sinusundo rin ni Ridge si Ellie sa UE kaya madalas hindi ito nakakasama. Sus, makikipag-inuman, bubulakbol lang siguro iyon. Anak-mayaman eh. Bad influence siya sa pinsan niya. Kaya wala akong masyadong amor doon sa Achilles na 'yan. Nayayabangan ako. Mapanghusga na kung mapanghusga pero iyon ang pakiramdam ko sa kanya. Gwapo siya. Pero hanggang doon lang ang paghanga ko sa kanya. Mas matanda siya kay Ridge pero kung kumilos para bang mas matanda pa sa kanya ang pinsan niya. Paano naging close rito si Ridge, eh panay ang aral no'n at trabaho? I caught him, not once but twice, na tumititig sa akin. Nasa bilyaran kami noon. Pinapanood ko silang maglaro ng pinsan niya. Nakita ko siyang nakasandal sa edge ng pool, hawak ang tako at nakatitig sa akin. Achilles Castillano. The man . . . screaming of muscle and has a tight jaw line. Dark ang balat. Tahimik lang ito. Hindi nagsasalita kung hindi kakausapin. Wala namang problema sa akin iyon. Kaya lang . . . madalas ko siyang nahuhuling nakatitig sa akin. Tinanong ko na kay Ridge kung bakit ganoon ang pinsan niya, ang sagot naman ay: "Baka type ka." Pang-aasar niya sa akin. Nakakaasiwa. Achilles is Ridge's second cousin. Pinabayaan ko na lang. Dahil alam ko, sa sarili kong hindi ko siya type. Siya iyong uri ng lalaking nangongolekta ng panty pagkatapos pagsawaan ang babae. At ni hindi pumasok sa isipan ko na magkakagusto sa kanya. Hindi siya ang lalaking ipapakilala ko sa Mommy. Never. Ever. Nobody likes me. Nakasanayan ko na rin kung minsan ang hindi pagkausap sa akin ng mga kaklase kong babae. Mula high school hanggang sa college. Para raw akong nasa pedestal. Walang gustong lumapit at tila pinakaiingatan ng lahat. Mukha raw akong suplada at palaging nakasimangot. Naging tampulan ng tukso ang kulot kong buhok. Kung anu-anong naririnig ko noong elementary na tukso sa akin. noong una ay naasar na rin ako. Pero ang sabi ng Mommy ay namana ko raw iyon sa Daddy. Nakakainis noong unang nalaman ko kaya naman ginusto kong magpa-straight ng buhok. Kaso, wala kaming pambayad doon. Sabi ng Mommy ay hayaan ko na lang ang mga panunukso sa akin. May ibang tao na ang kasiyahan ang manakit sa kapwa dahil baka may pinagdadaanan sila. So, I should shrugged my shoulders and ignore them. Kaya nagmumukha akong suplada. Well, I disagreed to smile alone. Mukha naman akong baliw kung ganoon. A true friend like Ridge is enough for me. Though he only befriended me during college days. Pinagtapat pa niya sa aking dahil iyon kay Ellie Ybarra. Ang maganda kong kaklase noong high school. He's so in love with her, na kahit pati ang nalalaman ko kay Ellie ay tinatanong pa niya sa akin. He was uptight man. Cold. Mabuti na ring naging kaibigan ko siya para maka-graduate ako. Natutulungan niya ako sa studies ko. He's a Castillano after all. A rich, powerful but low-key family clan. I even compared the Castillanos to the De Silvas. Those are the two famous names in business world, but only few standout gracefully. But this man named Achilles. Sinabi ko kay Ridge na nakakakilabot kung tumingin ang pinsan niyang iyon pero pinagkibit-balikat niya lang. Aba, kahit galing sila sa may kayang pamilya ay hindi ako pasisigurong hindi niya kayang gumawa ng karumal-dumal na krimen. Kaya't magmula noon pa ay iniiwasan ko nang makasalubong man lang si Achilles Castillano. Okay lang kay Lennox dahil para naman iyong ice man. Pero iyong Achilles . . . para akong pinag-iisipan ng masama. Nakakapanindig ng balahibo. I finished my college. Architecture. Pero nakiusap sa akin si Ridge na magtrabaho muna sa jewelry shop niya. COO ang posisyon. Noong una ay nag-alangan ako. Kaya lang din, saying ang opportunity. Mailalagay ko rin iyon sa resume ko bilang work experience kahit na walang kinalaman sa kurso ko. Noong panahong ako ang namamahala sa SECRET, madalas kong nakikita si Mrs. Regina Alva Castillano. She move and speak like an aristocratic woman. Naikukumpara ko siya sa mga ginang na mayayaman noong medieval era. Taas noo, mamahalin ang suot at alahas. Ang makeup ay masyadong makulay pero halataing mamahalin din. Pero kung anong ginanda niya, siya namang talas ng pananalita. Marami siyang napupuna, demand at reklamo. Naisumbong ko na iyon kay Ridde. Ang sabi niya ay hayaan na lang daw. Hindi rin naman siya malapit na pamilyang iyon. May araw naman talagang nakaka-global warming ang ulo ko kapag siya ang dumating. Agad niyang pinapasara ang pinto para siya lang ang customer sa loob ng shop. Hindi ko tuloy maiwasang ikumpara siya kay Tita Lian. Sobrang bait ng Mommy ni Ridge. Hindi makabasag pinggan. Tiningnan niya ako at tinasaan ng kilay. I cleared my throat and moved professionally. "Yes, Mrs Castillano?" masuyo kong tanong sa kanya. Pinasadahan niya ako ng tingin. "I wonder kung bakit ikaw ang kinuhang tao rito ni Ridge. May alam ka ba sa mga alahas, hija?" Sandali akong natigilan at kumurap-kurap. Why do I feel so nervous right now? Hindi na ako kulot. Nakapagpa-rebond na ako. Naka-graduate na rin ako. Ngayon pa ba ako patataubin ng isang masungit na mayaman? At nanay pa ni Achilles na hindi ko rin gusto. Bakit si Ridge nakakaya kong biruin at pakisamahan? Kahit noong una akong tumapak sa building nila, I had to wear something attractive to attract employers. I literally marketed myself to gain trust since I was just a college graduate. Why do I feel na kaya akong tapakan ni Regina Alva Castillano? I gulped and cleared my throat. I was nervous. "Uh, Ma'am Regina—" Mabilis niyang tinaas ang kamay. "Never mind. I just really don't trust those breed of Castillano. Mga anak kasi sa labas kaya hindi naturuan ng tamang asal. Mabuti pa nga si Lennox ay pinag-aral pa ng pinsan ng asawa ko. Atleast, hindi aasa sa pamilya namin." Humikab ito at maarteng tinakpan ang bibig. "Anyway, dumaan lang ako. wala akong nagustuhan sa mga bagong dating." Then she gracefully walked out of the store. Narinig ko ang pagkawala ng hininga ng mga staff namin. "Grabe ma'am Iris, nakakakaba kapag dumarating dito si Madam Regina," tila napagod na sa hinaing ng isa. "Mala-Imelda Marcos kamo ang awra niya. May mga bodyguard pa nga sa labas," salo ng isa pa. Napahilot ako ng noo. Ano ba itong napasukan ko. Mapapatuwid yata ni Regina Castillano ang kulot kong buhok kahit walang ilagay na gamot. Kaya nang sabihin sa akin ni Ridge na may hahalili na sa akin sa SECRET ay natuwa ako. Hindi ko na makikita iyong Madam na iyon. "Sino naman ang ipapalit mo?" tanong ko sa kanya. Uminom siya ng brandy at nilingon ako. "Si Ellie." Matipid niyang sagot sa akin. Napaawang ang labi ko. Nabaliw na yata itong kaibigan ko. Hindi na naka-move on kay Ellie. Nang malaman ko ang istorya nila. Sabi ko, another example ng pag-ibig na may expiration. Pero itong si Ridge, hindi katulad ng Mommy ko na hinayaan at kinalimutan na lang ang Daddy. Nang makita niya ulit si Ellie ay sinunggaban agad at binakuran. I might find his ways wicked. But still, he's still in love with her. There's no expiration date to his Ellie. Dahil nawalan ako ng trabaho ay nirekomenda niya ako sa isang construction firm na pagmamay-ari rin ng mga Castillano. Ang cool. Mayaman silang pamilya kaya talagang big time ang kumpanyang iyon. Natanggap ako roon. Maganda ang pasahod at maayos ang opisina. Nagandahan ako at naging kuntento. Kapag nakaipon ako ay mapapatigil ko na si Mommy sa pagiging sekretarya sa clinic. Sa bahay na lang siya at magbubuhay reyna. Okay na sana. Kaya lang . . . nalaman ko kung sino ang nagpapatakbo ng construction firm na iyon. Pinsan pala ni Ridge. Iyong nilalayuan ko ang ina, itong anak naman ang pumalit. Si Achilles Castillano.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
322.9K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

Imperious (COMPLETED)

read
131.8K
bc

SPELLBOUND - Masked Bachelors 1

read
81.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook