“Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya’y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay nang sagana at ‘di nanunumbat.” – Santiago 1:5
***
Chapter 19
Iris
Pinapasok na ako ni Ara sa opisina ni Achilles. I stopped and stared at him for a while when I found him broodingly sitting on his big stuffed swivel chair. Nakapangalumbaba at tila kay lalim ng tingin. Napansin niya ako. Inikot niya ang inuupuan sa kanyang kaliwa. He then spread his arms wide for me. I chuckled. Mabagal na hakbang ko siyang nilapitan. Hinuli niya ang kamay ko at hinila paupo sa kanyang kandungan. His arms abruptly snaked in my waist. He buried his nose on my neck and inhaled my scent.
“You forgot about me, huh?” he whispered against my heated skin.
In between his parted thighs, he cradled me. Sinandal ko ang likod sa dibdib niya. Humawak ako sa braso niyang nakayakap sa akin. Nakangiti ako habang dinadama ang sarap ng init habang nakakandong sa kanya. “Nag-sorry na ako. Mainipin ka lang talaga,” tudyo ko at kurot sa braso niya.
“Kung hindi pa kita pinatawag kay Ara, hindi mo rin ako maaalala.” Reklamo niya.
My lips widened with a real smile. “Sobra ka naman. Magkikita pa tayo mamaya,” sinubukan ko siyang lingunin. Pero huminto ang mga mata ko sa mga papel at envelop na nasa ibabaw ng working table niya. Nakabukas ang laptop pero naka-home screen. Ano kayang ginagawa nito bago ako dumating? Working, ofcourse. “Busy ka naman yata sa trabaho. Eh, bakit pinatawag mo pa ‘ko? Hindi tuloy ako nakasabay kina Lean na kumain,” kunwari akong sumimangot. Hinaplos ko pa ang tiyan sa paraang kumakalam ang sikmura ko. This reminded me how I was different to him before. I bit my lower at the thought.
“Dito ka na kumain. Magpapabili ako,” agad niyang tinawagan si Ara. Tumayo na rin ako. Kasi, parang wala siyang balak na umayos ng upo kapag pumasok ang sekretarya niya. He looked up at me. Kumunot pa ang noo niya hanggang sa matapos niyang tawagan si Ara. “Why? Come back here,” he looked down at his lap like as if I snatched something that belongs to him.
Hinila ko ang dulo ng dress ko at umiling. “No. Makikita tayo ni Ara,” lumayo pa ako sa kanya. I heard his grunts of protest pero nagpatuloy ako sa paghakbang at tumayo sa harap ng mesa niya. I looked around in his office. Wala namang pinagbago mula no’ng huli akong pumunta rito. Lumapit ako sa itim na couch. Doon na ako naabutan ni Ara pagpasok nito. Achilles with his male authoritative, asked her to order food for me. Pinanood ko siya habang nagsasalita sa sekretarya niya. He looked different. His physical appearance stayed the same but the aspect of his emotional looks was different from the way he would do look at me.
Was it because I’m his wife? I shrugged my shoulders and sat on the leathered couch.
“Noted, Sir.” Ara politely said.
Inaasahan kong pagkaupo ay smooth at malambot kahit papaano ang uupuan ko. Sa tabi ng armrest ako umupo. Lumabas na si Ara. Tumayo naman si Achilles at lumapit sa kung nasaan ako. Hindi ko siya tiningnan. Siniksik ko ang kamay sa hita ko at cushion ng armrest. Kumunot ang noo ko nang may nakapa akong matigas na bagay. Bahagya kong tinaas ang puwitan ko. Kinuha ko ang naupuan at naging kuryoso sa nakita. It looked like a big black bullet with a silver ring in the middle. May nakasulat na “Mac” sa tabi ng silver ring nito.
“Lipstick?” nagtaas ako ng tingin kay Achilles at pinakita iyon sa kanya. I saw a flash of unknown reaction in his eyes. Umupo lang siya sa tabi ko. Hindi kinuha ang lipstick. “Naupuan ko rito,” tinuro ko ang gilid ng puwitan ko.
Pinatong niya ang isang braso sa ibabaw ng sandalan ko. He sighed heavily and diverted his gaze from the lipstick to my face. “Naiwan siguro.”
Hindi ako sumagot at tiningnan ko lang siya hanggang sa kumpletuhin niya ang gusto kong marinig.
“Zonia was here.” He casually answered. Like as if the name didn’t matter to him at all.
Pero iba ang naging dating sa akin. Si Zonia ay ang fiancée niya. I mean, dating fiancée. I was still in the unbelievable-stage of our married life. Ang malamang pumunta si Zonia sa opisina niya, iba ang tunog ng bell sa tainga ko. But I had to let go of anything unusual in me. Dahil hindi rin usual ang maging asawa ni Achilles. Kahit sinabi na niya sa aking childhood friends lang sila ni Zonia, ito pa rin ang nirereto sa kanya ng Mama niya. Magpahanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita ang mga magulang niya ilang araw pagkatapos naming makasal.
Napalunok ako. I felt awkward staring again at the expensive lipstick. Until I cleared my throat. Inabot ko iyon sa kanya. “Oh? Ibalik mo sa kanya.” My voice shook a little. No, Iris!
Hindi naman niya kinuha. Nagsimulang uminit ang pisngi ko kaya binaba ko na lang sa lamesita ang lipstick. Kinabahan na rin akong tingnan siya ulit. Binaling ko ang atensyon sa design ng opisina niya. Kahit na nagawa ko na iyon dati at kanina lang. Tiningnan ko rin ang mga kuko na wala namang nail polish. Maglagay kaya ako? Nag-isip ako ng magandang kulay pero bumabalik ang isipan ko sa lipstick ni Zonia at kay Achilles.
I saw him moved closer. Bumalik sa alaala ko iyong araw na nasa bahay siya at umakyat ng ligaw. Looking back, he was too arrogant for a suitor. Malakas ang loob niyang dumikit kahit hindi ko pa boyfriend. Paano pa ngayong kasal na kami at dinadala ko ang mga anak niya?
“Ano’ng iniisip mo?”
Sinaway ko ang sariling lumingon. Nang wala akong magawa sa kuko ay nilabas ko na lang ang cellphone ko at iyon ang kinalikot. Binuksan ko ang data at nagbukas ng f*******:. Scroll, scroll, scroll. Akala mo ba’y mata ni Superman ang gamit ko sa sobrang bilis dumaan sa mga mata ko ng page na iyon.
He moved a little bit closer. Walang hangin ang makakadaan sa amin sa sobrang dikit niya sa akin. He was big-much bigger than I am. Kinawit na niya ang brasong kanina ay nasa ibabaw ng sandalan pababa sa baywang ko. Naramdaman ko ang bigat ng paghinga niya. Pinagpatuloy ko ang pag-scroll hanggang sa bumagal at nagkaroon ng focus ang mga mata ko sa screen ng cellphone. But still, I was fully aware of his warm and muscled body.
“Sabihin mo sa akin . . .” bulong niya sa tapat ng tainga ko.
Nanatili ang mga mata ko sa screen. “Wala.” Sagot kong labas sa ilong. Nagsalubong pa ang mga kilay ko at kinamot ang gilid ng mata.
“Look at me,” pautos niyang sambit.
Hindi ko ginawa. Dahil walang nakakuha ng interest ko ay in-open ko na lang ang profile ng account ko para lang hindi ko siya mapansin. Pero hindi naman umeepekto. Siya pa rin ang nasa isip ko. Hindi ba niya ramdam na mas gusto kong hindi kumibo kaysa ganitong pilit niya akong gustong pasalitain?
Hinawakan niya ang wrist ko at inagaw sa akin ang cellphone. Nakaramdam agad ako ng inis. “Akin na,” mahinahon ko pang salita.
“Then, I got your attention,” he grimly said.
“Ano ba ‘yon?”
“I can see that you’re upset.”
“Bakit naman ako maa-upset?” kaila ko pa.
He arched his one brow. “And you’re jealous too.”
“Gagu.” Mahina kong sambit at sinubukan kong agawin ang cellphone. He denied me. Nilayo niya ang kamay na may hawak ng cellphone at bahagya akong tinulak sa balikat. “Ano ba!”
“You don’t have to get jealous over that damn lipstick,”
Matalim ko siyang tiningnan. “I am not jealous. You’re always overreacting at everything!”
“Kabisado ko lang ang bawat lumalabas na reaksyon sa mukha ng asawa ko.”
“Pwede ba? Wala pa tayong isang buwan na kasal. Mayabang ka na,” asar kong salita.
Ngumisi siya at mabilis akong pinatakan ng halik sa labi. I was surprised. So, I glared at him.
“I had years of studying you, sweet love. Marriage is just an upgrade of our relationship. Kung noon pa lang pinansin mo na ‘ko, dalawa o tatlo na ang anak natin ngayon. And I’m not going to jeopardize our upgraded status just because of this damn lipstick!” Salita niya sa paraang para bang nagbibigay ng “fact” sa buhay namin.
Matalim ko siyang inirapan. He was pissed because of that lipstick? “Kung noon pa lang naging boyfriend na kita, nagbibilang na ako ng uban ngayon. O baka ubos na ang buhok ko dahil sa stress sa ‘yo. Napakahigpit mong magbantay.”
Hindi siya agad na nagsalita sa litanya ko. Para bang ina-absorb ng utak niya ang huli kong sinabi. Nang magtagal ng ilang segundo ang katahimikan, tumubo naman ang pagsisisi sa akin. Dapat yata ay hindi ko na binanggit iyong pagbabantay niya sa akin. Na-offend ba siya na mai-stress niya ako dahil doon? O dahil sa naging tono ng pananalita ko? Minsan ganoon, eh. Kahit parang walang mali sa mga salita pero sa tono ng pananalita nagsisimula ang delubyo.
“Naisip kong mag-asawa ng maaga nang nakilala kita. Maiksing panahon mo lang ako magiging boyfriend. Pakakasalan agad kita pagkatapos mong mag-aral. Pero kung papayag ka, habang nag-aaral ka pa, magpapakasal na tayo.”
I was a bit stunned at his raw confession. Pinanood ko siyang ipatong ang kanyang mga siko sa magkabila niyang tuhod at may ginawa sa cellphone ko. Kahit alam kong pinapakaelaman niya ang settings ng account ko, nanatili pa rin ang buo kong atensyon sa mukha niya.
He was serious. Damn serious. At may hatid pa rin iyong kalabog sa dibdib ko. I witnessed Ridge’s young passionate love for Ellie. Matiyaga, pasensosyo at malalim magmahal. Iba ang dating ni Achilles sa akin noon. Inisip ko pa no’n, bad influence siya sa pinsan niya. Pero ngayon, sa tingin ko naman, magkaiba lang sila magpakita ng emosyon ng pinsan niya. Pareho silang hindi masalita at maraming tinatago.
Tinatago?
“Matagal ko na dapat napalitan ang pangalan mo, Iris.” Nakatuon pa rin ang paningin niya sa cellphone ko.
Hindi ako sumagot. Lumingon siya. Umiwas ako at tumikhim.
“Kung nagseselos ka kay Zonia, aminin mo na lang. Mapapasaya mo pa ‘ko.”
Humalukipkip ako at sinandal ang likod sa upuan. “Mas hahaba pa kamo ang buntot mo kung gano’n,” mahinahon kong sagot.
Ngumisi siya. “Sa harap, oo naman.”
Napapikit ako at takip ng mukha. Tumawa siya nang malakas. Ilang sandali pa’y hinawi niya ang takip sa mukha ko.
“So, are you jealous, sweet love?”
Bumaba ang tingin ko sa kamay niya. Binawi ko ang cellphone at saka siya tinulak palayo sa akin. Tiningnan ko ang ginawa niya roon. In-edit niya ang pangalan ko. It was clearly posted: Iris Lewis Castillano. Tiningnan ko siya nang may mangha sa mukha.
“Are you still jealous?”
Natigilan ako. Nag-isip. At ang lumabas sa akin, “Hindi ko alam!” I snapped at him. Bigla, gusto ko na lang na umalis at umuwi. Either, hindi ako kumportableng kasama siya o hindi ako kumportableng sagutin ang tanong niya.
Tumawa siya ulit. “Pumunta rito si Zonia para bumati. Nalaman niyang nagpakasal ako. Gusto niya lang makasigurong tama ang nabasa niyang balita,”
Kumurap-kurap ako. Nilingon ko siya. Now, he was back to being serious again. He softly caressed my hair behind my nape. Like as if I was his precious mare.
“I hope you’re really jealous of her. Like the way I was jealous of Ridge.”
He was always, always blatant about his jealousy over his cousin. Hinding-hindi na yata mababago ang tingin niya roon kahit lumipas pa ang maraming taon o kahit sabihin ko nang paulit-ulit na magkaibigan lang kami ni Ridge. Pero . . . bakit naman ako? Dati ang pakiramdam ko sa kanya play boy siya at ngayon nagbago na ang tingin ko. Permanent na ba iyong selos niya kay Ridge?
I sighed. “You were jealous for nothing,”
“Then you shouldn’t be jealous over that lipstick.”
But women’s instinct was different compared to men. Hindi ko iyon sinambit para matigil na itong usapan tungkol sa selos na ‘yan. Dumausdos pababa ang kamay niya sa likod ko. I sat up straight and gulped when he reached down my upper buttocks. Nilingon ko siya. Mula sa panonood ng kamay niya sa likod, tiningnan niya rin ako.
**
Punong-puno ng pagkain ang double-door na fridge sa mansyon pati ang pantry nila. Napansin ko, minsan naggo-grocery sina Manang Lupe at kung hindi naman, dini-deliver na lang dito ang supplies. Sa umaga sila madalas na naglilinis sa second floor. Iyong parang maze na halamanan, inaalagaan ng hardinero. Kahit ang ibang halaman na nakapalibot sa area. Siya na rin ang nagwawalis sa mga bumagsak na tuyong dahon.
Hindi na ako pinagbabawalan ni Manang Lupe na tumulong sa kanila. Though, may signs pa rin ng pagiging mahigpit sa ilang bagay. Tulad ng haba ng oras sa paglagi ko sa kusina. Pwede akong makipagkwentuhan pero madalas ay ngingiti lang sila, tatawang mahina at hindi rin masalita. Wala na ring sumusunod sa akin sa loob ng bahay. Sa labas na lang sila nakapwesto. They were the staple security men of Castillanos. Experienced and armed. In a span of two weeks living here, I could possibly say, nakakapag-adjust na rin ako.
Achilles’ also approved of Lean and Mabelle’s visit in the mansion. He suggested, na sa labas at mag-swimming din kung gusto. Iyon lang yata ang pinaalam kong hindi siya nangontra. Well, masasabi kong kailangan talaga nang masinsinang pag-uusap sa mag-asawa para magkaintindihan. Hindi pwede iyong isa lang ang gagawa ng desisyon. Hindi pwedeng magkasundo lang kayo kapag gumagawa ng anak pero sa labas ng kama ay kanya-kanya na. Unti-unti ko na namang nakikilala si Achilles.
Sa aspetong asawa, maalaga siya at thoughtful. Mapagbigay. Pagdating sa pinansyal, wala akong problema roon. Hindi man ako mahiling sa mga materyal na bagay, alam kong kayang-kaya niyang ibigay. Sa aspetong s*x life, hindi rin syempre pahuhuli ang asawa ko. Pero sa kalagayan ng tiyan ko, maingat na siyang madaganan ako. Kahit ang mapagod ako. We made love every night then sleep. We made love again in the morning. His thrusts were careful. Though, his heavily thrusts were my favorite. I still could make him slow down if I wanted to. He followed his desire and mine too.
Sa tuwing binibigyan niya ng atensyon ang buong katawan ko, hindi ko maiwasang mahiya at takpan ang sarili. With the curve on my belly, I felt so big. Two lives were in my body. Masaya ako na ipagbuntis ang mga anak ko pero kapag nasasala ako sa mga mata ni Achilles, nako-conscious na rin ako. But he was so careful and I didn’t see any disappointment in his face. Hinahaplos niyang matagal ang tiyan ko at kung minsan ay tinatapat ang tainga roon. Hinahalikan na para bang ang mga sanggol ang makakadama ng labi niya. Kapag ginagawa niya iyon ay parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko.
Achilles was going to be a loving father. He was silently anticipating it.
Ngayong araw ay magluluto ako ng spaghetti na may meat balls. Maya-maya ay darating sina Lean at Mabelle. This would be our lunch. Magpi-prito sana ako ng manok kaya lang baka maging fast food ang kakainin namin. Napahagikgik ako no’ng maglista ako ng pwedeng lutuin. Tinanong ko naman ang mga kaibigan ko kung anong gusto nilang kainin dito. Pero ang sagot: “Bahala ka na!”. Ano naman kayang ingredients ng “Bahala ka na”? Sinabi ko ring sa tabi ng pool kami kakain kaya nagsabi agad silang magbabaon ng panligo.
Nag-volunteer si Manang Lupe na gumawa ng garlic bread pang-partner sa spaghetti. Pati salad na pang-dessert naman. Nagsabi pa siya ng ibang pangalan ng pagkain pero humindi na ako.
Umalis si Achilles. May kikitain daw siya ngayong tanghali at uuwi rin agad para samahan ako. Lean and Mabelle would be thrilled to chat with their Boss.
I was aided with house helpers preparing my ingredients. Nakabantay sila sa akin na para bang pasasabugin ko ang kusina. I cooked cheerfully. Gusto ko ring maging magaan ang turing nila sa akin. Uptight kasing tingnan si Achilles kaya nasanay sila roon. Kapag nginingitian ko sila, nagbaba sila agad ng tingin na para bang bawal nilang makita ang ngiti ko. Damn. I guess, it would take time. Be patient, Iris.
Kumukulo na ang sauce ko. Kumuha ako ng kutsara at sumandok nang kaunti para matikman. Nasa likuran ko lang si Manang Lupe. Nagpupunas ng center island. Hinipan ko ang laman ng kutsara bago sinayad sa dila ko. Ninamnam kong mabuti ang sauce sa bibig ko. Kumukurap-kurap hanggang sa mapangiti. “Manang, tikman niyo rin po ito kung ayos na ang tamis,” wala akong tiwala sa panlasa ko pero para sa akin ay ayos na naman ang lasa. Hindi na gaanong maasim.
Binitawan ni Manang Lupe ang basahan. Nagpunas ito ng mga kamay at saka humarap sa kalan. Nagsuot ako ng puting apron. She suggested this. Kumuha ako ng panibagong kutsara at sumandok ulit sa sauce. Hinipan ko muna iyon bago tinapat sa bibig niya. She looks stunned. Nakatingin siya sa akin at hindi sa kutsarang tinapat ko sa kanya.
“Hipan niyo muna ulit para sure,” biro ko pa.
Kumurap siya. Mahinang hipan nga ang ginawa niya bago sinubo ang kutsara. Her lips barely moved and silently studied the taste of the sweety sauce on her mouth. Ilang sandali pa’y ngumiti na siya at tumango sa akin.
“Masarap ka pa lang magluto, Ma’am Iris.” May approved niyang puri.
Ngumuso ako. “Iris na lang po, Manang.”
She looked at me and shook her head. Pumornal na ulit ang expression ng mukha niya. “Asawa ka ni Sir Achilles. Hindi ka namin pwedeng tawagin ng kaswal lang.” tinalikuran na niya ako ulit at kinuha ang basahan. Like as if she was dismissing me again.
Binaba ko sa sink ang dalawang kutsara. Pinatay ko na ang apoy sa kalan at hinugasan ang nasa lababo.
“Ako na d’yan,” awat niya sa akin.
Umiling ako. “Kaya ko na po ‘to, Manang.”
Narinig ko ang mabigat niyang buntong hininga.
“Ayaw ng asawa mong napapagod ka. Maupo ka na ‘ron. Nag-aalala ako na baka mabunggo ang tiyan mo,”
She was persistent. But I was too. Hindi ko siya pinansin at tinapos ang ginagawa. Hindi rin siya umalis sa tabi ko. Tapos na rin naman kami sa pagluluto. Iyong garlic bread niya ay ipapasok na lang sa oven. Hindi rin naman iyon mahirap gawin. At dahil wala na rin akong gagawin doon, umakyat na ako sa kwarto para makapaghanda sa pagdating nina Lean at Mabelle. Naghanap ako ng damit na kumportable. Nakita ko ang mga T-shirt ni Achilles na maayos na nakatiklop. Kinuha ko iyong plain gray v-neck shirts niya. Malambot ang tela kaya sinuot ko. Dalawang tiklop ang ginawa ko sa magkabilang manggas. It felt so comportable and looked a bit chic with my black leggings. Sinikop ko ang buhok sa kaliwang balikat at saka tinirintas.
Just after thirty minutes, they had arrived. Nakaabang ako sa labas ng bahay nang mag-text si Lean na malapit na raw sila. Nang pagbuksan nga sila ng gate ay patakbo ko pa silang sinalubong. Ang dalawa ay mukhang ninerbyos pagkapasok pero nang makita ako ay agad silang ngumiti.
“Bakit ka tumakbo? Parang ‘di buntis, ah!” may excited at mangha pa ring salita ni Lean.
Tumawa lang ako. Pinaikutan naman ng tingin ni Mabelle ang labas ng mansyon. Katulad ko noong unang beses akong nakarating dito.
“Grabe ang sosyal-sosyal dito, Iris. Ikaw na ang reyna nitong buong mansyon?” ani Mabelle na hindi pa rin matapos-tapos ang pagpasada ng tingin.
“Hindi, ‘no. Dito pa rin nakatira ang Mama ni Achilles,” tumingin na rin ako sa paligid.
Tumango-tango silang dalawa. Lean was excited and thrilled while Mabelle sincerely studied the exterior design of the Castillano Mansion.
“Ang ganda pala ng palasyo ni Madam,” komento ni Lean.
Hindi man nila nakita ay bigla kong naramdaman ang kaba nang mabanggit ang Mama ni Achilles. Parang isa pang obstable na makasama ang Mama niya. In-imagine ko na nga ang paghaharap namin at iba’t-ibang senaryo na ang na-plot ko. Pero naisip ko na lang na, baka, dahil sa pinagbubuntis ko ay nginitian niya ako. Karaniwan na napapalambot ng mga apo ang mga matatanda.
“Ay siya nga pala, may pasalubong kami sa ‘yo, Mrs Castillano,”
Napatingin ako kay Lean pagkasubo ng pasta. Kuryoso ko siyang tiningnan. Mula sa dalang bag ay nilantad niya sa harapan ko ang bagong biling yellow bikini.
“Suotin mo raw ngayon pagligo natin,” masaya pang tudyo sa akin ni Mabelle.
Tiningnan ko silang pareho. “Hindi kayo masyadong prepared, huh?”
Pareho silang malakas na tumawa. “Binabalak na nga rin naming mag-organise ng baby shower mo, ‘no!”
“Ano?” mangha at natatawa kong tiningnan ang bikini. Inabot ni Lean sa akin. I held on the strings and stared at the sexy design. Napalunok ako. “Hindi ko na yata masusuot ‘to, eh, ang laki ng tiyan ko,”
“Keri ‘yan. May mga nagpapa-pictorial na ngang buntis at labas-tiyan din naman,”
“Be proud, Iris! Mga tagapagmana ‘yang dinadala mo. Sila ang future ng mga Castillano.” Sabi ni Mabelle na parang nakikita nga niya ang future sa isipan.
“Baka lumuwa ang mata ni Sir Achilles pagkakita sa ‘yo,”
“Maging triplets pa ‘yang chikiting mo!”
Sabay-sabay kaming tumawa. Grabe, ang sarap sa tiyan na makatawa nang ganito kahit nasa mansyon ako. Nagpiktyuran kami habang kumakain at pagkatapos. Tapos ay nagkayayaan ng magpalit ng panligo. Dinala sila ng kasambahay sa banyo sa baba. Ako naman ay umakyat sa kwarto para magbihis. Sa loob ng banyo ay masusi kong pinag-aralan kung paano itatali ang bikini sa katawan ko. When I figured it out, I easily tied it on my back, neck and on the sides of my hips.
Tiningnan ko ang kabuuan sa salamin. Tumagilid ako at hinaplos ang tiyan. My waist was too narrowed for a pregnant woman. Hindi pa masyadong mataba ang mga hita ko. Maliban sa dibdib ko. Mas bumilog at naging mas sensitive kahit ang nips nito. My tummy was still smooth. Sigurado ako, kapag mas lumaki pa ang tiyan ko ay magkakaroon na rin ng stretch marks. I smiled. Excitement drawn in my mind.
Despite having second thoughts, I wore a white robe and went back in the pool area.
“Achilles . . .” bahagya akong nagulat nang madatna ko na sa baba ang asawa ko. Kausapin na nito sina Lean at Mabelle na sobrang hiya-hiya. Nakapagpalit na rin sila ng suot. Si Mabelle ay nakasuot ng rushguard at de-garter na shorts. Si Lean ay pink na one-piece swimsuits at nakasuot din ng puting shorts. Medyo nasisilayan ang kalahati ng swimsuit na suot niya.
Nilapitan ko silang tatlo. Awtomatikong pinasadahan ni Achilles ang suot kong roba. Masyadong malaki sa akin. This was his. He stretched his right arm and reached me. Without any signal, he kissed me on my lips.
Nahuli ko ang pag-iwas ng tingin ni Lean. Si Mabelle ay tumingala pa na parang may interesting sa tinitingnan.
“Kanina ka pa?”
He slightly pouted his lips. “No. I had just arrived.” Simpleng bumaba ang mga mata niya sa suot ko. “On your swimsuits too, baby?”
“Uh, o-oo. Binili nila sa akin,”
Tumango siya. Nilingon niya ang likuran. “Palalayuin ko rito ang security para magkaroon kayo ng privacy. And I don’t like the idea that they will going to see my wife’s beautiful body,” he looked back at me and lightly made a soft caressed on the small of my back. “Can I see it first?” he whispered.
Napahawak agad ako sa edge ng roba sa harap ng dibdib ko. “Kumain ka muna. Ipaghahanda kita,”
Kumislap ang mga mata niya. May mapaglarong ngisi rin sa labi. “Okay. Dito na ako kakain.”
Namilog ang mga mata ko. “Bakit dito? Sa loob na,”
“Para mabantayan kita.” Sabay kindat sa akin.
Pumasok muna sa loob si Achilles. Siguro, para padalhan siya ng pagkain. Sina Lean at Mabelle, kahit na medyo nag-alangan pagkakita sa kanya ay nagyaya na ring lumusong sa pool. Pinanliitan ko sila ng mga mata at tumayo sa gilid.
Tinuro ko ang mga suot nila. “Ang daya niyo. Bakit gan’yan ang mga suot ninyo? Balot na balot kayo samantalang itong akin, halos walang matakpan.”
Natatawang lumusong si Mabelle. Nasa pangalawang baitang pa lang siya ay para bang biglang gininaw. Si Lean ay sinasawsaw muna ang isang paa sa tubig.
“Kumpara naman sa katawan namin at sa ‘yo, dapat talagang mag-bikina ka, Iris. May ilalaban ka, gurl! Kaya go na ‘yan!” tudyo ni Lean.
Sumimangot ako. Anong ilalaban? Tumawa lang sila pagkakita sa mukha ko. Si Mabelle ay naglakad pa-gitna sa pool at palalim na rin. Si Lean ay agad na sumunod. Nanatili akong nakatayo at nakakapit lang sa roba. Pagbalik ni Achilles ay may dala na itong tray sa kamay at tinungo ang mesa.
Lean waved at him. “Join us, Sir!” sabay takip ng bibig at hagikgik. Nag-peace sign pa siya sa akin.
“Later. Enjoy.” Sagot niya.
Achilles’ raspy voice reached my ear and my hormones went wild. Tiningnan ko siya. Nakaupo na ito at nagsimulang kumain pero ang mga mata ay nasa akin. Parang lasing ang mga mata niya pero ang katawan ay alerto. Kumalabog ang dibdib ko. Binalik ko ang paningin sa pool at sa mga kaibigan kong nagsimula nang i-enjoy ang pagligo. I almost gritted my teeth. The blue water looked so enticing. Kung wala si Achilles, malamang na lumusong na rin ako. But his eyes were glued at me.
Kinawayan ako ni Lean. “Ano na, Iris? Tara na!” aya niya sa akin. Si Mabelle nga sumisisid na sa ilalim.
Kinagat ko ang ibabang labi. Bumaba ang kamay ko sa tali ng roba. Dahan-dahan at maingat kong kinalas sa pagkakatali. Uminit ang mukha ko na para bang dinikitan ng baga. Ayokong tingnan si Achilles. Kumakain iyon pero ang mata nakabantay.
Napalunok ako. Pagkakalas ng tali ay bumagsak ang kalahati ng roba. Lumantad ang dibdib ko. My cleavage was exposed. Then my swollen belly. Marahan kong binaba ang nasa balikat. Pakiramdam ko ay lumagkit ang hangin at pinagpawisan ako sa ginagawa. Achilles already seen what was behind this robe. But he watched me like as if it was the first time, he would ever see me almost unclothed. Para bang may bago pa siyang masisilayan sa akin.
I untangled the sleeves on my arms. Nang nahubad ko na ay sinikop ko ang roba. Lumapit ako sa mesa niya at binaba sa katapat na upuan ang roba niya. Sinusundan niya ako ng tingin. Malagkit. Uminit ang mukha ko. My pregnancy didn’t take my confidence but his eyes really could affect me. Tiningnan ko ulit si Achilles. Huminto siya sa pagkain at walanghiya akong pinasadahan ng tingin.
Malakas akong tumikhim. Hinaplos ko ang braso na parang biglang ng gininaw. Pero dahil iyon sa kawalan ng pangprotekta sa katawan at pagdampi ng hangin sa balat.
“Ayan ang dyosa!” tukso ni Mabelle.
Hindi ko na napigilang ngumiti. Lumapit ako sa hagdan nang may marinig na bagong boses. Nilingon ko iyon. I thought the coldness was just in my imagination. But I was wrong. Tila nanayo ang balahibo ko sa batok pagkakita sa kanya nang hindi inaasahan. Magkasalubong ang mga kilay niya. Halatang iritado at pagod.
“What’s this noise?”
Tiningnan niya ang mga kaibigan ko sa pool. Tapos ay ako. Nilipat ang tingin kay Achilles. Binaling niya ulit sa akin ang kanyang iritadong tingin pababa sa tiyan ko.
Regina Alva Castillano was back.