“Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya—hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya’t walang dapat na ipagmalaki ang sinuman.” – Mga Taga-Efeso 2:8-9
****
Chapter 12
Iris
Nanginginig ang mga daliring binilang ko ang mga araw na delayed ang monthly period ko. My knees were trembling when I finally stood in front of our big calendar. Halos marinig ko na ang t***k ng puso ko. “D-dapat meron na ‘ko ngayon—edi—last week, dapat meron na ako last, last week--“
I stopped. Nanatili akong nakatayo roon at pinagmasdan ang sariling mukha sa salamin. My gosh, Iris, what did you do? Bakit hindi ko naisip ang ganitong kahihinatnan ng gabing iyon? Hindi ako pwedeng magtaka. Kundi natatakot ako na ngayon habang tinitingnan ang kalendaryo. Patapos na ang isang buong buwan pero hindi pa ako nagkakaroon ng buwanang dalaw. Napatampal ako ng sariling noo at dahan-dahang umatras. Napaupo sa gilid ng kama at tumitig sa sahig na tila naroon ang kasagutan sa problema ko. I still didn’t feel any symptoms. But still, hindi pa rin normal ito. Alam kong hindi ako normal. Anong gagawin ko? Sabihin ko kay Mommy? Pero, pero baka mabigla iyon!
Napapikit ako at nanghina. Kung sakaling totoo man ang hinala ko, lalaki ang tiyan ko, manganganak ako at magkakaanak na. Makakaya ko ba?
Para akong tangang iniisip ang magiging trabaho at kalagayan ko kapag nagkaanak na ako. Ang totoo naman, habang nabubuo ang baby ay gusto ko ang nangyayari at ganap nang mabuo siya. I . . . I couldn’t just blame somebody for having this kind of situation. I was an adult woman. I just . . . didn’t expect this. It was too early and it was surprising. But I had to stick to be matured and responsible in this. Hindi naman ako bata na walang alam. Maaring walang karanasan pero hindi naman inosente. So I had to gather myself and my brain. Tahimik akong bumaba. Wala naman si Mommy. Pumasok sa clinic ni Doc Garello. Bitbit ang wallet ay lumabas ako at nagpunta ng pinakamalapit na drug store. I was even trembling while waiting for my turn. Wala namang nakakakilala sa akin pero hindi ko maiwasang mag-alangan sa bawat nakakakita sa akin at dahil na rin sa bibilhin ko.
Pagkatapos kunin ng pharmacist ang pera sa katabi kong customer ay ako naman ang tiningnan niya. Pinatong ko ang kamay kong may hawak na wallet ko sa mataas na counter. Binuka ko ang labi pero hindi ako nakapagsalita agad dahil naramdaman kong nanigas ito. Tumikim ako bago tuluyang nasabi ang bibilhin. It felt weird. But she didn’t mind and didn’t even look at me longer than I imagined.
“Ilan?”
Nagpakurap-kurap muna ako. “Ta-tatlo,” para sure. May tinayp siya sa keyboard at pagkatapos ay sinabi ang bill ko. Naglabas ako ng pera at nilagay niya iyon sa maliit na basket. Kumuha pa siya ng isang customer bago nag-ikot sa kanilang mga estante.
Pagkalipas ng ilang minuto ay bitbit na niyang lahat ang mga patung-patong na basket at isa-isang binigay sa amin ang mga binili. Nakasupot na iyon at kasama na rin ang sukli.
“Thank you,” pagkakuha ko ng akin ay nagdere-deretso na rin ako sa paglabas ng tindahang iyon.
Nagmadali ako sa pag-uwi sa takot na baka bigla ring umuwi roon si Mommy. Ayoko munang sabihin sa kanya. Kutob pa lang naman ito. Baka, baka mali lang din ako.
Nagkulong ako sa kwarto at binasa ang instruction sa box ng pregnancy test kit. Nanginginig ang mga kamay ko. Lumalabo ang mga letra na nakasulat kaya’t noong una ay wala akong maintindihan. Pumikit ako at huminga nang maayos. Naghintay ako ng ilang segundo bago binalik ulit ang atensyon sa binabasa. Hindi naman ganoong kakumplikado.
Bumaba ako at uminom ng dalawang basong tubig. I paced back and forth. Trembling with the thoughts of being . . . well . . . unconfirmed pregnant. I would like to think positive but I wouldn’t want to immortalize that word in this kind of situation. Hangga’t maari sana ay hindi muna. Huwag muna. Ang ibig kong sabihin, huwag muna ngayon. Hindi kami ni Achillles at hindi kami okay ngayon. Magiging kumplikado ang lahat kapag may nabuo kaming anak. Iyong thought na kailangan ko siyang lapitan at kausapin ay nagpapaduwag din sa akin. What if . . . magalit siya? What if . . . may sabihin siyang hindi maganda? Na bakit hindi ako nag-ingat. Bakit hindi ko napigilan kaagad—mga ganoong bagay ang umiikot sa isipan ko.
Nang magparamdam na ang pantog ko ay pumasok na ako sa banyo at ginawa ang dapat gawin. Doon ko na rin sana hihintayin ang resulta pero baka bigla ngang umuwi si Mommy kaya’t umakyat ulit ako sa kwarto ko at nagkulong. Pinatong iyong tatlong testing kit sa gilid ng desk ko. Lumayo ako roon at ayokong makita agad. Tumayo na lang ako sa tabi ng bintana. Kinu-kurot ko ang mga daliri sa kamay at kabang-kaba habang naghihintay. Tini-text ako ni Lean na mag-mall daw kaming tatlo ni Mabelle pero hindi ko sinagot. Pakiramdam ko ay hindi rin ako makakapaglibang kasama sila kapag ganitong may gumugulo sa akin.
Actually, I wanted to tell them. Gusto ko ring ilabas ang nararamdaman at takot pero kinakabahan naman ako. Lumipat ako sa kama at nahiga nang nakatagilid. Niyakap ko ang unan at siniksik ang mukha roon. Kaba, takot, mangha at kaduwagan ang nararamdaman ko. Hindi ako naiinis. Pero iyon ang gusto kong isipin. Mali iyong sabihin kong pakunswelong nasarapan naman ako sa ginawa namin ni Achilles pero hindi ko naisip iyong maaaring kalabasan no’n. We didn’t even think about having a baby. Wala kaming commitment sa isa’t-isa. Ngayon pa. Ngayong nagbago na siya pagkatapos ng gabing may nangyari sa amin.
Sa kaiisip ay nakatulog ako. Nagising ako sa malakas na kulog at malamig na ihip ng hangin. Paglingon ko sa nakabukas na bintana ay umaanggi na at nababasa ang loob ng kwarto ko. Bumangon ako para sana isarado ang bintana ko pero nakita kong nasa kwarto ko na rin pala si Mommy. Nakatayo sa harap ng lamesa ko. “Mi? Nakauwi ka na pala,” I yawned and stood up. Nagmadali ako sa pagsara ng bintana dahil mas lalong lumalakas ang anggi. Pagkasara ay nilingon ko si Mommy.
I froze. Hawak-hawak niya ang isa sa PT kit na binili ko kanina. Nakatitig siya roon. Bawat isa ay maiging tinitingnan na para bang isang masterpiece sa gallery. Parang isang bagay na hindi makapaniwalang nakikita niya.
Napalunok ako. “Mommy . . .” mahina at nananantya kong tawag ulit sa kanya. “Mommy . . .” ulit ko dahil parang hindi niya ako naririnig.
Nilingon niya sa ako. Alam ko na no’n. Ibang-iba ang itsura ng Mommy ko. Alam ko na no’n na may nagbago na.
Binaba niya ang hawak at galit na humarap sa akin.
“Sino?” maiksi lang ang tanong niya pero pinasabog no’n sa kaba ang dibdib ko.
Napalunok ako ulit. Kumukulog ng malakas at bumubuhos ang ulan. Maingay ang bubong pero walang makakapagpalamig sa galit niya. Namaywang siya at sinulyapan ang maliit ko pang tiyan.
“Sagutin mo ‘ko, Iris.” Kalmado niyang utos sa akin.
Napatitig lang ako sa Mommy. Napansin kong bumibilis ang kanyang pahinga at natakot ako ro’n. At sa hindi ko inaasahan ay bumalong ang luha sa mga mata ko. Nanginig ang labi ko at binalot na ako ng yakap ng lamig sa mga braso ko’t leeg. “M-mommy, I’m s-sorry,” kahit ang boses ko ay nanginig sa paghingi ng tawad sa kanya.
Nagsisi ako sa kapusukan ko. Sa kapabayaan ko. Ngayon ay parang pumangit ang gabing iyon sa amin ni Achilles. Parang ang laking katangahan at kasalanan ng nagawa ko. At ang magulang ko ang nagdurusa. Tinitigan niya ako kahit na mabilis na ang kanyang paghinga. Alam kong nagtitimpi na siya ng kanyang galit.
“Ni hindi mo na tinanggi kung kaninong pregnancy test ‘to. Sino? Sinong lalaki ang bumuntis sa ‘yo?”
Sinara ko ang labi. Natatakot ako. Kinakabahan sa pwedeng sumunod na mangyari.
“Sino, Iris!” bigla niyang sigaw sa akin kaya’t napaigtad ako.
“Si A-Achilles po.”
Panandalian siyang hindi nakapagsalita. Marahil ay nagulat sa sinagot ko.
“Achilles? Boyfriend mo na siya?” I felt a hint of relief in her voice.
Umiling ako. “Hindi po.”
“Hindi mo boyfriend pero may nangyayari sa inyong dalawa?!?” malakas niyang sigaw sa akin.
Napayuko ako at tahimik na humikbi. Hindi na ako makasagot. Mas nahihiya ako.
“Bakit, Iris?” humina ang boses niya. Mas nangingibaw na ngayon ang sakit sa tono nito. “Alam kong nasa hustong gulang ka na. Nagpapaligaw ka pa lang sa kanya, ‘di ba? Ang sabi mo pa, ayaw mo at binasted mo pero nabuntis ka pa rin niya!”
Lumandas ang luha sa mga mata ko. Mabilis ko iyong pinunasan. Sumasakit din ang lalamunan ko. Para akong babagsak sa sahig pero binubuhat na lang ng natitira kong lakas at takot kay Mommy.
“I’m sorry po . . .” hikbi kong salita. Wala akong ibang gustong gawin kundi ang mag-sorry sa kanya. Napatingin ako kay Mommy nang nanghihina itong napaupo sa gilid ng kama ko. Hindi pa rin ako tuminag para tabihan siya dahil sa takot na masaktan kahit na nararapat akong saktan niya.
Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Pilit kong hindi ipinarinig ang hikbi ko. Ang ulan ay mas lalong lumakas at tila nakisabay sa katahimikan namin. Then my mother looked up at me. The tears in her eyes was like a daggers in my heart. “Oh, ano’ng balak mo ngayon? Nabuntis ka pero sa hindi mo boyfriend. Alam na ba niya ‘to?”
Umiling ako. “Hindi po,”
Nanlulumo siyang bumuntong hininga. “Anak naman . . .”
Pagkarinig ko no’n ay parang lobong may laman na tubig at nabutas ang kinalalagyan ng luha ko. Tinakpan ko ang mukha at doon binuhos ang luha ko. Hinayaan niya akong umiyak nang umiyak hanggang sa mamugto ang mga mata ko’t mapagod. Pinagmasdan lang ako ni Mommy. Naaawa akong tinitigan.
“Wala na tayong magagawa. Nand’yan na, eh,” tinapik niya ang gilid kama.
Lumapit ako’t naupo roon. Hindi ko pa rin magawang tingnan ang Mommy dahil naroon pa rin ang lungkot at sakit sa boses niya. Malakas siyang bumuntong hininga na para bang naroon ang lahat ng naramdaman niyang galit at pagkabigo sa akin. Inakbayan niya rin ako at niyakap nang mahigpit. Hindi na siya nagsalita magmula no’n. Pero naramdaman ko kung gaano ako kamahal ni Mommy.
**
Nilapag niya sa harap ko ang isang baso ng mainit na gatas na siya ang nagtimpla. Nakaupo ako sa mesa na parang isang batang katatapos lang pagalitan. Tinitigan ko iyong baso. Nilapag ni Mommy ang tsaa niya at naupo sa katapat kong upuan.
“Inumin mo ‘yan. Bukas na bukas din ay magpapatingin ka sa doctor,”
Hindi ako nagsalita pero tumango ako. Dinikit ko ang mga palad sa katawan ng baso. Nagustuhan ko ang init na nalipat sa balat ko. Napagtanto ko, kahit na sa umpisa ay gusto kong paglihiman si Mommy tungkol dito, siya pa rin pala talaga ang matatakbuhan ko’t kakampi. Alam kong hindi rin magtatagal ay malalaman at malalaman niya. Hindi ko lang na-expect na ganitong paraan pa. Sa kabila nito, tila may mabigat na bagay ang natanggal sa dibdib ko.
May mga pagkakataon pa ring dumadaraan sa amin ang katahimikan. Marahil ay hindi pa rin makapaniwala si Mommy na buntis na ako. Walang boyfriend at mas lalong walang asawa.
Malalim siyang bumuntong hininga. “Kailan mo balak sabihin ‘yan kay Achilles?”
Napaangat ako ng tingin kay Mommy.
“Dapat malaman din niyang nagdadalang-tao ka na. Kayong dalawa ang gumawa niyan,”
Nahiya na naman ako kaya’t binalik ko ang tingin sa baso ng gatas. Bigla, pumila ang mga dapat kong gawin. Nang makita kong puro positive ang resulta ng PT kit na binili ko, nanlaki ang ulo ko. Sa kabila no’n ay napahawak ako sa maliit ko pang tiyan. Iyong kaisipang may munting buhay na nasa loob ng tiyan ko . . . para akong napunta sa ibang dimension ng buhay ko. Nag-iba ang tinatahak kong daan. Hindi na lang sarili ang dapat kong isipin kundi isa pang buhay na manggagaling sa akin. May isang parte ring . . . na-excite ako na makita siyang lumaki sa tiyan ko.
Pagkatapos ay malalaman sa trabaho ko. Magtatanong sila. Mangangalap ng tamang sagot. Iyon ang hindi ako handa. Dahil nga kulang na lang ay tanggalin na ako sa trabaho ni Achilles.I was a little frightened to tell the father of my baby. Siya pa ba ang lalaking gusto akong makita o makatrabaho man lang? Parang mas maigi pang sarilinin ang pagbubuntis ko. Kahit na may pagdududa pa ako sa sariling kakayanan.
Matagal kong pinag-isipan ito. Atras-abante ako. Naglaro ito sa isipan ko kahit noong hindi ko pa alam na buntis na nga ako. I was stressed. I could write it on his hard face. Suddenly, I wasn’t comfortable in his company anymore. I looked at my mother, “Magre-resign na po ako sa CDC, ‘Mi.”
Bahagya lang siyang nagulat sa desisyon ko. “At si Achilles?”
I gulped the pain in my throat. I shook my head. “H-hindi ko po muna ipapaalam sa kanya,”
Hindi nakapagsalita si Mommy. Siguro ay nahihiwagaan sa sinabi ko.
“Nag-away kayo?”
I shook my head again and I kept my mouth closed. She sighed and sipped on her cup.
“Iris, kahit na ano pa mang dahilan niyang pagso-solo mo, anak, maigi pa ring ipaalam mo ‘yan sa kanya. He’s the father. May karapatan siya sa anak ninyo. Gusto ko mang ipilit na pakasalan ka niya, alam kong hindi ka susunod lalo na’t kung hindi mo gusto,” she sighed again. This time with disappointment. “Hindi ko akalaing may mangyayari sa inyong dalawa,”
It was too late for regret. It was too late to summon that night. I couldn’t rewritten anything. But I could turn the page and start a new chapter of my life. So, I squared my shoulders and bravely looked at my mother. “Sasabihin ko po sa kanya, balang-araw. Pero kakayanin kong palakahin ang baby ko nang mag-isa, ‘Mi.”
Tinitigan niya ako. Nakita ko ang pagdududa at pag-aalala sa mga mata niya. In the end, she smiled. “Magtutulungan tayo, anak.”
I realized then, that having my mother was like having the world for me. Everyone could betray me but my mother wouldn’t budge and would stay with me no matter what happens.
**
Tomorrow morning I submitted my resignation letter. Irrevocable. I was a little nervous but also determined to leave his company.
Pinuntahan ako at kinausap ni Sir Adam. Kinabahan ako lalo nang pasadahan niya ako ng tingin. Nasa tahimik na hallway kami no’n at kami lang ang tao. Office hour pa.
“Sigurado ka ba? Nagulat talaga ako nu’ng nag-submit ka ng resignation letter mo,”
He didn’t sound worried. But intrigued. I guess, hindi niya rin ako pipigilan sa pag-alis.
Tumango ako. “Uhm, meron na po akong gustong pasukan na ibang kumpanya, Sir. Saka mas malapit sa amin,” ofcourse, I lied. Wala pa akong nahahanap. Iniiwasan ko lang na makita nilang lumubo ang tiyan ko. Mas maagang makaalis, mas maganda para sa amin ng baby ko.
Baby ko.
Tumaas ang isang kilay niya. “Where? Mas okay ba kaysa sa CDC?” parang natatawa pa siya.
“Mas okay po para sa akin.”
Bumaba ang kilay niya. Sandaling natahimik.
“Iris, if it is about Achilles’ memo and him, I’m sure he will not let you leave his company. You are still a gem here. Isa pa, you know Ridge. He will surely talk to his cousin about you,”
Nagtaas ako ng noo sa kanya. Ayaw kong madamay si Ridge. Nasaktan na ako noong sinabi niyang dahil sa pinsan niya kaya lang ako natanggap sa CDC. Anong gem ang sinasabi nito? Baka silang dalawa ni Julia ang tinutukoy niya. “Sir, I am saving my mental health too. Ayokong magtrabaho sa isang kumpanya na ang tingin sa akin ay dumaan sa gintong pinto para makapasok at inungusan ang ibang aplikante. You saw us fought. Nagkakapersonalan lang kaming dalawa rito,”
“Why don’t you just talk to him instead? Baka magawan pa ng paraan ng gusot sa inyong dalawa?”
Kumunot ang noo ko. “’Wag na po, Sir. Mas gusto ko na lang na umalis.”
“Is that your final decision?”
“No doubt.” Amin ko.
He then nodded at me and left me with no word. Like as if he already got all the answers he needed.
Noong umalis ako sa Secret, naramdaman ko rin iyong lungkot na tingin sa akin ng mga katrabaho ko. Kahit papaano ay may pinagsamahan din kaming lahat. Pero noon, excited ako sa bagong papasukan. Ngayon, maghahanap pa lang ako ng bagong aaplayan.
Nagpapasalamat ako at biniyayaan ako ng magandang oportunidad sa maikling panahon. Magandang kumpanya at magandang sweldo. Hindi ko man maamin ang tunay na dahilan ng pag-alis ko, umaasa pa rin akong magkikita-kita pa rin kami ng mga kaibigan ko. Baka sa araw na iyon ay may bitbit na akong maliit na version ko at mga ninang pa sina Lean at Mabelle.
Sa huling dalawang linggo ko sa CDC, walang Achilles ang nagpakita sa akin. I didn’t ask Sir Adam about him—ofcourse. Nanahimik lang ako. Nanahimik din siya. Gusto ko sanang magpasalamat kay Ridge pero baka mag-away pa silang magpinsan. Pinag-igihan ko na lang ang trabaho hanggang sa may bagong pumasok at kapalit daw sa akin. Panandalian ay nag-share kami sa table ko. Mabelle and Lean were a little curious at my decision but didn’t even brave enough to question me.
I guess, that was fine and totally right. Hindi nila ako ginugulo ng mga katanungang hindi ko mabibigyan ng kasagutan.
On my very last day, nagyaya si Sir Adam na mag-bar. Medyo nag-alala ako dahil inuman iyon saka mausok sa lugar na iyon. Baka maapektuhan ang baby ko kaya’t tumanggi ako. Imbes na mag-bar, um-order na lang sina Lean ng pizza bilang despedida sa akin. Pinayagan na kaming pahabain ang breaktime dahil nga last day ko na naman.
Malakas na nagtatawanan sina Mabelle. Nakatatlong slices ako ng pizza at naubos ko rin ang isang baso ng sprite ko. Nag-excuse ako para mag-CR. Habang naglalakad sa tahimik na hallway, hindi ko maiwasang hindi daanan ng tingin ang lugar. Ito na ang huling araw ng pagiging empleyada ko rito. Pumasok ako ritong mag-isa at aalis akong may dala-dala sa tiyan ko.
Niyuko ko ang tiyan at ngumiti. I had gone through check-ups by an OB. Excited na rin si Mommy sa paglaki niya. I bought us vitamins and milk. Nagbabasa-basa na rin ako ng kaalaman tungkol sa pagbubuntis.
Hindi na rin namin napapag-usapan si Achilles. Naiisip ko lang siya pero hanggang doon na lang iyon.
Pagtulak ko sa pinto ng CR ay natigilan ako. Hindi ako gumagawa ng ingay kaya’t namilog ang mga mata ko na sa pagbukas ko ng pinto ay nakita kong may lalaki sa CR na pambabae. Pero hindi siya nag-iisa. Nakasandig si Julia sa pader. Nakapikit at nakaawang ang labi. Sa kanyang harapan ay si Sir Adam at hinahalikan siya sa leeg.
Tila ako pinako sa sahig nang makita ko ang tagpo nilang dalawa. Mahihina at pabulong ang daing ni Julia. At nang bumaba ang paningin ko, hindi ko man lubusang nakita pero sa anyo at galaw ay nabatid kong ang isang kamay ni Sir Adam ay nasa loob ng panloob ni Julia. She was wearing a blue dress. Nakita ko ang hita niya at nakataas ang hem nito.
Dahan-dahan kong sinarado ulit ang pinto. Umatras akong tila balihibo ang mga paa ko at malalaking hakbang na bumalik sa opisina. Kumakalabog ang dibdib ko. Para bang nakaapak ako sa pinagbabawal na lugar at nagtatakbo para hindi nila maabutan. Though, I knew they didn’t see me. I just knew.
***
Julia’s POV
“Oh, f**k!” I wimpered when Adam thrust his middle finger back and forth inside me. I was drown with pleasure when I opened my eyes and caught the door closing quietly. “Adam!” agad ko siyang tinulak. Napaatras siya at nagmura dahil natanggal ang daliri niya.
“Ano?!” galit niyang tanong at tingin sa akin.
Kinakabahan kong inayos ang panty ko at palda. Tinuro ko ang nakita. “Bukas ‘yong pinto! Hindi mo man lang sinarado!” parang tanga talaga. Gusto akong i-finger pero hindi naman maingat. “May nakakita sa ‘tin!” inis kong dagdag.
Nilingon niya ang pinto. Lumapit at sumilip sa labas. Inirapan ko siya. Alam na ngang pambabae itong banyo nagawa pang sumilip. Pagkatapos ay saka niya ni-lock ang doorknob.
“Walang tao,” Naghugas siya ng mga kamay sa gripo.
Humalukipkip ako pagkatapos ayusin ang buhok. “Are you sure? Malamang na nakatakbo na ‘yon. Ang stupid mo naman kasi, e,”
He looked at me and gave me a growling face. “I should have f**k you on my table,”
Ngumisi ako. “Hindi mo pa rin ba nababawi ang condo unit mo kay Achilles? Dapat bayaran mo na lang,”
He didn’t answer me. I tilted my head.
“Alam na ba niyang nag-resign si Iris?”
Pinatay niya ang gripo at nagwagwag ng mga kamay. “He even read her resignation letter,”
I chuckled. “Poor girl. Ni hindi mo man lang siya nahalikan, Adam-“
“Shut up.” Napipikon niyang pigil sa akin. Na mas lalo ko namang kinatawa.
“Saan ka natutulog niyan ngayon? May savings ka pa ba?”
He gave a loud sigh. “Sa bahay ni Jeric muna ako tumutuloy. Doon muna ako hanggang sa makahanap ng bagong condo,” he lit a cigarette.
Tinitigan ko siya at humakbang palapit sa kanya. I wanted to f**k him. Nagagawa namin iyon sa condo niya pero dahil na kay Achilles na iyon, sa hotel na niya ako dinadala. I slid my finger on his chest and seductively smiled. “So, papayag kaya si Jeric na maki-sleepover ako sa bahay niya ngayong gabi?” mabagal kong tanong sa kanya.
He looked down at me. Nagbuga ng usok habang nakatitig sa akin. “You owe me a f*****g ride,” he murmured and grinned. Nginisihan ko rin siya pabalik.