Chapter 11 Part 2

1997 Words
Chapter 11 Part 2 Iris Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang sabihin niya iyon. Pinatuloy na ako ni Ara kaya’t pumasok na rin ako. Tulad ng sabi niya ay nakita kong nasa loob din sina Sir Adam at Jeric. Nakaupo sa itim na couch na nasa tapat ng mesa ni Achilles. May mga hawak na baso. Pareho silang nakatingin sa bungad na tila hinihintay ang pagpasok ko. Napalunok ako sa nerbyos. Tinaas pa ni Jeric ang hawak na baso sa akin at nginisihan ako. Tinanguan ko lang siya at tipid na ngumiti. Malinaw pa sa isipan ko iyong naabutan niya akong bumaba mula sa taas ng bahay niya at hinatid niya rin ako hanggang sa makasakay ng taxi. “Iris,” bati niya sa akin. Nanliliit ako at nahihiya sa kanilang tatlo. Si Sir Adam ay sumimsim lang sa baso niya pagkatingin sa akin. Malakas akong tumikim at saka nilingon si Achilles. He was sitting on his big leathered swivel chair. Hindi na niya suot ang coat niya. He was staring at me. Tila may bumundol naman sa dibdib ko nang magtama ulit ang mga mata namin. “I don’t have much time, so, Miss Faustino?” he asked in a business manner. I heard Jeric’s tsk sound. May sinabi siya kay Sir Adam pero hindi ko naintindihan. Bumuka ang labi ko pero hindi rin ako agad na nakapagsalita. Kasi, habang nakahimlay ngayon ang paningin at atensyon sa akin ni Achilles ay pakiramdam ko ay inaalala niya ang itsura ko no’ng gabing iyon. When I was fully naked, aroused and aching for him. When he entered me and learnt that he was my first. When he kissed me so hotly and wildly. Agad na nagsindi ng apoy ang ala-alang iyon kaya’t tumikhim ako nang malakas. “Uh, Achilles, baka pwede mong pagbigyan na kausapin si Mang Felipe? Naghihintay pa rin siya sa baba sa ‘yo,” Tumaas ang kilay niya. Para bang may nakakatawa sa sinabi ko. “Abogada ka ba niya?” Napatingin ako kina Jeric nang marinig ang mahina nilang pagtawa. Napalunok ako. I shifted on my feet and looked at Achilles again. “Please be reasonable, Achilles. Hindi mo ba naintindihan ang sinabi niya kung bakit mahalagang magkatrabaho siya? And he’s too old to look and apply for a new job,” I insisted. Sinandal niya ang likod sa upuan at mataman akong tiningnan. “He’s old. Hindi na niya makakaya ang trabaho rito. My decision is final. Like I said, he will be well-compensated,” Kumuyom ang mga kamao ko. “Tinanggal mo siya dahil lang sa pagkakabunggo niya sa suot ng Mama mo. Hindi dahil sa matanda na siya. Kasi matagal na nagtrabaho rito si Mang Felipe,” “Wala kang alam sa nangyari. And Miss Faustino, you’re talking about my mother.” I suddenly felt the warning signs. Natigilan ako panandalian. Tinitigan niya rin ako. Maybe, I crossed the line. I was sorry for it. But . . . “H-hindi mo ba siya pwedeng pagbigyan o bigyan ng ibang option? May ga-grauate na siyang anak, Achilles. Kayamanan iyon sa bawat pamilya. Kahit man lang makatapos muna ang anak niya,” He smirked. “Then you help him. I’m running a business not a charity. Aalisin ko ang hindi ko na kailangan,” “Pero—“ “Even you are still lacking, Iris. Remember, you were just recommended by my cousin. He called me up about you looking for a job. If you think my discretion over my company doesn’t suit your view, I won’t argue with you but you can leave anytime. This is my company. I don’t obey my employee’s rules. I kick them out of my way, sweetheart.” Kinabahan ako. I gulped but remained a fighter. “I didn’t mean for you to obey what I want. Baka lang pwede mo pang mapagbigyan si Mang Felipe. He worked for you over the years,” He remained sitted. Maybe he was scrutinizing me as well. “Then I’m sorry. Wala na akong magagawa sa kanya. Tell him to retire and I’ll pay. Pero kung gusto mong mapanatag ang loob mo, Iris, dadagdagan ko pa ang makukuha niya. Kung wala ka ng ibang sasabihin, makakaalis ka na.” binalik niya lang ang paningin sa monitor. After that, the silence managed to crawl on the floor and in between of our breath. Panadalian akong nanatiling nakatayo roon. I was stunned. Narinig ko ang malakas na tikhim ni Sir Adam. Nag-init ang mukha ko sa hiya. I was even dismissed. I was taken aback for few seconds then I looked at him once again. “Mahirap ba para sa ‘yo ang bigyan ng huling pagkakataon ang isang matanda?” deretso ko siyang tiningnan. Humakbang ako palapit sa mesa at huminto sa harap no’n. Gusto kong ibato sa kanya ang plastic at tinapay kong dala pero pinigilan ko ang sarili. “Excuse me?” nilipat niya ang atensyon sa akin. “Hindi ko naman sinabing pagbigyan mo ang lahat ng lumalapit sa ‘yo. Pwede kang hindi sumunod. Oo! Pwede! Pero si Mang Felipe lang ang pinapakiusap ko sa ‘yo!” naramdaman ko ang pinagsamang galit, init at lakas ng loob habang nakatingin sa kanya. “Matanda na ‘yong tao. Lumuhod na’t lahat sa ‘yo pero para kang batong walang pakiramdam. Nilagpasan mong umiiyak at nagmamakaawa. Maghihirap ka ba kapag nagpatuloy siya sa paglalampaso sa bawat palapag ng kumpanya mo? Mababawasan ka ba ng kliyente kapag pinagwalis mo siya sa opisina mo? Magugutom ka ba kapag sinuwelduhan mo siya sa serbisyo niya? Tatamaan ba ‘yang p*********i mo kapag nakapagtapos na sa pag-aaral ang anak niya? Napakabigat ba no’n sa ‘yo?” matiim ko siyang tinitigan. “Uh, Iris?” dinig kong tawag sa akin o awat ni Jeric. “Kung gusto mo, tawagan mo na rin si Ridge at sabihing tinanggal mo na rin ako. Kaysa naman ipanakot mo sa aking dahil sa pinsan mo kaya mo lang ako tinanggap dito sa kumpanya mo. Remember, Achilles, virginity ko lang ang nakuha mo pero hindi ang boses ko.” after the drama I made out of blinding anger, I marched my way out of his hell. Hindi ko na nilingon pa ang dalawang kaibigan niyang nakarinig sa sinabi ko at nakakita ng galit ko. I regret blurted out about our first night. But . . . but I was too mad. Binuhos ko ang frustration sa nangyari. Kay Mang Felipe. Nang maalala ko siya ay bumagsak ang mga balikat ko. Dinaanan ko na lang din si Ara at hindi na nakapagpasalamat. Bumaba ako ulit. Nang makita ako ni Mang Felipe ay agad itong napatayo at nakangiting naghintay sa sasabihin ko. “Manong—“ “Hey, Mang Felipe!” Napalingon ako sa likuran ko. Patakbong lumapit sa amin si Jeric. Hiningal pa ito paghinto sa gitna namin ni Mang Felipe. “Pinapaakyat ka sa taas. Kakausapin ka ni Achilles,” sabi niya. Napaawang ang labi ko. Napatitig ako sa kanya. Tiningnan niya ako at palihim na kinindatan. “Talaga po? Naku, maraming salamat po, Ma’am. Salamat po!” “Let’s go,” Si Jeric na mismo ang nagpapasok at nagyaya kay Mang Felipe. Sinamahan niya ito sa kaibigan niya. Hindi na ako sumunod at tahimik na bumalik sa opisina. Hindi ko matiyak kung anong nagpabago sa desisyon ni Achilles. Dahil bago ako makauwi ay may natanggap akong memo. He reprimanded me of my behavior. Na pwedeng magresulta ng pagkakatanggal ko sa kumpanya niya. ** Napanguso ako. Humikab ako at sinandal ang likod sa upuan. Tiningnan ko ang oras. Mag-a-alas-dose pa lang naman ng hapon pero inaantok na ako. Nilingon ko si Mabelle. Nilalabas na nito ang pakete ng kape niya. Nangiti ako. “Inaantok ka rin?” Sinulyapan niya ako at ang kapeng nilabas niya mula sa bag. “Hindi. Hinahanap ko ‘yong Modess ko. Nilagay ko lang ‘yon dito kaso ‘di ko na makita,” kinalkal pa niya ang loob ng bag. “May dysmenorrhea pa ako. Tinatamad akong bumaba sa convenience store, hayst!” Napakamot ako ng sintido. “Ako meron pa,” “Meron ka rin ngayon?” Umiling ako. “Hindi. Wala pa. Pero may napkin pa ako rito,” nilagay ko ang bag sa kandungan at nilabas ng pouch na pinaglalagyan ko ng napkin. Hindi ako nawawalan nito sa bag. “My wings, Iris?” “H-ha? Oo,” bahagya akong natigilan matapos bilangin ang piraso ng napkin. Kumuha ako ng isa at binigay kay Mabelle. “Salamat!” baon ang wet wipes niya at napkin ay tumayo na ito’t tumungo sa CR. Nanatili akong nakatitig sa natira kong napkin. Regular ako. Hindi pa ako kinabahan pagdating sa menstruation ko. Sinarado ko ang pouch at pinasok sa loob ng bag. I nervously checked my calendar. I silently counted the days. I froze. Hindi. Hindi pa masyadong late. Stress lang yata ako nitong mga nakaraang araw kaya baka delayed lang ito. Napapaso kong binaba ang cellphone sa gilid ng keyboard. Parang lumaki ang ulo ko sa mga tumatakbo sa isipan ko. Tila gumaspang din ang lalamunan ko’t nahirapan akong lumunok. Think, Iris. Think! Huwag kang OA! Natigilan ako at inalala ang gabing iyon sa party ni Jeric. May—may ginamit bang proteksyon si Achilles? Namayani ang dagundong sa dibdib ko nang pilit kong balikan sa isip ang gabing iyon. I stood up after he took me and I felt the liquids in between my thighs. I gasped. Parang naramdaman ko ulit ang paggapang ng mainit na likido sa mga hita ko at ang pagkabasa ko. No. No, he didn’t use any. He was so hot and eager to get inside me. Saka nasa bahay kami ni Jeric no’n. Hindi ko rin siya nakitang may dinukot sa pantalon niya kung sakaling may baon nga siya. And I didn’t take any contraceptive pills. I wasn’t taking any of it. Wala akong binili dahil hindi ko inisip na maaring mabuntis niya ako. Pinatong ko ang mga siko sa mesa at napasabunot ng buhok. Dilat na dilat kong inisip na . . . maaari kayang . . . may . . . mabuo sa loob ng tiyan ko? Posible kaya? “Oh no . . .” mahina kong sambit. Nanghina ako kahit hindi ko man din nasisiguro ang lahat. Anong gagawin ko? Magpapa-test na ba ako? Hindi ba, masyado pang maaga? “Oh my, oh my, oh my,” nanginig ang mga kamay ko. Tinakpan ko ang mukha. I breathe in and out. Relax lang, self. Relax lang. Hindi pa confirm. Hindi pa. “Iris!” Napaigtad ako nang tawagin ni Lean. Pakiramdam ko ay nawalan ako kulay sa mukha at taking-taka naman si Lean. “Huy, kain na tayo. Gutom na gutom na ako,” nakatayo siya sa gilid ng mesa ko at nakasimangot na hinimas-himas ang tiyan niya. Napatitig ako roon. Napaawang ang labi ko at in-imagine iyon na malaki, mabilog at may pintig na buhay na buhay doon. I touched my own belly. Swollen belly equivalent to little baby. I gulped. Umiling-iling ako. “Gutom lang ‘to . . .” tumayo ako at kinuha ang wallet sa bag ko. “Okay ka lang, Iris? Ba’t parang namumutla ka? May sakit ka ba?” nag-aalalang tanong ni Lean. Umiling ako ulit. Kung sakit, pwede pang ipagamot at gagaling din pagkatapos ng ilang araw. Pero kung magkatotoo ang iniisip ko, mare, nine months pa ang hihintayin ko para makaraos ang nararamdaman. “Okay lang ako. T-tara!” I faked my excited tone. Pumunta kami sa canteen. Nagdadaldalan sina Lean at Mabelle. Pinakaramdaman ko ang sarili. Wala akong hilo na nararamdaman. Walang pagsusuka. Hindi rin ako mapili sa pagkain. Kaso, hindi naman lahat ganoon ang sintomas ng buntis. Pwedeng hindi ko rin iyon maranasan. Oh my. Iniisip ko na bang buntis na ako? *** “Pray, Hope, don’t worry.” – St. Padre Pio of Pietrelcina
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD