“Gayunndin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.” – Mateo 5:16
***
Chapter 13
Iris
(Three months later . . .)
My body was changing. As well as my life. Hindi ko masabing naging masaya ako pagkatapos kong mag-resign sa CDC. Sa kumpanya ng ama ng mga anak ko. He gave me twins. Dati iniisip kong isa lang ang magpapabago ng buhay ko, nagkamali ako. Dalawa pala silang magpapaligaya sa buhay ko at sa hinaharap ko. Being a single future mother didn’t mean I was all alone. Mas lalo kong na-appreciate si Mommy. Kung wala siya, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lahat ng ito. Together with her boyfriend, Romulo, I couldn’t feel weak anymore. Nakatagpo pa ako ng bagong kapamilya.
I applied for another job. Kailangan ko pa rin ng matatag na trabaho para sa pinag-iipunan kong gastos sa panganganak. Nag-send ako ng maraming resume at um-attend ng mga interview. Nahirapan akong makapasok dahil kapag nalaman nilang buntis ako ay agad na nag-iiba ang kanilang tono at tingin sa akin. Sometimes, no matter how confident I was, it wasn’t good enough. Naroong nawalan ako ng lakas ng loob na makahanap ng trabaho dahil sa pagbubuntis ko. Naisip ko na ngang mag-iba ng career para lang may mapasukan. The life span of my wallet would shorten in the coming months. Tinablan ako ng pag-aalala. Paano kung abutan ako ng panganganak at wala akong kapera-pera? Si Mommy ay handang maglabas ng perang ipon niya pero hindi ako pwedeng dumepende roon. Pagkatapos kong manganak ay hindi pa ako makakapagtrabaho kaagad. Paano na ang pambili ng gatas at diapers? What about our bills every month?
In a snap of a finger, big change could happen.
For almost two months, I was working with different clients. Sa tulong ni Romulo. Nire-recommend niya akong architect sa mga kilala niyang doctor at mga kaibigan. Ang kagandahan no’n ay sa bahay na lang ako nagta-trabaho. Tinuruan niya rin akong mag-drive. Pero wala pa akong lisensya. Ayaw pa ni Mommy dahil nga sa kalagayan ko. Isang beses, may client akong kailangang i-meet up sa labas. Sobrang busy sila sa clinic dahil sa mahabang pila ng mga pasyente. Nasa akin pa ang susi ng sasakyan at mabilisan akong nagpaalam na aalis. Mommy was furiously mad at me when I went home. Ganoon din si Romulo. I promised na hindi ko na uulitin. In the end, we celebrated my success as a freelance architect. Though my project wasn’t big as CDC had for me and not even stable as before, what I have now is pure solitude and contentment. Something I couldn’t find in his company.
**
Every Sunday morning, nasa simbahan kami ni Mommy para um-attend ng mass. Palagi akong mapili sa kung anong susuotin ko. Kapag kaya ko pang itago ang umbok ng tiyan ko ay nagagawa ko. Kasi may mga kakilala pa rin akong bumabati sa akin sa labas. Mga dating guro sa Elementarya o hindi kaya’y kaibigan. Nagsimula akong ma-conscious kapag bumaba ang tingin nila sa tiyan ko. Pagkatapos ay magtatagal doon at biglang magtatanong. “Ay, buntis ka na, Iris?” o “Nag-asawa ka na pala? Ba’t ‘di namin narinig ‘yun?” There were times na talagang umaatras ang dila ko. Ang awkward kasi, eh. I was reluctant to tell them the truth; That I am not married but I am going to be a mother. The society was a bit mean, sometimes, in everyone’s status.
May kakaibang katanungan pang naiiwan sa iba. Nakukuha ko iyon at nauuwi sa hiya ang Mommy ko. I wanted to tell her that I didn’t mirror her life. I wanted to reassure her that it wasn’t her fault. But all that words stayed behind my back.
Pagkauwi sa bahay ay agad na nagluto si Mommy pangtanghalian. I refused to work in weekends. Lalo na kapag linggo. Binuksan ko ang TV at kumuha ng cake sa fridge. Dinala ko iyon sa sala at doon muna nagpahinga. Sinilip ako ni Mommy at napailing nang makita ang kinakain ko.
“Prutas ang kainin mo, Iris. Puro ka matamis!”
Naka-indian sit akong naupo. Nginitian ko siya at hinaplos ang umbok ng tiyan ko. “Mi, ito ang hinihingi ng mga apo mo. ‘Wag mo nang kontrahin,” I joked. I made sure na puro healthy rin ang mga kinakain ko. Minsan lang naman ang guilty pleasure. I giggled and buried the fork on the cake.
“Pinagsabihan na kita at baka magmanas ka,”
“Tina-track ko naman po ang mga kinakain ko, ‘Mi. Don’t cha worry about me. Katulong ko naman ang mga anak ko sa pagkain,” then I winked at her and happily ate my cake.
“Bahala ka nga!” bumalik na siya sa kusina.
Nanood ako sa Netflix. Kasalukuyan akong naghahanap ng papanoorin nang may pumasok na text sa cellphone ko. Galing kay Lean. Patuloy pa rin sila sa pangangamusta sa akin pero hindi ako nagpapakita.
Lean:
Iris!! We miss you! May gagawin ka ba mamaya? Kita-kita tayo nina Mabelle. Go ka?
I bit my lower lip. “Tempting, Lean. Pero hindi pwede,” I typed my reply. Ayoko pa ring malaman nila. Saka na.
Ako:
Pass muna ako. Miss you too!
Binaba ko ang box ng cake at tumayo. Pumunta ako ng kusina at kumuha ng tubig sa fridge. Nasa harap ng kalan si Mommy. Ginisang sayote na may maraming tokwa at pritong tilapia ang pinamili namin kanina sa palengke. Natakam na naman ako. “Nag-text po ulit si Lean, ‘Mi. Nagyayang lumabas,” kwento ko. Nakwento ko na sa kanya ang mga dating officemate na naging malapit sa akin. Gusto ko ngang papuntahin dito kaya lang . . . alam niyo na. Pinapanindigan ko ang pagtatago sa mga taong malapit at may koneksyon kay Achilles.
Sinulyapan niya ako. “Hindi mo pa rin nasasabi?”
Uminom ako muna ako ng isang basong tubig. Nilapag ko iyon sa mesa at nakangusong tiningnan ang Mommy. “’Mi, kapag Nakita nila ako, malalaman ni Achilles na buntis ako,”
Pabalang niyang binaba ang sandok at namaywang. “E, ano ngayon kung malaman niya? Dapat lang na malaman niya ang kalagayan mo, Iris. Pinipigilan ko nga lang ang sariling kong tawagan si Ridge ng maipalam niya sa pinsan niyang magkakaroon na siya ng mga anak,”
Sumimangot ako. “’Wag na nating guluhin si Ridge. May sariling buhay na po ‘yon-“
“Oh, edi si Achilles na lang ang kakausapin ko. Pupuntahan ko sa opisina ninyo nang hindi ka ma-stress sa panganganak,”
“Mommy,”
She sighed deeply. Tinitigan niya ako panandalian bago ni-resume ang ginagawa. “Pasensya na, anak. Iniisip ko rin ang kalagayan mo. Hindi ko alam kung bakit ayaw mong ipaalam ‘yan. Pero sa totoo lang, gustong-gusto ko talagang makita ‘yang si Achilles at dadagukan ko! Pagkatapos ng nangyari, eh, hindi na nagpakita sa ‘yo? Ano? Nakalimot bigla sa address natin?”
Kahit na matagal ko nang tanggap ang nangyari sa aming dalawa, may pinong kirot pa rin akong naramdaman sa dibdib ko. Naisahan niya ba ako? Iyon bang, kahit na anong ingat at layo ang ginawa ko, hindi pa rin sapat. Iyong akala kong nasa tamang landas ako, maling patutunguhan pala. Naisahan nga ako kung ganoon.
“Ipapaalam ko rin naman po sa kanya,” mahina kong sabi kay Mommy.
“Dapat lang! Saka natin makikita kung ano talagang tunay niyang intention sa ‘yo kapag alam na niyang nabuntis ka!”
My mother wasn’t mad. She was beyond that. Pinagpatuloy niya ang pagluluto at hindi na nagsalita pa. Nagsalin ulit ako ng tubig sa baso bago bumalik sa sala. Tiningnan ko ang cellphone na may reply n ani Lean.
Lean:
Kailan ka available? Marami pa naman akong ichi-chika sa ‘yo. Naku. Ka-stress sa work! Nalalagas na nga ang buhok ko! Parang gusto ko na ring mag-resign!
Ako:
I’ll text you. Bakit naman?
Nag-play akong movie para magkaroon lang ng background noise. Dumagundong kasi bigla ang dibdib ko sa text ni Lean. I distracted myself with it. Napaigtad pa ako nang mag-ring ang cellphone ko. “Hello?”
“Iris! Ano na? Kailan ka lalabas ng lungga mo, gurl?” deretsong salita agad sa akin ni Lean.
Napangiti ako at sinandal ang likod sa inuupuan. “Iti-text na lang kita. Don’t worry. Magpapakita pa rin ako sa inyo,”
“Weh? Bakit ‘di pa ngayon? Tara! Nood tayo sine. Sagot ko. Pampawala ng stress. Hmmp!”
“Parang hindi ka na nasanay sa bigat ng trabaho r’yan,”
“Ayun na nga, e. Dapat sanay na sanay na ako. Pero habang tumatagal numinipis lang ang buhok ko at nauudyukan na akong mag-resign na rin. Hindi nababawasan ang pagod ako. Nagmu-multiply pa,”
Kumunot ang noo ko. “E, bakit ba?” kuryoso kong tanong.
“Itong si Sir Adam, magmula nang nag-resign ka, aba, palaging global warming ang bumbunan. Kaunting mali lang, galit na galit agad. Nambubulyaw na nga. Hindi lang ‘yon, naabutan ko pa sila ni Julia na nag-aaway sa office. As in, sigawan at nasampal pa ni Julia si Sir! Kalowka!”
Natigilan ako. Nanumbalik sa alaala ko iyong imahe nilang dalawa sa CR. Siguro ay bago pa lang silang mag-nobyo. “Nag-break silang dalawa?”
“Huh? Sinong nag-break?”
“Sina Sir Adam at Julia,”
“Sila ba? E, tungkol sa work ang pinagtatalunan nila no’n, gurl!”
Natigilan ulit ako. So, hindi sila? Pero nag-aanuhan sa CR. Naguluhan ako noong una. Sa huli ay initsapwera ko na lang sa isipan ang dalawang iyon.
“Tapos, si Mang Simang! Delubyo yata ang palaging almusal sa umaga kaya hindi na mangiti-ngiti,”
“Sino si Simang?”
I heard Lean’s giggle over the phone. “Si Sir Achilles ‘yon! Kapag pumapasok sa office palaging nakasimangot. Parang hindi na maligaya sa buhay niya. Palagi pa ‘yong absent nitong mga nakaraang araw. Pinuntahan siya isang beses no’ng pinsan niyang lalaki. Gosh, ang gagwapo ng lahi at ang lalaki ng katawan! Nawala yata ang garter ng panty ko pagkakita ko sa pinsan niya!”
“Si Ridge?”
“Ridge ba pangalan nu’n? Parang iba yata ang nakarating sa akin. Parang . . . parang Lennox yata ang dinig ko . . . basta ayun! Ang gwapo at ang tangkad! Hahaha!”
Hindi ko na naintindihan pa ang ibang sinabi ni Lean. Kilig na kilig siya sa tuwing nababanggit ang pinsan ni Achilles. Nagbago pa nga ang tono ng boses niya at Nawala rin ang inis sa trabaho. Para bang nalusaw ni Lennox ang stress niya sa trabaho.
“Pero sa hirap ng buhay ngayon, hindi naman ako makapag-resign nang walang sasalo sa akin. ‘Buti ka pa nga’t nakaraos ka,”
I sighed. Hinaplos ko ang tiyan. “Hindi rin gano’n kadali, Lean. Freelancer ako ngayon. Hindi pa rin stable kung tutuusin pero okay ngayon para sa akin,”
“Kung naging kayo sana ni Sir Achilles—”
“Ano naman ang sabi ni Mabelle?”
“Ha? Marami ring reklamo pero nakakahinga pa siya. Hindi tulad ko, kaunting-kaunti na lang makakalbo na. Ikaw ha, iniiba mo ang usapan. Ayaw mo na talagang pag-usapan si Sir, Ano?”
“Lean.”
“I know, I know makulit ako. O siya-siya. Kung talagang ayaw mong sumama mag-sine, ako na lang mag-isa. Magba-bonding kami ng sarili ko,”
“I’m sorry talaga-“
“Wala ‘yun, ‘no! ‘Wag kang mag-sorry d’yan. Ililista ko na lang ang utang mo sa ‘kin,” sinundan niya iyon ng malakas na tawa. “Ingat, Iris! Ba-bye na!”
“Bye,” binaba ko ang cellphone at hinintay na patayin ni Lean ang linya. Pagkatapos ay nilapag ko iyon sa gilid ko.
May ilang minuto kong pilit nilulubog ang sarili sa pelikulang napili ko. Unti-unting bumagal ang nagmamadaling t***k ng puso ko. Ano naman ang iba sa nakasimangot na mukha ni Achilles? Dati na siyang ganyan. At ano naman kung palagi siyang busy? Ganoon naman talaga kapag may nakaatang na mabigat sa mga balikat. Ano naman kung palaging absent? Choice niya iyon. He is the boss.
Napatingin ako sa pinto nang makarinig ng mahihinang katok. Nakabukas naman iyon para may pumasok na liwanag. Napangiti ako nang makita si Romulo. Nakangiti at sobrang linis tingnan sa suot na puting polo at khaki na pantalon. With a clean haircut and beautiful smile. He reminded me so much of the American actor Richard Gere. “Tuloy po,” tumayo ako at inayos ang suot. May dala siyang plastic na puti na naglalaman ng mga prutas!
“Mukha yatang ang lalim ng iniisip mo, Iris. Is it about the babies?” his tone wasn’t curious. Para bang alam na niya ang kasagutan sa tanong pero hinuhuli pa rin ang lalabas sa bibig ko.
I sighed. He looked like a father to me. He was sweet, caring and thoughtful. Napahiling pa akong sana pala matagal na niyang niligawan si Mommy. “Palagi ko naman silang iniisip,” sakay ko sa tanong niya.
He smiled. Halos mawala ang mga mata niya. “You’re healthy, Iris. I’ll make sure na magiging successful ang delivery mo. By the way, I have fruits for you and for your mom,”
Lumapad ang ngiti ko pagkakita sa laman ng plastic. “Spoil na spoil na ang kambal sa ‘yo,” sabay naming pinuntahan si Mommy sa kusina. Naabutan namin siyang nagpupunas ng pawis sa noo pero pagkakita kay Romula ay agad nitong tinago ang bimpo at ngumiti. Nilapitan siya ni Romulo at hinalikan sa pisngi.
Nilapag ko sa mesa ang plastic para tingnan ang loob. Pero hindi ko maiwasang pasimple silang sulyap-sulyapan. I could say that he was really in love with her. Hindi na nakapag-asawa si Romulo. Buong akala rin niya ay hindi na siya iibig pa. He knew my mother for a long time. Bago pa raw magpakasal si Mommy sa father ko. Ang tadhana talaga. Misteryo.
But then . . . kung hindi nakilala ni Mommy ang father ko, malamang wala rin ako ngayon. Pati ang kambal ko.
Tinabihan ni Romulo si Mommy sa harap ng kalan. Nag-uusap silang dalawa nang hindi ko naririnig. Nagkibit na lamang ako ng balikat at tahimik na bumalik sa sala.
**
Maaga akong gumising kinabukasan para tulungan si Mommy sa paghahanda. Ngayong araw pala ay birthday ni Romulo. Naghanda si Mommy ng surprise mini party para sa kanya. Ang sabi ko ay huwag niyang i-text o tawagan para batiin. Magkunwari kako na nakalimutan niya. Ayaw niya gawin no’ng una pero kalaunan ay nakulit ko rin.
“Iris! Wala pa tayong regalo sa kanya!”
Mula sa pagpapalit ng kurtina ay napalingon ako sa kanya. “Hindi pa po ba gift itong surprise sa kanya?” tukso ko.
“Syempre hindi! Ang dami kong lulutuin mamaya. Maghihiwa pa ako at gayak. Nalimot kong bumili ng regalo dahil sa paglilista ng ihahanda ko,”
Tinaas ko ang kananag kamay para pahintuin siya sa pagsasalita nang mabilis.
“Relax, ‘Mi. Chill ka lang. Pupunta po akong Mall ngayon para maghanap. May prefer ba kayong regalo?” pinagpatuloy ko ang pagpapasok ng bakal sa butas ng kurtina. Hinintay kong mag-isip si Mommy. Natapos na ako bago siya sumagot.
“Pabango kaya? O bag?”
Napanguso ako. “Mmm . . . titingnan ko po, ‘Mi,”
Bumuntong hininga siya at namaywang. “Kumuha ka na lang ng pera sa wallet ko. Mag-ingat ka, Iris,” paalala niya sa huli.
Napangiti ako. “Yes, Ma’am.”
It was, actually, a double reason. Makakalabas ako’t makakapamasyal. Kung minsan ay nababagot ako sa bahay. Hindi ko sinasabi kay Mommy dahil sobrang protective niya sa akin. Nakasalubong ko sa labas si Romulo. Huminto ako sa paglalakad nang businahan niya ako. I smiled at him. Pagbaba niya ay Nakita kong medyo nakasimangot siya. Alam ko na kung bakit.
“Saan ka pupunta? Hindi mo kasama ang Mommy mo, Iris?”
I smiled wider. “Hindi po, eh. May bibilhin lang ako sa mall,” which was true.
Tumango siya. Pagkatapos ay tumingala sa langit. May pilya namang pumasok sa isipan ko.
“Pwede po ako mag-drive ngayon,” pasimple kong sabi.
Tiningnan niya ako at inilingan. “Magagalit ang Mommy mo. Wala ka pang lisensya, hija,”
Sumimangot ako. “Kahit sandali lang po?”
He chuckled. “Ihahatid na lang kita roon. May bibilhin din naman ako ro’n,”
Namilog ang mga mata ko. Sasabay ba ko? Well, dapat ay pumuslit ako ng bili para hindi niya makita. O kaya ay itatago ko na lang. Sa huli ay sumakay na rin ako. Pero pagdating sa mall ay naghiwalay kaming dalawa.
“Dito na lang po tayo magkita mamaya,” suhestyon ko agad para hindi na niya ako samahan pa sa tindahan.
He just nodded and pocketed his keys. Kaya’t pagkapasok ay nagmadali ako sa bibilhin. Pabango ang napili ako. Bumili na rin ako roon ng pangbalot at tinago sa bag na dala ko. I also bought him a gift from me. Leather wallet ang napili ko. Ang naging problema ko naman ay hindi na iyon kasya sa maliit kong bag. Malalaman agad ni Romulo na regalo iyon. Masisira ang surprise ni Mommy sa kanya.
Papauwi na ako nang mapadaan sa isang tindahan. Natukso akong pumasok sa loob nang makita ang isang napaka-cute na feeding bottle. Lumapit ako roon at tiningnan ang presyo. Mmm. Medyo mahal din pala. Kaya lang ay talagang gusto ko. Napaisip muna ako sandali kung kukunin ko. Para naman sa kambal, eh. Kaya’t walang pasubali ko iyong kinuha. May nakita rin akong damit ng baby. Ang liliit at ang cute. Napanguso ako at kinuha sa display. Hindi ko pa naman alam ng gender nila. Pero pwede akong kumuha ng neutral design. Tiyak na magugustuhan din ito ni Mommy.
Naengganyo pa akong mag-ikot na tumingin-tingin pa ng damit. Hindi sinasadyang napalingon ako sa katabi. Natigilan ako at nagulat nang makita si Ellie. Awtomatikong bumaba ang paningin ko sa mabilog niyang tiyan. Parang na-shock pa nga siya nang makita ko. Nang bumaba ang paningin niya sa tiyan ko ay pasimple ko iyong tinakpan. Pero tiyak na huli na rin iyon. Para kaming nagkagulatan na dalawa.
“Iris?”
Naestatwa ako nang makilala ang boses ni Ridge. Ridge went with us. Dumagundong ang dibdib ko. Kinabahan. Inayos ko ulit ang hem ng damit ko para magmukhang maluwang sa akin. I awkwardly smiled at him. “Oh, hi Ridge! Long time no see, ah,” bati ko sa seryoso niyang mukha. Damn it. Minsan lang akong mamasyal, Nakita ko pa sila rito.
Tumabi si Ridge kay Ellie. He possessively snaked his arm around her waist, “What are you doing here?” and kissed her. Like as if he was branding her as his.
Napalunok ako. “Ha? Ah . . . namamasyal lang,” binalik ko ulit ang damit na kinuha.
Ellie cleared her throat. “Iris,”
“Ang laki na pala ng tiyan mo, Ellie. Ilang buwan na? Hindi kami masyadong nagkikita nitong si Ridge kaya wala akong balita sa ‘yo. Kumusta?” kinakabahan ako kay Ellie. Feeling ko ay nababasa niya ang mga mata ko. Huwag naman sana niyang banggitin pa ang nakita sa akin.
“K-kay Ridge ba ‘yang pinagbubuntis mo?”
Now, I am doomed. She was too vocal and nervous. At ano raw? Kay Ridge ito? Doon yata ako na-shock. Ridge looked mad.
“Ano’ng sinasabi mo, Ellie?”
Ellie continued at staring at me. Nang hindi siya sinagot ni Ellie ay saka ako tiningnan ni Ridge. Magkasalubong na ang mga kilay. Nagagalit. He then stared at my growing belly. Confusion marred in between his brows.
“Buntis ka rin, Iris?” he seriously asked.
I sighed. “Si Ellie lang pala ang makakabuking sa akin.” Wala na. Game over na. “Mind if I invite for a drink, guys? My treat. Wala kasi akong makausap,”
Nagkatinginan muna silang dalawa. Mga mata lang nila ang nag-uusap. Nang pumayag ay sabay na kaming pumunta sa cashier para magbayad. Tiningnan ko ang oras. Bibilisan ko na lang ito o hindi kaya ay ite-text si Romulo para hindi ito mag-aalala sa akin kung sakaling magtagal ako rito.
Ridge ordered for all of us. May pina-reserve silang dalawang upuan. Para kina Mark at Rica. Hindi naman sila malapit kay Achilles kaya okay lang na makita nila ako. Itong si Ridge ang nagpapakaba sa akin. Halata naman kay Ellie na kinakabahan din siya. She looked shy and uneasy. “Uh, Ellie,”
Pinatong ni Ridge ang braso sa ibabaw ng sandalan ng upuan ni Ellie. He was staring at her.
Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. Papanget lang kung itatangi ko pa sa kanila. “Yes, I am pregnant. Pero hindi naman si Ridge ang ama nito.” I tried not to fake my chuckle. Dahil sobra akong kinakabahan sa katabi niya.
“P-pero--’di b-ba kayo?”
Napangiwi ako. Hindi pa ba nililinaw sa kanya ni Ridge? Pambihira!
“Hindi pa ba niya sinasabi sa ‘yo ang totoo? We’re not together. Well, hindi naman talaga naging kami, kaibigan ko lang ‘yan.”
“Akala ko kasi . . .” mas lalong namula ang magkabila niyang pisngi.
Ridge sighed, “Hindi ka naniwala sa akin.”
“Sinabi na niya sa akin, ‘di lang ako agad na naniwala. Until I saw you today.”
I shrugged my shoulders. “‘Wag kang mag-alala, ikaw lang ang mahal ng lalaking ‘yan. At walang ibang babae na nilapitan si Ridge hanggang sa magkita kayong uli,” baliw na baliw iyan sa ‘yo!
Nakita kong dumilim ang mukha ni Ridge. “Who’s your boyfriend?” walang gatol niyang tanong sa akin. But he asked me like as if he was my older brother.
Nasamid ako at napaubo. “W-wala!” inabot ko ang tissue.
“Wala? Hiniwalayan ka?” he asked again.
Binaba ko ang tissue at pinagtuunan ng pansin ang pagkaing nasa harapan ko. “Hindi naman kami.”
Hindi agad nagsalita si Ridge. Pinagmasdan pa niya ako na para bang nababasa sa akin ang sagot na hinahanap. Gusto ko siyang sapakin sa mukha pero nakakahiya kay Ellie. Baka ma-stress pa sa akin. But Ridge knew what he wanted.
“He got you pregnant. Dapat panagutan ka niya.” matigas niyang sabi pagkatapos na pag-iisip.
Pasimpleng kumain si Ellie. Pero alam kong tahimik ding nakikinig sa amin.
“No way.”
“Iris—”
I glared at him. “Hindi ko siya gusto, Ridge. May . . . nangyari lang kaya ganito. But I can manage myself. May matatag naman akong trabaho.” I’ll make sure I will have means to support my babies.
“Then what about your Mommy? Sa tingin mo ba ay hindi hahanapin ni Tita ang lalaking nakabuntis sa ‘yo? Baka tumaas na naman ang dugo niya,”
Umiinit ang dugo sa kanya. I licked my lips like as if it could soften my anger. Umiling ako, “Ridge, it’s not your business.” Kalmado kong sabi.
“It is.” Kalmado rin niyang sagot. Halatang nakikipaglaban ng salita sa akin.
“Ridge! Nandito si Ellie,” gulantang kong paalala sa kanya. I looked at her worriedly.
Nilingon siya ni Ridge. Malambing na tiningnan. “Achilles is my cousin, mine. And he should know that Iris is pregnant.” Walang preno nitong salita sa kanya.
I gasped loudly. “Ridge!” sabi ko na, eh! He knew it!
Syempre, mas kakampihan niya ang pinsan kaysa sa akin. Pakiramdam ko ay nasusunog na ang mukha ko sa galit. Naisipan kong mag-walkout. But they were still my friends. Even though, I started to hate Ridge for breaking my secret.
“Si Achilles?” gulat na tanong ni Ellie. She was surprised.
Pero tila sasabuyan ako ng bomba ni Ridge nang makita kong dinukot nito ang cellphone sa kanyang bulsa. He looked so determined to accomplish what he really wanted.
“Ridge, ‘wag!” I just blurted out.
He firmly shook his head. “He has to know. Hindi pwedeng palakihin mong mag-isa ang bata. I won’t let that happen again. Not again.”
Nanlumo ako. Nilingon ko si Ellie. Naiiyak na ako sa galit at tensyon. Bakit ba niya pinapangunahan ang desisyon ko? Naiinis ako’t natatakot. Para akong maduduwal.
Ellie looked at him. “Pagbigyan mo muna si Iris. Baka hindi pa siya handa. Mine,”
Akala ko ay hindi na talaga magpapapigil si Ridge. Nang tawagin siya sa huli ni Ellie ay saka ito natigilan. Pero nasa tapat pa rin ng tainga niya ang cellphone. Hinihintay na sagutin ni Achilles ang tawag.
“Ahm, I-I’m just checking--if you’re--okay? I-I mean--f**k, Achilles!” Sabay baba sa cellphone.
Napagtanto kong hindi ako humihinga nang kausapin nga ni Ridge ang pinsan niya. Tila siya nauumpog sa dalawang pader sa mga sinabi. But in the end, he faithfully followed Ellie’s request.
“Isang salita mo lang, tiklop na ‘ko.” mahina niyang sabi. Tinago niya ang cellphone sa bulsa at saka ako binalingang may pagbabanta. “This won’t take long, Iris. Kausapin mo si Achilles. I’m sure he will take care of you. Hindi ka niya pababayaan.” May paniniguro niyang sabi sa akin.
Bumuntong hininga ako. “Ewan ko. Hindi naman ako hihingi ng tulong sa kanya at kilala mo ang Mama niya. Ayokong makatikim ng masasamang salita. Lalo na sa baby ko.” if he would know that they're twins, he would call him again. Tiningnan ko si Ellie. “Pwede ko bang makuha ang number mo, Ellie, kung ayos lang naman sa ‘yo?” suddenly, I wanted to text her and ask her about pregnancy thing. Mas malaki ang tiyan niya sa akin.
“Oo, sige.” Nagpakurap-kurap siya sa bigla kong pagtatanong sa kanya.
May ilang sandalling walang nakapagsalita sa aming tatlo. I texted Romulo. Nang dumating sina Mark at Rica ay saka lang nagkaroon ulit ng ingay sa mesa namin.
“Oh, hi, Iris—wait, preggy ka rin?!”
Napalunok ako nang magtanong siya ulit dahil napansin niya ang tiyan ko.
“Achilles fathered her child.” Mabilis na sagot ni Ridge.
Napapikit ako’t hilamos ng mukha. Namilog ang mga mata ni Rica pagkarinig no’n. Si Mark naman ay ngumisi lang at umiling.
“Ridge.” Ellie called him with a warning stare.
“Paano?! I mean, may relasyon kayo ni Achilles?”
Napakamot ako ng sintindo. “Uh, ano, hmm,”
“Maupo ka na muna, Rica. Pinapakaba niyo si Iris,”
Rica looked at her. Questioning but Ellie’s eyes said it all. To stop bombarding me with questions I didn’t want to answer. I liked her.
Hinatid nila akong lahat sa parkingan. Wala pa roon si Romulo. Naghintay pa ako ng ilang minuto pagkaalis nina Ridge ay saka siya dumating. Nakangiti na siya. Tiningnan niya ang dala ko.
“You’re very excited, hija,”
I smiled. May dala siyang box ng cake at paper bag na isang kilalang store. “Ang swerte naman ng makakatanggap niyan,” biro ko pagkasakay.
He sighed contentedly. “I really love your mother, Iris. She deserves everything in this world,” nilingon niya ako at nginitian.
Nilagay ko na lang sa kandungan ko ang pinamili. Hindi mahilig sa material na bagay ang mommy. She was simple. Matiisin at masipag. Understanding din. Nabuntis ako nang walang boyfriend o asawa pero tinanggap niya pa rin ako. So, yes. My mother deserves everything in this world.
Ako:
Mi, kasama ko po si Romulo pauwi d’yan.
Hindi ko na yata kayang pigilan pa siya na huwag na pumunta. I was just hoping na okay na kay Mommy. Mukhang wala na ring gagawin si Romulo buong araw.
Naghintay akong mag-text si Mommy pero walang sagot. Hindi ko na tinawagan. Magmamadali na lang ako sa pag-akyat sa kwarto ko para balutin ang mga regalo namin. Dumagundong ang dibdib ko nang makitang may nakaparadang itim na sasakyan sa tapat ng bahay namin. Dahil walang pagpaparadahan ay sa likod ng sasakyang iyon hininto ni Romulo ang kanyang sasakyan. Bumaba ako at hinintay siyang lumabas. Romulo smiled at me without knowing my nervousness.
Bumagal ang paglakad ko. Para akong hihimatayin sa kaba. Sa inis. Nangangati ang kamay kong tawagan si Ellie at itanong kung sinabi ba agad ni Ridge? I wanted to scream!
Lumabas ng bahay si Mommy. Hindi na siya nagulat nang makita si Romulo. She looked mad and angry. Tinitigan ko siya. “’Mi . . .” napalunok ako.
Mabigat siyang bumuntong hininga. Tinabihan siya ni Romulo na kumunot ang noo. Binuka ko ang labi para magtanong at kumpirmahin kung sino ang nasa loob. Pero napatingin ako sa pinto nang sumunod na lumabas si Achilles. He was darkly staring at my belly. Umigting ang panga niya at kumuyom ang mga kamao.