Chapter 17

3888 Words
“Ako’y sasaiyo, huwag kang matakot. Ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.” – Isaias 41:10 * Chapter 17 Iris Halos isang linggo na matapos naming magpakasal. Napili kong sa tabi ng swimming pool ako magsiyesta para maiba naman. Kasi nabuburo na ako sa kwarto namin. Naa-appreciate ko naman ang laki at rangya ng kwarto pero hindi naman ako makatagal nang nandoon lang maghapon. Wala akong ginagawa. Nailipat ko na rin sa CDC ang proyektong binitawan ko. Akala ko nga ay magrereklamo sila. Iyon na rin ang inaasahan ko pero hindi nangyari. I could almost smell their happiness after they heard the news from me. Achilles talked to them and assured them that his company would take care of them. Isa pa, binanggit din niya ang tungkol sa pagbubuntis ko. So, everyone was so willing to free me from doing anything. Damn. Umihip ang preskong hangin. Tumingala ako. Ang sarap pakinggan ang pagsayawan ng mga puno at halaman na inuugoy ng hangin. Iyon ang halimuyak ng mundo. Pagkatapos ang amoy ay nakaka-relax din. As usual, tahimik ang kabahayan. Ilang sandali pa’y bumigat na ang talukap ng mga mata ko. Bahagya akong ngumiti at hinaplos ang umbok ng tiyan ko. Nag-relax ako at binalik ang atensyon sa librong binabasa. I didn’t usually read romance fiction books but today I chose Jojo Moyes as my companion. Maybe, later, I would raid Achilles’ library for a change. In-oder ko kasi ito online at pina-deliver. Galing sa sarili kong pera ang pinambayad ko. Tinabi ko lang ang card niya. Wala akong lakas ng loon na gamitin ang pera niya. Ganito ba ang bagong kasal? O iba kami ni Achilles? Hindi nga namin pinagplanuhan ang magpakasal. Lalo na ang magkaanak. Kung minsan, gusto kong narito lang siya sa bahay. Hindi pa kasi sanay sa akin ang mga kasambahay nila at ako sa kanila. Si Manang Lupe kinakausap naman ako pero tungkol lang sa pinagbubuntis ko. She usually asking me kung may gusto ba akong kainin o gustong ipabili. Kaunti na lang, isasagot kong ang asawa ko po ang gusto ko ngayon. Mga kaunting kulit na lang ni Manang. It hit me like a lightning of how I became so compliant to him. Nasaksihan ko ang galit, selos at talim ng pananalita ni Achilles sa akin. When we fought, he looked like a monster. But I noticed that he was only restraining himself over his dangerous anger. Alam niya ang lahat ng detalye tungkol sa akin. Kung paano ako nakapasok sa CDC at siguro, maging ang kakayahan ko. He particularly knew my capacity and talent. And it pinched a raw pain in my chest. Kung wala ang kambal, hindi niya ako aayaing magpakasal. Kung hindi ako nabuntis, malamang ay nagkalimutan na rin kami. Pero iba ang ginuhit ng kapalaran. Change was a must. I was also acutely aware of his two male staff in the big house. They were young and very serious. Naka-casual naman ang suot nila pero parang palaging alert sa lahat pagkakataon. Hindi ko alam ang mga pangalan nila. Bukod sa guards sa gate at isang matandang hardinero, silang dalawa iyong madalas kong nasisilayan kapag bumababa ako. Ngayong nasa pool area ako, natatanaw ko sila kahit hindi lumalapit sa akin. Tahimik na nakatayo at nagmamasid sa paligid. Mula sa pagbabasa ay nilingon ko iyong dalawa. Agad silang nag-iwas ng tingin. Inabot ko ang aking orange juice at inubos ang laman sa mataas na baso. I was wearing my cotton black shorts and a big white T-shirt. Malaking bahagi ng mga hita ang nakalantad pero katanggap-tanggap pa naman sa mga makakakita. Tumayo ako at dinala ang libro at baso papasok sa loob ng bahay. Habang naglalakad ay pinakaramdaman ko ang likuran kung susundan ako ng dalawang lalaki. Pag-apak ko pa lang sa loob, mabilis ko silang nilingon. Sabay silang natigilan at huminto rin sa paglakakad. Pangatlong araw na nila itong ginagawa sa akin. “Binabantayan niyo ba ako?” kinumpronta ko. “Ma’am?” hindi makapaniwalang sambit ng isa. Nilingon niya ang kasama at pareho silang natahimik. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nahintay ako ng kanilang tamang sagot pero dumaan ang ilang segundo, wala silang maibigay. “Sino’ng nagbigay sa inyo ng utos? Si Achilles?” Sino pa ba?—sarksastiko kong tanong sa sarili. “Am I under his surveillance? Niri-report niyo ba sa kanya ang mga ginagawa ko rito habang wala siya?” Noong kararating nila rito, hindi ko masyadong pinapansin ang presensya nilang dalawa. Kaya lang, hindi ko na kayang maging tahimik. They were following me everywhere except upstairs. Unbelievable. Para akong batang babaeng sinusundan or worse, parang isang babaeng malikot ang kamay na binabantayan sa loob ng Department Store. Teka, nasaan nga ba ako ngayon? Sa isang malapalasyong tahanan. Bawat gamit na makikita rito ay tiyak kong mabebenta. Nagkatinginan na naman silang dalawa. They didn’t look like an ordinary security guard. Hindi ko sila tinitingnan no’n sa mga mata pero ngayon sa malapitan ay may iba akong napansin. Armado ba silang dalawa? Kinutuban ako. Bumilis ang paghinga ko. Ang tanong, bakit naman kung totoo ang hinala ko? Parang sobra naman kung pababantayan niya ako sa dalawang armado at mukhang bihasang mga lalaki. I looked around the house. This palace was pricey. Maraming magkaka-interest lalo na sa mga painting na nakasabit. Then, unconsciously, I held on my belly. I looked down. Yes, my babies are priceless. Silang dalawa ang mga kayamanan ko sa mundong ito. “First born is always special.” According to Jeric. They are precious to Achilles too. But being under on guard didn’t make me feel at ease or even safe. They made me conscious! Pinapabantayan ni Achilles ang mga anak niya sinasapunan ko?! “Hayaan niyo muna si Ma’am Iris.” Mahinahong boses ang nagpahinahon sa utak ko. I glanced at her over my shoulder. Hindi ko namalayan ang paglapit ni Manang Lupe na parang sa hangin siya naglalakad. “May order sa amin si Sir Achilles, Manang.” Matigas na tindig ng pangalawang lalaki. Tumayo sa tabi ko si Manang Lupe. Magkasalikop ang kanyang mga kamay sa harapan. “Buntis ang asawa ni Sir niyo at hindi pwedeng ma-stress. Kayo rin ang malalagot kapag may nangyaring masama kay Ma’am Iris.” she answered with high confident and high forehead. Nilingon ko si Manang. Matiim pa rin ang tingin niya sa dalawa at tila hindi papatalo sa sagutan. Nang tingnan ko ang dalawang lalaki ay nakita kong kinabahan din sila at nalito. Hindi malaman kung anong susundin. Ang sundan ako o iwan ako. Malamang na takot din sila kay Achilles. “’Wag kayong mag-alala. Ako ng magsasabi kay Sir Achilles tungkol dito. Tara na sa loob, Ma’am Iris,” Naunang pumasok si Manang Lupe. Hindi na niya hinintay pa ang isasagot nitong mga lalaki. Sumunod lamang din ako sa kanya sa kusina. Pagkarating ay dumeretso ako sa sink at nilagay doon ang baso. Agad akong nilapitan ng isa sa mas batang kasambahay at mabilis na hinugasan ang basong ginamit ko. Pagkasabi niya ng “Ako na po, Ma’am.” ay sabay dampot din niya sa baso ko. Wala na akong nagawa kundi ang magpasalamat na lang. Nasa center island si Manang Lupe. Pinangungunahan niya ang paghahanda sa mga rekado na lulutuin para sa hapunan. I felt like some invisible woman here. They were all busy while watching them and waiting for their approach. Nagkamot ako ng batok. I was still holding my book. Ilang beses kong kinagat ang ibabang labi dahil sa namuong kaba. Then, sa wakas, pinansin din ako ni Manang Lupe. “May kailangan ka pa ba rito, Ma’am Iris?” I caught off guard by her question. She sounded polite but a tiny thorn was also there. Parang hindi na siya makapaghintay na makaalis ako ng kusina. I gulped. A shy smile tugged on my lips. “Kung nangangailangan po kayo ng tulong, Manang, libre po ako,” I informed her. I was still dazed about those two men but I couldn’t help it. Ngayong nandito sila ay gusto ko ring dumito na lang din para may makasama ako. Tumigil silang lahat sa kanilang ginagawa. Nilingon ako ng may gulat sa mga mukha. Kahit si Manang Lupe ay napaawang ang labi. “Pero Ma’am Iris,” “Marunong din po ako sa gawaing bahay. Hindi nga lang ako kasing galing ni Mommy ko sa pagluluto pero,” tinuro ko ang mga gulay na hinahanda nila. “Sa paghihiwa po at pagbabalat marunong din ako,” dapat mula umpisa pa lang ay nireto ko na ang sarili ko para kahit papaano ay nakakausap ko na rin sila. Sobrang busy ni Achilles sa trabaho. Wala naman siyang binibilin sa akin bago umalis. I barely felt him in our bed too. Nauuna akong matulog. Paggising ko ay wala rin siya. May lukot ang pwesto niya sa kama at naiwan din ang amoy niya pero sadyang hindi ko siya nararamdaman. Did he even touch me? I had no idea. It was getting dull for me. Sometimes, I felt lonely too. “Hindi ka ba inaantok, Ma’am Iris?” “Hindi na po, Manang.” She sighed like as if she was disappointed. “Mas mabuti pang magpahinga ka na lang sa kwarto ninyo. Kami na ang bahala rito. May gusto ka bang ulam mamaya?” Nalungkot ako. Nakaramdam ng pagkabigo. Humigpit ang hawak ko sa libro. Nanatili akong nakatayo at saka umiling sa kanya. Ang dalawang mas batang kasambahay ay pinagpatuloy na ulit ang ginagawa. Tila takot na mapagalitan ni Manang Lupe kapag nalingon sila. At si Manang Lupe ay nanatiling nakatingin sa akin. “Tumawag ka na lang, hija, kapag may kailangan ka.” Pinilit ko na lang na tumango at tinalikuran na sila. Lumabas ako ng kusina. Dinaanan ko ang dining area bago nakarating sa sala. I went upstairs. Tulad ng sabi ni Manang. Para akong naging lantang gulay sa paglalakad hanggang sa makarating sa kwarto. Nagdere-deretso ako sa kama at naupong nakasandal ang likod sa malambot na headrest. I sighed heavily. Literal akong sumimangot. Matulog na lang ako? Alam kong dala ng pagbubuntis kaya ganito ang trato nila sa akin—natigilan ako--mabilis akong umahon sa sandalan. Nag-isip muna ako sandali kung uubra. Bakit hindi? Mabilis ang mga kilos ko na may halong excitement. Pumasok ako sa walk-in closet. Achilles gave me spaces for my clothes. Namili ako ng isusuot at mabilis na nagpalit ng damit. A plain white sleeveless dress and a pink cardigan. I half-ponytailed my hair and put a light pink lipstick. Pagkatapos ay kinuha ko ang sling bag na naglalaman ng wallet, cellphone, susi ng bahay at tissue. Uuwi ako sa amin. At walang makakapigil sa akin. Pinatay ko ang ilaw bago lumabas ng kwarto. Hindi ko sigurado kung bakit ko ginawa, pero, marahan kong nilapat ang pinto sa frame nito. Tiningnan ko rin ang magkabilang pasilyo na napapagitnaan ng hagdanan. Ako lang naman ang tao rito dahil nasa kusina sina Manang Lupe at saka sa umaga sila naglilinis. Tinungo ko ang hagdanan. Napahinto agad ako sa unang baitang pa lang nang sumilip sa taas ang isa sa dalawang lalaking nakasunod sa akin. Napalunok ako. Kay talas naman ng tainga ng isang ito! But I squared my shoulders. Malalim akong humugot ng hininga at sinuot ang bag ko. Bumaba ako. Nagpakita rin ang isa. Ngayon ay pareho na silang nakatingala sa akin. Hinintay nila akong makababa at saka lakas-loob na nagtanong. “Aalis po kayo, Ma’am?” they almost asked in synchronize. I gave them my smile but nervous look. “Gusto kong mamasyal.” Lakas-loob ko ring sagot. I didn’t think twice. Pagkasagot ko ay tinungo ko agad ang pintuan. Hinabol nila ako at pinigilan. “Hindi po pwede, Ma’am,” Nabuksan ko na ang pinto nang lingunin ko sila. “Bakit hindi pwede?” I bluntly asked. They looked uneasy. I just thought, they wanted to put their hands on me just to stop me from leaving the big house but they just couldn’t do it. “Eh, bawal daw po sabi ng Mister ninyo,” Binitawan ko ang knob at humarap sa kanila. They stepped back like as if my full strength was about to be thrown to them. “Bawal akong lumabas? Okay lang kayo?” mangha kong tanong. Napakamot sila ng ulo. Pero naiwang nakabuka ang bibig ko sa gulat na iyon. I scoffed and looked at different direction. “Ano’ng action movie kaya ang pinanood ng kumag na ‘mister’ ko para pabantayan ako at pagbawalang lumabas?!” binalik ko ulit ang tingin sa kanila. I saw them looked away. “Edi sabihin mo sa kanya na siya mismo ang magbantay sa akin para hindi ako makawala!” I turned my back and walked out from the big and lonely house. “Ma’am Iris!” sigaw at tawag nilang dalawa sa akin. Hindi ko sila pinansin. Galit at nakasambakol ang mukha akong nagmartsa papunta ng gate. Nakatanaw na agad sa akin ang dalawang gwardya. They were looked worried. Pero hindi ako magpapapigil. Hindi ako preso. Nakakainis. Tinuro ko ang gate dahil mukhang wala silang balak na buksan iyon. “Buksan niyo,” utos ko na. My anger overrides my mind. “’Wag!” pigil nila sa mga gwardya. Ilang hakbang mula sa gate, huminto ako at umuusok sa galit kong nilingon ang dalawang bumubuntot sa akin. They stopped on track. “D’yan lang kayo.” Banta ko. “’Wag kayong susunod.” “Saan po ba kayo pupunta, Ma’am?” Oh. Okay. They sounded like they were trying to negotiate with me to slow me down. I smirked. “May bibilhin lang din ako,” I lied. Nilapitan ko ang gate. Hindi gumagalaw ang dalawang gwardya pero hindi rin naman ako hinahawakan. Maybe, I looked vulnerable in their nervous eyes. “Ipabili na lang po ninyo sa iba,” Ano? I tsked. Nabuksan ko ang gate. Pambihira, ang bigat naman nito. Hinila ko at napakangiti pa ako. Pakiramdam ko para akong makakalaya nang makita ang kabilang bahagi ng gate. “Ma’am Iris!” Napahinto ako sa paglabas nang marinig ang malakas na boses ni Manang Lupe. Nilingon ko siya. Kahit sa malayo ay natanaw ko ang pamimilog ng mga mata niya at pag-aalala. O baka takot din iyon kay Achilles? Kung anuman ‘yon, binalewala ko na at naglakad na ako palabas ng dambuhalang gate. They rattled behind the gate. Napalingon-lingon naman ako sa magkabilang malinis na kalsada. Walang katao-tao. May nakita akong sasakyang parating pero pribado. Bumagsak lang ang mga balikat ko. Kailangan kong maglakad para may masakyang jeep o taxi. Isang beses ko pang nilingon ang loob. Binuksan ng mga gwardya ang gate. Mas malaki na puwang. Ibig sabihin, may sasakyang lalabas. Nagsimula na akong humakbang palayo roon. Hawak ang tiyan ay bahagya pa akong tumakbo. Pero mabilis akong mapapagod kaya naglakad ako ulit. Bumilis ang t***k ng puso ko pati ang paghinga ko. Ayokong bumalik ulit doon. Baka masaksihan ko na ang pagputi ng uwak. Nagpalinga-linga ako. Malapit na ako sa isang bakanteng lote na madamo at may punong kuba na ang katawan. Tumakbo ako roon. Napangiwi ako nang lumubog ang mga paa ko sa putik at ilang basura. I shunned away the thought of being captive. Hinawi ko ang mga damo. Natigilan ulit ako. Baka may ahas dito? Napalunok ako’t kinabahan na naman. I looked at my back. Narinig ko ang ugong ng sasakyang paparating at pagbusina nito. Napaigtad ako at walang anumang dumeretso sa likod ng puno. I silently prayed that there were no anger creatures that could bite me or make me scream. Not now, please. Nagtago ako sa likod ng puno. Nilagay ko ang mga kamay sa tapat ng dibdib. Ang paghinga ko at t***k ng puso ang nagpapabingi sa akin. Then I heard the car’s engine passed. Hindi ako agad na sumilip sa takot na baka may naglalakad lang sa kanila at naghinalang nagtago ako. Pinalipas ko muna ang ilang minuto. Nang hindi ko na matiis ang putik at talim sa binti ko ng mga damo, dahan-dahan akong sumilip. Tahimik na ulit. Wala na ring dumaraan. Lumabas ako sa pinagtaguan at lumapit sa tabi ng kalsada. Nilingon ko ang dereksyon sa mansyon. Wala na akong nakitang paparating mula roon. Nakahinga ako nang maluwag. Pero hindi ang naputikan kong mga paa. Sumakay ako ng taxi. Doon ay nilinis ko ang mga paa pati ang sandals ko. Nanghingi ako ng plastic sa driver at doon tinapon ang mga nagamit na tissue. Nang matapos ay tinanaw ko ang labas ng bintana. It’s been a while mula nang makalabas ako ulit. I couldn’t help but enjoyed the crowded roads. Kahit na ilang araw lang naman akong naroon sa bahay ni Achilles. Siguro dahil sa ganitong uri ng lugar ako sanay. Napayuko ako sa kandungan nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Tinitigan ko ang pangalan niya sa screen. Alam na ni Achilles. Bumuntong hininga ako. Kung sasagutin ko, baka sigawan niya ako. At pauwiin pa. Inirapan ko ang pangalan niya at pinatay ang tawag. I even turned off my phone. Hindi muna rin ako dederetso kay Mommy. Baka maunahan ako roon ni Achilles. Napakamot ako sa ulo at tinawag ang driver. “Sa pinakamalapit na mall na lang po tayo, Manong.” Pag-iiba ko sa address na unang binigay. Tiningnan niya ako sa rear view mirror. Ngumiti. “Okay po, Ma’am.” He politely answered. Sinandal ko ang likod sa upuan. Tumingin ako sa labas ng bintana. Hindi ko pa masiguro kung anong nagpalakas ng loob ko para takasan ang mansyon niya. Kung tutuusin, ang rangya ng buhay doon. Isang tawag ko lang ay masusunod at makukuha ko ang gusto. Kaya lang din, may kapalit ang karangyaan doon. Sa kwarto lang ako at may bantay pa. What’s wrong with you, Achilles? Ganito rin kaya si Ridge kay Ellie? I was aimless pagdating sa mall. Sabi ko, magpapalipas lang ako ng oras dito tapos ay uuwi kay Mommy. Sinalakay ng iba’t-ibang amoy ng pagkain ang ilong ko. Nagutom ako. Nang makita ko ang cart ng popcorn, iyon ang una kong nilapitan. “Ano po sa inyo, mam?” tanong agad sa akin ng tindera. May iba’t-ibang flavor ng popcorn. Gusto kong tikman lahat. Kumuha ko ng apat na na iba-iba ang flavor. Pagkakuha at bayad ay una kong kinain ang chocolate flavor. Naging sunud-sunod ang kain ko kaya’t nauhaw ako. Bumili ako ng bottled water at naubos ang laman. Nag-ikot-ikot ako habang kumakain. Kaso, nangawit ako sa tagal ng pagkakatayo. Tiningnan ko iyong fast food chain na walang pila sa counter. Pumasok ako sa loob at naghanap ng mapupwestuhan. Maswerte at kakaunti rin ang kumakain. Bumili muna ako ng pagkain at saka naupo. Spaghetti, chicken, rice, (hindi na ako nag-french fries) at sundae ang nakahain ngayon sa solo kong mesa. Alam kong hindi masyadong healthy ito kaya lang hindi ko mapigilan ang sariling hindi kumain. Sa labas ng restaurant ay may natanaw naman akong donut. Habang ngunguya ay napadaing ako. This was too much. I don’t usually eat like this. Given na preggy ako. Dapat ko pa ring i-maintain ang healthy lifestyle ko. Hindi iyong para akong batang ngayon lang nakapasok sa mall at lahat ng makita ay ituturo. Halos isang oras akong naupo roon. Naubos ko ang pagkain at nabusog. Sumandal ako sa upuan at hinaplos ang tiyan. Nangiti ako. “Nabusog ba kayo, kids?” I lowly giggled. Tumayo ako at bumili pa ng dalawang meal para kay Mommy at Romulo. Tiyak na masu-surprise sila pagdating ko roon. Hindi ko naman matatakasan ng matagal si Achilles. Hindi rin ako nagpa-panic kung makita ko man siya ngayon. Nagpaka-relax na lang ako. Total ay nakalabas na naman ako. Sumakay ulit ako ng taxi. Inisip ko sina Manang Lupe, ang dalawang gwardya at iyong dalawang sumusunod sa akin. Kumunot ang noo ko. Saan kaya iyon napunta? Natataranta pa kaya? Eh, si Achilles? Hindi ko pa rin binubuksan ang cellphone ko. Sa bahay na lang siguro. “Salamat po.” Hawak ang ilang plastic ay bumaba ako ng taxi. Pagkasarado ko ng pinto ay may excitement akong naramdaman nang makapunta ulit dito. Kung saan may mga batang nagtatakbuhan sa kalsada. May nagde-dribble ng bola sa semento at may ugong ng mga sasakyan. Hindi ko lang maamoy ang sarap ng puno at halaman sa amin. Napansin kong nakakandado ang pinto ng bahay. Wala pa si Mommy? Kumakagat na ang dilim. Sinusian ko ang pinto. Ni-lock ko ulit sa loob. Binuhay ko ang ilaw. Malinis ang bahay. Pumunta ako ng kusina. Sa mesa ko nilapag ang mga pagkain. Nilabas ko ang dalawang sooftdrinks at nilagay muna sa loob ng fridge. Nagsalin ako ng tubig sa baso at uminom. Naramdaman ko ang pagod sa ginawa ko ngayong hapon. Napangiti na lamang ako. Sinuklay ko ang buhok at umakyat sa kwarto ko. “Na-miss ko rito, ah,” sinarado ko ang pinto at nag-inat. Humikab ako at hinimas ang tiyan. Tinanggal ko ang sling bag at binaba na sa sahig. Lumapit ako sa bintana. Binuksan ko para pumasok ang lamig ng hangin. I also turned on my electric fan. Hinubad ko ang cardigan at hinagis sa tabi ng bag sa sahig. There was no time for muni-muni. Antok na antok na ako’t busog pa. Humiga ako sa kama. Kumurap-kurap ako at tumagilid. Nasa ilalim ng kanang pisngi ko ang magkapatong kong mga palad. Hindi ko na alam kung anong oras iyon dahil hinila na ako ng antok . . . Malamig ang hangin na dumadampi sa braso ko, sa pisngi ko. Pamilyar sa akin ang kamang hinihigaan ko. Pati ang amoy ng paligid ko. I could even hear some distant voices outside the window. Hmm. Nasa bahay ako. Dito ako mas sanay. Dito ako mas nakakagalaw nang maluwag. Gusto ko rito. Dito ako malaya . . . kung iisipin kong bantay-sarado ako kina Achilles. Nakaramdaman ako ng ibang presensya. Alam kong kumunot ang noo ko dahil sa kilalang halimuyak na pumaloob sa ilong ko. I didn’t stir. I slowly opened my eyes. The lights were still on. I didn’t blink back just to make sure I was seeing him right. I stared at him, sleepily. When his maddening and sorrowful eyes registered in my head, I shockingly opened my eyes wide. Achilles. Nakaupo siya sa sahig. Nakatiklop ang mga tuhod, doon ay nakapatong ang mga braso niya. He was free of his coat. Nakita ko sa sahig ang coat niya na nakadagan sa cardigan ko. Tiningnan ko siya ulit. Nakatitig siya sa akin ngayon. Alam niyang gising na ako pero hindi siya umiimik o gumagalaw man lang. He looked . . . tired, exhausted, furious and it was painted on his face. Hindi rin ako nagsalita. Nagtitigan kaming dalawa. Alam kong nagagalit siya pero ang hindi niya ang pagkibo ang siyang nagpatahimik din sa akin. Who move first, speak first. Then, I saw him heaved a deep sigh. Like as if he was now at ease after he finally found what he was looking for, when I looked at him, I knew then, that I was his prey. Hindi ako gumalaw nang magsimula siyang umusod palapit sa akin. I didn’t even gulp. Tiningnan niya akong deretso sa mga mata. His jaw clenched. He then lowered his head and crashed his hungry lips over mine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD