“Ang buong daigdig at ang lahat ng naroon, ang may-ari’y si Yahweh na ating Panginoon.” – Mga Awit 24:1
***
Chapter 16
Iris
Pagpasok namin sa loob ay hinatid muna ako ni Achilles sa magiging kwarto namin at iniwan na ako roon mag-isa. Pati ang mga bagahe ko ay hinatid na rin. Kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na libutin at sipatin ang malaki at engrandeng kwartong pinagdalhan niya sa akin. Ito ang magiging kwarto namin ni Achilles dito sa mansyon. Ito rin kaya ang ginagamit niya kapag nandito siya? Ang alam ko may condo unit siya malapit sa opisina. Bakit kaya hindi niya na lang ako roon dinala? Hindi naman ako choosy talaga. Kahit saan naman basta may bubong, pader at malinis na banyo ay okay sa akin. Hindi ko lang inakalang dito niya ako unang dadalhin.
Baka naman binenta na niya iyong unit niya kaya rito na lang? Hmm, naalala ko tuloy si Sir Adam. Ano kayang ginawa ni Achilles sa unit din niya? May problema kaya silang magkaibigan?
I wandered in the big room. Ibang klase talaga kapag bahay ng may kaya sa buhay. Bukod sa napakalawak na espasyo ay mamahalin at pinag-isipang maigi ang disenyo. Isama pa ang mga modernong kagamitan sa loob. Paniguradong binuhusan ng malaking halaga para sa kumportableng pagtira. Ako, pangarap ko talaga ang makatira sa mala-Victorian Era na bahay. Pero suntok sa buwan naman para magkatotoo. I sketched a Victorian house model for my own. Iyong may malalaking bintana at mga poste. Pagkatapos ay may bayou sa likod-bahay. Parang katulad ng nakikita ko sa Maryland. Para kasing kay gandang tumira sa ganoon at tahimik na paligid.
Naupo ako sa malaking kama. Nilapat ko ang kamay at dinama ang kalambutan ng comforter. Akala mo ba’y tubig ang nasa ilalim nitong kutson sa sobrang lambot. Na-imagine ko tuloy ang pagtulog dito mamayang gabi. I smiled and giggled. Mabagal kong inikot ang ulo para pasadahan pa ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Pale blue ang kulay ng pader. Naka-carpet ang sahig na kinalulubog din ng mga paa ko. The drawers were modern too. May french door pa para sa terrace at natatabunan ng dobleng kurtina. Hindi rin mawawala ang air-conditioning at malaking flatscreen TV sa labas ng bedroom area. Tila may munting sala sa labas. Nabisita ko rin ang malaking banyo na may bathtub pa. Mukhang pwedeng tambayan ang palikuran sa laki ba naman.
Achilles has his own walk-in closet. Naroon ang mga sinusuot niya sa trabaho. Maayos at malinis na naka-hanger. Ang casual niyang damit ay nasa kabilang panig ng closet. Sinadyang ihiwalay sa kanyang mga ternong suit na mamahalin. Pila-pila pati ang mga sapatos niya at relos. Napakagat ako ng labi sa pag-iisip kung may paglalagyan pa ba ang akin? Parang nakakahiyang makisingit sa closet niya. Hindi ako kaagad na nakapagdesisyon kaya pinasok ko na lang muna ang bagahe ko sa walk-in closet niya at hinayaan ko sa sahig. Okay lang naman kung ganoon muna. Hintayin ko na lang na magsabi si Achilles tungkol doon.
Lumabas ako mula roon sa damitan. Amoy prutas ang hangin. Siguro ay dala ng paglilinis nina Manang Lupe. Magkasalikop ang mga kamay ko sa harapan nang tawirin ko ang kama at tumayo sa tabi ng french door ng terrace. I gulped and peek outside. Tanaw ko mula rito ang swimming pool. May mesa at upuan din sa tabi niyon na pwedeng pahingahan sa hapon. Masarap sigurong samyuin ang mga halaman doon. Napapabuntong hininga na lang ako sa ganda ng inaalok ng mansyon ni Achilles. Kumportable, malinis, magarbo at saka . . . napakatahimik. Malayo sa ingay ng kalsada o mga sasakyan. Walang tricycle na dumaraan at mga kabataang naglalaro ng basketball sa gilid ng daan. Walang ganoon dito. Ang katahimikan ay abot-kamay mo na.
I looked down and sighed. Pero miss ko na agad si Mommy. Ang luto niya at mga kwento. Kahit ang kaliitan ng bahay namin ay nami-miss ko rin. Pumikit ako at malalim na bumuntong hininga. Dumilat ako. Para akong bata. Pwede naman akong bumisita sa Mommy ko kahit anong araw o oras. Hindi ko kailangang magmukmok dito. Pwede pa akong makalabas kung gugustuhin.
**
Hapunan na nang magkita kami ulit ni Achilles. Hapunan na rin nang tawagin ako ng isa sa kanilang mga kasambahay para bumaba at kumain. Nasa loob lang daw ng kanilang library si Achilles sa buong maghapon. Nakaidlip naman ako kaya magaan ang pakiramdam ko paglabas. Ni hindi yata ako namahay hindi tulad ng inaasahan ko.
Hinandaan kami ng masasarap na pagkain. Naging magana ang pagkain ko dahil hindi ako nakakain ng meryenda. Kaming dalawa lang ni Achilles ang nakaupo. Palabas-labas si Manang Lupe mula kusina para mag-asikaso naman sa amin kung may kailangan. Nilingon ko si Achilles na nakaupo sa kabisera ng mahabang mesa. Nginitian ko siya. Napansin kong seryoso ang mukha niya at tingin sa pagkain pero binalewala ko. “May mga pending pala akong proyekto, Achilles. Pero okay lang naman kahit dito ko na gawin ‘yon sa bahay. Sa bahay na lang naman talaga ako nagtatrabaho. Paalis-alis ako kapag kailangang i-meet ang kliyente ko,” I thought, it was just right to inform him about my freelance work. Sa bilis ng mga pangyayari sa buhay naming dalawa ay nakaligtaan kong ipaalam ang tungkol doon sa kanya.
He stopped chewing his food. Bukod sa pag-aya niya sa aking kumain, ngayon na lang niya ako tiningnan. He made sure na nakakakain ako at may laman ang plato ko. Nagsalubong agad ang mga kilay niya. Ewan ko. Pero kinabahan ako sa bigat na hatid ng pagtingin niyang iyon sa akin.
“You should stop from working.” He answered. No, he commanded.
Naging hilaw ang ngiti ko. “Hindi pwede. Nagsimula na ako at saka sayang naman ang kikitain ko ro’n,” I made a faked chuckle just to ease the growing thickness of air around us. He made it possible for me to breathe hardly because of his glares. Like as if he was mad after my statement.
Lumabas ulit mula kusina si Manang Lupe. Dala nito ang isang pitsel ng juice na ni-request ni Achilles para sa amin. Napaigtad ako nang pabalang na binagsak ni Achilles ang mga kubyertos niya sa pinggan. In my peripheral view, bahagyang huminto rin sa paglapit sa amin si Manang Lupe. But she immediately gained her composure and silently walked again. She filled our high glasses without commenting o whatnot. Napakagat ako ng labi.
“Ilipat mo sa CDC.”
Namilog ang mga mata ko. Mabilis akong umiling. “Maliit na proyekto lang ‘yun. Hindi nila maa-afford ang kumpanya mo,”
“I’m sure I know how to lower our fee. Transfer them immediately. I don’t want you to work on any projects again. No work for you, Iris.” He lowered his voice at his last sentence.
Napatitig ako sa kanya nang matagal. Seryoso ba siya? No work for me? O nagpapatawa? Ako ang unang nagbaba ng tingin. I tried to be gullible. I even chuckled a little. Ayoko kasing maramdaman ang tila rehas na nilalagay niya sa mga kamay ko. Sa gusto kong gawin. Kasi, iba ang dating sa akin. Kapag siya ang nagsabi ay parang iba ang hatid sa akin ng pagpipigil niyang magtrabaho ako.
Lumipat ng pwesto si Manang Lupe. Nilagyan ang baso ni Achilles. I looked up at her. Ganito ba sila rito? Sobrang pormal at parang hindi makabasag pinggan ang mga kilos nila?
“No work for me?” tiningnan ko ulit si Achilles na magpahanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa akin. “Pero gusto ko ‘yong ginagawa ko. Gusto ko ring kumita. Hindi naman mahirap ‘yon,”
He glanced at my belly. “Dinadala mo ang mga anak ko, Iris. Responsibilidad kita at ang mga bata. Kung may mangyari sa ‘yong masama dahil sa pagtatrabaho mong ‘yan, hindi ba ako mag-aalala? Pagkapanganak mo saka ka magtrabaho kung gusto mo.”
“Nakaupo lang naman ako. At dito lang din naman ako magtatrabaho sa bahay mo. Bakit ka naman mag-aalala kung hindi ako lumalabas malibang makipagkita ako sa kliyente ko,”
“’Yang pagbyahe mo, hindi na rin mangyayari ‘yan. Maiiwan ka lang dito hanggang sa makapanganak ka.” He resumed in chewing his food.
Nagsalubong ang mga kilay ko. Para akong nabibingi sa mga sinasabi niya. Totoo ba itong mga naririnig ko? O gawa-gawa lang ng imahinasyon dahil sa pagbabago sa buhay ko. “Hindi ako basong babasagin, Achilles. Kaya ko ang sarili ko. Buntis ako pero hindi baldado.”
Tumigil siya sa ulit sa pagkain. Pumikit nang mariin na para bang kumirot ang ulo niya. Mabigat siyang bumuntong hininga bago dumilat at tiningnan ako. “Hindi ba tayo nagpakasal? Hindi mo pa rin ba ako asawa? Hindi ba mahalaga sa ‘yo ang opinion ko?”
“Hindi naman opinyon ang ginawa mo. Inuutusan mo ‘ko. Magkaiba ‘yon.”
“Pero asawa mo ‘ko. Anak ko ang pinagbubuntis mo.”
“Wala ba akong share sa kanila? Anak mo lang? Ikaw ba ang nagdadala? Ikaw ba ang nakakaramdam kung may masakit sa akin? Hindi ko ba malalaman kung hindi ko kayang magtrabaho o hindi? Sa ‘yo lang ba ‘to?” tinuro ko ang umbok sa tiyan ko. Nainis na ako. Napikon. Basta gusto kong isaboy sa mukha niyang galit ang galit kong nagliliyab.
Hindi siya nagsalita. Tinitigan lang ako. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang ang mabilis kong paghinga habang nakikipagtigasan ng titig kay Achilles. Binaba ni Manang Lupe ang pitsel niyang hawak. No’n ko lang ulit siya napansin.
Tumabi sa gitna namin. “Baka ma-stress ang asawa mo, Sir Achilles.” Kalmado niyang salita sa gitna ng titigan namin.
Achilles tsked. Binagsak niya ang likod sa sandalan ng upuan at tumingin sa ibang direksyon. Ang dalawang kamay niya ay nakapatong pa rin sa mesa. Nakakuyom pareho. Sumandal din ako. Inabot ko ang baso ng juice para mapakalma ang puso ko. Napaangat ako ng tingin kay Achilles nang bigla itong tumayo at lumayas sa dining room. He walked out.
Mabigat kong binaba ang baso sa mesa. Nawalan na rin ako ng gana kumain. Bakit ba parang big deal sa kanya kung magtrabaho ako? Hindi naman ako magpapala ng semento o hahawak ng martilyo. Pero kung maka-react siya sobrang OA. No work for me, huh? Hah!
Nang gumaan-gaan na ang pakiramdam ko ay saka ko nilingon si Manang Lupe. Tahimik pa rin siyang nakatayo. Magsalikop ang mga kamay na tila naghihintay kung magsasalita ako. I still tried to smile at her. Her presence made me uneasy at first but right now, I was thankful that she was here to meddle with us. “Salamat po, Manang. Aakyat na po ako,”
She looks surprised. “Hindi mo na tatapusin ang pagkain mo, Ma’am Iris?”
Yumuko ako at umiling. Humawak ako sa gilid ng mesa at saka tumayo. “Magpapahinga na po ako.” Paalam ko sa kanya at umalis na rin ng dining room.
Sa totoo lang ay mas gusto kong lumabas at magpahangin kaysa umakyat sa kwarto at magkulong. Pero dahil sa bagong salta ako’y nahihiya akong maglibot-libot sa kabahayan nila. Maybe, next time. Sa ngayon ay hihiga na lang ako at tutulugan ang munting pagtatalo namin ni Achilles.
Pagbukas ko ng pinto, nakita ko siyang nakaupo sa couch. Nakahalukipkip at tungo sa sahig. I sighed and stepped inside. Sinarado ko ang pinto. Pagharap ko sa kanya’y nakatayo na ito at nakatingin sa akin. Hindi muna ako gumalaw dahil may pakiramdam akong may gusto siyang sabihin sa akin. Kung ito ay reconciliation, e’di maigi. Hindi magandang tinutulugan ang away o galit. Bumaba na rin naman ang inis ko sa kanya.
Humakbang siya palapit sa akin. His intense gaze almost made me shiver. Pakiramdam ko’y tumatagis pa rin ang bagang niya habang nakatitig sa akin. He stopped in front of me. Kinuha niya ang isang kamay ko. May nilagay siya roon kaya’t yumuko ako. Card. Napalunok ako at nag-angat ulit ng tingin sa kanya.
“Use this temporarily. Ikukuha kita ng sa iyo. But for the meantime, use mine kapag may gusto kang bilhin.” he stated like some kind of a king.
My jaw dropped. May pag-uuyam ko siyang tiningnan. “Achilles—”
“I will provide for you. I can. You don’t a need job. You will only ask and I will give everything for you, Iris,”
Parang pako ang mga mata niyang deretsong tumitig sa akin. At ako naman ay parang papel na kayang pilasin ng pakong ito. My teeth gritted. Kumuyom ang kamay ko sa card sa nilagay niya sa palad ko. I was caught in between of lashing out because of his undeniably power and backing down because of the way he spoke and stared at me. Achilles Castillano is powerful. He can provide. Ofcourse, he can. Pero bakit ang pakiramdam ko ay may mali rito.
He moved closer. He kissed me on my forehead. “Magpahinga ka na. Sa library lang ako, baby.”
Then he left me alone in our room with his card on my heated palm. Nanatili akong nakatayo roon at natulala. Naging mabigat ang paghinga ko nang mawala siya. I tried to calm myself and thought of something else. Niyuko ko ang card niya. His card. He personally gave me his card. “Ano’ng gusto mong isipin ko sa ‘yo, Achilles?” bigla kong tinanong ang sarili ko.
**
Natulog akong mag-isa at nagising ding mag-isa sa kama. Pasado alas-otso ako nagising. Agad akong bumangon at naligo. Sana pala ay maaga akong tumayo para maasikaso ko si Achilles sa pagpasok sa trabaho niya. Though hindi ko alam kung tuloy-tuloy pa rin ang pasok niya ngayong kakakasal pa lang namin.
Paglabas ko ng kwarto ay tahimik na tahimik pa rin ang buong bahay. Ganito yata kapag malaki ang bahay pero kakaunti naman ang nakatira. Bumaba ako. Naabutan kong bukas ang front door. I looked around. Akala mo’y walang katao-tao. Pumunta ako ng kusina. Madadaraan ko ang dining kaya natigilan ako roon pagdating nang makilala ang bultong naabutan. “Jeric?” I was a little confused and at the same time glad that I saw someone familiar in this mansion.
Nagkakape siya sa mesa. Tumayo ito nang makita ako at malawak na ngumiti. “Good morning, Mrs Castillano.” And he looked down at my belly. Then grinned.
Natigilan ako. He knew?!
Wala akong alam kung sinu-sino na ang nasabihan ni Achilles tungkol sa kasal namin. We actually didn’t talk about it. Just not yet. Pero itong si Jeric para akong pinapakaba. He was smirking. Tiningnan niya ako na para bang binabasa ang nakasulat sa mukha ko.
“Nabasa ko lang sa balita na kinasal kayo ni Achilles. Wala siyang pinaalam isa man sa amin na kinasal na pala kayo. Hindi man lang nang-imbita kahit sa reception,” pagbibiro niya.
Wala sa sariling napahaplos ako sa umbok ng tiyan ko. Nahiya akong tingnan siya. Bigla na lang niya akong nakita rito sa mansyon ng mga Castillano nang may laman pa ang tiyan. Nakikinita kong may mga posibleng isipin ito tungkol sa akin.
Sino ba naman ang hindi mako-conscious sa ganitong sitwasyon?
“Uh, biglaan kasi, Jeric.” Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin nang hindi ako kinakabahan. Napatingin ako ulit sa kanya nang bigla itong tumawa.
“You look nervous, Iris.”
Hilaw ko siyang nginisihan.
“Don’t be. Lalo na ngayon,” tinuro niya sa akin ang upuan. Hinatak niya iyon para sa akin. Pagkaupo ko ay siya namang labas ni Manang Lupe mula kusina. She wasn’t surprised when she saw me.
“Good morning, Ma’am Iris.” Pormal niyang bati sa akin. Ni-refill niya ang tasa ni Jeric. “Ihahanda ko ang almusal mo,” sabi niya at saka bumalik ng kusina.
Jeric cleared his throat. Sumimsim ng kape at naupo na rin. “Hindi ko na naabutan si Achilles. Akala ko hindi siya papasok ngayon dahil nga kakasal niyo lang,”
Ngumiti ako. “Na-late rin ako ng gising. Hindi mo ba tinext o tinawagan?” napalingon ako kay Manang Lupe nang lumabas ito ulit. May hawak na tray at nilapitan ako. May kasunod pa siyang kasambahay na may dala ring pagkain. “Thank you, Manang.”
Manang Lupe glanced at me. “Nagbilin si Sir Achilles na maghanda ka raw pagkatapos ng tanghalian. Ipapa-checkup ka raw niya,”
Bahagya akong natigilan. “Pero may doctor na po ako, Manang. Regular din akong nagpapa-checkup,”
Bumuntong hininga si Manang Lupe pagkalapag ng huling baso mula sa tray. “Mas mabuting sundun mo na lang ang asawa mo, Ma’am Iris. Kumain ka na.” banayad niyang salita at saka bumalik ulit sa kusina.
Jeric was also served with bread. He chuckled. “Suko ka na ba sa kanya?”
Hinawakan ko ang mga kubyertos at tiningnan siya. He was smiling at me. “We just got married. Naninibago pa ako sa kanya. At dito.” nagsimula akong sumandok ng kanin. Mula pagmulat ng mga mata ko ay naninibago na agad ako. Pati itong mga pagkaing nakahain sa akin ay nakakapanibago. Sobra-sobrang pagkain kung tutuusin. But knowing na hindi lang naman ako kumakain ngayon sa katawan kong ito, wala akong karapatang magreklamo.
“Achilles can be . . . scheming.”
Natigilan ako. It felt like as if I needed to stop from breathing in order for me to understand his words about my husband. The hard drumming of my heart arises. Scheming?
Kinuha niya ang kanyang tasa at tinapat sa labi. “Ang gusto niya ay dapat nasa ayos ang lahat. Tahimik siyang magtrabaho at malupit magdesisyon,” sumimsim siya nang kaunti ng kape at binalik ulit ito sa mesa. “Akala ko nga hindi talaga kayo magkakasundo. Hindi ko tuloy napigilang dumalaw dito at alamin kung talagang inuwi ka niya bilang asawa,” bahagya siyang tumawa. Mahina at mababaw.
Pinilit kong ngumiti kahit kaunti. Nabuo pa nga sa bahay mo ang dahilan ng pagpapakasal namin. Kumurap-kurap ako. “Pareho kaming sumang-ayon sa kasal. Para na rin sa babies,”
“Babies? They’re twins?”
Tumango ako.
“Wow. That’s very good news. Lalo na siguro sa tatay nila,”
I scoffed. “Ang OA nga, eh. Akala yata niya ay mapapano ako kung magtatrabaho pa rin. Wala siyang tiwalang okay lang ako at kilala ko ang katawan ko,”
Sumandal sa upuan si Jeric. Tila napaisip habang nakatunghay sa mukha ko. “Baka nag-aalala lang siya sa ‘yo? First born is always special,”
Nagkibit-balikat ako. Napaisip din ako. Simula nang dumating si Achilles sa bahay at nakitang buntis ako. He didn’t question me. Did he? Nagalit pa siya nang hindi ko agad sinabi sa kanyang nabuntis niya ako. Hindi ko pa rin natatawagan si Ridge. Magkakabit kaya ang mga bituka ng mga Castillano? I tsked. Pagbuhol-buhulin ko pa ang small at large intestine nilang dalawa ng pinsan niya.
“Your hair,”
Napahawak ako sa basa kong pang buhok. “Lumalabas na ba ang mga sumpa?” biro ko.
He chuckled. “You’re still look pretty. I never doubted Achilles’ choices.”
Nauwi ako sa pagsuklay-suklay ng buhok. Matagal ko nang tanggap ang kulot na buhok ko. Then I continued eating my breakfast. Tahimik namang nagkape si Jeric at paminsan-minsang kinain ang tinapay niya. Nilabas nito ang cellphone at may pinagpipindot doon. In the end, we both silently ate our breakfast.
Jeric was fine. He was easy to talk with. Hindi nakaka-intimidate tulad ng kaibigan niya. Pagkaalis niya ay nag-ayos na rin ako ng sarili. Nagsuot ako ng simpleng bestida at flatshoes. Nag-ponytail ako ng buhok pagkatuyo nito.
Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng kwarto. Nakaupo ako sa couch at doon na naglagay ng lipstick. Pumasok si Achilles. He was wearing his office attire minus the coat and tie. “Kumain ka na?” tanong ko sa kanya.
Nagsalubong ang mga kilay niya. His jaw also clenched. “Done. You?”
Tipid akong ngumiti. “Tapos na rin. Aalis na ba tayo?” tinago ko sa bag ang salamin ko at lipstick.
“In a minute.”
“Okay.” Sinilip ko ang laman ng bag ko. Nakita kong walang ballpen. Napanguso ako. Saan ko ba iyon naibaba? Tumayo ako para sana hanapin sa bedroom ang ballpen ko pero bigla akong hinawakan ni Achilles sa siko at hinarap sa kanya. I looked at him with innocent curiosity.
He parted his lips. But didn’t say anything. He heaved out a deep sigh. His chest was panting. Alam kong hindi mababaw ang paghinga niya.
Tuluyan akong humarap sa kanya at nag-alala sa nakitang daloy ng kanyang paghinga. “Bakit? Ano’ng nangyayari sa ‘yo?” nilapat ko ang palad sa matigas niyang dibdib. I was right. Kumakalabog ang dibdib niya at mabilis ang paghinga nito. Ngunit pwede ring tumakbo siya paakyat dito. “Nagmadali ka ba sa pag-uwi mo?”
Tiniklop ko ang kamay ko sa ibabaw ng dibdib niya. Hindi ako nagdalawang-isip na hawakan siya pero nang maramdaman ko naman ang katawan niya ay nabuhay ang alinlangan ko. Hindi ko siya hinahawakan malibang nasa gitna kami ng pag-iinit ng mga katawan namin. Para kong inaalay ang katawan sa kanya sa tuwing inaangkin niya ako. Pero kapag ganitong nasa normal ang t***k ng puso ko ay hindi ko naman kayang maging sweet sa kanya dahil sa alinlangan. Parang lumalakas lang ang loob ko kapag nasa ilalim ng mahika sa pag-iisa ng mga katawan namin.
It was ugly to think of but it was also the naked truth.
Dahan-dahan kong inalis ang kamay sa dibdib niya. Mabilis niya iyong hinuli at madiing hinawakan. Bahagyang namilog ang mga mata ko sa reflexes niya. Mula sa paghawak sa siko ko ay binaba niya ang kamay sa likod ko. He snaked in his arm around my waist. My chest landed on his rock body. Ako naman ang kinabahan sa kanyang kinilos ngayon.
“I heard Jeric came here. What did you two talk?” his voice was a bit shaky.
I looked up at him. Ano ba itong kinikilos niya? “Bakit hindi kayong dalawa ang mag-usap.” Banat ko.
Mas lalong nalukot ang noo niya. “Ano’ng sinabi niya sa ‘yo?”
Napanguso ako. “Mahalaga pa bang malaman mo?” tinaasan ko siya ng isang kilay. Humigpit ang braso niya sa baywang ko. But I knew my baby bump was still safe.
May ilang segundo niya akong tinitigan at niyakap. He was gorgeous. Seriously a gorgeous man.
I saw him gritted his teeth. “I swear. I’ll kill him if he did something to you,”
Tinaas ko ang mukha sa kanya. Pinanliitan ko siya ng mga mata. “O.A. Ang O.A mo!” hinampas ko siya sa dibdib para mabitawan ako. Which he shockingly did. I chuckled. “Nambati lang kasi nakita raw niya sa balitang kinasal na tayo. Paano nga pala nangyari ‘yon? Bakit nasa balita tayo? Ikaw ba ang may gawa no’n?” lumayo ako nang kaunti sa kanya. Humalukipkip ako.
“I . . . did.”
I tilted my head and smiled. “Seriously?”
He simply nodded.
Napailing ako. “May balak ka bang sabihin ‘yon sa akin? O wala na?”
“I will.”
Nakakatawa ang itsura niya. Big deal ba sa kanyang dumalaw dito si Jeric? Hindi naman kaya nagseselos lang siya? Hindi naman kataka-taka. Possessive siya. Obvious naman. Tapos bigla na lang magiging imbestigador. Marami pa akong matutuklasan kay Achilles. Jeric’s words might be the first wave.