Chapter 11 Part 1

3249 Words
Chapter 11 Part 1 Iris Sinobrahan ko na ang bayad sa taxi pagkarating ko sa bahay. Nagmadali ako sa pagbaba hanggang sa makapasok. Nasa may pintuan pa lang ako ay narinig ko na ang mahinang hikbi ni Mommy. Naabutan ko siyang umiiyak sa sala. Nakatakip ang mukha. Naroon sa tabi niya si Doc Garello at hinahaplos ang kanyang likod. Siya ang unang nakakita sa akin. Napatayo siya. Sumunod si Mommy na ang namumulang mga mata ay napalitan ng relief pagkakita sa akin. “Iris Lewis!” tumayo si Mommy. Akala ko’y sampal ang unang sasalubong sa akin pero niyakap niya ako nang mahigpit at pinugpog ng halik ang buhok ko. “Saan ka ba nanggaling na bata ka, ha? Bakit ‘di ka umuwi kagabi? Hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko!” tiningnan niya ako at ang kabuuan ko. I felt so sorry for making my mother worried. Pagkagising ko pa lang kanina, abut-abot na nga ang kaba sa dibdib ko. No’ng nakita ko pa lang si Achilles na katabi sa kama ay gusto ko nang tumalon at maglaho na lang. Tapos pati si Mommy ay pinag-alala ko pa. “I-I’m sorry, ‘Mi.” tanging nasabi ko. Kung tutuusin, ang nagawa kong pagkalimot sa kanya kagabi ay malaking kasalanan na sa kanya. Hindi ko gawain ang hindi umuwi sa gabi. Lalong-lalo na dalaga pa ako. Kung male-late man ako ng uwi ay tungkulin kong magsabi sa kanya at magpaalam. Ako na lang ang meron ang Mommy ko. Ako na lang. “Akala ko may nangyari sa ‘yong masama. Hindi ba sa party ka pumunta kagabi? Kasama mo ang boss mo-“ “Louisa, hayaan mo munang makapagpahinga si Iris,” mahinahong putol sa kanya ni Doc Garello. Tiningnan niya rin ako at nakakaintinding ngumiti sa akin. He knew that I couldn’t answer my mother’s question. Just not yet. Nakuha ko iyon. Pinasadahan muna ako ni Mommy ng tingin bago ako niyakap ulit. Amoy alak pa ako. Humilig siya sa tainga ko at bumulong. “Panatag na ako ngayon at nakauwi ka.” Pagkatapos ay pinakawalan na niya ako at hinayaang makaakyat sa kwarto ko. Pero alam ko ring magtatanong pa rin si Mommy. Hindi siya tuluyang matatahimik hangga’t hindi ko nasasabi kung saan ako natulog kagabi. Pagkapasok ko sa kwarto ay nilingon ko ang pinto. Kahit sa gitna ng kaba at takot, nakita ko ang pag-aalala ni Doc Garello sa Mommy ko. Suddenly, I felt myself being possessive of my mother. Matagal na kaming dalawa ni Mommy ang magkasangga sa buhay. But then, I would never deprive her of her own joy. Mas malala pa nga ang nangyari sa akin kagabi. Binagsak ko ang bag sa kama at nilabas ang cellphone. Na-check ko na kanina sa taxi ang mga tawag at text messages ni Mommy. Tiningnan ko ulit ko kung may ibang nag-text. Wala naman. Wala rin akong trabaho ngayon. Anong gagawin ko? Painis akong dumaing at binagsak ang katawan sa kama. Tumitig ako sa kisame. Ganito pala iyon. Nakadikit pa rin sa balat ko ang amoy ni Achilles. Kahit wala na siya ay naamoy ko pa rin ang labi niya at haplos sa akin. Nararamdaman ko pa rin sa laman ko ang ‘kanya’. Pumikit ako at tinakpan ang mukha. Wala kaming relasyon. Iyong nangyari kagabi ay dulot ng maiinit na katawan. Ng tukso. We literally had one night stand! Rather, one hot-night! Paano ko iyon masasabi sa Mommy? Pero hindi ko naman hahayaang malaman niya ang nangyari. It was private. It should be just between me and Achilles. So, paano pagbalik sa trabaho? Magkukunwari kaming walang nangyari? O ipu-push ni Achilles ang gusto niya sa akin? Gagamitin niya iyon para mapasagot ako? I bit my sore lower lip. Maybe. Maybe not. Malay ko kung ano’ng next step niya. May sarili rin akong pag-iisip. Pwede akong tumanggi sa gusto niya. Pwede kong sabihin, “Hoy, wala lang ‘yon. ‘Wag kang serious!” o kaya naman “Asus, parang ito ang first time mo? ‘Wag ako, Achilles!” hindi ko alam kung ano’ng iisipin niya sa akin pagkatapos no’ng nangyari. Hindi naman niya siguro iisiping pakawala ako? Umabot ako sa ganitong edad na walang karanasan. Siya pa ang una ko. Magkaganunman, hindi niya ako responsibilidad. Dahil aaminin kong nagustuhan ko rin. I enjoyed my first s****l experience . . . with him. Kung matatawag na pakunswelo iyon sa pagkawala ng virginity ko, edi iyon na ‘yon. ** “Ilang araw mawawala si Mr Castillano. May importante kasing aasikasuhin,” “Bakit ‘di niya sinasagot ang tawag ko? Kung hindi ko pa siya tinakot ‘di ka bababa rito para sagutin ang tanong ko,” iritado at mainit na ulong sagot ni Sir Adam sa pobreng babae. Hindi ko maiwasang hindi lingunin si Ara. Bumaba ito sa amin at sinadya si Sir Adam. Hindi ko alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila pero parang hindi talaga maipinta ang mukha ng kaibigan ni Achilles. Hilaw na ngumiti si Ara. Iyong stress ay nalipat din sa kanya. “Aware naman daw po si Mr. Castillano tungkol sa mensahe niyo, Sir. Pero talagang may importante siyang ginagawa kaya ‘di niya kayo makausap sa personal-“ “Never mind. Magho-hotel na lang ulit ako mamaya,” biglang iniwan ni Sir Adam si Ara at lumabas ng office. Sandaling natigilan si Ara. Nahihiya at mukhang patung-patong ang naiwang trabaho sa kanya. Ang bigyan ng takip si Achilles habang wala pa ito sa trabaho. Dapat ay taasan ni Achilles ang sweldo ni Ara gayong hirap na hirap ito sa pagharap sa mga humahanap sa kanya. Payuko at tahimik itong lumabas ng opisina namin. After that night, Achilles didn’t call nor text me. He was been absent for four consecutive days. Though he still managed to run the company even if he wasn’t here. And I finally ignored the fact na tatawagan niya ako pagkatapos ng lahat-lahat. Naisip ko tuloy, baka akala niya hahabulin ko siya pagkatapos na may nangyari sa amin? Ganoon na agad ang naisip ko ng sunod-sunod na siyang absent sa trabaho na para ba siyang suspect na nagtatago. Pwede ring assume-ra lang din ako kaya ganito ang takbo ng utak ko. Umabot ng dalawang linggong nakaliban sa trabaho si Achilles. Nagulat na nga lang akong ganoon na pala katagal siyang wala. Good iyon kasi hindi ko siya madalas na hinahanap o iniisip man lang. I wasn’t clingy. He shouldn’t feel responsible towards me. Well, he was a playboy. Tama talaga iyong inisip ko sa kanya dati pa lang. Maybe, he didn’t care if the woman he took was a virgin or not. He just wanted to get laid. That was enough for him. But why did he court me? Naku. Huwag ko na nga lang isipin. Baka mamaga pa ang utak ko. On the third week, narinig kong pumasok na raw ulit si Achilles. May kaguluhan pa ngang naganap sa kumpanya. Kahit sa lobby, hindi magtandaugaga ang mga empleyado porke’t bumalik na ang hari sa kanyang palasyo. They were fussing around. Ayun pala, may dumating na mahalagang bisita sa kumpanya. Nakita kong dumating din si Mrs Regina Alva Castillano. Ewan ko ba. Sa tuwing nand’yan sa paligid ay palaging buong pangalan niya ang nasasambit ko. Parang lifetime protocol ko sa kanya. Nasa baba ako nang makita ko siya. Marami siyang dalang bodyguard na naka-black suit pa at shades. She was elegantly dressed. Taas ang noo at hindi masyadong ngumingiti sa kahit sino. Dumeretso sila sa kanilang private elevator. Nakita niya rin ako. Tinaasan ng kilay at saka nilagpasan. Ganoon din naman siya sa iba. Kaya’t napanguso na lang ako. Gustong lumambot ng puso ko sa kanya kasi siya ang nagluwal kay Achilles. Pero . . . bakit? Hayaan ko na nga lang siyang ganoon. Tutal, hindi naman kami magkaanu-ano. Isang araw, pinanood ko si Sir Adam habang may kausap ito sa cellphone. Hindi naman tungkol sa trabaho ang sinasabi niya. Tungkol sa bahay yata. Nang mapalingon nga ito sa akin ay tumahip ang kaba sa dibdib ko’t agad kong binalik ang atensyon sa trabaho. Damn it, Iris. Nakikiusyosyo ka na talaga sa buhay nila! Umayos ako ng upo. Lumabas si Sir Adam habang nasa tainga pa rin niya ang cellphone. Napanguso ako at bagsak ng mga balikat. I felt being edgy whenever I knew that Achilles was near to me. Kapag alam kong pumasok siya o kaya naman ay kapag kausap siya sa telepono. Hindi naman niya ako hinahanap o kahit kumustahin. Kapag napupunta si Ara sa area namin ay napapatitig din ako sa kanya nang walang dahilan. Nagmumukha na nga akong tanga kung minsan. Pero kapag ramdam kong nakikiamot na ako ng atensyon ay agad akong nagpo-focus sa trabaho at sa mga kaibigan ko. Kasi . . . para na akong kawawa. Ganito ba dapat ang pakiramdam ng maka-encounter ng one night stand? Para kang may hinahanap na koneksyon? Ganito ba??! I didn’t tell anyone what happened that night. Hindi na rin ako kinakausap ni Sir Adam ng personal. Wala na iyong pagyaya niya na mag-bar. May nadidinig akong sina Julia na lang ang kasa-kasama niya roon. Hindi ako nagrereklamo kung hindi man niya ako yayain. Naninibago lang ako. Sobrang naninibago. Bumaba ako para bumili ng meryenda. Meron namang canteen kaso ay wala roon ang gusto kong kainin kaya lumabas pa akong building. Na-miss ko iyong clubhouse sandwich sa seven-eleven. Bukas nga ay gagawa ako ng sarili kong sandwich pambaon sa trabaho. I was literally salivating over that bread. Pagkababa ko sa lobby ay may naabutan kong tila may komosyon. Bumagal ang lakad ko habang nakatingin doon. Sa reception desk ay halatang hindi rin mapakali ang receptionist sa nangyayari. Ang security personnel ay nakapalibot na rin doon at pilit kinokontrol ang sitwasyon. I wanted to ignore them but I was halted when I saw Achilles. My heart pumped so fast. I stopped walking and took my time to stare at him. Sa sobrang tangkad nga niya ay madali mo siyang makikita. Lalo na ngayong magkasalubong ang mga kilay niya at mukhang iretable. I gulped nervously. Iniwan ko siyang mahimbing pang natutulog sa bahay ni Jeric. The last time I saw him, he was naked. Ano kayang nangyari pagkagising niya no’ng umagang iyon? Hinanap niya kaya ako? Paano nagpaliwanag sa kanya si Jeric ng nauna akong umuwi? Nagalit kaya siya kaya hindi ako kinontak? Anong naisip niya matapos no’ng nangyari sa amin? “Tama na ho ‘yan, Mang Felipe! ‘Wag niyong istorbohin si Mr Castillano,” sabi ng isang security personnel sa matanda at pilit itong pinatatayo. Napaawang ang labi ko nang mapagtanto ang nangyayari. Mayroong lalaking nakaluhod sa harapan niya. Nakataas ang dalawang kamay at pumapalahaw ng iyak. Mang Felipe cried out loud. He was begging. Hinaharangan niya ang daraanan ni Achilles. Kilala ko siya. Siya ang pinakamatandang janitor ng kumpanya. Nakasuot ito ng T-shirt na may pangalan ng kumpanya. Ang pantalong maong ay kupasin na at sobrang gamit na gamit. Ang iswelas ng sapatos ay pudpod na’t punong-puno ng putik at tila ginulong sa buhangin. “Parang awa niyo na po, President Castillano, ‘wag niyo po akong tanggalin sa trabaho. Nakikiusap po ako. Isang pagkakataon lang po ang hinihiling ako, President. M-mawawalan po ako ng ipangtutustos sa nag-aaral ko pang mga anak,” Umiigting ang panga ni Achilles. Despite the scene, he was still looking so dashingly handsome on his black suit. He got the power. He got the looks. He got the authority you couldn’t ignore. The stubble on his face added to his dominant peculiarity. “You will be well-compensated, Mang Felipe.” He was controlling his voice. “There’s no need for you to kneel down and cry. Nakausap ka na tungkol dito, ‘di ba?” “P-pero hindi po ‘yon sasapat! Mas kailangan ko po ngayon itong trabaho, President. Nakikiusap po ako sa inyo,” “Mang Felipe tama na ‘yan,” “If it’s not enough, I will talk with you in private, Mang Felipe,” pagkatapos ay humakbang na ito paalis at iniwasan na ang matanda. “President Castillano!” Tinabig ng isa sa mga bodyguard ni Achilles ang kamay ni Mang Felipe nang magtangka itong abutin ang braso niya. They hauled him out and moved aside para makadaan ang boss namin. He cried and shouted his name. He begged and wept over his loss job. Iniwan lang siya ni Achilles na tila walang naririnig. Nadudurog ang puso ko habang tinitingnan si Mang Felipe. I knew that he was too old now for the job. Mabagal na nga itong maglakad pero pagdating sa trabaho ay hindi naman matatawaran ang kanyang serbisyo. Alam kong wala akong karapatan na manghimasok sa desisyong ginagawa niya sa kumpanya. Matanda na rin naman talaga si Mang Felipe at dapat ay hindi na nagtatrabaho pero hindi ba siya pwedeng bigyan ng ibang option? Matagal din namang nagtrabaho sa kumpanya ang matanda. Nang malapit na siya sa kinatatayuan ko ay nakita niya ako. He was still looking so hard and cold. Ito rin ang unang beses na nagkita kami pagkatapos no’ng birthday party ni Jeric. Nagtagpo ang mga mata namin. Naestatwa ako. Bumilis ang t***k ng puso ko. Nakakabingi. Tila sila nagmamartsa kung maglakad kaya naman napapatigil sa paglalakad ang ibang empleyado sa pagdaan niya. Napatuwid ako ng tayo. Kumibot ang labi ko at naghanda ng ngiti para sa kanya pero nilagpasan niya ako at natamaan na lang ng hangin ang buhok ko pagkadaan niya. I felt like something cold covered my body. I . . . I just couldn’t believe that the first man I shared my body with, was now so cold to me. Damn it. I even felt the excitement when I saw him again after weeks without his presence. Maybe . . . maybe he was tired? Maybe he was busy? Maybe he didn’t want to embarrass me? Maybe I was all wrong and crazy! Damn! Nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglabas. Pero hindi ko pa rin maialis ang gumugulo sa isipan ko. Maybe I was just . . . disappointed. Pagkabili ko ng pagkain ay naabutan ko pa ring nakaupo sa labas ng building si Mang Felipe. Nakaalerto ang mga guard at hindi na siya pinapasok dahil sa nangyaring gulo. He was still begging kahit na hindi nakikita si Achilles. Humigpit ang kamay ko sa hawak na plastic. Nilapitan ko siya at kinuha ang bottled water sa dala ko. “Manong Felipe,” marahan kong untag sa kanya. He looked at me. Ang paligid ng mga mata niya ay napapaligiran ng luha. Mas lalong nadepina ang kalungkutan niya dahil sa kulubot sa mukha. Tila nadagdagan pa ng sampung taon ang kanyang edad. “Uminom muna kayo ng tubig. Nagugutom po ba kayo? May dala po akong makakain dito,” inabot ko sa kanya ang tubig. Tiningnan niya iyon. Sa kabila ng hirap sa kanyang dibdib ay nakuha pa rin niyang makangiti sa akin. Nanginginig ang kamay niya nu’ng abutin ang tubig. “Sa-salamat po, Ma’am,” I could even feel the sorrow in his voice. He opened the plastic lid cup of the bottle and took a small sip. Nilingon ko ang mga gwardya sa entrance. Nakita nila ang ginawa ko. Napailing ako. They knew Mang Felipe. Nakakakwentuhan din at tawanan. Hindi ko alam ang eksaktong tumatakbo sa isipan nila pero ramdam kong naaawa rin sila sa kanya. Ano nga bang magagawa nila para sa kanya? Gayong pare-pareho rin kaming mga simpleng empleyado lang. Kumuha ako ng isang tinapay at nilagay ko na sa kanyang nanginginig na kamay. “Kumain po kayo, Mang Felipe. Gusto niyo bang itawag ko kayo ng taxi para makauwi na?” I tried so hard to smile at him. I would pay for his fare basta ligtas lang siyang makauwi sa kanila. Marahan siyang umiling. For the nth time, nilingon niya ulit ang loob ng building. “Ayaw akong kausapin ni President Castillano,” malungkot niyang salita. “Hindi ko naman sinasadyang mabunggo at matapunan ang damit ng Mama niya. Dahil pa ro’n ay naungkat ang edad ko’t kalagayan. Hindi ba nila ako pwedeng pagbigyan muna?” Napaawang ang labi ko. Kumurap-kurap ako at pinagmasdan siya. May ilang imaheng gumuhit sa isipan ko. Nabunggo at natapunan niya si Mrs Regina Alva Castillano at saka siya tinanggal sa trabaho? “Ibig sabihin ay nakaharap niyo po si Madam Regina Alva Castillano at napagalitan po kayo dahil sa narumihan mo po ang damit niya?” Tiningnan ako ni Mang Felipe, “Galit na galit sa akin ang Mama niya dahil doon. Napahiya ko siya sa mga kasama niya. Agad niya akong pinatanggal dahil hindi na raw maganda ang trabaho ko. Ma’am, pwede mo bang kausapin si President? Pakisabi po sa kanya na aayusin ko na ang trabaho ko. Kailangang-kailangan ko lang po ngayon ng pera para sa pag-aaral ng anak ko. Malapit na siyang gumaraduate, Ma’am. Masasayang kung hihinto pa dahil lang sa kawalan ng pera, Ma’am,” Agad kong hinawakan ang kamay niya. Tumango ako. “Susubukan ko po, Mang Felipe. Aakyat po ako ngayon sa taas para makausap siya. Ikukuha ko rin po kayo ng upuan, sandali po,” tumayo ako at nagmadaling pumasok sa loob. Lumapit ako sa reception desk. “Pwedeng makihiram ng upuan sandali?” Tiningnan ako ng receptionist at saka bumuntong hininga. Nakikita naman niya kung para kanino ang hinihiram ko. “Okay po, Ma’am. Ayos lang po ba si Mang Felipe?” iniabot niya sa akin ang plastic na upuan na nakasandal lang sa likuran niya. Tumango ako. “Maayos naman. Pero kailangan na rin niyang makauwi nang makapagpahinga rin,” sagot ko. “Salamat.” Dinala ko sa labas ang upuan. Tinulungan na ako ng isang gwardya para alalayan sa pagtayo ang matanda. He look concerned. Hindi na rin nakatiis. “Aakyat lang po ako sa taas, Mang Felipe. Babalikan ko kayo agad,” paalam ko. Nagkaroon ng liwanag ang mukha niya. He smiled at me. “Maraming salamat po, Ma’am,” Malalaking hakbang ang ginawa ko hanggang sa makapasok sa loob ng elevator. I punched his floor. May ilan ding nakasakay kaya’t medyo natagalan ako sa loob ng lift. Pagkabukas ay agad kong tinungo ang mesa ni Ara. “Nasa loob ba si Achi—Sir, Ara?” She looked up at me and nodded. Sinulyapan niya rin ang nakasaradong pinto. “Kaya lang may mga kasama pa siya,” “Magtatagal ba sila?” “Hmm, I’m not sure, Miss Iris. Sina Sir Adam at Sir Jeric ngayon ang kausap niya. Kapag mga kaibigan niya ang nand’yan medyo nagtatagal din sila minsan,” “Baka pwede akong pumasok? Importante lang, Ara,” pakiusap ko. Alam kong kawalang respeto na istorbohin ko sila. Pero gusto kong isingit si Mang Felipe. Kahit hindi ko pa alam ang eksaktong sasabihin ko. “I’ll try, Miss Iris.” She cleared her throat and pressed the button on the intercom. “Sir, nandito po sa labas si Miss Iris. Gusto raw po kayong makausap?” Then we waited for his reply. Napakurot ako sa daliri. “I’m still busy.” Sagot niya. Napaawang ang labi ko. Ara looked up at me. Then I nervously gulped. Nag-panic din ako na baka wala akong magawa para kay Mang Felipe. “Sabihin mo tungkol kay Mang Felipe ang pakay ko,” Ara nodded. She talked again, “Sir, tungkol daw po kay Mang Felipe?” We waited again for his reply. “Let her in.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD