4: Her Overwhelming Tough

2052 Words
"TANAN? aba't siraulo ka—" "Pareng Jax, kalma lang," kaagad na awat ni Red sa kaibigan nang akma nitong sasapakin ang binatilyong anak na si Jaz. "Tama nga siguro na ikaw ang kumausap d'yan at baka 'pag ako ang humawak d'yan, siguradong mata lang niyan ang walang latay." "Oo, sige na, ako na ang bahala rito," pagtataboy niya sa kaibigan. Nang tumalikod na 'to para lumapit sa mesa kung sa'n naroon ang alak na iniinom nila bago dumating ang binatilyong anak nito na may kasamang dalagitang kasing edad nito, agad siyang naupo si sa single seater sofa paharap sa magkasintahang teenagers. "Jaz, pagpasensyahan niyo na ang papa mo, sadyang nakakagulat lang sa kaniya ang balitang 'to," panimula niya sa magkasintahan. "Tito Red—" "Veronicaaa!" Hindi na natuloy sa sinasabi nito si Jaz nang umalingawngaw ang sigaw na 'yon mula sa labas ng bahay nila. Galit ang sumisigaw, patunay ang ginagawang pagkalampag nito sa yerong gate nila. Nagkatitigan sila, bago siya tumayo. "Shocks, si Tita!" bulalas ni Nica, ang kasintahan ni Jaz na kasama ngayon nito. Veronica ang sinisigaw ng taong nasa labas, halata naman na si Nica 'yon. Ito na nga ang siyang hanap ng taong nanggugulo na ngayon sa harap ng bahay nila. "Oh, men," tanging naisaloob ni Red nang matanawan niya kung sino ang nag-e-eskandalo sa gate nila sa mga oras na 'yon. Napailing siya. "Ilabas niyo ang pamangkin ko kung ayaw niyong sirain ko 'tong bulok na gate niyo!" Pinaglapat niya ang mga labi bago nagsalita, "Euna, calm down, please..." Yep, si Euna nga ang naroon at galit na sumisigaw sa harap ng gate nila. Talking about small world. "Ikaw! Ikaw na lalaki ka! Ikaw siguro ang nagpakilala sa pamangkin ko sa kung sinong herodes!" bulyaw nito sa kaniya. Nasa itsura nito ang walang sasantuhin sa mga oras na 'yon habang dinuro-duro siya nito. Walang sasantuhin— lalo na siya! Er, bakit siya? Ano ang kinalaman niya sa gulong 'to? "Euna, ano ka ba, kumalma ka nga! Ni hindi pa nga nakikilala ni Red si Nica," ani Reyna na inawat na sa braso ang kaibigan. Kilala niya 'to dahil ito lang naman ang kasama ni Euna sa bahay at ang mga pamangkin. Totoo naman 'yon. Sa tagal na niyang nagde-deliver sa riles ay ngayon lang niya nakita ang pamangkin nitong si Nica. Mukhang hindi homebody ang dalagita at hindi rin pala-order online kaya hindi niya 'to nakilala, ngayon lang, sa ganitong sitwasyon pa nga. "Miss, teka lang ha, hindi mo makikita ang pamangkin mo kung hindi ka kakalma, okay?" Si Jax 'yon, pilit na rin nitong pinapakalma ang babaeng parang tigre na nagwawala. Hindi man akma sa sitwasyon, napangisi siya sa nakikitang itsura ng kaibigan niya. Halatang hindi rin alam nito kung paanong aawatin ang tyahin ng magiging apo. Tsk, ano ba naman ang napasukan ng mga batang 'yon, maging ang matatanda ay damay sa g**o—kahit na siya! "Kalma? Gusto mong kumalma ako ha?" galit na sambit ni Euna. Si Euna na halatang hindi pa nga nakakaligo... Namamaga ang mga mata na galing sa pag-iyak, daster na pambahay ang suot, messy ang pagkakatali ng buhok— galit na galit talaga 'to ngayon at tila umuusok na nga yata ang ilong sa malapitan pero ang weird lang na ang ganda pa rin nito sa paningin niya... "Oo, kalma, okay? Hinga kang malalim—" "Komedyante ka ba ha?" Pagak siyang natawa, hindi na napigilan ang sarili. Siraulong Jax, mas lalong ginagalit si— "Hoy, Red! Ikaw, ilabas mo ang pamangkin ko, ngayon din!" Naawat ang pagngisi niya. Bakit ba siya na naman ang binalingan nito? "Hey, Euna, please chill." Nilapitan na niya 'to. Hinawakan niya ang braso na walang tigil nitong kinakalampag sa yerong gate na nakakangilo na ang tunog. Pero pumasag lang 'to sa pagkakahawak niya. Sa gulat niya ay... "What the f—" Malakas na singhap ni Reyna ang huling narinig niua bago niya naramdaman ang kamao ni Euna sa panga niya—Oo, inundayan siya nito ng sapak matapos mabilis na pumasag sa pagkakahawak niya't haklitin ang kuwelyo ng shirt niya! "TITA Euna, sorry po..." Dinig ni Red ang paghingi ng paumanhin ng mga bata sa mga guardians ng mga 'to. Nang mahimasmasan na ang lahat, heto siya, nag-iisang umiinom sa sulok, hilot ang nasaktan niyang panga sa sapak na inabot mula kay Euna kanina. Nilagok niya ang bote ng alak na hawak niya habang ang mga mata niya ay nakapagkit sa nais na nakikita ng nga 'yon— kay Euna—na kausap ang pamangkin at ang nobyo ng pamangkin at si Jax, sa munting sala ng bahay na 'yon ni Jax na ilang metro lang ang layo mula sa puwesto niya. "Pasensya ka na, Red ah," pukaw ni Reyna sa kaniya, galing 'to sa banyo na naroon naman malapit sa kaniya dahil maliit lang naman ang bahay na 'yon ni Jax. Tumango siya. "Wala 'yon, ayos lang." Bumuntonghininga 'to. "Hindi ko na alam kung ano nang susunod na mangyayari. Ang sigurado ko lang, hindi 'yan uuwi nang hindi kasama si Nica." Hindi na niya 'to nagawang tugunin dahil mula sa puwesto nila nito ay pareho nilang nakita na tumayo si Euna at lumabas ng bahay. Nagkatinginan sila ni Reyna, bago siya nagpasyang tumayo na rin at sunda si Euna. "WALA namang nagsabi na masamang umiyak sa harap ng maraming tao ah," untag niya kay Euna nang lapitan niya 'to. Naupo rin siya sa mahabang upuan na kahoy na kinaupuan nito na nasa labas ng bakuran ng bahay na 'yon ni Jax. Ni hindi nagbigay 'to nagbigay ng reaksyon. Hindi siya nilingon. Nagsindi lang 'to ng sigarilyo matapos pahirin ang mga luha na naglandas sa mga pisngi. Tsk, dito lang sa babaeng 'to niya mas naiintindihan ang pamosong lyrics ng isang kanta na: Sigarilyong hindi maubos. "Ano ba ang lasa niyan? Pasubok nga—" hindi pa man siya tapos na magsalita ay hinagis na nito sa kaniya ang isang stick ng sigarilyo at lighter na hawak nito. Pinagmasdan niya naman 'yon bago sinindihan. Kahit na para sa kaniya ay 'yon na ang nakakadiring bagay na naimbento sa mundo. Sinulyapan niya ang babaeng katabi, tulala lang 'to na humihithit ng sigarilyo. Tila kinain na ng mundong ito lang ang naroon at ang nagma-matter lang sa mundong 'yon ay ang malalim na iniisip nito. "Gusto kong malaman sana kung nakakatanggal ba ng problema 'tong sigarilyo?" Nagtataka lang ako at marami kasing nababaliw rito," aniya. No reaction pa rin ang kausap. Pero dahil makulit siya, nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Sabi rin nila, love is like a cigarette, masaya sa simula... but eventually, it will kill you." "Mamatay ka rin naman kahit hindi ka naninigarilyo, e 'di manigarilyo ka na lang habang nabubuhay." Wow, nagsalita na. Kaso lang ay anong klaseng logic naman 'yon?" "Wala sa langit niyan," dagdag pa nito. Nalukot ang mukha niya sa sinaad nito. Kung gano'n din lang ang sasabihin nito, sana ay hindi na lang 'to nagsalita. "Nasaan nga pala ang pamilya mo? Bakit katulad ko ay kaibigan mo at ang anak niya ang kasama mo rito?" "H—Huh?" Nagulat siya. Hindi niya napaghandaan ang tanong nito. "Ah, w—wala 'yon, nauunawaan ko kung bakit mo 'ko sinapak, hindi naman masakit," pabirong aniya na lang. Pagak naman 'tong natawa. "Sorry nga pala ro'n, gano'n ako magalit. Pero ikaw, ba't parang ayaw mong pag-usapan ang pamilya mo?" He let out a breath. Pinaglaruan niya at minasdan ang sigarilyong may sindi at nakaipit sa daliri niya dahil hindi naman niya 'yon hinihithit. "Well, first, hindi naman kasi sila ang issue rito. hindi tamang pag-usapan sa ganitong sitwasyon. Alam mo 'yon, kung sana nasa isang dinner date tayo or movie date, sasagutin ko ang lahat ng tanong mo tungkol sa 'kin, this may sound cringey but, I guess, kahit na ang nilalaman ng puso ko ay sasabihin ko na rin sa 'yo." Nang ngumiti 'to ay napangiti na rin siya. "Ang daldal mo pala, pamilya mo lang naman ang tinatanong ko, 'dami mo nang sinabi." He chuckled. "Sa Sabado mo na 'ko tanungin sa mga gusto mong itanong sa'kin, may date tayo, remember?" Tinaasan siya nito ng kilay. "Talagang naisingit pa 'yon." "But of course!" TATAWA sana si Euna, kung hindi lang pagkatapos ng ngiti ay kinindatan naman siya ng rider... 'Yong ngiti ay sobra na nga, kumindat pa... Kindat nito na ngayon niya talaga masasabi na napakalakas ng epekto sa kaniya... Tumikhim siya't nag-iwas ng tingin. "Hindi ko naman nakakalimutan 'yon, Red." "Good." "Wala namang good ngayon para sa 'kin," hindi niya napigilan na sambit. Sobrang hirap tanggapin ng mga nalaman niya ngayon. Mabigat sa dibidib na... ewan. Siguro, naramdaman ng lalaking katabi ang mabigat na tinutukoy niya kaya lakas loob nitong pinagsalikop ang mga palad nila. Napatingin siya ulit kay Red. "Listen, kahit hindi mo naman nakalimutan ang usapan natin na date, o kahit limot mo na, hindi pa rin 'yon ang mahalaga ngayon. Hindi lalo ang pamilya ko." "R—Red..." nautal talaga siya nang haplusin nito ang pisngi niya sa masuyong paraan... buti na lang ay saglit lamang 'yon. "Hindi mo naman puwedeng takasan ang problema na kinakaharap mo ngayon. You can cry now, until your heart content, para bukas ay wala na 'yan. Pagharap at acceptance na bukas," matalinghaga nitong sabi sa kaniya. Ang mga salitang 'yon lang yata ang hinihintay ng mga luha niya dahil nag-unahan na ang mga 'yon sa pagbagsak... Naiinis na pinahid niya 'yon ng likod ng mga palad niya. Tinapon na rin niya ang sigarilyong nakalimutan na niya dahil sa lalaking 'to. "Tang'na ka, pinaiyak mo 'ko nang may nakasubong candy sa bibig ko!" reklamo niya rito pagkatapos. Gaya nang inaasahan niya, tumawa ang rider. RED laughed out loud. Hindi niya maiwasan talaga na matawa 'pag nagsasalita na si Euna. Oo, ganito ka-unique talaga 'to. Ito na ang may problema, nakukuha pang patawanin ang kausap. Masuyong hinawakan na lang niya 'to sa bumbunan, inihilig niya 'to sa balikat niya't napangiti naman siya nang hindi na 'to pumitlag, hinayaan na lamang siya. Then she cried... again. This time, without hesitation. "Ganyan nga, just let your eyes get wet. Iyak mo lang lahat, para mahugasan din 'yan, para sa susunod, mas malinaw mo nang makita kung bakit mo ba pinagdaraan ang mga problemang 'yan." Hagulgol ang tinugon nito sa kaniya. Sino ba ang hindi hahagulgol kung ang pamangkin na pinag-aaral mo para sana makaahon sa hirap ng buhay ay maagang nagbuntis? But hey, for him, hindi naman naaawat ang nakatakda. May rason ang lahat kaya nangyayari. "Hindi ko alam kung sa'n pa ba 'ko nagkulang. Nangako ako sa mga magulang nila na aalagaan at babantayan sila pero ano 'tong pagpapabaya na nagawa ko?" "Stop blaming yourself. You know, life has many ways to testing us, really." Umalis 'to mula sa pagkakasandig sa balikat niya. "Tang'nang test! Hindi na natapos! Nakakapagod na!" Masuyo niya 'tong tinitigan. "Well, hindi ako naniniwala na pagod ka na, Euna." She scoffed. "Hah! Paano mo nasabi?" Shrugging his shoulders he answered, "Hindi kasi ibibigay ang ganyang sitwasyon sa taong alam Niyang pagod na. Let me tell you again, nakakatawa ang paraan ng buhay pata i-test tayo. Kasama na ro'n ang kawalan ng problema, believe me, at ang katulad na lang ng nangyayari ngayon sa 'yo na ang lahat ng problema ay isang bagsakan na ibinibigay," seryosong saad niya habang nakatitig siya sa mga mata nitong kasing itim ng gabi. Saglit 'tong nakipagtitigan lang din sa kaniya. Okay na sana e, ang sarap titigan nito habang nakatitig din 'to sa kaniya at pareho nilang tila kinakabisa ang mukha ng bawat isa, kaya lang ay bigla na lang 'tong hagalpak na natawa! "Why—What?" nagtataka niyang tanong. Sapo ang t'yan sa pagtawa, tinuro nito ang likuran niya. "Nakakatawa kasi si Reyna sa likod mo. Mukhang natatae na ewan sa kakaiyak!" Nilingon niya ang tinutukoy nito, and there, si Reyna nga—na sumisinga sa laylayan ng suot nitong damit! Uhm, well, ayaw man niya sanang sabihin 'to pero mahirap na hindi naman mapuna na unfair nga ang mundo. Hindi nga kasi magandang umiyak si Reyna. Samantalang ang babaeng katabi niya na kasalukuyan pa rin na tumatawa, naka-ilang iyak na ay maganda pa rin... Sa mga mata niya. You're really something, Euna. Your uniqueness is really a magic to me...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD