3: Saka Na

1532 Words
"NAKU, bahang-baha na sa labas, Euna!" Tarantang bulalas ng katrabaho ni Euna na si Joy. Napailing na lamang siya, sa lahat ng may Joy na pangalan, ito talaga ang palaging parang malaki palagi ang problema sa buhay. "Isarado mo ang pinto pala at nagpaalam si Guardie na mag-yosi saglit," utos na lang niya rito, tukoy niya ang guard on duty nila ngayon sa convenience store na nakasanayan na nilang tawagin sa gano'n. Oo, talagang babaha naman at may bagyo. Pumasok nga siya ng 7PM ay umuulan na. Tatlong oras na nga na walang tigil 'yon kaya talagang babaha talaga sa Manila. Normal na. Kasing normal nang kailangan ng isang tao na kumain sa araw-araw. "Good evening po," bati ni Joy sa kakapasok lang na customers. Napalingon siya sa mga customers dahil takaw-lingon ang tunog ng sapatos ng babae at ang mga pabango ng mga 'to na humalo sa hangin. Pabango na pang-mayaman. Awtomatikong napakunot-noo siya nang malingunan ang mga bagong dating. Mukha kasing naligaw lang ang mga customers na 'to, malayo ang mga 'to sa karaniwan na nilang nagiging customers dahil nga malapit naman ang convenience store na 'yon sa riles. Ang madalas na bumibili sa kanila ay halos mga taga roon lang din sa palibot na residential area. "Damn! Inabutan na tayo ng malakas na ulan at ni hindi man lang naisip ng lalaking 'yon na patuluyin tayo kahit saglit sa bahay na tinutuluyan niya." "Blue, kung pinatuloy niya tayo, I doubt kung uupo ka man lang, you arrogant fool!" Tatawa- tawang tugon dito ng babaeng naka- high heeled boots, hapit na black leather dress at may parang kapa na leather din na nakapatong lang sa mga balikat nito. Hindi niya maiwasan na mapakinggan ang pag-uusap ng customers at sulyapan ang mga 'to. The word Goddess is very applicable to the woman. Para ngang pamilyar pa 'to sa kaniya, hindi lang niya maalala kung saan niya 'to nakita. "Energy drink lang sa 'kin, haist, nakakapagod makipagtalo at mamilit ng tao na ayaw naman sumama. He's really getting into my nerves! Hindi ko alam kung kailan siya susukuan ni Granpops," anang magandang babae sa kausap. G'wapo rin ang lalaki. Yayamanin. Pareho naman sila ng kasamang babae. Nang matanaw niya na papalapit na ang mga 'to sa counter kung sa'n siya naro'n ay nagkunwari siyang nagpunas. Baka sabihin ay nakikinig siya sa kanila kanina pa. Samantalang si Joy naman ay busy sa pagma- mop. "Here, miss." Pinunch na niya ang inabot ng babae na energy drink. "Miss, how's the sales of Hen's Coffee and Hen's Donuts here?" tanong ng lalaki sa kaniya, nang sulyapan niya 'to ay nagulat siya na asul pala ang mata nito! Akmang sasagutin pa lang niya 'to ay nagsalita naman ang kasama nito, "Oh boy, tell me you're just kidding to that question of yours, Blue Dodge! And miss, naku, don't mind this man. He's always like that, by the way." tatawa-tawa nitong sambit. "Okay naman po, mabili talaga sila." Nakangiting sagot niya, kaswal naman na nagpasalamat lang 'to at tinanguan siya. "What's wrong with my question? Haya? It can be just random." "Nah, shut up! Could you please leave your freaking alter ego at your office and learn to be chill for once!" Dinig pa niyang palitan ng salita ng mga 'to habang papalayo na ang dalawa sa counter. Naisip niya lang, ang hirap hulaan kung magka-ano-ano ang mga customers nila pero nakakasiguro siya na hindi 'to mag-jowa, may hawig kasi sila. "BAWAL 'yan! Lalo na sa magandang babae na tulad mo!" Naikot ni Euna ang mga eyeballs nang bigla na lang sumulpot si Red at kunin ang nakasubo sa bibig niya na sigarilyo—tinapakan din nito 'yon! Dinatnan siya nito sa kanto ng riles, sa may bakery. Nanigarilyo muna siya ro'n bago siya umuwi ng bahay dahil hindi naman niya pinapakita sa mga pamangkin ang paninigarilyo niya. "Kuha ka na lang ng kahit anong gusto mo, Euna. sagot ko. Huwag lang yosi," anang rider. Tumaas-baba ang kilay sa kaniya. "Salamat na lang, uuwi na lang ako." Kung hindi lang maganda ang umaga sa tuwing nakikita niya 'to, nasampal na talaga niya sa pagiging pakialemero. "Wait lang," pag-awat sa kaniya nito nang akmang tatalikuran na niya. Awtomatikong napatingin siya sa palad nitong nakahawak sa braso niya. Siguro ay nagulat 'to sa paghawak sa kaniya gaya niya. Nang mag-angat kasi siya ng tingin sa mukha nito ay kaagad siyang binitiwan, saka nagkamot na lamang 'to sa sariling batok. 'Yon ang unang beses na hinawakan siya nito. "'Problema mo ba?" Kunwa'y pagsusungit na lamang niya sa rider. Kunwari ay naiinis, gano'n pagtakpan ang biglaang kuryente na naramdaman niya sa pagkakadaiti ng mga balat nila nito kanina. Kainis! "E, umuulan kasi. Mukhang wala kang payong. Hindi ka naman siguro water proof," anito. Ang bilis namang nakababa ng motor ni Red! Nagulat na lang siya nang nakatayo na siya sa harap niya't may payong nang binuksan para sa kaniya. "Wala talaga akong payong. Hindi ako paladala talaga, nawawala lang," "Tsk, Euna, kung ayaw mong ingatan ang sarili mo ay hayaan mo sanang ako ang mag-ingat sa'yo," bulong nito sa kaniya. Naiinis na tumingala si Euna kay Red para sana sagutin ang sinabi nito pero mali pala ang ginawa niyang 'yon, dahil kasi sa ginawa niya ay napasadahan niya ang paggalaw ng adam's apple ni Red... Ang mumunting stubble sa chin nito... paangat sa... kissable lips... "Ay!" Matinis na tili niya nang maramdaman niyang nawisikan siya sa mukha ng tubig. Tila ba sinasabi ng tubig na 'yon na gumising na muna siya, nasa kalagitnaan sila ng ula ng taong pinagpapantasyahan niya! Hindi na niya alam kung ano ang nangyari, naramdaman na lang kasi niyang nakasandal na siya sa dibdib ni Red. "Inaantok ka na yata, sabi ko usog ka, may daraan pero hindi ka nakinig," bulong sa kaniya ng rider. "Hinila na lang kita." Huh? Sinabi ba talaga nito 'yon? Shocks, engrossed siya masyado sa pagtingin dito kung gano'n na hindi naman niya narinig! Nakakahiya ka, Euna! Kaagad niyang inayos ang sarili sa pagtayo. "O-Okay lang ako, nasagi lang naman ako sa balikat..." at least, naramdaman pa naman niya 'yon. "Of course, hindi ko naman hahayaan na masaktan ka..." Nagdiwang yata ang mga bulate ni Euna sa tiyan nang kumindat si Red sa kaniya sa sexy na paraan. Dama niya talaga na parang may party sa sikmura niya bigla. Nang ngumiti si Red ay lihim na napakapa na lang talaga siya sa garter ng panty niya at baka lumuwag na 'yon! "Alam kong g'wapo ako pero hindi ka naman siguro magsusuot ng panty na walang garter?" Napamulagat siya, nakita ni Red ang pagkapa niya sa panty niya! Syet! "A—Ahm, Red, maiwan na kita nga, tse ka! Kota ka na sa pagpapa- cute for today's bidyow," biro niyang pagsusungit kunwari rito. Bahagya niya rin na tinulak ang dibdib nito. Red chuckled. "Teka lang naman po..." She rolled her eyeballs again. "O, ano na naman?" "May itatanong lang sana ako sa 'yo e." "Red, pangunahan na kita, itanong mo na lahat sa'kin huwag lang na kung may pera akong maipapautang sa'yo." Tumawa 'to. Tawa na nagpawala ng mga mata nito at nagpalitaw sa dimples na nakakarupok— ahm, intact pa rin naman siguro ang puso niya sa kinalalagyan niyon ano...? "Grabe ka naman sa'kin talaga, Euna!" "E, ano ba kasi ang sasabihin mo?" "Hindi ako mangungutang. Pero personal kasi..." "Ano nga 'yon?" Nagkamot na naman sa batok ang rider, tila nahihiya 'to na ewan. At para namang nahuhulaan na niya ang sasabihin nito o assumera lang siya? "Libre ka ba sa Sabado?" Oh. "Date ba 'yan? Kung libre mo naman ay bakit hindi," wika niya. Piping dasal niya na sana lang ay naitago niya sa pagkaprangka ang kilig niyang sa tingin niya ay aalpas na. "Date? Euna, seriously? ang baduy ng date! Uso pa ba ngayon 'yan?" Tinaasan niya 'to ng isang kilay. "E, ano ba kasi nga?" 'g**o ng lalaking 'to! "Don't get me wrong, natawa lang ako sa term, really. Pero sige, kung date, date it is. So, sa Sabado?" "Pumayag na 'ko, makulit ka, baka mainis ako at—" "Thanks, Euna!" Wow, nakakagulat naman ang pagsunggab nito ng yakap sa kaniya! Hoy! Marupok kong puso, kumusta naman? "Oy, kumalma ka! Ako lang 'to," biro niya na lang dito. Tinulak niya ulit 'to palayo sa kaniya. Dapat niyang gawin 'yon kung ayaw niyang masanay siya't 'wag na 'tong layuan... "Thank you talaga, Eun! And one more thing-" "Ano na naman?" "Please stop smoking. U-Uhm, I mean, you know, hindi kasi 'yan goods." Tumango na lamang siya. Hayun na naman kasi ang pakiramdam na may kakaiba sa lalaking kaharap. Humahalo pa ang pakiramdam na 'yon sa kung anong meron na nasa t'yan niya... "Okay. Pero saka na, 'pag naging tayo na," mahinang tugon na lang niya bago niya 'to talikuran. Oo, tumalikod na siya. Kung lilingon pa sana siya ay makikita niya ang malawak na ngiti ng rider. Makikita niya sana na hindi siya inaalisan nito ng tingin hangga't natatanaw nito ang likod niya. Sino ba ang hindi mapapangiti na parang timang, gayong malinaw na narinig ni Red ang sinabi ni Euna? Oo, kahit pabulong pa nito 'yon na sinambit...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD