bc

CCEO's Secret {COMPLETED | FREE}

book_age12+
3.2K
FOLLOW
11.2K
READ
drama
sweet
bxg
humorous
secrets
like
intro-logo
Blurb

"Your uniqueness is magic..."

* * *

Si Euna Del Fierro, squammy, certified tita, busy sa dukhang buhay, single.

But not until Red Henson came into her life..

Siya, na ang top priority ay ang mga pamangkin na kasama sa buhay ay literal na ginulo nito. Habang unti-unti itong nakapasok sa puso niya, unti- unti din na natuklasan ni Euna ang mga lihim sa pagkatao nito.

Mga lihim na hindi inaasahan ni Euna...

Papaanong mamahalin niya pa si Red gayong ang ikinatatakot niya nang higit ay nangyari na nga sa kaniya- binabayaran na nga siya ng mayaman na angkan na Henson, layuan niya lang si Red!

May happy ending kaya sa kanila gayong tinanggap nga ni Euna ang isang milyon kapalit nag paglaho niya kay Red?

©July 2021 | Luna Margaret

***

[STORY WRITTEN IN TAGLISH]

Reading order:

1. CCEO's Secret

2. One Night Child

3. The Billionaire's Brat Playmate

4. Shadow of Grey

chap-preview
Free preview
1: Si Euna Del Fierro
Trigger warning: -Premarital s€x -Annoying characters -Bad language What to expect: -Hulsam -Sweet -Cliché -Fast read romcom -Happy ending * * * SABI nila lahat ng katanungan ngayon ay kaya nang sagutin ni Google. Noong hanapan naman ng sagot ni Euna ro'n ang tanong na: Paano makakatakas sa kahirapan? Napakarami naman na sinagot niyon na sa rami ay hindi na niya malaman kung ano ang dapat niyang sundin. Pero at least, may isang tumatak sa kaniya sa mga sagot na nabasa-maging positibo sa buhay at mahalin ang trabaho. Paanong hindi naman magma-marka sa isipan niya 'yon, e araw-araw nga niyang ginagawa 'yon. Pero ang lungkot lang na heto, hindi pa rin naman siya umaahon sa hirap na kinamulatan niya. Heto ang mundo, may mga mayaman na mabait, mayroon din na matapobre na 'gaya ng pamilya raw ng tatay niya sabi ng nanay niya sa kaniya noon, mas lalong mayroon at maraming katulad nila na mahirap at nakatira sa iskwater. Heto ang mundo, hindi magiging balanse kung wala silang mga mahihirap. Mundo na hindi patas sa mga tulad nila, ang mga 'yon ang naglalaro sa isipan ni Euna habang naglalakad siya pauwi ng bahay sa oras na 'yon. "Hoy! Euna, nariyan ka na pala! Kanina pa kita inaabangan e, 'yong tocino, sisingilin ko na sana," salubong kay Euna ng kapitbahay niyang sikat sa riles sa pagpapautang ng mga tocino, longganisa at kung ano-ano pa na maaaring ipautang nito, na si Marites. "Kakauwi ko lang kasi galing sa trabaho, nakikita mo naman 'di ba? Matataguan ba naman kita, Marites, ikaw pa ba? CCTV operator ka 'ata nitong riles- uy, joke lang ha, baka mapikon ka pa. Alalahanin ang wrinkles, charot!" "Naku, palabiro ka talaga, Euna, wala pa 'kong wrinkles 'no! Kung mayroon aba ay maisoli nga ang skin care na inalok ni Tasya habang hindi ko pa nabayaran 'yon!" "Baliw! Joke lang. O, 'yan na ang bayad ko. Kumalma ka na." Inabot niya na kay Marites ang pera na bayad niya sa tocino na inulam ng mga pamangkin niya nang nakaraang gabi. Pinapautang nga kasi 'yon ni Marites. Two gives. Pinauso nito rito sa riles. "Salamat, pasens'ya na kung inabangan talaga kita. Kailangan ko na kasi, alam mo na..." Sinundan ni Euna ng tingin nang nakataas ang kaliwa niyang kilay, ang nginuso ni Marites sa gawing likuran niya. Nang masulyapan niya kung ano 'yon- sino pala-napailing na lang siya na kinuha ang sukli niya kay Marites. "Ah, alams na nga! Shoppii- pipimo pala," biro niya sa kapitbahay niyang isa na rin sa mga naloko na sa kaka-order online ng kung ano-ano. Naghagikgikan naman ang mga nakarinig sa kaniya na nasa background nila ni Marites. Mga neybors nila na kay agang mga nakaumpok sa gilid ng riles. May naghahanda na kaagad ng lamesa para mag- bingo, may naghihimas ng manok na panabong at nagpapausok niyon gamit ang sigarilyo at may naka- umpok lang para s'yempre ay mag- tsismisan. Tipikal na tagpo sa squatter's area. Kakaunti pa nga ang bata na nasa kalye dahil maaga pa. Kung nagkataon na hapon na, naku, nagkalat panigurado ang mga batang walang baro na nakakapagtaka na hindi tinatablan ng sakit. Ano nga ang makabagong tawag sa kanila? Ah! Squammy. "Ma'm Marites Tuazon, Shoppee delivery po ulit niyo," anang rider nang makalapit 'to sa kanila ni Marites. Ewan ba ni Euna kung bakit siya marahan na napalunok nang marinig niya ang baritong tinig ng rider. Lihim din na mapasinghap siya dahil tila kay lapit ng tinig nito sa gawing likuran niya—kaya naman pala! Nakadikit nga 'to sa kaniya! Nagkikiskisan na halos ang mga siko nila! At tila hindi alintana ng rider ang pagkakalapit nilang 'yon. Samantalang siya... Argh! P'wede naman kasi 'tong huwag masyadong dumikit, kung bakit talaga naman ay sa malapit pa niya 'to huminto! Sinulyapan at tinaasan na lang niya ng kilay ang rider na palaging natotoka na mag- deliver sa lugar nila. Si Red, na naka- red jacket na red, usual get up nito 'yon. Ngumisi lang naman ang rider sa kaniya. At sa ngising 'yon nito ay hindi maiwasan na maisip ni Euna na nang magpaambon ang langit ng formula para sa kagandahang lalaki, first honorable mention ang tinagurian na 'Jowable Shoppii Rider' ng riles. 'Yon ang binansag dito ng mga kabataan, matatanda at mga binabae sa riles. Jowable naman kasing tunay ang rider. Maganda ang built ng pangangatawan pa. At ang fez, jusme, winner! Makakapal ang mga kilay, malalantik ang mga pilik-mata na papasa nang para sa babae. Ang ilong, 'yon yata rin ang tinatawag na aristoctratic nose. Pantay at mapuputi na pang- toothpaste commercial ang mga ngipin, bonus na lang dimples ni Red na sa tuwing lumilitaw ay nawawala na ang may kasingkitan nitong mga mata. Oo, si Red ang official delivery rider sa lugar nila. Hindi niya alam kung paano nangyari. Basta, isang araw ay nakilala na niyang permanenteng tao na rin dito sa riles 'to. At isang araw, wala na 'tong ginawa sa tuwing magkikita sila kundi ang bolahin siya nito! "Hi, Euna! Kakauwi mo lang? Tsk, sabi ko naman sa'yo e, kung sinasagot mo ba 'ko e, 'di may official tagahatid-sundo ka na," ngiting-ngiti na bati ni Red sa kaniya. Hayun, tumirada na 'to! Naikot niya ang mga eyeballs niya at pairap na sinagot ang binatang rider. "Red, kung sinasagot na kita, babantayan mo 'ko panigurado sa duty ko dahil may week na night shift ako. Manggugulo ka sa convenience store na pinagtatrabahuhan ko dahil may gabi na lasing ka panigurado at pipilitin mo 'kong umuwi at tabihan ka sa malamig na gabi- for short, peperwisyuhin mo ang tahimik kong single na buhay. So, maiwan na kita, ha? Adios!" dire-diretsong sambit niya rito, tinalikuran na niya rin 'to. Dinig pa niya ang malakas na tawanan ng mga kapitbahay niya nang tumalikod na siya. "'Sungit mo naman talaga kay Red, Euna!" "Euna, tinamaan naman sa'yo talaga si Red, ba't ayaw mong pansinin?!" "Nagawan na nga ng paraan na mag-stay sa pag-deliver dito sa riles e!" Oo, maging ang kantyaw ng mga 'to sa kaniya ay narinig niya pa. "Ang advance mo naman, Euna, huy! Napag-uusapan naman ang bagay na 'yan. Lalo na ang malalamig na gabi!" pasigaw rin na biro ng rider sa kaniya. Nilingon niya ang rider at tinaasan niya ng kilay. Pinuno ng mas malakas na tawanan ang riles nang iangat niya ang middle finger niya kay Red. "HMN, ang aga naman ng rider na nagde- deliver sa riles para pakyuhin mo lang, Mars! Grabe ka naman talaga sa tao!" "Good morning din, Mars," pabalewalang tugon niya kay Reyna. "May gising na ba sa mga pamangkin ko?" Ang matalik na kaibigan niyang si Reyna ang kasama nila sa buhay ng tatlong pamangkin niya simula nang maaksidente sa sunog ang buong pamilya niya at maiwan sa kaniya ang mga pamangkin. Tulad niya ay nagtatrabaho rin 'to sa convenience store na walking distance lang mula rito sa riles na kinamulatan nilang tirahan.Tulad niya ay wala na rin 'tong pamilya dahil sa sunog na naganap sa riles noong sila ay kapwa musmos pa lamang. Minsan ay napapatanong na lang siya kung makakaalis pa ba sila sa delikadong lugar na 'to. E, kaso lang hindi naman siya tumataya sa kung anong sugal para manalo na tulad nang dati nilang kapitbahay na sinuwerte at nakaalis sa riles, ora mismo. Kaya deadma na lang. Ang mahalaga naman ay hindi sila nagugutom na lima at nakakaraos sila sa araw-araw nang hindi napuputulan ng kuryente at tubig. "Si Ian kanina gumising. Kumain lang at pagkakain, borlog na ulit. Kaya may pagkain pa r'yan na maaalmusal. Sa tingin ko nga ay sinobrahan talaga niya ang niluto niya para sa'yo." "Nakakakaba naman, baka may order na naman online ang batang 'yan," biro ni Euna sa matalaik na kaibigan. Natawa naman 'to. "Saka mo na isipin 'yan. Kumain na tayo at ikaw lang naman ang hinihintay ko. Hinintay ko rin talaga kung paano mo iiwasan na naman ang spark niyo ni Red." Siya naman ang pagak na natawa. Lukaret din talaga ang kaibigan niyang 'to, binalewala na niya kanina ay talagang isiningit pa nito ang topic na 'yon. "Alam mo naman na wala na muna sa'kin ang mga spark na 'yan." "Hay, ewan ko ba naman sa'yo! May tatlong buwan na rin na nagpapalipad hangin sa'yo ang gwapong rider. Aba, kung ako ang tatanungin mo, seryoso man 'yon sa'yo o hindi, dapat ka nang sumugal ulit na magmahal. Nagsisilakihan na ang mga pamangkin mo." Oo, tatlong buwan na rin nga siyang kinukulit ni Red. Pero ewan ba niya, kahit nararamdaman naman niya ang hindi maitatanggi na spark na sinasabi ng kaibigan niya sa pagitan nila ng rider ay inaawat niya pa rin ang sarili na bigyang-pansin 'yon. "Hindi ko pa naman gaanong kakilala pa 'yong tao." "Sus! Paano mo makilala, hindi mo naman kinikilala?" Nakaingos nitong tugon sa kaniya. Nagkibit lamang siya ng mga balikat. Sinimulan na niyang kumain. "Euna, hindi ka pa ba sanay? Sumusugal na tayo buong buhay natin. Napakatagal na nang huli mong pinagbigyan ang kapritso mo. Hindi mo na nga halos namamalayan na nagsisilaki na ang mga pamangkin mo." Hay, Red Henson... Bakit ba sa tuwing nagkikita sila ng kaibigang niyang 'to ay hindi maaaring hindi nila mapag-usapan ang rider? Sa totoo lang, alam niya naman ang pinupunto ni Reyna. Gets niya naman. Ang hindi niya lang talaga maunawaan sa sarili ay ang tila naba- vibes niyang hindi maganda kay Red sa tuwing nasa malapit 'to—bukod pa sa oo, may spark nga. Hindi niya naman gustong balewalain ang pakiramdam na 'yon at s'yempre, ayaw niya rin naman na i- big deal. Napailing na lamang siya sa mga pinaglalaro niya sa isipan niya. Tch, madalas ay praning talaga ang guts niya. * * * NOTE: First draft written 2006. Please excuse the novice writing :)

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
72.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
166.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
79.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
117.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
22.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook