5: The Yes, Sir

1512 Words
"SIGURADO ka na ba sa desisyon mo?" "Opo, Tita Euna." "Hindi naman sa inaawat kita ah, kasi ikaw naman ang pinag- desisyon ko at kaligayahan mo rin ang mas iniisip ko." Gusto sanang matawa ni Red sa sinabing 'yon ni Euna. Paano ba naman, hindi raw nito inaawat ang pamangkin na si Nica pero halos hindi naman mabitawan ang kamay ng pamangkin nito at tila ayaw nito 'yong paalisin. "Tungkol nga pala sa kasal niyo, sana maintindihan mo 'ko na hindi ko mapapayagan sa ngayon ang kasalan at mga bata pa kayo. P'wede pang magbago ang feelings niyo. Alam mo naman, 'di ba? Ako nga, akala ko mamamatay na 'ko nang iwan ako ng ex ko dahil sobrang minahal ko 'yon pero hanggang ngayon, buhay pa naman ako. Ni hindi ko na nga maalala kung anong nagustuhan at minahal ko ro'n." Lihim na napaingos siya sa sinabi nito sa pamangkin. Pati ba naman ang ex nito ay nabanggit pa! Natatawa naman na niyakap ni Nica sa huling pagkakataon ang t'yahin. Nasa labas na sila ng bahay. Sasakay na 'to at ang nobyong si Jaz sa owner na dala niya. Siya ang maghahatid sa dalawa sa k'wartong paupahan ni Jax kung saan maninirahan na ang mga 'to nang magkasama dahil nga buntis na si Nica. Tulad ni Euna ay wala naman na rin nagawa ang kumpare niya at nariyan na. Sabi pa nga nito ay gano'n din daw 'to kapusok noon. Sana nga lang daw ay hindi magbago ang mga nararamdaman ng mga bata na tulad nito at ng nanay ni Jaz. Kaya single father ang kaibigan niya ngayon dahil bata rin nang mag-asawa't magkaanak. Maaga na nagbago ang nararamdaman ng mga 'to hanggang sa nagpasya nang maghiwalay nga. Yes, talking about history repeat itself. Gano'n kasarap na hamunin ng suntukan ang tadhana minsan talaga. "Ang mga bilin ko, Jaz ah, hindi kumakain ng sinigang si Nica at paksiw. Lalo na siguro ngayon na buntis siya." "Noted, Tita Euna." Lihim na napailing na lang siya dahil larawan ng isang ulirang ina si Euna sa pamangkin hanggang sa huli na pumayag na 'tong ipaubaya sa ibang kamay ang pangangalaga sa pamangkin. "Paano mo pa nagagawa na maaalala 'yon? E, mas gwapong 'di hamak ang manliligaw mo ngayon kaysa ro'n sa ex mo," bulong niya nang palihim niyang sundan si Euna nang talikuran nito ang pamangkin. "Huh?" "Hay, nako, 'pag ikaw talaga ay sinamaan ng t'yan sa pagnga-nga mo sa tuwing nakikita mo 'ko, bahala ka," buska niya rito. "Aba't, hoy! Kesa kung ano-ano ang sinasabi mo r'yan, ingatan mo na lang ang pamangkin ko. Mag-ingat ka sa pag-drive, alalahanin mong tatlo ang pasahero mo. Medyo maarte rin 'yong si Nica sa isda pala, pakibilin na rin kay Jaz." At hayun na naman ang litanya ng certified tita... Natigilan 'to nang hindi siya kumibo at tahimik lang niya 'tong pinagmamasdan habang sige 'to sa paglilitanya. "Okay ka lang, Red? Para kang namatanda ah..." Bumuntonghininga siya't namewang. "Euna Del Fierro, ipapaalala ko lang po sa'yo, na hindi na minor ang pamangkin mo, ilang taon lang naman ang tanda mo sa kaniya. Malapit na nga raw siyang mag-twenty." "O, ano naman? Pamangkin ko 'yon dahil anak 'yon ng kapatid ko." Ni-lecture-an pa talaga siya nito. Hay, ang cute talaga ng babaeng 'to minsan. "Listen, don't get me wrong ha, pero matanong nga kita, noong ikaw ba ang nasa ganoong edad noon, hindi mo pa ba kaya ang sarili mo?" "S'yempre hindi! Disisais pa lang, nagtatrabaho na ko. Naglalako, rumaraket ng laba at plantsa para mabuhay ang mga pamangkin ko. Hindi nga ako nakakapasok sa school no'n dahil sa pagtatrabaho— e, teka, ano naman sa'yo ngayon, ha?" tugon nito, tinumbasan ang pamemewang niya. "Ang sa akin lang naman—" naudlot ang sasabihin niya, hindi pa man kasi siya tapos magsalita ay tinalikuran na siya ng kausap! Hindi niya tuloy napigilan ang sarili, mabilis na humakbang siya upang mahabol niya 'to, mabilis din na hinila niya ang pulso nito. Pero dahil nga si Euna 'to, saglit lang siyang hinarap ay tinalikuran na naman siya. Napilitan tuloy siyang hapitin na lang 'to sa bewang. Inilapat niya rin ang baba niya sa balikat nito. Napangiti naman siya nang hindi ito pumiglas sa pagkakataong 'yon. "Ano ba talaga ang gusto mong sabihin, Red?" wika nito matapos ang ilang segundo. "Hmn, listen okay? Alam mo ba na ang suwerte nila sa'yo. Masuwerte ang mga pamangkin mo na ikaw ang naging tita nila. Proud kaya si Nica sa'yo, parati ka niyang kinukuwento. Maayos mo silang napalaki." "At ano naman ang pinupunto mo sa sinasabi mong 'yan, aber?" tanong nito. Hinarap siya. Bumuga siya ng hangin, kinuha niya ang mga palad nito at tinitigan niya 'to bago siya nagsalita, "Miss Euna Del Fierro my point is, will you please learned to stop worrying for the things na hindi mo na kontrolado? Na huwag mo naman sanang kalimutan ang sarili mo. Na mahalin mo naman din ang sarili mo. Na sana ay sa pagkakataong 'to, maisip mo naman na si Nica na ang nag-decide para sa sarili niya at labas ka na ro'n." Natameme 'to. Ilang minuto lang silang nagkatitigan habang hawak nila ang mga palad ng isa't-isa. Patlang. Kung ilang segundo lang na magkakandado ang mga mata nila ay ang pintig ng mga puso lang nila siguro ang nakakapagbilang. Parehong masasalamin sa kanila na walang may gustong magreklamo kahit hanggang mamaya ay nasa gano'ng posisyon sila nito. Masarap kasi 'yon sa pakiramdam... Masarap na titigan ang mga mata, ang mukha ng babaeng 'to, kahit hindi pa rin nito inaayos ang buhok nitong g**o-g**o ang pagkakapusod at nililipad na 'yon ng mabining hangin sa hapong 'yon. Mayabang ba na sabihin niyang mukhang gayundin din naman 'to sa kaniya? "E, paano kung ayaw ko, Red?" Naglaho ang ngiti niya. He let out a breathe. Bakit ba niya nakalimutan na bukod sa unique ang ugali nito ay unique rin ang katigasan ng ulo nito? "Alam mo Euna, ganito kasi 'yan—" "Paano kung ayaw kong piliin na mahalin ang sarili ko kasi mas gusto ko naman na piliin ngayon ay ang mahalin ka? Bawal pa rin ba 'yon?" Alright, this may sound cliché but his heart throbbed. Sa puntong tila na 'yon tatalon sa kinalalagyan any minute or so... "W-What?" Inirapan siya nito. Bumitiw sa kaniya. "Wala! Sabi ko, lumayas ka na. Salamat sa pasalubong mo sa mga tao rito sa bahay. Nakalimutan kong magpasalamat sa 'yo kanina!" Puwede bang magsalita ng isa pang cliché na line? Hindi niya naman kasi hahayaan na makalayo 'to pagkatapos nitong payanigin ang puso niya... And heck, hindi naman siya bingi! Natatawang hinaklit niya ulit ang pulsuhan nito. This time ay iniharap na niya 'to sa kaniya, masuyo niya na rin na hinaplos ang pisngi nito. "Narinig ko po 'yon. So, tayo na?" She irritatingly rolled her eyeballs. "Naku ka, Red! Pasalamat ka talaga at g'wapo ka, kung hindi talaga ay—" Sadyang pinutol na niya ang pagtalak nito. Mas masarap kasi na halikan 'yon sa tingin niya kesa ang pakinggan ang binubulalas niyon. Nang awtomatikong pumaikot ang mga braso nito sa leeg niya ay napangiti siya. "Gano'n pala ang lasa ng halik," Euna said, touching her lips, she was panting heavily. Pagak siyang natawa. "Ano ba ang lasa?" "Lasang gum. 'Yon 'yong gum na binigay ko sa 'yo kanina ah." "Lasang gum lang?" "Oo, gum na nakakapagpamaga ng labi..." Halakhak na ang tinugon niya rito. Kung hindi ba naman mamaga ang labi nito e, sinipsip niya. Pasensya naman, gigil lang. "Baliw ka talaga, Euna." "Totoo naman na parang namaga!" pabirong hinampas siya nito sa dibdib niya. Sa kulay kahel na pag-aagaw ng liwanag at dilim sa langit nang hapong 'yon, masaya sila na nagtawanan. Sinunggaban niya 'to ng halik ulit. Na buong puso at buong suyo naman nitong ninamnam... Ah, madali naman palang turuan na humalik. Sa sobrang dali na matuto nito ay hindi na niya naawat ang sarili niya, kinarga niya 'to at gigil na niyakap. Nagsalo sila sa masaganang tawanan. Lalo na nang may dumaan na tren at bumusina 'yon nang malakas na tila ba nakikisali sa kasiyahan ng mga puso nila ngayon. SIYA naman, oo, siya naman muna. Tama ang lalaking nanatiling nakahapit sa kaniya. Pagbubukas 'to sa bagong kabanata ng buhay niya na kasama ang g'wapong lalaking 'to. Kung saan man sila tangayin ng parehong nararamdaman nila ngayon, sana lang ay hanggang dulo 'yon. Kahit alam niyang ang lahat ng nagmamahal ay nasasaktan. Ayos lang, basta ba hanggang sa huli ay kasama niya pa rin 'to at kasalo sa sakit na 'yon... "Yes! May inani na!" Napahagikgik siya nang isigaw 'yon ni Red. "Hoy, ang baduy mong magsalita ng Tagalog! Kung saan-saan mo 'yan napulot siguro!" Kunwa'y reklamo niya. Muli ay sabay silang natawa nang ibaba siya nito at isinayaw sa kalagitnaan ng riles, na animo sila nasa isang palabas na romance ang genre. Ah, love, talagang nakakabaduy pero nakakawala rin ng pakialam sa mga nasa palagid. Dahil 'yon mismo ang nadarama niya ngayon... Walang ibang nasa paligid, si Red lang at siya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD