2: Si Red Henson

1820 Words
"UY, nakita na naman kita, Red, buo na naman ang araw ko!" "Naku! Nakita na naman kita na walang suot na helmet, o, ang matris ko!" "Gaga! Wala kang matris 'no, asado 'to!" Malakas na nagtawanan at mga nagharutan ang grupo ng mga kabataan na napadaan sa harap niya. "Oh my Jowable Red, kailan mo ba 'ko aanakan?" Hirit pa ng nag-iisang binabae sa grupo. Nagtawanan ulit at mga nagtulakan ang mga 'to, mga naghaharutan. Ang lahat ng kantyaw na 'yon ng mga kabataang babae at binabae sa riles ay tinawanan lang ni Red. Gano'n siya talaga kung biruin ng mga 'to 'pag nakikita siya na nakatambay sa riles. Pinarada niya kasi saglit ang motor niya upang bumili ng energy drink sa maliit na tindahan na naro'n. Sige, aaminin niya na rin na sadyang pinarada niya 'yon dahil nakakapagod ang araw na 'to sa kaniya at pinauwi niya kasi ang kasamahan niyang rider at matalik na kaibigan na si Jax, masama raw kasi ang pakiramdam nito. Dalawang area tuloy ang pinag-deliver-an niya dahil siya na ang umako ng mga naiwan na parcel ni Jax. Pagod siya kaya kailangan niyang mag-recharge. At ang ibig sabihin niya ro'n bukod sa pag-inom ng energy drink ay kailangan niyang makita si Euna. Malapad na lang na napangiti siya sa itinakbo ng isip niya. Pagkuwa'y sinipat niya ang relong pambisig, almost 5 PM. Tamang-tama lang ang pagparada niya't pagpuwesto ro'n, siguradong paraan na si Euna sa partikular na daan na 'yon sa riles galing sa trabaho nito at maano ba naman na kulitin niya 'to bago siya umuwi? Kahit supladahan pa siya ulit nito. E, sa gano'ng paraan lang siya nakakapag-full ng battery, makita lang niya ang babae, nawawala ang pagod niya. "Huy, sabi ko na nga ba ikaw 'yan, Red e!" Napangiwi si Red sa implikasyon ng salita ng bagong lapit sa tindahan na 'yon na si Marites. Sinong hindi ngingiwi, e, alam naman niyang kunwari lang 'to na may bibilhin. Sigurado kasi siyang nilapitan lang siya nito para intrigahin. "Ah, hello," magalang na bati niya na lang dito. "Naku, alam ko na ang mga ganyan mo, Red..." Yeah, right. "Hinihintay mo si Euna rito, 'no? Hinihintay mong dumaan?" tanong nito, sinimulan na nga ang pag-intriga sa kaniya. "'Kuuu, Marites, magtigil ka nga sa pag-intriga kay Red. Ikaw talaga, ang hasang mo parati na lang nabubuhay sa tsismis," kunwa'y pagalit na sabi ng owner ng tindahan na si Aling Tindeng. "Ikaw naman, Aling Tindeng, mapag-obserba ka rin e!" "Ay, ano ka pa, Marites? Aru, jusko ka!" Marahan lang siyang natawa, lalo na nang ikutan ni Marites ng mga mata ang may-ari ng tindahan. Ah, hindi naman nag-aaway ang mga 'to, bagkus ay mga nagbibiruan lang talaga sila. Sanay na rin siya sa mga 'to. "Aling Tindeng, ire-report ko lang naman dito kay Red na wala naman siyang hinihintay na dumaan ngayon 'no!" ani Marites, tinuro pa siya gamit ang sarili nitong daliri. "Po?" agap naman niyang patanong natugon. Sure naman kasi siya na natanaw niya kaninang umaga si Euna na pumasok ah. Dito naman talaga ang daan pauwi sa bahay nito. "Oo, 'no. Hindi uuwi ang hinihintay mo ngayon. Straight duty si Euna ngayon. 'Yong pamangkin ko kasi na karelyebo niya sa trabaho, nakipagpalit ng day off kaya 'yun, straight duty ang pobre." Ah kaya pala. Napatango na lang siya, saka siya nagpaalam na sa mga kausap, "Salamat po sa info, mauuna na po ako." "Hala sige, puntahan mo na lang, kalapit lang naman mg convenience store," suhestyon ni Aling Tindeng. Ngiti lang ang sinagot niya rito. Tinanguan naman niya si Marites. Nang maisuot na niya ang kaniyang helmet at ma-start na niya ang kaniyang motor ay hindi niya maiwasan na maisip na sa gano'ng mga pagkakataon din talaga ay may buting dulot ang mga katulad ni Aling Marites. "Shipper ka ba nila?" "Bilib din ho ako sa inyo e, alam na alam niyo ang mga ganyang salitaan." "Aba, s'yempre naman! Nababasa ko sa peysbuk 'yan." "Ewan ko ho sa inyo. Hahayo na ako at nang makarami." "Oo siya, nang makarami ka ng tsismis!" Red shook his head. Kahit normal na niyang naririnig sa riles ang gano'ng usapan ay hindi pa rin niya maiwasan na ngitian ang paraan ng mga tao ro'n sa pakilipag-usap sa isa't-isa. "IKAW na muna sa duty ko, swap tayo." 'yon ang nabasa ni Euna na text sa kaniya ng karelyebo niya para sa araw na 'yon. Meaning, hindi 'to makakapasok. Masakit daw ang puson. Wala namang problema sa kaniya ang gano'n at minsan ay pabor din sa kaniya kasi nga maghapon na nasa bahay siya kinabukasan 'pag nakikipag-swap ng off ang mga katrabaho. Talagang nangyayari na rin ang gano'ng schedule sa klase ng trabaho na mayroon siya. Open sila ng 24 hrs. e, nagpapasalamat na lang talaga siya sa mga ganitong pagkakataon kay Reyna dahil naroon 'to para tumingin sa kaniyang mga pamangkin. "Hindi raw makakapasok si Babeth," pukaw sa kaniya ni Joy nang makalabas siya sa stock room kung saan niya nga nabasa ang text ni Babeth. "Oo, nabasa ko na rin ang text niya," tugon niya. "Malamang, nakipagkita na naman 'yon sa boyfriend niya." At wala naman na tayong pake ro'n, ngali-ngaling isagot niya rito pero pinasya na lang niya na talikuran 'to at punasan na muna niya ang mga estante nila ro'n habang wala pa silang customers. Mas gusto pa niyang inaabala ang sarili sa paglilinis kaysa sa tsismis na siyang nais naman palagi ng katrabaho niya. "Hay, mapapa- sana all ka na lang talaga!" Dinig niya pang turan ni Joy. Napailing na lang siya at nangiti. Sanay na siya rito. Kahit naman gano'n 'to ay masipag naman din at mahusay makisama. Mahalaga sa isang trabaho ang may pakisama ang katrabaho mo upang matagalan mo ang araw-araw. Isa 'yon sa gugustuhin na matamo ng isang tao, hindi lang ang trabaho na may sahod, dapat ay makakagaanan ng loob ang mga katrabaho s'yempre. Minabuti na lang niya na isalpak ang earphone niya sa isa niyang tainga habang naglilinis para maiparating sa katrabaho na magpapaka-busy muna siya. 'Pag nasimulan kasi 'to ay wala nang katigilan sa pakikipagdaldalan. Minutes later, nag-ingay ang door chime kaya nauliningan niyang binati ng katrabaho ang bagong dating. "Sir, magandang hapon po, I'm Joy at your service!" Walang gano'ng protocol sa store nila pero trip 'yon ni Joy kaya bahala 'to, aniya na lang sa sarili. Lihim na lang siyang natawa sa katrabaho. Hindi na niya nilingon ang bagong dating na customer, in-assist naman ni Joy, kaya nag-focus na lang siya sa paglilinis ng estante. "Miss, isa ngang banana." Saglit na natigilan siya. Tila siya yata ang kausap ng nanghihingi ng banana...? Hindi naman niya 'to nilingon at baka akala lang niya ay siya ang kausap dahil ang saging nila ay nasa counter, wala naman sa mga estante ng kape at siopao na kaniyang pinupunasan sa mga sandaling 'yon. "Miss, isa ngang banana," ulit ng kung sino. Boses lalaki 'to. "Sir, nasa counter po ang saging natin," tugon na lang niya rito nang hindi niya pa rin 'to nililingon. "Nasa harap po. Naka- basket sa harap ng counter." "Miss, isa ngang banana." Ay, wow! Parang sirang plaka na paulit-ulit? Sa inis niya, itinigil niya ang pagpupunas, saka siya naglakad papunta sa counter na ilang dipa lang naman ang layo sa kanila ng customer ay hindi pa nito magawang lapitan para kumuha ng saging sa hindi niya malaman na rason. E, nang maglakad naman siya pa-counter ay naramdaman niyang sumunod naman 'to! Pinandilatan niya ng mga mata si Joy, na iniabot agad ang saging sa kaniya. Gano'n din naman ang reaksyon nito sa kaniya dahil nga hindi naman nito maaaring iwan ang kaha. Tila sa mga mata nila ay sinasabi nila sa isa't-isa na may customer sila na naman na may sira ang ulo. S'yempre, hindi naman sa araw-araw na trabaho ay mga mababait na customers ang nakakasalamuha nila. "Miss, isa ngang banana," pag-ulit na naman ng customer. Napahagikgik si Joy. Hindi na napigil ang sarili. Siya naman ay hindi makuhang mangiti at naiinis na siya sa siraulong customer nila. Nang makuha niya ang isang saging, agad na hinarap niya ng customer na nasa likod niya upang iabot na rito ang saging. "Sir—" "Cute," walang ano-ano'y sambit ng customer. Nang tingalain niya 'to napagtanto niyang si Red pala! Hindi na niya napigila ang sarili, pabirong pinitik niya ang saging sa ilong nito. "Aw!" Kunwa'y reklamo naman ni Red sa sariling ilong. Dinig naman ang hagikgik ni Joy sa gawing likuran niya. Kilala kasi nito ang rider. Malinaw na pinagkaisahan siya nito at ni Red! Si Red na kaya naman pala hindi niya nabosesan ay naka- helmet na nga, nakasuot pa ng face mask na nakagawian na ng mga riders na isuot. "B'wisit ka!" bulyaw niya. Nang hahampasin niya sana 'to ulit ng saging ay hinuli nito ang braso niya. Tumawa si Red. "Hindi mo ba nakuha ang joke?" Kumunot ang mga kilay niya. "Ano ang joke ro'n? Sira ba ang ulo mo ha? Narito ka na naman para manggulo!" "Miss, isa ngang banana... cute!" Ay, gago! "Euna, ano ba? Sabihin mong hindi ka slow!" dagdag na biro pa ni Red sa kaniya pagkatapos nitong ihirit ang sinasabi nitong joke. Bahagyang inuga pa siya habang hawak ang pulso niya. Sinalubong niya ang mga mata nito. "Hindi talaga ako slow. Sira lang talaga ang ulo mo, Red!" Hagalpak 'tong tumawa. Nakatingala. Tila tuwang-tuwa sa sariling joke na hindi niya alam kung saan nito napulot. Imbes na alisin niya naman ang pagkakahawak nito sa pulso niya, para na siyang namatanda naman habang pinagmamasdan ang pagtawa nito... "Pinapakuha niya ang saging," buti na lang ay nagsalita si Joy kaya natigilan siya sa pag-a-afteeenoon dream, nalipat dito ang atensyon niya. "Anong connect ng cute sa saging na pinakuha niya nag paulit-ulit?" Joy giggled again. "Sabi niya sa'yo 'di ba, isa ngang banana, e, alam naman niya na kahit may ginagawa ka ay ikukuha mo pa rin siya ng banana sa counter. So, nang kunin mo na ang banana ay napa- cute na lang siya nang makita ka niya. Banana cute imbes na banana cue." "Huh?" Hindi niya gets, seryoso. Kaya nang balikan niya ng tingin si Red ay pinanlisikan niya 'to ng mga mata. "Ano bang kalokohan 'yon?" "Banana lang sana 'yon, e, kaso ang cute mo," anito, sinabayan ng kindat. Kindat na... ahm, nagpatikhim sa kaniya dahil dapat siyang tumikhim kung ayaw niyang masabihan niya rin 'to ng cute ora mismo. Pero teka, banana, banana cue, o kahit banana cute pa, wala nang mahalaga pa sa kaniya dahil ang atensyon niya ay biglang napunta na sa hind niya namalayan na magkahugpong na palang palad nila ng rider... "Nagcha-charge lang ako," wika ni Red. Tiningala niya 'to. "Ano?" "Nag-cha-charge," anang rider, inangat sa ere ang magkahugpong nilang palad. Charge? E, bakit parang para sa kaniya ay nakakapanghina naman 'yon... Nakakapagpalambot pa nga ng mga tuhod... Syeeet, kalma, Euna!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD