7: Unexplainable

1481 Words
"O, GUARDIE straight duty ka pala ngayon?" Hindi pa nakakababa ng motor ni Red si Euna ay napuna agad niya na hindi pa umuuwi ang night shift guard on duty nang umagang 'yon na pumasok siya sa convenience store na kaniyang pinapasukan. "Oo, Euna, wala pa kasing pinadala na bagong makakapalitan ko ang agency. Mamaya pa lang nila ihahatid sa client for interview, kaya paniguradong bukas pa ang start ng duty niyon." "Ah, so, umalis na pala si Manong Rob? Nag-resigned na?" sunod-sunod niyang tanong. Saka niya binigyan ng nagtatanong na tingin ang boyfriend na si Red. "Ahm, yeah, yeah, nag-resigned na si Manong Rob sa agency nila. Nag- start na siya sa ibang trabaho. Hindi ko pala nabanggit sa'yo na natuloy siya sa trabahong pinaglipatan niya," tugon naman nito. "Ah... talaga... E, 'di, goods naman pala for Manong Rob. Hindi na siya mangangamba na mawalan ng trabaho. Kawawa nga lang 'tong si Guardie." "Ayos lang, Euna. Naku, wala 'to. Kasali sa trabaho namin talaga ang ganito." "Sabagay, pinaidlip ka naman ata nila Reyna kagabi," biro niya sa lady guard na kinatawa lang nito. Nakakaidlip naman kasi 'to kahit dalawa o tatlong oras. Parang sila rin na mga nagtatrabaho ro'n. Wala naman kasing tao na tatagal na nakadilat sa gabi kung kailan dapat na matulog ang mga katawan natin. Nilingon niya si Red, na nananatiling naroon pala at hindi pa umaalis. "Bakit hindi ka pa umalis?" taka niyang tanong dito. Hinila nito ang palad niya't hinalikan ang likod niyon. Gano'n 'to 'pag nararamdaman nito na medyo inis siya or off sa mga nagawa nito. Pero s'yempre, iba naman ang ngayon sa mga petty things na kinainisan niya noon. "Aalis na nga, pinapalayas mo na e." He flinched her nose. Hinayaan lang naman niya 'to. Ah, basta, nagtatampo siya rito ngayon. Oo, nagtatampo siya na wala itong nabanggit sa kaniya tungkol kay Manong Rob na imposible na makalimutan nito dahil nagtatanong naman siya tungkol 'don na palagi na lang iniiwasan na sagutin nito at 'yon na nga ang problema—Iniiwasan nitong sagutin. Tatanggapin naman niya ang paliwanag nito kahit pahapyaw man lang sana ay shine-share nito, ano ba ang mahirap gawin do'n? Hindi naman ang pagtulong nito sa guard na si Manong Rob na makakuha ng ibang trabaho ang ikinaiinis niya, kundi ang halatang pag-iwas nito sa mga tanong niya tungkol do'n. Ang kaniya lang, bakit nito inililihim sa kaniya kung saan nito inilapit ng trabaho ang guard? Bakit ang bilis naman din na makalipat ni Manong Rob e, narinig niya pa last time na wala 'tong driver's license ah...? Nakakapagtaka lang. Kung sasagot naman ang nobyo sa mga tanong niya, hindi naman siya mag-iisip ng kung ano-ano. kaso, mas pinili nito na iwasan ang mga tanong na gumugulo sa kaniya kaya magdusa 'to sa inis niya. So far, 'yon pa lang ang unang beses na seryoso siyang nainis sa nobyo. Kaya hindi niya 'to tinugon na, inirapan pa niya 'to bago niya tuluyan na talikuran. HINDI siya nasundo ni Red that night. Nagpasabi naman 'to na hindi makakasundo at may mahalaga lang daw kasi na pupuntahan. Hindi ito ang unang beses na hindi siya nasundo nito nang maging sila na. Hindi rin naman niya 'to inoobliga na sunduin o ihatid siya dahil kaya naman niya ang sarili at hindi siya ang tipo ng babae na mahina at dedepende sa isang lalaki. Anyway, ang mahalaga naman ay nagpasabi 'to na hindi makakasundo. Isa 'yon sa boyfriend duties nito. Sa relasyon, dapat malawak ang pang-unawa mo at hindi niyo nakakalimutan na habang tumatagal kayo at lumalalim ang kung anong meron sa inyo, may sari-sarili pa rin kayong buhay para hindi niyo nasasakal ang isa't-isa. 'Yon ang isa sa susi para sa healthy na relasyon. Pero pwede namang magtampo dahil nagtatampo naman na siya kanina pang umaga. Kaya bahala 'to, hindi niya 'to rereply-an hanggang mamaya! Hindi man 'yon ang unang beses na hindi siya nasundo nito, 'yon naman ang unang beses na hindi siya nito nasundo nang may tampuhan sila. "ANG aga naman niyang Hen's Donuts na 'yan," bati ni Euna sa dalawang pamangkin at kay Reyna kinaumagahan. Maaga silang nagigising sa tuwing araw ng Linggo at nagsisimba kasi silang lahat bago pumasok ang kung sino man sa kanila ni Reyna. Day off nila ngayon. Alam niyang dumating sa bahay nila kagabi si Red habang tulog na siya sa kadahilanang namulatan niyang may Hen's Donuts na nilalantakan ang mga kasama sa bahay. 'Yon kasi ang paboritong pasalubong nito sa mga tao sa kanila sa tuwing uuwi 'to ro'n. "Hen's Donuts is life!" Ginulo lang ni Euna ang buhok ng pamangkin na si Arabella bilang tugon. Hindi yata 'to nagsasawa sa pasalubong na 'yon ni Red sa mga 'to. "Hindi ka na ginising ni Red kagabi at alas onse na siya umuwi rito naman," ani Reyna, makahulugan din siya nitong pinagmasdan. Euna rolled her eyes. Ang tingin na binigay sa kaniya ni Reyna ay nagsasabing alam nito na may tampuhan sila ni Red. Hindi talaga niya 'ko gigisingin kasi hindi ako nag- reply sa kaniya, alm niyang hindi rin ako gigising—ngali-ngaling isagot niya kay Reyna, ngunit minabuti na lang niyang sarilinin 'yon at nagtuloy na lang siya sa banyo. "Good morning, Babe..." Aba, gising na pala ang boyfriend niya't hayun, nilapagan na siya ng isang tasa ng kape. Tumikhim si Reyna upang kunin ang atensyon nila. "Ah, maiwan na muna namin kayo rito, bibihisan ko lang ang mga bata sa 'taas at nang makagayak na sila," paalam nito, na hindi naman hinintay na ang sagot sa kanila ni Red, inakay na nito sina Ian at Arabella paakyat. Napuna niya na nakagayak na si Red. Handa na 'to sa pagsama sa kanila sa pagsimba, nauna pang gumayak sa kaniya nga. Siya na lang pala ang hindi pa nakagayak. Mukhang misa na ng alas otso ang aabutin nila at mag-iinarte pa siya nang kaunti sa boyfriend— naman! At alam niyang alam ni Reyna 'yon kaya iniwan sila nito. Nang ilapit ni Red ang kinauupuan niyang monoblock chair palapit sa gawing likuran niya, naamoy niya kaagad na bagong ligo nga ang jowa niya—na ngayon ay nakapulupot na ang mga braso sa bewang niya at nakadantay ang chin sa kaniyang balikat— kaya mas lalong nalanghap niya ang bango nito. Shocks, nakakahiya sa amoy niyang amoy panis na laway pa! "Maiwan na rin kita, gagayak na rin ako," paalam niya rito. Gano'n mag-inarte e. Akmang tatayo sana siya para lumayo rito at nang makaligo na siya, hindi siya hinayaan nito, na inaasahan naman na niya. Mag-iinarte nga siya kasi 'di ba? Humigop na lang siya ng kape, do'n tinuon ang atensyon niya bilang indikasyon na hinihintay niyang magsalita ang nobyo. "Babe, I'm sorry, something important came up yesterday night..." Lihim na iningusan niya ang pagsasalita na naman nito ng wikang Ingles. Hindi lang niya alam kung nakakatunog ba 'to o hindi, na pinagtatakhan niya ang fluent na pagsasalita nito ng English. Hindi naman sa minamaliit niya ang boyfriend pero for a rider job? Kung ganoon naman pala ka- fluent mag- English 'to, aba, pwede pa sanang iba ang trabaho na kinarir nito! Ang Pilipinas pa naman ay isa sa bansa kung saan 'pag magaling kang mag- English, angat ka at kapag nagkamali ka sa salitang 'yon, iba- bash ka na at gagawing katatawanan. "...na sasabihin ko sa'yo, soon," pagpapatuloy nito. "sa ngayon kasi mahirap pa na i-explain, but promise, soon, very very soon, sasabihin ko rin sa'yo," dagdag pang pakiusap ni Red sa kaniya. Makahulugan na sulyap lang ang tinugon niya rito. Pinararating niya sa sulyap na 'yon na nagtatampo siya rito. Malalang tampo this time. So, hindi pa 'to handa na sabihin sa kaniya, e, 'di may ipapaliwanag nga. Ang tanong, kailan naman 'to magiging handa? Kinuha nito ang palad niya at pinisil 'yon. Dinampian din ng magaan na halik pagkatapos. "Babe, sorry," bulong pa nito. Bumuntonghininga siya, binawi niya ang sariling palad sa pagkakahawak nito. "May karugtong pa ba 'yan? Kung wala na ay hayaan mo 'kong makatayo na. Gagayak na rin ako." Bumuga 'to ng hangin at hinayaan na siya na makapagbanyo. "Yeah, I'll wait for you here." Hindi na niya pinansin ang huling tinuran nito sa kaniya dahil naiinis siya talaga. Hindi niya alam kung ano na ang kaniyang iisipin. Kung patuloy pa ba niyang iisipin ang mga pagtataka na nararamdaman niya o hahayaan na lang niya ang nobyo sa trip nito, as long as hindi naman malaking bagay ang pagkukulang nito sa kaniya—o hindi nga ba? Kung maliit na bagay lang 'yon kasi para kay Red ay bakit hindi nito masabi-sabi sa kaniya ang tungkol do'n? As if hindi niya naman 'to mauunawaan. 'Yon ang masakit e. At bakit gano'n na lang kung tumingin 'to? Na parang nagpapaunawa ngang talaga... Na parang hinihiling na balewalain niya na lang sana ang kung ano man na 'yon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD