8: Been Together For So Long

1317 Words
"HOY, Euna! Ikaw ha, mula nang jowain mo si Red, hindi ka na kumukuha sa 'kin ng tocino!" untag sa pananahimik ni Euna ng kapitbahay niyang si Marites. "O siya, sige, bigyan mo 'ko ng isang kilo mamaya, idaan mo na lang sa bahay, nando'n naman si Reyna. Iwan mo sa kaniya. Ikaw talaga, imbes na hindi ako magkautang, binigyan mo pa 'ko ng bayarin," kunwa'y reklamo niya rito. Humagikgik naman 'to sa sinabi niya. "Salamat! Naku, kailan ka pa ba naman naging makunat? Ikaw pa ba?" Totoong hindi na siya kumukuha ng kung ano-ano sa kung sino pang nag-aalok sa kaniya. Paano pa ba naman, puno ang ref nila dahil pinamimili sila ni Red buwan-buwan. Katwiran kasi ng nobyo niya, sa bahay naman din daw niya 'to halos na rin nakatira. Kaya raw ang grocery nito ay para na rin sa kanila. Hinayaan lang naman niya ang boyfriend at sino ba naman na girlfriend ang tatanggi kung gano'n ang boyfriend niya? Sabi nga ni Reyna ay hayaan na niya at gusto lang naman nito na makatulong sa kanila ng mga pamangkin niya kahit paano. Isa rin naman daw 'yon sa boyfriend duties. "Sa'n ka pupunta pala Euna? Bakit may bitbit kang termos?" Lihim na lang na naikot niya ang eyeballs niya sa pag-usisa ni Marites— talagang walang makakaligtas sa mga mata nito! "Nanganak na kasi si Nica," tugon niya. "Para sa kaniya 'tong termos. Aam mo na, kailangan ng bagong panganak ng mainit na tubig. Kaya rin ako narito sa kanto dahil dito kami magkikita ni Red. Susunduin nila 'ko ng byenan ni Nica. O, hayan ah, kumpleto na ang sinabi ko baka mabitin ka pa," birong totoo niya rito. Nakakahiya naman kasi sa hasang mo, Marites. Humagikgik naman 'to. "Napakapalabiro mo talaga!" pabiro pa siyang hinampas nito. "E, bakit hindi na si Red ang rider sa riles? Anong nangyari? Parang isang buwan na rin siyang wala sa riles ah..." Lihim na napaismid siya. Talagang nasa sagap mode ang kapitbahay niyang dakila at siya pa ang nabunot nito ngayon! "Nalipat na raw kasi siya ng area," tipid na tugon na lang niya rito, 'yon naman talaga ang sinabing rason ni Red sa kaniya. Hindi lang niya sure kung dapat bang sabihin ang totoo rito pero sinabi na rin niya. "Babae ang apo ko kay Nikka," dagdag info pa niya rito. Inunahan niya na para hindi na magtanong pa. "Sige ha, mauna na 'ko, nandyan na ang sundo ko." "Sige, ingat!" Nakangiting napailing na lang siya. *** "ANEECKA..." Mula sa malayo ay nakangiti na pinagmamasdan ni Red si Euna. May kagiliwan na niyayakap nito ang bagong silang na apo. Nakaraos na nga si Nica. Parang kailan lang. Nakakatawa lang isipin na lola na sa pamangkin ang magandang babae na nakilala niya sa buong buhay niya na may buhat ngayon sa bagong labas sa mundo na apo. Samantalang... "Babe, alam mo ba, napansin ko lang ngayon na mas bagay sa 'yo na maging nanay— nanay ng mga anak natin," he said and winked at his girlfriend. "Gago!" sabay na turan naman nina Euna at Jax sa kaniya. Nagtawanan na lang sila pagkatapos dahil sa corny na joke niya. "Grabe pala 'no, ang tagal niyo ng dalawa. Kaya yata nagpapahaging na 'tong kaibigan ko," kant'yaw ni Jax sa kaniya. "Unggoy ka talaga Lolo Jax," ganting-biro naman niya sa kaibigan. Pinukol niya rin 'to ng cotton buds na sinalo naman nito at agad hinagis pabalik sa kaniya. "Hay, naku, naglaro na ang mga bata! 'Yang Cotton buds na 'yan ay baka sumabog at masayang, sinasabi ko sa inyong dalawa," saway ni Euna sa kanila. "Isa pang grabe manermon 'tong si Lola Euna e," ani Jax, tatawa-tawa. "Tse!" They laughed again. But to be honest, hindi naman sumagi sa isipan niya na may mangyaring sekswal sa kanila ng girlfriend niya nang hindi pa sila mag-asawa nito. Malabo ang biro na 'yon ng kaibigan niyang si Jax. Hindi siya santo, mas lalong hindi siya righteous na tao pero iba kasi si Euna sa mga babaeng nakilala at minahal niya. Corny man pakinggan at hindi kapani-paniwala para sa makakarinig, pero hindi niya na nakikita ang sarili na mabubuhay na wala 'to. Si Euna na ang babaeng pakakasalan niya, alam niya 'yon sa sarili niya. Sana lang nga ay magkaroon na siya ng lakas ng loob na ipaalam dito ang mga bagay na alam niyang hinihintay na nitong malaman mula sa kaniya. Hindi na bale, kaunting panahon pa at maisasaayos na rin naman niya ang lahat. "Ang ingay ng Lolo Red mo 'no, baby?" Si Reyna, na kadarating lang. "Happy lang siya kasi napunta na sa magandang baby na 'to ang atensyon ko, 'di ba, baby? Akala ni Lolo Red ay abswelto na siya sa mga atraso niya sa 'kin dahil sa 'yo," ani Euna sa baby na karga. Nakangising napakamot na lang siya sa sariling batok. "Si Lolo Red na malapit na ang birthday! Pare, sa'n ka nga pala papauga? Timing naman at uhaw na uhaw na 'ko sa alak," si Jax, hinimas pa ang sariling t'yan. "Oo nga e, bulsa mo na lang ang hinihintay ko talaga, Lolo Jax," ganting biro naman niya rito. Halakhak ang tugon naman nito sa kaniya. Oo nga at malapit na nga siyang mag-birthday. At sa lahat ng taong malapit na ang birthday ay siya na yata ang hindi excited sa araw na 'yon. Na kung p'wede lang na mapigilan ang okasyon na 'yon, hiniling na niya talaga sa Diyos na awatin. "Tita..." Lahat sila na naroon ay napalingon sa kakagising lang na si Nica. Kaagad naman na dinaluhan ni Reyna 'to. "Dahan-dahan ang pag-upo." "Ang sakit po pala talaga," mahinang reklamo ni Nica. Hindi naman nakaligtas sa kaniya ang pagngiwi ni Euna habang pinagmamasdan nito ang hirap na kilos ng pamangkin. Natatakot na yatang manganak si Euna. Malinaw niyang nakikita 'yon sa rehistro ng mukha nito. Hindi niya tuloy maiwasan na mapangisi. Mas lumawak ang ngisi niya nang may pag-aalala sa mga mata na nilingon siya ng girlfriend niya. Tumayo siya mula sa kinauupuan niyang windowsill para lapitan niya 'to. Hay, kung alam lang sana ng babaeng mahal niya na kaya niyang gawan ng paraan na mabawasan ang sakit na mararanasan nito kung sakaling manganganak na 'to. In fact, kaya naman din yata na manganak 'to nang walang pain na mararamdaman. Narinig niyang may ganoon naman sa malalakinat pribadong ospital. Kung alam lang sana nito ang lahat, sigurado rin siyang wala sila sa maliit na clinic na 'yon ngayon. "Babe," untag ni Euna sa kaniya nang tumayo siya sa likuran nito. Marahan siyang natawa. Para kasing sa pagkakasambit nito niyon ay sinasabi sa kaniya na kung maaari ba ay 'wag na 'tong manganak. Na hindi nito kayang manganak na. Binalewala niya lang si Euna. Itinuon niya ang pansin niya sa baby na karga nito. "Ang cute naman ng newborn baby na 'yan. Soon ay mas prominent na kung kanino sa mga grandparents niya ang kamukha niya." Tila naunawaan siya ng baby dahil ngumiti ito. Napangiti siya, para kasing may kung anong humaplos sa puso niya nang makita niya ang tipid na ngiti ng baby. Nalipat ang tingin niya kay Euna na nananatiling nakamasid sa kaniya. Inakbayan niya ang girlfriend. "Babe, you don't have to be scared, you know. Ang pregnancy kasi at panganganak ay normal lang sa mga babae," masuyong aniya kay Euna. "But of course, katawan mo naman 'yan, your body, your choice. Hindi mo kailangan na ipilit ang sarili mo na magbuntis at manganak kung ayaw mo." "Sigurado ka?" Natawa siya sa tanong nito. "Oo naman. Saka ang ganyang bagay ay pinagpaplanuhan naman. Masyado pang maaga para katakutan mo," pagbibigay assurance niya sa nobya. Napangiti 'to. "Salamat. Malay mo, soon ay puwede nang lalaki ang manganak." Napaamang siya. "What?" Ang tawanan nina Reyna at Jax ang pumuno sa silid na 'yon na sinundan ng hagikgik ni Euna. Sh't, siya raw ang manganganak?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD