6: Ang Jowa Kong si Red

1571 Words
"MALAPIT na nga po ako sa pag- retiro, alam niyo naman po dito sa Pilipinas, humihinto ang tao na matanggap sa trabaho 'pag nagkakaedad na." "Ang sabi niyo ho ay marunong kayong mag- drive?" "Natuto na, Sir Red, kaya lang ay wala naman akong lisensya." "Wala pong problema sa license. Keep your number active lang po. Ako nang bahala sa inyo." "Sige po, maraming salamat po talaga, Sir Red." Napakunot-noo si Euna sa naulinigan niya na pinag-uusapan nina Red at ng guard nila sa convenience store na si Mang Rob. Lately na madalas niyang nakakasama si Red, marami 'tong ugali na mas nakikilala niya at alam niya. na gano'n din naman 'to sa kaniya. Malaking parte naman kasi sa relasyon ang pagkilala sa isa't-isa. At sa halos araw-araw na nakakasama niya si Red, hindi niya maiwasan na mapuna ang tila palalang- palala na something niyang nararamdaman dito. Something na hindi na siya talaga nano-normalan. O baka inaatake na naman siya ng kapraningan? Pero hindi e, hayun na nga at kataka-taka na ang pag-uusap na narinig niya rito at kay Mang Rob. Kagaya na lang kaninang palabas pa lang siya sa store at matanaw niya pa lamang na nag-uusap sina Red at Manong Rob, sa malayo ay parang ibang tao si Red kumpara sa Red na nakilala niya na ewan ba niya. Basta may kakaiba siyang naramdaman nang mamasdan niya ang nobyo sa malayo kanina. "O, 'yan na pala si Ms. Euna, Sir Red." Nakangiti na tinaguan si Euna ni Manong Rob, ginantihan din lang niya ng ngiti ang guard. Nang makita naman siya ni Red ay kaagad siya nitong inakay at sinuotan ng helmet na nakasabit sa motorsiklo niya. Gano'n kalambing na boyfriend si Red talaga. Awtomatiko siyang sinusuotan ng helmet at habang ginagawa nito 'yon ay tinititigan siya. Mula rin nang magkaroon sila ng official na relasyon ay palagi siya nitong hinahatid at sinusundo. "Ano ang pinag-uusapan niyo ni Manong Rob?" Naalala niyang itanong nang makasakay na siya nang maayos sa motor nito. "Ah, about sa work status niya. Pa- retired na pala siya sa edad niya, pero malakas pa si Manong Rob naman kayang-kaya pang mag- trabaho." "At? May alam kang trabaho na maaari pa ang edad niya?" Hinilig ni Red ang sariling ulo niya pasandal kay Euna at nilapat niya ang mga braso niya payakap sa girlfriend at sinimsim niya ang leeg nito nang mag- color red ang ilaw ng stoplight at pasumandaling nahinto sila. Ang lambing ni Red. Hindi ba? Oo, gano'n 'to kalambing. "Masakit ang ulo ko ngayon, Babe, para akong sisipunin na ewan." At ang galing din nitong umiwas sa tanong 'pag ginusto. "Inom kang gamot mamaya. Baka kulang lang 'yan sa pahinga. Saka huwag ka kasing sumusugod 'pag umuulan," wika na lang ni Euna. Kahit curious siya naman sa napag-usapan nito at ni Manong Rob kanina ay may tiwala naman siya sa boyfriend niya. Kaya okay lang kung hindi nito sagutin ang tanong niya. Kung hindi rin naman importante e, bakit nga ba nila pag-uusapan pa? Sana lang ay patahimikin si Euna ng mga narinig niya at nararamdaman niyang something. "MANONG Rob?" Malinaw na nababasa ang pangalang 'yon ni Euna sa nagbi-blink na phone ni Red na nasa mesa. Tumatawag 'to sa jowa niya na naliligo naman ng mga oras na 'yon. Napalingon tuloy siya sa banyo kung sa'n 'to naroon at naliligo nga. Oo, naliligo 'to ro'n sa bahay niya. Minsanan ay natutulog din 'to ro'n kasi. Adult naman na sila. At ang mga bagay na gano'n ay napag-uusapan at pinagsasang-ayunan ng mga adult na nasa isang open relationship ng sa kanila. Oo, nasa gano'ng level na ang relasyon nila nito. Na nakikitulog na 'to sa kanila lalo kung inabutan 'to ng bagyo. Alam naman niyanh hindi niya naman pagsisisihan ang desisyon na 'yon dahil iba 'to sa mga naging nobyo niya sa nakalipas. Sabi niya nga ay open naman ang kanilang relasyon at mga adult na sila. Buntonghininga na lang na inalisan niya ng tingin ang cellphone na patuloy na nagbi-blink ang screen. Kahit nagtataka siya sa biglaan na pagtawag ng guard nila sa nobyo, binalewala niya na lang 'yon. Hangga't maaari kasi ay ayaw niya sanang i-entertain ang mga kapraningan niya. Mas lumalala lang kasi, na siyang hindi dapat kung gusto niyang patuloy na maging maayos ang relasyon nila ni Red. Isa pa ay wala namang problema sa kaniya kung nais nitong tulungan si Manong Rob. Kung kakayanin natin tumulong sa paraan na alam natin, ba't hindi? Ang mundo ay puno na ng problema at pighati. Sa munting tulong na kaya nating ibigay, malaking bagay na 'yon para sa iba. Saglit lang na huminto sa pag-vibrate ang phone ay nag-blink ulit 'yon. Hindi tinitigilan ni Manong Rob ang pagtawag. Anong oras ba pumasok ng banyo si Red? Hindi na niya halos namalayan. Usually, pa naman ay inaabot 'to ng forty minutes sa paliligo. Ano kaya kung sagutin na niya ang tawag? "Babe? Who's that?" Akmang sasagutin na ni Euna ang phone nang siyang labas ni Red mula sa banyo. Nalingunan niya 'to na kakatapos lang maligo at nagpupunas ng basa pa nitong buhok. "Ah, oo, si Manong Rob, Babe. Kanina pa nga. Iniisip kong baka emergency kaya sasagutin ko na sana." Pinasya niya na iabot na lang dito ang aparato na hawak na rin naman niya. "Thanks, Babe," ani Red sa kaniya. Ngumiti ito pagkuwan at minuwestra sa kaniya na paraanin niya 'to at lalabas 'to ng bahay. Nasundan na lang niya 'to ng tingin nang tumalikod na 'to. May mga bagay na hindi niya maintindihan talaga rito. Katulad na lang ngayon, lumabas pa 'to para sagutin ang phone. Tapos ay kaunting kibot, nagpapasalamat. Oo, ngayon lang siya nakakilala ng gano'ng tao dahil sa squatter siya lumaki at nagka-isip. Hay, kakasabi lang niya na ayaw niyang lumala ang kapraningan pero nagsisimula na naman siya. Napailing na lamang siya't nagpasya na umakyat sa taas, magtitiklop na lang siya ng mga damit na kakaahon lang sa sampayan nga. . "ANO nga ang madalas mong sabihin sa sarili mo, Euna Del Fierro—na praning ka, madalas," saad ni Reyna matapos nitong ilapag sa mesa ang dalawang tasa ng kape na tinimpla nito para sa kanilang dalawa. Naikuwento niya na kasi rito ang mga bagay na napupuna niyang kakaiba kay Red kamakailan. Mga bagay na maituturing niyang hindi naman talaga normal na. Tulad na lang nang nakaraan na abutan niya si Red na beast mode habang may kausap sa phone niya. Hindi naman sa bawal magalit sa kausap o ano, alam niyang paminsanan ay hindi maiiwasan na may nakakaalitan tayo kahit sa telepono. Pero kasi, ang hindi normal para sa kaniya ay ang paggamit nito sa wikang English habang galit 'to na parang normal niya nitong nagagamit ang mga wikang 'yon. As in, fluent kaya! "Ewan ko Reyna. Hindi naman sa naba-bother ako pero malabo kasi na makalimutan at balewalain ko ang mga narinig ko. Kahit sinasabi ko sa sarili ko na hindi 'yon big deal, parang may nagtutulak sa'kin na i- big deal naman," pag-amin niya ng saloobin sa kaibigan. "Hindi ko rin naman sinasabi na mali ka sa pag-iisip mo nang ganyan Euna, kung ako rin naman ay mapapaisip kung gano'n na rin ang narinig ko kay Red. Aba, akalain mo, nakakapag- Ingles ng fluent. Paturo kaya tayo?" Hindi siya natawa. Tinignan lang niya 'to bago siya bumuntonghininga at humigop ng kape. "Euna, ang sa akin lang, halos limang buwan na rin naman na mula no'ng maging kayo no'ng tao, kung ano man ang sa tingin mo ay dapat niyang aminin sa'yo o sabihin, baka naman naghihintay pa 'yon ng tamang panahon o tamang pagkakataon." Hindi siya nagsalita. Tahimik na lang niyang tinuon ang atensyon sa kape na iniinom niya. "Hay, naku, tama na 'yan ha, 'yaan mo, 'pag nakausap ko si Red ay magpapahaging ako na magsabi sa'yo at sasabihin ko na napapraning ka na't mahirap nang mangyari 'yon," anito sa nagbibirong tono pa rin. Tipid na lang siyang ngumiti. Alam naman niya kasing pinapagaan lang ng kaibigan niya ang nararamdaman niya kaya 'to nagbibiro. Sana nga ay tama 'to. Sana rin, kung ano man ang aaminin ng nobyo sa kaniya ay hindi 'yon makasira sa relasyon nila. Mabait na boyfriend si Red at alam naman niyang walang perpektong tao at relasyon. Pinapanalangin na lang niya na sana ay maliit na bagay lang ang kung anong pakiramdam na 'to na sumisira sa isip niya at pakiramdam. Dahil ayaw man niyang ilagay sa kukote niya, pumapasok sa isip niya ang mga posibilidad na baka... "Saka, Euna, ang layo naman kasi niyang nilalaro ng utak mo 'no, alam mong rider 'tong isa, iba-iba ang nakakasalamuhang tao, saka natural kahit paano naman ay Ingles ang ginamit na salita niya sa application form niyon panigurado." Napailing siya. Hindi e, bakit nga kasi fluent naman? Ang taong marunong magsalita ng English at natuto na magsalita niyon ay magkaiba ang pagkakabigkas niyon dahil hindi naman 'yon ang native na language ng Pilipino. Nasa ganoong pag-iisip siya nang may pilit na sumisiksik sa kaniyang alaala... alaala na kaagad naman siyang umiling ulit upang mapalis kaagad 'yon sa isipan niya. Hindi niya na dapat na inaalala 'yon at mas lalong hindi niya dapat na ikonekta ro'n ang mga pagdududa niya sa boyfriend niya. Ah, mas lalong hindi niya dapat na pagdudahan ang nobyo. Hindi 'yon maganda para sa nais ng lahat na healthy relationship. Siya lang talaga 'tong praning...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD