9: Overheard 2.0

1374 Words
"MASYADO ka naman kung makatitig. Baka matunaw 'yan," pukaw ni Reyna sa pananahimik na pagtitig ni Red kay Euna. Nasa mesa si Red at tahimik na sumisimsim ng kape. Si Euna ay naroon sa munting sala, abala sa apo nito. Tanaw niya ang mga 'to mula sa kinauupuan niya. Tuwing araw ng day off ng nobya niya kasi ay naroon ang mag-ina na Nica at Aneecka. Pakiusap din ni Euna para maalagaan daw nito ang apo sa pamangkin. Masaya ang may baby sa bahay. Nakakatanggal ng mga alalahanin at pagod. Hindi niya akalain na maging siya ay mararamdaman ang mga 'yon sa pagdating ng munting anghel sa buhay nila. Yeah, buhay nila. He belong. He really felt that to his core. Ang saya lang niyon sa feeling. Sobrang saya. "Wala lang. Nakakatuwa lang na pagmasdan si Euna na may hawak na baby." Nakangising ganting pagbibiro niya kay Reyna. "Asus, sinasalarawang diwa mo na yata ang baby niyo e," kantyaw ng babae sa kaniya. Marahan na tinawanan niya lang 'yon. "Medyo, siguro? Pero seryoso, nakakatuwa rin na napalaki ni Euna ang mga pamangkin niya, hanggang ngayon na may anak na 'to ay hindi niya pa rin niya binibitiwan ang pagiging butihin na tita sa mga 'to. You know, kakaunti na lang ang ganyan." "Hmn, alam ko 'no." Naupo si Reyna sa tapat ng kinauupuan ni Red. "Sobrang dedikasyon at pagpapahalaga ang ibinigay ni Euna sa mga pamangkin niyang 'yan kasi nga sila-sila na lang ang naiwan sa kaniya noong pinasunog 'tong riles ng may-ari noong maliliit pa kami. Imagine, naiwan sa kaniya ang mga 'yan sa edad na wala pa naman siyang alam kung paano mag-alaga ng bata. Sa kaso niya, sa mga bata." "Narinig ko nga ang tungkol sa sunog na 'yon." "Oo, grabe. Talagang sa nangyaring 'yon ay tila planado na walang maiwan na pamilya rito sa riles. Kaya lang dahil din sa pangyayaring 'yon ay naawat ang pagkamkam nila sa sarili nilang lupain dahil nga marami talaga ang namatay. Nagkaroon ng imbestigasyon daw, ewan na namin kung ano nang nangyari ro'n. Dahil mayayaman ang mga 'yon, kahit gaano pa katagal ay maaabswelto ang mga 'yon sa mga atraso nila kahit pumatay pa sila ng sobrang dami. Bangungot ang sunog na 'yon para sa nakararami rito. Bangungot na kahit ayaw man namin na balikan pa, hindi naman din mangyayari at hindi pa rin naman sa amin ang lupang 'to, kahit pa nga ba maraming buhay na ang nabuwis para rito," seryosong saad ni Reyna sa kaniya. Marahas na napalunok siya sa mga narinig. Dama niya ang nagpupuyos na galit sa kalooban ni Reyna kahit pa ang ginagamit nitong tono sa kaniya ay neutral. "W—Wala bang balita sa kaso? I mean, sa progress or anything? Kahit sana magbayad sila ng danyos." Mariin na tinitigan siya nito bago 'to nagsalita ulit, "Noon ay nagpunta rito ang anak ng may-ari ng lupang kinatitirikan ng mga bahay rito sa iskwater, pinalayas sila ng lahat. May mga pamilya na hindi tinanggap ni isang kusing sa abuloy na binigay nila. Mayroong iilan na tumanggap dahil pera 'yon, bukod sa wala nang magagawa ang lahat at naupos na ang mga bahay, kailangan ng pera. 'Yon ang panahon na nagmistulang funeraria ang lugar na 'to dahil nga sa mga nangamatay na mga pamilya." "That was... too much..." Tumango si Reyna. "Natutulog ang lahat nang isagawa ang pagsunog tapos isinisisi pa nila sa mga tao rito ang pangyayari na kesyo dahil daw kasi sa mga jumper na kuryente kaya nagkasunog." Typical nga na case ng mga mayayaman na nais makuha ang lupa nilang napabayaan ang kuwentong iyon. Tipikal man at narinig na niya ang ganoon, hindi pa rin niya lubos maisip kung bakit may mga tao na gano'n na lang kung pumatay... "I... I don't know what to say..." "Hindi mo naman kailangan na magkomento rin sa mga natapos nang pangyayari. Red, gusto kong sabihin sa 'yo na malaki ang pasasalamat ko na nariyan ka para kay Euna. Na malaki ang tiwala ko sa 'yo, kaya kung ano man ang mga bagay na alam mong makakapagpagulo sa inyo, sana ay maagapan niyo pa. Ang pagiging busy ay normal naman. Ang hindi lang normal ay ang guts natin na nagtutulak sa atin para mas maguluhan tayo." "Uhm..." bigla siyang naguluha sa tinakbo ng usapan nila nito. Kaya hindi niya alam kung ano ang susunod niyang sasabihin dito. "Hay, huwag na natin ngang pag-usapan 'yan at tapos na naman na 'yan. Maiba ako, ikaw, kumusta?" "A—Ako? Okay naman. I'm good. Yeah," he answered, shrugging his shoulders. "Sobrang busy mo na kasi. Buti nga lately ay naririto ka, nababawasan ang kapraningan ng girlfriend mo." He frozed. Tama bang isipin niya na kanina pa tila may laman ang mga sinasabi sa kaniya ni Reyna? "O, natahimik ka," sita sa kaniya ni Reyna. "Red, ang sa akin lang naman, kung mayroon kang hindi nababanggit kay Euna ay bakit hindi mo subukan na banggitin na para sa ikakapanatag niya." "M—May hindi ba sinasabi si Euna sa 'kin na problema namin? I mean, lately nga ay busy ako sa bagong area na na-assign sa 'kin, kung sana ay maaaring dito na lang ako sa riles sana mag-deliver, walang magiging problema." "Kaya nga e, kung bakit naman nagbago pa ang area mo. Hayan tuloy, napapraning ang ale." "Bakit naman? Ah, mabuti pa ay kausapin ko si Euna mamaya." "Mabuti pa nga. Lambingin mo at baka kinukulang lang sa lambing 'yan," pagbibiro pa nito sa kaniya. To be honest, sa tagal na nilang mag- girlfriend ni Euna ay ngayon lang nakausap ni Red si Reyna nang ganoon katagal. Panay greetings lang at kaunting biruan ang kanilang napagsasaluhan kaya nagugulat siya ngayon sa nakikita niyang behavior nito. Kung magsalita pala 'to ay malaman. O, baka kung ano-ano lang din ang iniisip niya? "Ah, Reyna..." "O?" "May isa lang akong tanong sana..." "Ano 'yon?" "'Yong pangalan no'ng owner ng lupang 'to, kilala niyo ba?" "Huh? Bakit mo naman naitanong?" "Ah..." Bakit nga ba? Think, Red! "Pero sa pagkakaalam ko H Builders? Hindi ko sure e. Pero parang kulang ang H Builders..." "H & D Builders?" "Oo, 'yon nga! Sila nga. May mga firm sila talaga. Sadyang mayayaman. Tapos 'yon nga, binalak nila noon na kunin ang lupang 'to para sa expansion ng railroad. Kaso mo, ang mga tao rito ay hindi naman nila mabigyan ng magandang malilipatan." "Bakit wala? I mean, bago kasi ang isang proyekto—" Hindi na naituloy ni Red ang dapat niyang sasabihin dahil nag-ring ang kaniyang phone na nakalapag sa mesa. Tumayo siya at nag-excuse na muna kay sa kausap, na tumango naman. Kung lilingon pa sana si Re ay makikita niyang sinundan siya ni Reyna ng tingin hanggang sa makalabas siya ng bahay para kausapin ang tumatawag sa phone niya. Sinundan siya nito ng tingin dahil nahagip ng mga nito ang pangalan ng nakarehistro sa phone niya... *** "NO, H, don't me. Yeah, yeah, uuwi na ako. Yes, you heard me right, I'm going home because I have something to discuss with Grandpops. Yes, bye." 'Yon ang mga narinig ni Reyna mula kay Red bago nito ibaba ang phone nito. Uuwi... Have something to discuss with Grandpops... Hindi siya maaaring magkamali sa mga narinig niya mula sa rider. Iyon na ba ang sinasabi ni Euna na hindi normal dito? Dahil kung tatanungin niya ang biglaang pagkabog ng dibdib niya ngayon ay alam niyang may kakaiba nga sa mga narinig at nakita niya kanina lang mula kay Red... Henson! "Reyna, kanina pa kita hinahanap sa loob, nariyan ka lang pala," untag sa kaniya ng kadarating lang na si Euna. "E—Euna..." "Ano ang nangyari sa'yo? Para kang nakakita ng multo, kinalabit lang naman kita..." Umiling-iling siya. "A—Ahm, wala. Wala. N—Nagulat lang ako sa pusang itim na biglang tumalon dito," pangangatwiran niya na lang. Hinila na niya ang matalik na kaibigan palayo roon bago pa nito makita ang nobyo nito na may kausap doon. "Tara na, nakapagluto na 'ko ng hapunan ah. Kumain na ba kayo?" "Kaya nga kita hinahanap e, para ayain na kitang kumain. Kayo ni Red. Nakita mo ba siya?" tanong ni Euna sa kaniya. "N—Nagpaalam si Red na may bibilhin sa labas."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD