10: Secret Reveal

1771 Words
HALOS one week na rin nang huling makita ni Euna ang boyfriend niyang si Red. Lately ay busy raw 'to sa trabaho. Iyon lang din ang tanging rason na binigay sa kaniya kaya nito kaya missing in action ito nang ganon katagal. Para sa kaniya ay wala namang problema iyon. Naga-update naman sa kaniya ang nobyo sa text at tawag. Kaya lang ay mas madalas na tulog na siya kapag nag-text ito at tumawag. Abala rin siya sa trabaho niya. Wala pa rin namang problema sa kaniya iyon. Nilalawakan na lang niya ang pang-unawa niya at hindi na rin naman sila mga bata ni Red. Uulitin niya, ang mahalaga naman sa kaniya ay nagpaparamdam ito at hindi kinakalimutan ang duties bilang boyfriend niya. Ang mahalaga ay alam niya kung ano na ang nangyayari rito. Kahit minsanan na lang niyang makausap at sasaglit na oras lang, huwag lang na walang paramdam talaga at maghahalo ang balat sa tinalupan. Okay, aaminin niya nami-miss niya na ang nobyo kaya nagtatampo siya madalas dito at hindi niya na rin halos nire-reply-an ito para basta na lang bumungad sana ito sa pinto ng bahay niya gaya nang nakagawian nito sa tuwing nararamdaman nito na nagtatampo siya. Ngunit tila walang epekto sa nobyo niya ngayon iyon. Baka sobrang busy lang nito talaga. Ayaw naman niyang isipin oras-oras ang biglaang pagkaabala ng boyfriend niya at ayaw niya rin na i-entertain ang mga bad thoughts na namumuo sa kaniya sa tuwing iisipin lang niya at kasabay pa niyon ay ang pag-entertain niya rin sa hindi magandang pakiramdam niya na walang basehan para maramdaman niya—na tila milya ang agwat nila ni Red. "Uy, ito! bagay 'to Red!" pukaw ni Reyna sa nilalakbay ng utak niya. May hawak itong long sleeves polo nang lingunin niya. Basta na lang sigurong hinila nito iyon sa mga nadaanan nila. Ewan, hindi na niya namalayan. "Saka ito pa! Naks, g'wapong-g'wapo siguro si Red sa mga damit na ito 'pag nagkataon." Isang pilit na ngiti ang sinagot ni Euna sa kaibigan nang ang sumunod na hinila nito sa mga clothes rack na naroon ay isang neck tie na nababagay sa long sleeves polo na siyang hawak nito. Napailing na lang siya. Kinuha niya ang mga hawak ni Reyna at saka niya iyon binalik kung saan nito mga nakuha ang mga iyon. Baliw talaga madalas si Reyna. "Sira ka talaga, Reyna, aanhin naman ni Red ang mga 'yan?" As if naman na nag-o-opisina ang birthday boy para pagsuotin niya ito nang ganoon. Oo, malapit na nga ang birthday ni Red. Kaya nga sila nandito ni Reyna sa mall ngayon ay para mamili ng ipanreregalo niya sa nobyo. Hiling niya nga lang na sana ay mabawasan na ang pagiging abala nito. Iyon pa naman ang unang kaarawan nito na mayroong sila. "Ay, sorry naman. Na-excite lang talaga 'ko. Pero bagay 'yon kay Red naman talaga, aminin mo," hirit pa ni Reyna sa sariling kalokohan. "Oo naman. Bagay talaga 'yon kay Red. Kaso ay hindi niya 'yon magagamit naman. Kaya nga sabi ko sa'yo helmet na lang siguro ang iregalo ko sa kaniya." "Boring naman! Bago pa nga ang helmet ng jowa mo e, reregaluhan na naman ng bago." Nagkibit lang siya ng mga balikat bilang tugon kay Reyna. Oo, napuna rin nga niya na bago na naman ang helmet ni Red noong nakaraan. To think na ang presyo ng helmet na 'yon pa ay naglalaro sa 6k to 7k. Hindi na nga lang niya ito tinanong at sa buhay, lalo kung nagtatrabaho ka naman nang sagaran ay deserve mong bilhan ang sarili mo ng mga pricey na bagay na makakapagpasaya sa 'yo. "Mars, huwag ka nang malungkot d'yan. Darating 'yon sa birthday niya 'no at takot lang niyon na isumpa mo siya," pagkokomedya ni Reyna nang mapuna siguro ang biglang pananahimik niya. "Alam mong hindi 'yan ang kinalulungkot ko, Reyna." Napabuntong-hininga si Reyna. "Euna, alam mo ba na pinag- iisip mo rin ako sa mga isipin mo na 'yan?" Natigilan na hinarap niya ang kaibigan. "S—Sorry ah, pero kasi hindi ko lang talaga maiwasan na mag-isip," malungkot na turan niya sa matalik na kaibigan. Mapait din siyang ngumiti pagkatapos. Parati man niyang sabihin sa sarili na ayaw niyang mag-isip nang kung ano-ano, hindi niya pa rin talaga maiwasan. Si Red kasi ang pinag-uusapan dito at hindi ang kung sino lang. Si Red na mantakin man niyang isipin ay hindi na niya kakayanin na mawalay sa kaniya. "Hay, Euna Del Fierro, tama na nga muna 'yan! Hayaan mo at pagdating ni Red ay bubuskahin kong lambingin ka nang todo. Uy, ngingiti na 'yan," pagbibiro pa nito sa kaniya. Napailing na lamang siya't ngumiti sa kaibigan. Ganoon naman si Reyna, pinapagaan ang lahat ng mabigat. "Sira ka talaga, Reyna, naku. Ay siya, lumabas na nga tayo rito. May naisip na 'kong regalo na bibilhin para kay Red at may sariling store 'yon sa labas at wala rito," aya na lang niya rito pagdaka. "Taralets! Bilhan na rin natin ng pasalubong ang dalawang bagets. Bagong bukas daw ang Hen's Boys Donuts dito e, narinig ko kanina na grand opening nila. S'yempre, ano pa ba ang best pasalubong para sa mga pamangkin mo? E, 'di 'yong favorite nila!" May point naman. BAGONG bukas nga ang sangay ng Hen's Boys Donuts sa loob mismo ng pinakamalaking mall na iyon sa Metro. Malayo pa lang ay tanaw na nina Euna at Reyna ang kumpulan ng mga tao na nagkakagulo para makabili roon, mga makukulay na lobo, maingay na tugtog na nababagay sa atmosphere na nagaganap ngayon sa tindahan. May mga tao rin na may bitbit na camera. Nakaka-anyaya rin na bumili dahil sa malaking banner na 'Opening Promo' na nakapaskil sa harapan ng tindahan. May standee rin ang maganda at palangiti na modelong... Kumunot ang mga kilay niya. Kung hindi siya nagkakamali ay nakita na niya sa personal ang modelong nasa standee sa harap ng store—ito ang babae na minsang naging customer nila ni Joy! "Nakita ko na 'to e," aniya kay Reyna nang mapatapat siya sa standee, titig na titig siya roon. "Oo naman, sikat kaya 'yan. Madalas 'yan sa TV commercials. Siya 'yong palaging nag-e-endorse sa mga fastfood chains. Sexy kumain 'yan kasi. Si Haya Henson," tugon ng kaibigan niya sa kaniya. "Ang ibig kong sabihin, nakita ko na siya sa personal." Namilog ang mga mata ni Reyna. Wala na pala sa kaniya ang atensyon nito. Nang sundan niya ang tinitignan nito ay nagulat din siya sa nakita. "Euna, tara, hayun pala si Haya! Magpa-picture tayo, dali!" Namalayan na lamang niyang kinaladkad na siya ng kaibigan papasok sa tindahan ng donut. "This toast is for the comeback of the Hensons CCEO!" "Para sa maingay na pagbabalik ng CCEO," anang mga luko-lukong pinsan ni Red. Itinaas ng mga ito ang mga hawak na lata ng beer at nagtatawanan na pinag-umpog ang mga iyon. "Shut up. You guys not supposed to call me like that dahil wala naman tayo sa office. Hindi ko rin alam kung makakabalik pa 'ko sa opisina. But I guess, sa ganitong activity ay kikilos ako," matapat na sambit niya sa mga pinsan niya. "Wala namang problema, basta ikampay na natin ito para sa isa pang huge success ng Hensons Boys!" Nakangiting napailing na lamang si Red sa pinsan niyang si Grey. Nakiloko na rin siyang inangat ang hawak niyang lata ng beer. Kung sabagay naman ay masaya at fulfilling talaga ang trabaho niya lalo na kung ganito ka-success ang kinauuwian. Masaya siya na muling napatunayan ang kakayahan niya sa lolo niya sa loob ng maikling panahon na binigay nitong palugit sa kaniya. Well, hindi naman din siya tatawaging 'Golden Head' for nothing. And he's so grateful to God for that, again. Iba ang tagumpay niya ngayon kesa sa mga nakaraan niyang tagumpay ngunit aaminin niyang tinatalo pa rin siya ng kasalukuyan niyang alalahanin. Paanong hindi? Malaking problema ang naghihintay na kakaharapin niya na ang involve ay walang iba kundi ang kahinaan niya... ang babaeng pinangako niya sa sarili na ihaharap niya sa dambana... "Ew! Look at the mess you've done! You ugly b***h!" Ang matinis at maarte na boses na iyon ang pumutol sa tawanan nilang magpipinsan. Pamilyar man sa kanilang apat na magpi-pinsan kung sino ang may-ari ng boses na iyon at sabay-sabay pa rin nilang may iritasyon na nilingon ito at ang panibagong palabas nito. What's new? Gaya nang inaasahan na nila, lahat ng taong nandoon nilingon ang babaeng tumili. Wala namang pakialam si Venus, sanay na sa atensyon. Oo, si Venus na naman nga iyon. Dumarating talaga ito sa mga event ng Hensons kahit wala itong imbitasyon. Katwiran nito ay may VIP card naman daw ito. "What's wrong with her this time?" bulong ni Grey sa tabi niya. Red shrugged his shoulders. Prenteng ininom muna niya ang alak niya bago niya pagtuunan ng pansin si Venus Valderama. Nasamid siya sa iniinom niyang alak pagkuwan. Ang katabi lang naman ni Venus, ang nakakatikim lang naman ng kamalditahan ng huli ngayon ay walang iba kundi si... Euna! "Euna...?" "Euna? The girl you've been talking to—" Wala nang pakialam sa mga tanong ng mga pinsan na hinabol na ni Red ang tumatakbo na ngayon palabas ng store na si Euna! Oo, kung gaano kabilis na makita niya ito at magtagpo ang mga mata nila ay ganoon din kabilis itong tumakbo palabas! "WHO'S that freaking b`itch? Pagkatapos akong tapunan ng drink ay basta na lang tumakbo palabas! Pupusta akong ni hindi alam ng froglet na iton na kulang pa ang buhay niya sa presyo ng dress kong 'to," litanya ni Venus, saka tumili na naman. "Venus, please, stop making a scene," ani Haya rito. Napahigit ng hininga si Reyna. Kinakalma niya ang sarili niya habang nakatingin siya sa babaeng nasagi ni Euna kanina. Oo nga't natapon ang drink na iniinom ng kaibigan niya sa Venus na ito, pero iyon naman ay dahil sa gulat nang makita nila si Red na naroon. "Miss, narinig kong nag-sorry na sa 'yo kanina ang kaibigan ko," untag niya sa babaeng tinawag ng modelong si Haya na Venus. Nilingon siya ng mga ito. "Halata naman na marami kang pera. Kung hindi mo kayang suotin ulit ang damit na natapunan ngunit puwede namang labhan, bumili ka na lang ng bago kesa naghihisterikal ka na para kang walang pambili. Isa pa pala, bago mo itaya ang LV bag mo, siguraduhin mo muna na ipapanalo mo ang laban sa napili mong kalabanin at baka umiyak ka lang sa huli sa pagsisisi 'pag nakuha ng iba 'yang mamahalin mong bag," aniya rito, bago siya nagmartsa na paalis sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD