12: The Henson Family

1582 Words
"THE success of Henson is all over the news, congrats! Papa," pambungad na bati ni Celeste sa kaniyang biyenan nang umagang iyon. Hinalikan nito sa pisngi ang don bilang pagbati gaya sa nakasanayan nito. Ang mga lalaking Henson naman na mga anak ng don na sina Vincent, Victory at Vlast— na siyang asawa ni Celeste ay mga nagmano sa matandang Henson. "Thank you, Celeste, alam mo naman ang husay ng aking mga apo pagdating sa negosyo ay hindi talaga matatawaran," Don Vladimir Henson proudly said. "I totally agreed with that, Papa," sagot pa ni Celeste sa byenan. Halatang dikit ang mga ito pagdating sa usapin sa negosyo dahil may sariling negosyo rin si Celeste Gandiola-Henson na minana nito sa mga magulang. "Ehem, ako ang nagpalaki at humulma kay Blue, natural lang na ang husay niya sa paghawak ng negosyo ay manahin niya sa 'kin," singit ni Victory sa usapan. Tukoy ang CEO ng Henson Corp. na si Blue. Hindi naman naiwasan ni Zen na mapaingos sa sinabi ng hambog niyang asawa na si Victory. Sinong hindi mapapaingos kung gayon na si Blue ang pinagmamayabang nito parati imbes na ang sariling anak na si Red? Oo, ito nga ang nagpalaki kay Blue Henson. Maaga kasing naulila ang huli sa mga magulang na siyang panganay na anak sa labas ni Don Vladimir Henson. Pero wala namang nagtanong sa bagay na iyon kaya dapat na nanahimik na lang sana ito. "Fifty two branches and all of them are grand opening, that was a huge success, Papa. Considering na nagawa lang 'yon ng isang buwan lamang," anang panganay naman na anak ni Don Vladimir na si Vincent. "Sinabi mo pa, Vincent." "And why, kilala ko kung kaninong performance ang ganito. Kung kaninong style." Isa-isang matiim na sinulyapan ni Vincent ang mga taong kaharap sa hapag habang sinasabi nito iyon. "What do you mean by that, Kuya Vince?" "Vlast, alam mo naman 'yang si Vince, kung ano-ano ang pinagsasabi." "Mas matagal kong na-trained ang mga bata kaysa sa 'yo Vic. And just like the other businessmen, may kaniya-kaniyang istilo rin ang mga pamangkin ko sa pagpapatakbo ng negosyo." Napangisi ang don sa usapan na namagitan sa mga anak niya. Pare-pareho itong mga matataas ang ihi kaya hindi na nakakapagtaka na hindi ito mga nagkakasundo. "Good morning, oldies!" Si Blue na kanilang pinag-uusapan ay siyang dating mula sa pag-ja-jogging. Agad itong nagmano sa abuelo at humalik sa pisngi ng dalawang t'yahin. "I would like to congratulate you, Blue Henson. You nailed it again!" masiglang sambit ni Victory kay Blue. "Er, I guess there's a little mistake here. Grandpops, hindi mo ba sinabi kay Uncle Victory?" The don just shrugged his shoulders. "Kailangan ko pa bang sabihin 'yon sa kaniya? Hindi ba at ang tatay ang siyang dapat na nakakakilala ng higit sa anak niya," Don Vladimir said sarcastically. Napunta ang mga mata nito sa anak na si Victory, pagdaka. ANG pagtatalo na iyon ay narinig ni Red. Nakakubli lang siya sa may kitchen area at hindi nagpakita sa mga matatandang Henson. Ang mga ito ang dahilan kaya siya napunta kay Jax— ang pamilya niya. Well, ayaw na lang talaga niyang pakaisipin pa ang mga bagay na tapos na at ang mahalaga lang naman sa kaniya ngayon kaya siya nagbalik sa mansion ng Henson ay dahil kay Euna. Ang kung anong mayroon sila. Kailangan niyang makausap ang lolo niya tungkol sa relasyon ni Euna. Relasyon na sa tingin niya ay napaghandaan na niyang tunay this time. "Nagtatalo sila ro'n, hindi na sila nagsawa," reklamo ng pinsan niyang si Grey na kakapasok lang sa kitchen area kung saan naroon si Red. "What else is new? Kaya nga nawalan na 'ko ng gana na sumabay sa kanila," si Haya naman ang nagsalita, ang nag-iisang pinsan niyang babae na anak ng Uncle Vlast niya at Auntie Celeste. "You guys complaining na para bang kayo si Red," singit naman ni Blue, tuloy ang mga nasambit na reklamo nina Grey at Haya. Nalukot tuloy ang mukha ng dalawa. Kapag kasi si Blue na ang humihirit, wala nang panama ang mga ito. Lumaki silang magpipinsan na superior nila si Blue katulad ng posisyon nito sa Henson Corp— CEO. "And you, Red, inaasahan ko na lalabas ka kanina." Marahan na natawa siya. "Hindi ako magtatagal dito Blue, kahit na bumalik na 'ko sa trabaho." Maarteng suminghap si Haya. "Whutt?! You gotta be kidding us, R!" "Hmn, not really. Ang purpose ng sadya ko rito ngayon ay ang makausap si Grandpops at nang malinawan na ang usapan namin. After that, alam niyo naman na susuyuin ko pa si Euna." Si Euna na to be honest ay hindi niya alam kung paanong susuyuin. Makailang ulit niya itong tinawagan kagabi buhat nang umuwi ito from mall pero kahit isa sa tawag o text niya ay wala itong sinagot. Saglit niyang hahayaan na muna ang girlfriend at hindi niya naman ito napuntahan pagkatapos nitong malaman ang tungkol sa pagkatao niya dahil pagbalik nilang magpipinsan sa bagong bukas na Hen's Donuts sa mall na iyon ay nagulat silang naroon ang kanilang lolo. Hindi naman kasi nito gawain ang pagpunta sa mga businesses activities ng mga apo. And yeah, hindi na siya nakaalis after that para mapuntahan man lang kahit sandali sana si Euna. "But you can make suyo naman to her while you're here with us e," maarteng sambit pa ni Haya. "H, hanggang ngayon ay hindi ka nagbabago sa pagsasalita mo," ani Red sa pinsan na coño. "Ack, nililihis mo naman ang usapan!" Tawa lang ang sinagot ni Red sa pinsan. "I just need to talk to Granpops, that's all. Pakitawag ako 'pag nasa library na niya siya," bilin niya sa mga pinsan na lang. Wala siyang balak na lumabas sa kitchen para lang makita at makaharap ang sarili niyang ama. Stress lang. Ipipilit na naman ng mommy niya sa kaniya na pakisamahan ito kahit kung tutuusin ay ito mismo ang walang pakisama. To think na anak pa siya nito, wala man lang kahit katiting na pagka-proud siyang naririnig mula rito patungkol sa kaniya. Wala siyang masamang tinapay kay Blue. Maluwag din ang loob niya na tanggapin na second best siya kay Blue, iyon ay napapalihis lang madalas nang dahil kay Victory Henson. Sila naman na magpinsan ay ayos sa isa't isa. Kung may tampuhan sila ay naaayos naman nila iyon kaagad kahit hindi nila napag-uusapan. Ganoon sila ka-flexible sa isa't isa. "Alright, I will text you," Blue said before he turned his back to him. "Thanks, Kuya Blue," and that 'Kuya' from Red is always visible kahit Blue lang kung tawagin niya ito. Alam ni Red na alam ni Blue iyon. Kaya nga malapad itong napangiti nang lingunan siya, ngiti na napakadalang nitong gawin. "HELLO, apo kong matigas ang ulo." "You know that that's not true," mariing tugon ni Red sa lolo niya. Naupo si Red sa isa sa apat na upuan na nakahilera sa harap ng mesa nito sa hindi niya malaman na rason. Well, dahil hindi naman ito abogado para sa apat na upuan na iyon. Isa pa ay library office naman nito ang k'warto, kung may bibisita sa lolo nila roon ay siguradong iisa lang ang makakapasok sa higpit ng don. Ah, ano ba naman ang pakialam niya sa mga upuan na iyon na kahit itanong naman niya rito at siguradong hindi rin sasagot ang lolo niya nang matino. "Totoo 'yan, apo ko. Nagmana ka kay Victory." Tumaas ang kilay niya sa sinabi ni Don Vladimir. "Mas hindi 'yan totoo. Hindi niya kaya ang kinakaya kong gawin para sa company mo." Malakas na natawa ang don. "Sabi ko na nga ba ay 'yan ang isasagot mo sa 'kin." "Tigilan natin ang pagsali sa pangalan ni Victory rito. Grandpops, masyado kang masaya ngayon at alam kong 'yan ay dahil napauwi mo na 'ko rito na akala mo ay abswelto ka na sa atraso mo sa 'kin." Isang malakas na tawa na naman ang pinakawalan ni Don Vladimir. Natutuwa siya sa apo niyang si Red. Sobra kasing tigas ng ulo nito na ang tanging sinusunod ay ang sarili. Well, ibibigay sana ni Don Vladimir kay Red ang ugali nitong iyon kung sana ay minsanan lang itong mapahamak sa mga desisyon nito sa buhay. "Well, I'm glad that your back, first and foremost, Red Henson." "Thank you," pormal na sagot naman ni Red sa kaniyang lolo. "About sa agreement natin, natutuwa ako na hindi mo na naman ako binigo." "Don Vlad, bukod sa hindi ka naman maaaring biguin dahil iinit ang ulo mo at aalisan mo ako ng mana ay hindi ka tumatanggap ng pagkabigo." Tumawa na naman ang don. Halatang aliw na aliw sa apo na kay tagal din nitong inasam na makitang muli sa kaniyang mansion. "Apo, stop talking na akala mo ay mamumulubi ka 'pag inalisan kita ng mana. May minana ka pa sa 'yong abuela." Sa totoo lang, natutuwa si Don Vladimir sa ipinakitang tapang ni Red sa kaniya nang maglayas ito at namuhay bilang ordinaryong tao na malayo sa karangyaan na nakasanayan. But of course, ang lahat ng kilos nito ay pinapamanmanan niya. Kaya nga alam niyang darating ang araw na ito. "Hmn, maybe. So, pumunta na tayo sa agreement, naiinip na ako, Granpops," halatang inip na sabi nga ni Red. "Wala naman akong ibang sasabihin tungkol sa agreement na 'yan, apo, kung hindi, congratulations." "Congrats and? Parang may kulang pa, Grandpops..." Napangisi ang don. "Yeah, hindi na mauulit ang nagawa ko noon kay Aira. Humayo ka na, apo at magpakarami."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD