11: The Real Deal

1483 Words
MABILIS na hinabol ni Red si Euna, kasehodang siksikan ang mga tao ngayon sa mall na iyon dahil araw ng Linggo. Kasehodang sa kumpulan ng mga tao ay humahalo si Euna at halos maglaho na ito sa paningin niya. "s**t! Ang biis pala niyang tumakbo!" At sa bilis ng takbo nito, natatakot siya na baka damputin na lang silang dalawa ng mga guards ng mall at mapagkamalan silang shoplifter! "Oh, hell!" he cursed under his breath. Namataan niya na kasi si Euna na umaakyat. Saan kaya ito pupunta? Hindi naman doin ang exit ng mall! Pero s'yempre ay hanggang pagtatanong lang siya sa sarili at pagrereklamo na nakakahingal na ang pagtakbong ginagawa niya dahil alam naman niya sa kaniyang sarili na hindi naman din niya hahayaan na makauwi si Euna ngayon nang hindi sila nagkakausap. Kailangan niya itong mapaliwanagan sa nasaksihan. Umaasa pa rin siya na kahit paano ay maunawaan siya nito. Nasa ganoong isipin si Red nang sumuko na ang mga tuhod niya sa pagtakbo kaya nagpahinga muna siya. Isa pa ay ang tinahak ni Euna na daan patakbo ay paakyat na slide ang daan! Kaya nakakahingal talaga. Oo, sa parking lot ng mall ito nagpunta sa hindi niya malaman na dahilan! Ngayon siya talaga mas napapabilib ni Euna talaga, grabe! Parang hindi ito napagod sa ginagawang pagtakbo mula pa kanina. "RED Henson. One of the Hen's Boys of Director Vladimir Henson, bakit nakahinto ka? Sumusuko ka na ba? Agad-agad?" Mapanuyang sambit ni Reyna kay Red. Bigla na lang itong sumulpot sa tabi niya habang humihingal siya sa pagod at nakahawak sa kaniyang mga tuhod. Awtomatiko ang pagdilat ng mga mata niya sa narinig mula kay Reyna. "A—Alam mo na..." Tumango ito. "Hindi pa man nangyari ang araw na 'to ay alam ko na. Pasens'ya ka na, hindi ko naman akalain na sa ganito pa kayo aabot ni Euna. Hindi ko naman alam na pag-aari niyo pala ang Hen's Boys Donuts." "I..." Hindi malaman ni Red ang sasabihin. Kung may ibibigay na salita ang utak niya sa bibig niya ay bakit napakatagal naman yata ng proseso niyon? "Mabilis talagang tumakbo si Euna," Reyna said again, "Maraming naiuwi 'yang medalya no'ng nag-aaral kami dahil sa bilis at liksi niya sa pagtakbo. Alam mo ba na sinisisi niya ang sarili niya sa sunog na nangyari noon nang dahil sa pamilya mo, mabilis kasi siyang tumakbo at nailigtas niya ang mga pamangkin at ang kaniyang sarili dahil do'n. Ngunit ang skill niyang 'yan sa pagtakbo ay kinulang pa rin noon. Hindi niya pa rin nahabol ang apoy na tumupok sa bahay nila at tumapos sa buhay ng kaniyang pamilya." Patlang. Kahit pa ba ilang segundo lang iyon ay hindi manhid si Red upang hindi niya maramdaman na hindi pa tapos sa pagsasalita nito si Reyna. Si Reyna na puno ng simpatya ang mababakas sa mukha ngayon. Simpatya para sa kaniya... "Hindi pa alam ni Euna. Ang alam lang niya ay ang nangyari ngayon kaya umaasa ako na masasabi mo rin sa kaniya ang lahat." "Reyna ahm..." "Pasensya ka na nga pala at hindi ko alam na sa inyo pala ang Hen's Donuts, ngayon lang nag-sink in sa 'kin na Henson Donuts pala 'yon. E, 'di sana ay hindi ko inaya si Euna ro'n kanina. Pero tapos na, nangyari na." "Naiintindihan ko." "Sana lang ay maintindihan ka rin ni Euna." Hayun na naman ang mga titig ni Reyna na at salita na tila may nais itong ipakahulugan na kung ano. "What do you mean?" "May issue sa mayayaman si Euna. Una, dahil ang tatay niya ay mayaman na negosyante rin na tulad mo. Ang tatay niya na iniwan ang kaniyang nanay at inanakan lang. Kaya nga kahit hirap na sa buhay at kilala naman si Euna ng tatay niya ay hindi niya 'yon kailanman hiningan ng tulong. Ikalawa, dahil mayaman din na tulad ng tatay niya ang nagpasunog ng riles." "Del Fierro? Is this the certain Del Fierro Hotels?" Tango lang ang naging sagot ni Reyna sa kaniya. Pagkatapos ay isang nakikisimpatyang titig ang binigay nito sa kaniya bago ito tumalikod na. Nasundan na lang niya ng tingin ang likod nito. Ngunit maya-maya pa ay natinag siya— kailangan niyang maunahan si Reyna na makalapit kay Euna dahil uuwi na tiyak ang huli 'pag napagkita ito at si Reyna! Kahit pa nga nasa parking lot si Euna nagsuot, sa klase ng abilidad nito at ugali ay walang imposible kay Euna Del Fierro. Agad na tumakbo ulit siya. Hindi alintana na pataas ang tinatakbo niyang daan. Hanggang sa malagpasan na niya si Reyna sa paglalakad nito. Hindi na niya ito nilingon at pinagpatuloy niya lang ang kaniyang pagtakbo. NAABUTAN ni Red na nakasalampak si Euna sa malamig na sahig ng parking lot ng mall na iyon, sa tabi mismo ng kotse niyq. Nakatalungko ito sa sariling mga tuhod, nakayukyok. Hindi nga lang siya sigurado kung umiiyak 'to. "B—Babe..." Nagdadalawang-isip siya kung hahawakan niya ba ito o ano, pero nilapitan niya pa rin ito s'yempre at unti-unti niya itong inakbayan kahit hinihingal pa siya mula sa pagtakbong ginawa. Sumigok-sigok si Euna, tanda na umiiyak nga ito. "Babe, look, I'm sorry. Sasabihin ko na sana sa 'yo ang lahat kaso lang ay narito ka na, nalaman mo na. Kaya nga ako busy sa mga nakalipas na araw dahil inaayos ko na 'to. Inaayos ko na ang sa 'tin..." "Paano mong aayusin? Panatilihin na magmukha akong tanga, gano'n ba?" "Babe..." "Ang sakit, Red!" asik ni Euna sa kaniya, hilam sa luha ang mga mata. Red clenched his fist. Siya ang dahilan ng pag-iyak nito. Para sa isang lalaking nangako na magiging masaya ang paglabas nito sa comfort zone na nakasanayan ay napakagago niya ngayon. Marahas na pinahid ni Euna ang kaniyang mga luha. "Sana sinabi mo na lang sa 'kin! Sana sinabi mo na lang!" Mahina lang ang pagkakabanggit nito niyon ngunit mariin naman kaya damang-dama niya na galit talaga 'to sa natuklasan. "Euna—" Tumayo si Euna, nagpagpag ng puwitan at saka nagdadabog na pinalis ang palad ni Red na nakaangkla sa braso nito. "Euna, please listen to me, first. Aayusin natin 'to okay? Maaayos natin 'to... hindi puwedeng hindi." "Ang alin? Baka naloloko ka na, CCEO Red Henson, huy, gumising ka. Ang Red na nakilala ko at minahal ko ay ang rider na nagde-deliver sa riles at hindi ang CCEO na sinasabi nila. Hindi ang CCEO na ngayon ay nasa harap ko." Tila sinukat siya ni Euna nang pagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Nailang siya. Ang pormal pa naman ng suot niya ngayon. Kahit sabihing casual wear lang naman ang kaniyang suot, ang point ay malayo nga siya sa sinasabi ni Euna na rider... Kaya kung tingnan siya ng nobya niya ngayon ay puno 'yon ng pagkadisgusto. Still clenching his fist he said, "Stop saying that, Euna." "Heto, hoy, CCEO Red Henson!" ani Euna, tinuro ang unahang salamin ng kotse niya. "Napakalaki ng sticker sa kotse mo kaya madali kong nahulaan na sa 'yo ang Ford na 'to. Dito sa kotse mo talaga ako nagpunta para masabi ko sa 'yo na makakalayas ka na sa buhay ko, Red." No, ayaw ni Red na umiyak. Naguguluhan lang si Euna at given naman iyon dahil sa natuklasan nito. "Euna..." Naiinis na nasabunutan ni Red ang sariling buhok pagkuwan. Naiinis siya dahil hinihingal pa siya mula sa pagtakbo kanina pero heto si Euna, chill lang sa nangyaring habulan sa pagitan nila at talagang desidido na awayin siya. "Ano? Sasabihin mo ba sa 'kin ngayon na hinihingal ka ha! Hinihingal ka?" Mabilis ba sinugod siya't hinampas ni Euna sa dibdib niya. Nang hindi tigilan ni Euna ang paghampas sa kaniya, pilit niyang kinuha ang mga braso nito. "Obvious ba, ha? grabe, ang layo nang tinakbo ko para habulin ka, Euna, tapos ngayon sasabihin mo lang sa 'kin na sakyan ko ang kotse ko at umalis na." "E, baliw pala 'to e." Sa gulat ni Red, matapos pahirin ulit ni Euna ang mga makukulit na luha nito na walang tigil sa pag-agos sa pisngi nito ay binatukan siya nito. Malutong na batok at talagang tumunog 'yon! "Ouch!" "Deserve mo 'yan!" Hindi pa ito nakuntento , nang tangkain kasi ni Red na awatin ito sa akmang pagtalikod ay mabilis siyang nasipa nito sa kaniyang pundilyo. "Okay ka lang?" At sa lahat naman ng nagtatanong kung okay lang ang isang tao na alam nitong hindi, si Reyna na yata ang may pinakamalamig na ekspresyon. Ilang sandali pa ay nagsulputan ang mga pinsan ni Red sa eksena. "OMG! R, what happened?" Maarteng tanong agad ng pinsan ni Red na si Haya. "Hindi ko alam kung anong magandang gamot d'yan, Red. Pero try mo rin na i-cold compress," 'yon lang at iniwan na ni Reyna ang magpipinsan na Henson. The f? Seriously? Cold compress? E paano kung hindi na tumayo ang kaibigan niya 'down there' dahil sa yelong 'yon? Argh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD