13: Beg

1525 Words
"EUNA, please, kausapin mo naman ako. Mag-usap tayo kahit sandali," ani Red kay Euna. Pinuntahan niya si Euna sa convenience store na pinagtatrabahuhan nito pero hayun at hindi naman siya nito pinapansin at hindi rin siya kinakausap. "Babe, let me explain, please naman," sambit ni Red ulit. Sinusundan niya ang dalaga. Dahil hindi siya nito pinapansin, ang ginagawa nitong pagsalansan ng products sa estante ay ginawa rin niya. "Ang g'wapo niya!" "Siya yata ang owner ng g'wapong car sa labas e." "Malamang 'kamo, siya ang owner ng store na 'to 'no." Mariin na napapikit si Euna sa mga narinig. Sinong hindi pipikit kung naiinis, aber? Nakakainis ang mga naririnig niya! Tila sa sinasabing iyon ng mga customers nila sa store kung gaano talaga kalayo ang agwat nila ni Red. In fact, ang itsura nga lang ni Red ang nagma-matter sa mga ito ngayon. Sa mga naglaro sa isipan ay padabog ang ginawa niya pagsalansan sa estante. Wala siyang pakialam kung ano ang magiging reaksyon ng lalaking nagpanggap na rider na katabi na niya ngayon. Nakakagigil! Nakakagigil lalo si Red na walang tigil na nakikiayos sa mga items naman! "Babe, listen, I'm sorry, okay?" Inismiran niya lang si Red. Hindi pa rin siya umiimik at wala siyang balak ba kausapin ito. Bakit ba napakatagal ng karelyebo niya at nang makauwi na siya? Pagkasipat naman niya sa oras kanina ay 10 minutes na lang ay out niya na. Napakatagal naman ng 10 minutes na iyon ngayon! Nakakapangulit si Red sa store na iyon kahit alam nitong bawal ang ginagawa nito dahil kaya nitong bilhin ang buong convenience store at maging siya. At aaminin ni Euna na mas nakakagalit iyon sa kalooban niya dahil hindi sila ganoon dapat kung nagsabi agad ito sa kaniya ng lihim sa kaniya. "Babe ang dami kong gustong sabihin sa 'yo, sana naman ay bigyan mo 'ko ng pagkakata—" "Euna." Sa wakas! Sa wakas ay dumating na rin ang kapalitan niya sa duty! "Babe—" "Alisin mo 'yang kamay mo sa braso ko," mahinang sabi niya kay Red nang hawakan siya nito sa braso at pigilan. Ginawa naman nito ang sinabi niya kahit pa tila labag iyon sa loob nito dahil sa malalalim na buntong-hininga na pinakawalan nito bago siya bitiwan. Tinapunan niya pa muna ng isang irap si Red bago niya ito talikuran upang makapag-ayos na siya sa sarili para sa pag-out niya sa trabaho. Kung lilingon pa sana si Euna, makikita niya kung paanong tinadyakan ni Red ang estante ng mga items na pinag-ayusan niya na tumulong ito. Nakita niya sana kung paano nagbagsakan ang lahat ng items doon—lahat! Tarantang nilapitan ni Joy at ng guard on duty sa store si Red para makita kung ano ang nangyari. "Naku, Red, ano ka ba!" gulat na bulalas ni Joy. "Use my personal card, Joy. Pakibalik na lang sa'kin 'pag nabili mo na ang mga kailangang palitan sa mga nasira ko." "Huh? Pero Red—" naudlot na ang sinasabi ni Joy nang ilapag na lang basta ni Red ang card sa counter. NAPATDA si Euna sa gara ng kotse na ngayon lang pumarada sa harap ng convenience store na pinapasukan niya. Halata naman kung kaninong kotse iyon. Iyon din mismo nga ang pinag-uusapan na kotse ng mga kabataan na customers nila kanina. Napatda? No, mas akma na nakakalula. Nakakalula ang yaman ng isang Red Henson. Kung inaakala nito na hindi niya alam ang ginawa nitong pagsipa sa estante na kasehodang kinatulong pa siya nito sa pagsasaayos ng items doon kanina, nagkakamali ito dahil kahit hindi niya nilingon ito kanina ay malinaw niyang narinig ang pagbagsakan ng mga items at ang pagbibigay nito ng personal card nito kay Joy. Oh, well, siguro nga ay ang bitter niya pero oo, nakaka-bitter naman talaga e. Napatingala siya sa madilim na kalangitan para maampat niya ang mga luha na nagbabadya nang pumatak. Katulad ng ulan na nagbabadya na rin na bumuhos kaya wala siyang matanaw na buwan at bituin ngayon sa dilim ng langit. Nasa ganoong ayos siya nang maramdaman niya sa tabi niya ang paghabol sa kaniya ni Red. Yeah, for paawa effect siguro. "Babe..." "Hanggang d'yan ka lang, huwag mo 'kong hawakan," mariin na banta ni Euna sa akmang paghawak na naman ni Red sa kaniya sa braso. Kung gusto nito ang ganoon na tila ito aso na sunod nang sunod sa kaniya, bahala ito. Pero huwag na huwag siyang pakikialaman at hahawakan sana nito. Ganitong inis na inis siya rito ay baka hindi niya mapigilan ang sarili niya at masaktan niya ito. Bayolente pa naman siya sa mga taong nakakapagpaakyat ng dugo niya sa kaniyang ulo. Hindi pa naman siguro nakakalimutan ni Red ang pagbigwas na ginawa niya sa panga nito. "Euna, please naman. Saka I have a car, hindi tayo dapat na naglalakad at mukhang uulan pa naman." Euna silently gritted her teeth. Kinalma niya ang sarili sandali at ayaw niyang mapaharap kay Red at baka masapok na niya ito talaga, lalo at hayun, pinagmamalaki na nitong may kotse itong dala. Napaka-insensitive! Alam niyang para sa iba ay kaartehan nang matatawag ang pinapairal niya. Pero para kay Euna, normal iyon sa mga tulad niyang pinagkaitan ng yaman kaya naapi ng mga mayayaman na tulad ng—na tulad ni Red. Tama. Hindi na niya dapat sabihin na boyfriend niya ito. Ang araw na nalaman niya kung ano talaga ito ay ang pagtatapos ng relasyon nila at mukhang dapat niya na iyong sabihin dito para matigil na ito. Mamaya. Kalma lang, Euna. At dahil naglalakad si Euna habang nasa likod niya si Red na bubuntot-buntot, kailangan nita ng distraction at mahirap na, baka maawa siya rito. Nang mapadaan siya sa mga nagtitinda ng kwek-kwek at fishballs ay huminto siya roon para bumili. Nakaka-miss na rin naman ang kumain niyon habang naglalakad. Natigil lang ang ganoong food trip niya nang hatid-sundo siya ni Red sa trabaho. Sa tuwing gusto niyang bumili niyon ay inaawat siya nito dahil marumi raw. De puwes, bibili siya ngayon at hindi siya papaawat dito dahil aalisan na niya ito ng karapatan na gawin iyon. "Babe, marumi 'yan," bulong ni Red kay Euna agad nang makita siya nitong tila bibili ng street foods at inuna niya pa talaga ang sawsawan na ilagay sa plastic cup. Inismiran lang niya si Red. "Manong painit po," aniya sa nagtitinda. "Euna, ano ba, hindi sana sa ganitong paraan, Babe," patuloy ni Red. Sinasaway pa rin siya. Dama ni Euna na ang mga taong naroon na bumibili rin at ang mismong nagtitinda na may edad ng lalaki ay nakatingin na sa kanila at nagtataka. "Babe, please..." Parang sirang plaka si Red. Naiirita na siya. Buti naman at nanahimik ito kahit sandali, hinayaan namakabili na siya. Inunahan pa nga siyang magbayad nito ng binili niya. "Salamat po, manong," ani Euna sa tindero. Tatalikod na siya at ayaw niyang marinig ang sasabihin ni Red dito, ngunit narinig niya pa rin... "Keep the change na po, nang makauwi na rin po kayo at mukhang malakas na ulan ang nagbabadya," dinig niyang wika ni Red sa nagtitinda. Ah, dapat niyang idagdag na habang tuwang-tuwa naman ang nagtitinda sa ginawa ni Red, siya naman ay nagkiskisan ang mga ngipin dahil doon. B'wisit talaga! B'wisit talaga, bakit? E, sa talaga naman na nagbabadya ang malakas na ulan sa kalangitan, Euna. Kasehodang malapit lang ang store na pinapasukan mo e, aabutan ka ng ulan lalo at papatay-patay ka pang lumakad ngayon! "B'wisit!" nasambit ni Euna nang may kalakasan. Dahil nagsimula nang pumatak ang ulan. Sinimulan na niya ang mabilis na paglalakad para makasilong siya sa drugstore na natatanaw niya. At least, kaunting lakaran na lang ay nasa bahay na siya. "Babe!" Euna rolled her eyeballs. Hindi pa rin talaga natigil sa kakasunod si Red! Lumaki pa ang patak ng ulan at sa pagmamadali niya at pagyuko dahil nalalagyan na ng tubig ang plastic cup niyang may kwek-kwek ay hindi niya napuna ang humahagibis na papatawid na kotse! "Euna!" Napapikit na lang si Euna sa impact nang pagkakayakap sa kaniya't pagtulak ni Red papunta sa kabilang kalsada. Nagkiskisan na naman ang mga ngipin niya sa inis. Kumawag siya sa pagkakayap ni Red sa kaniya. "Nakita mo 'yon, ha?! Nakita mo?" Naniningkit ang mga mata na bulyaw niya kay Red pagkuwan. "Ang a—alin?" "Magara ang kotse! Katulad ng kotse mo! Ang kapal talaga ng mukha niyong mayayaman, makakasagasa na kayo, wala pa rin kayong pakialam! Paano kasi ay may pambayad kayo!" gigil na wika ni Euna. "Euna, please—" "Bakit ka ba sunod nang sunod? Nakakainis ka na!" Hindi na niya naawat ang sarili, binuhos niya ang hawak niyang plastic cup na may laman na kwek-kwek kay Red, "'Yan, 'yan ang gusto mong gawin sa pagkain na 'yan 'di ba? Ang itapon ko kasi marumi 'yan. Ano? Masaya ka na ba na itinapon ko na?" saka niya gigil na hinampas sa dibdib si Red. "Masaya ba kayong mayayaman sa tuwing ginaganyan niyo kaming mahihirap ha?!" "Euna—" pilit na hinuli ni Red ang braso ni Euna ngunit nagpumiglas ito at nang makabuwelo ay malakas na sinampal siya. "Tigilan mo na 'ko. Tapos na tayo, Red!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD