Makailang beses nang ibinukas at sara ni Avril ang kanyang mga mata. Malabo pa iyon noong una ngunit hindi nagtagal ay unti-unti na itong naging malinaw. Hindi niya napansin na hindi pamilyar sa kanya ang silid na kanyang kinaroroonan. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata habang marahan niyang kinakamot ang kanyang likod. Kinusot-kusot niya pa ang kanyang nanghahapding mga mata. Tumihiya siya at kinamot ang kanyang leeg bago bahagyang umusod patungo sa gitna ng kama nang maramdaman niyang parang mahuhulog na siya dito. Kunot ang noo niyang hinila ang kumot nang maramdaman ang malamig na singaw na hatid ng aircon. “Asher, pakihinaan na ng aircon.” sambit niyang natatandaang nagtungo sa unit ng kaibigan, “Hindi ka ba giniginaw?” sanay na siyang matulog sa unit ng kaibigan kaya hind