Mabilis nang napakurap-kurap si Mico nang makita ang ginagawa ni Avril ngayon sa kanyang sarili. Alam niyang naalala na nito ang mga ginawa nilang dalawa nang nagdaang gabi base sa kanyang reaction na mas naghisterikal pa doon. Hindi ito makapaniwala na ang mga sinasabi ni Mico ay totoo, na siya ang unang humalik at nag-initiate na mayroong maganap sa kanilang dalawa. At nadala lang si Mico sa kanyang naging action kung kaya naman hindi niya na alam kung ano pa ang mukhang kanyang ihaharap sa binata ngayon na mataman nang nakatitig sa kanya. Walang anu-ano ay kumurba sa isang ngisi ang gilid ng labi ni Mico nang magpatuloy na magpapadyak si Avril doon habang ang comforter ay nakabalot pa rin sa kanyang katawan. At kung pwede lang sigurong ilibing at ilubog niya ang kanyang katawan sa kama