Chapter 3

2704 Words
Sa halip na bitawan na at pakawalan na ni Mico ang estrangherong dalaga ay hindi niya iyon ginawa, mas humigpit pa ang yakap at hapit  niya sa beywang nito upang idikit pa iyon sa kanyang katawan. Sa mga sandaling iyon ay hindi niya na maipaliwanag pa ang bilis ng t***k ng kanyang puso habang nalalanghap ang estrangherong pabango ng hindi niya kilalang dalaga. Tila mayroong nag-uutos sa kanyang yakapin pa ngayon ang dalaga. Mabilis nang napakurap-kurap ang mga mata ng dalagang hindi maiwasang maningkit na sa labis na niyang inis, pilit na nagpupumiglas ngunit sadyang malakas ang binata kung kaya naman hindi siya dito makawala kahit na anong gawin niya. Bagay na nagpainis pa sa kanya, muli niyang tinitigan ang lalake na mukhang walang planong bitawan siya. Hindi niya pa rin maintindihan kung ano pa ang gustong palabasin nito ngayong nakuha na nga nito ang kanyang pinakaiingatang una niyang halik na para sana sa magiging unang nobyo niya. Hindi na nga siya doon nagprotesta pa at nagwala, gawin man niya iyon ngayon ay alam din naman niyang wala na siyang magagawa pa kahit na magreklamo siya at maglupasay. Nawala na ang fist kiss niya sa loob ng isang iglap lamang. “M-Mister...” mahinang bulong ng dalaga na naiilang na sa pagkakahapit nito sa beywang niya, ngayon lang siya nahawakan ng isang lalake ng ganun katagal at labis na niya iyong ikinakailang. “Are you insane and out of your mind?!” mayroong diin na sa kanyang naiinis na tinig, “Hindi mo pa rin ba ako bibitawan  ngayon, ha?” may pagbabanta na rin sa kanyang tono ngayon. Gumalaw-galaw na ang adams apple ni Mico nang lumunok siya ng kanyang sariling laway. Marahan na niyang binasa ang kanyang labi na bahagyang nanuyo doon. Ang buong akala niya ay madali lang na solusyonan kanyang naisipan at suliranin, ngunit hindi pala. Mukhang mas mapapahamak pa siya at masisiraan ngayon ng bait sa kanyang karahasang ginawa sa dalagang hindi kilala na ngayon ay may masama ng mga tingin sa kanya. Ibang-iba ang ipinapakita noon ng kanyang napakaamong mukha kanina. Tila isang kalabit pa at magwawala na ito sa ngayon. Ganunpaman ay hindi siya maaaring sumuko, kailangan niyang maitaboy si Madox papalayo sa kanya bago pa niya harapin ang kanyang panibagong problema. Hihingi na lang siya ng tawad, makikiusap na kung pwede ay i-settle na lang nila ang bagay na iyon at huwag ng palakihin pa. “Please help me...” mahinang tugon at pakiusap ni Mico nang ilapit niya na dito ang kanyang mas nanuyo pang bibig sa puno ng tainga ng dalaga upang bumulong, susubukan niyang humiling at makiusap dito. Malay niya, pagbigyan siya nito at tulungang takasan ang kanyang suliranin ngayon doon. Ikinataas na iyon ng isang kilay ng dalaga, ilang beses na niyang nakita sa TV ang ganung modus ng mga lalake. At doon pa lang ay mukhang alam na niya kung ano ang ginagawa ng lalake ngayong nakita niya na ang pagtayo ng isang babae at mukhang malapit ng humagulhol doon ng iyak habang humahakbang papalapit sa may banda nila ng estranghero. “Magpanggap kang aking nobya, kahit na ngayon lang.” natatarantang turan ni Mico na hindi na alam kung ano ang kanyang dapat na gawin, malapit na doon si Madox na may mga matang puno na ng poot at hindi maipaliwanag nitong sakit at hinanakit. “I am willing to pay and compensate you, kahit pa magkanong halaga ang hilingin mo sa akin pagkatapos nito, please.” Sa halip na ikatuwa ay masama na siyang tiningnan ng dalaga sa kanyang mga mata, tumatakbo na sa isipan nito ang katanungan na kung mukha ba siyang mahirap at kaawa ng mga sandaling iyon. Ikinaangat pa iyon ng gilid ng kanyang labi, mukhang hindi yata siya kilala ng lalaking ito. Ngunit hindi na niya nagawa pang magsalita nang malakas na pumalahaw na ng iyak si Madox na tumigil na sa kanilang harapan ngayon. Palipat-lipat na ang tingin nito sa kanilang dalawa. “Sinungaling ka! Manloloko ka!” pauli-ulit na nitong eskandalosang sigaw doon, na may kasama pang pangduduro sa mukha ni Mico na bahagyang nagtago pa sa likod ng dalaga. “Two timer!” Naagaw na ang atensyon ng mga taong kumakain doon, ang iba pa sa kanila ay nagbulungan na. Nais nang mag-walk out ng babaeng ginamit ni Mico, hindi niya na gusto ang kaganapan dito. Hindi siya sanay na pinagtitinginan habang nasa pampublikong lugar, at ni minsan ay lalong hindi niya naranasang masangkot sa ganitong klaseng gulo dahil hindi rin naman siya warfreak. “Siya ba? Siya ba ang ipinalit mo sa akin, Mico?!” esandalosa pa ‘ring sigaw ng babae doon. Mico...paulit-ulit na iyong nag-replay sa utak ng dalagang naiipit na sa sitwasyong iyon, So, Mico pala ang pangalan ng damuhong ito na nagnakaw ng first kiss ko ha? Humanda ka mamaya! Tiningnan na ng dalaga ang kanyang mga magulang na mas lalo pang naguluhan sa eksenang iyon na kanilang nasasaksihan na kabilang ang kanilang anak na halos hindi makabasag pinggan. Muli pang nagkatitigan ang mag-asawa na mayroong iisang katanungan sa kanilang mga mata. Sino ang lalakeng kasama ngayon ng kanilang unica hija?  Marahas ng hinipan ng dalag ang manipis niyang bangs at inayos na niya ang kanyang tayo. Pasimple niyang tinanggal ang kamay ng estrangherong lalake na kung makapulupot sa virgin niyang beywang ay ang akala mo ay pag-aari niya iyon. Dumausdos pababa ang kanyang kamay patungo sa palad nitong sa oras na iyon ay nanlalamig na habang namamawis pa. Marahan na niyang pinisil ang palad ng lalake na tinitigan siya ng mga matang mayroon pa ‘ring pakiusap. Muntik na sana siyang irapan ng dalaga, mabuti na lamang at napigilan niya ang kanyang sarili dahil kung hindi ay katakot-takot na mura na ang inabot niya mula sa kanya. Baka nga ay may kasama pa iyong malakas na sampal bilang kabayaran sa kanyang kalapastanganang ginawa. “Ano bang sinasabi mo diyan, Miss?” matapang na tanong na ng dalaga sa babaeng patuloy na umiiyak at may masama ng tingin sa kanilang palad ng lalake na magkasalikop nang mahigpit. Sinadya niya pang ipakita iyon sa babaeng mukhang kawawang-kawawa ng mga sandaling iyon. “Huwag ka ngang bulag, niloko ako ng lalaking iyan!” galaiting turan nito na naging dahilan upang lingunin niya ang lalakeng marahas na umiling sa kanya, pilit na itinatanggi ang mga akusasyon nito na hindi alam ng dalaga kung kaya niyang paniwalaan o hindi. Hindi niya sila parehong kilala, malay ba niyang tunay na manloloko ang lalake. “Lolokohin ka rin lang niyan!” Pagak na tumawa ang dalaga, wala na siyang pakialam kung manloloko ang binatang kasama niya dahil una sa lahat ay hindi naman siya interesado dito. Ang tanging nais niya ngayon ay ang makawala sa gulong iyon na una pa lang ay hindi naman niya kilala kung sino ang sinungaling. Nais niya ng umuwi sila ng kanyang mga magulang, alam niya na katakot-takot na namang paliwanag ang kanyang gagawin sa mga magulang na naroon at nakasaksi sa komosyong ito. Alam niya sa kanyang sarili na kahit anong paliwanag niya sa kanila ay paniguradong hindi pa rin siya nila papaniwalaan. At marahil ay dahil iyon sa pagnanasa nilang mag-asawa na rin siya. “Manloloko at manggagamit?” tanong niyang tila nakikisimpatysa kay Madox na hindi pa rin matanggap na ganun-ganun na lang siya ipagpapalit ng kanyang nobyo, na sa kanyang paningin kung tutuusin ay hindi naman maganda at ordinary lang sa kanyang mga mata. “Sino kaya ang tunay na manloloko at manggagamit sa inyong dalawa? Hindi ba at ikaw iyon?” tanong niya pa ditong kaagad na ikinamaang ni Madox sa kanya, hindi makapaniwala. Muli niyang tiningnan si Mico na tahimik lang na nagmamasid at nakikinig sa kanila. “I’ve heard everything—” Hindi na niya nagawa pang matapos na sabihin iyon nang mas lumakas na ito ngayong umiyak, bagay na bahagyang umantig sa kanyang babaeng damdamin na kagaya ito. Kung malalaman niya na ang lalake talaga ang sinungaling at manloloko, malamang ay mas lalo pa siyang maaawa sa babae. Mabilis niyang iwinaglit na ang isiping iyon, wala siyang panahon na isipin pa ang problema ng iba. Nakahinga siya nang maluwag at parang nabunutan ng tinik sa kanyang dibdib nang makita niya at masaksihan kung paano magkumahog palabas ng nasabing coffee shop ang babaeng bagsak ang dalawang balikat habang mahinang lumuluha. Sabay nilang tinanaw ang mabilis na paglisan nito sa parking lot kung saan ay sinakyan nito ang ilang buwan pa lang na regalong sasakyan ni Mico sa kanya. Makakahinga na sana silang dalawa doon nang maluwag kaya lang ay hindi inaasahang lumapit na ang mga magulang ng dalaga na hindi pa rin makapaniwala sa nangyaring komosyon at makapigil hiningang eksena sa loob ng coffee shop. “Avril, anak, hindi mo naman sinabi sa amin na mayroon ka na pa lang kasintahan.” nakangiting turan ng kanyang ina na mabilis na ikinapawi ng mga ngiti ni Mico, hindi niya suka’t-akalain na sa kagustuhan niyang itaboy ang kanyang dating kasintahan ay may panibago siyang suliranin. At sa tingin niya ay mahihirapan siyang itanggi iyon ngayon gayong hinalikan niya ang anak nila. “Mom, its not what you are thinking!” mabilis na wagayway ni Avril ng kanyang ng dalawang palad sa ina upang pabulaanan na ang sinasabi nito at iniisip ngayon, “We are not—” Hindi na niya iyon nagawa pang ituloy nang magsalita na ang kanyang ama na ngayon ay titig na titig na sa mukha ni Mico na halos maging kulay papel na sa mga sandaling iyon. Kahinaan niya ang meet the parents, kung kaya naman hanggang ngayon ay hindi niya pa rin kilala ang mga magulang ni Madox kahit na anong hiling nitong gawin sa kanya. At ang makita na parang ang halaga ng babaeng ginamit niya sa harapan ng kanyang sariling magulang ay labis nakakakaba. “Avril Ryelle Miniseff, kailan ka pa natutong magsinungaling sa amin ng Mommy mo?” pagalit na tanong ng kanyang amang masama na ang tingin sa kanya, ilang beses na ibinuka ni Avril ang kanyang bibig upang magpaliwanag sa kanila ngunit hindi niya makuha ang tamang salita na kailangan niyang sabihin at ipaliwanag sa kanila. Ilang beses niyang sinulyapan si Mico na sa mga oras na iyon ay nananatiling tulala pa rin sa kanilang tatlo ng mga magulang niya. Hindi maarok ni Avril kung ano ang mga bagay na tumatakbo na sa isipan nito ngayon, masyadong misteryoso ang mga mata nito at hindi niya na iyon mabasa pa. Bumitaw na si Mico sa kanyang pagkakahawak sa kamay ni Avril. Dumadagundong na ang labis na kaba sa dibdib niya habang ang kanyang mga mata ay palipat-lipat sa mukha ng mag-asawa. “Anak. kailanman ay hindi nagsisinungaling ang aming mga mata! Bagong palit pa lang ng lense ang salamin namin ng iyong ina kaya huwag mo kaming mapaglihiman, kitang-kita namin kung paano ka halikan!” Mabilis na napaubo-ubo si Mico, halos masamid naman sa kanyang sariling laway si Avril nang ibulalas na iyon ng kanyang ama. Kaagad na gumapang ang labis na hiya sa katawan ng dalaga. “Pasensiya na po kayo sa aking naging abala,” panimula ni Mico na nakahanda ng sabihin ang lahat sa kanila, na ginamit lang niya ang anak nila at nakahanda siyang tanggapin ang kung anong parusa ang nararapat na ipataw nila sa kanya. Ayaw niyang magsinungaling pa siya sa mag-asawa na sa bandang huli ay magiging malalang problema lang nila, sinulyapan niya si Avril na ngayon ay nakatunghay lang sa kanyang mukha. Ang mga mata niya dito ay tila nangungusap na siya na ang bahalang magpaliwanag, ang magsabi ng buong lahat. “Ang totoo po niyan ay—” “Ano ba ang pangalan mo, hijo?” mabilis na pagputol ng ina ni Avril na ikinasapok na ng dalaga sa kanyang noo, kilala niya ang ina na hindi basta-bastang maniniwala sa sasabihin ng lalake. Pagak na tumawa si Mico, mas lalo pang tumindi ang kaba na nakakabit sa loob ng dibdib niya. “Bakit hindi tayo muna maupo ulit?” suhestiyon ng ama ni Avril na nais na sanang suplahin ng dalaga ngunit nagawa na nilang dalawa na hilahin ang lalake paupo sa pinakamalapit na lamesa. Naiiling na nameywang na si Avril, sa halip na wala siyang iniisip ngayon ay biglang nagkaroon. At wala siyang dapat na sisihin kung hindi ang lalakeng ngayon ay masinsinang kausap na ng mga magulang niya, habang iniinom na ang kapeng iuuwi sana sa kanyang apartment nila. “Mico ba ang palayaw mo, hijo?” narinig ni Avril na tanong ng kanyang ina habang papalapit siya sa mesang kinaroroonan nila, marahang tumango ang lalake. “Ilang taon ka na ba, hijo?” Tumingin muna si Mico kay Avril na nakatayo sa gilid nila, inirapan siya ng dalawang naiinis na. “Twenty-seven po.” “Oh, isang taon lang pa ang tanda mo sa aming anak.” maligayang saad ng kanyang ama. Tumango lang si Mico, muling tiningnan si Avril na nakiinom na sa baso ng kape ng kanyang ina. Humihingi siya ng saklolo dito kung paano nila lulusutan ang suliraning iyon na kinakaharap nila. “Ilang buwan na ba ang relasyon niyo nitong anak namin, hijo?” muli pang tanong ng Ginang. Halos maibuga na ni Avril ang kapeng kanyang iniinom nang dahil sa katanungang iyon. Si Mico naman ay walang patid na nasamid, hindi makapaniwalang tatanungin sila nang ganun-ganun. “Mali po ang pagkakaintindi niyo Mommy, Daddy,” muling giit ni Avril na pilit na ipinapaintindi sa kanila na wala talaga silang ugnayan ng estrangherong lalake, “Hindi kami magkasintahan!” “Manahimik ka Avril, si Mico ang aming kausap at hindi ikaw.” saway ng kanyang ama sa kanya, bagay na ikinalaki na ng mga mata ni Avril. Hindi pwedeng ma-misunderstood ng kanyang mga magulang ang maling kaganapan kanina, hindi siya papayag na magkaroon ng instant boyfriend lalo pa at ni hindi niya kilala kung ano ang tunay na pangalan ng lalaki. “Alam mo na hijo, hindi na pabata ang aming anak. Gusto rin naman naming makita ang aming magiging apo bago pa kami magpahingang mag-asawa, at huwag niyo sana kaming biguing dalawa sa bagay na ito.” “Oo nga naman hijo, hindi naman sa nangingialam na kami sa relasyon niyong dalawa. Kaya lang ay nasa hustong edad na rin naman kayong dalawa, hustong gulang para mag-asawa.” Mabilis na ikinurap-kurap na ni Avril ang kanyang mga mata, hindi na makapaniwala pa sa kanyang mga narinig. Nahihiya na tuloy siya ngayon sa lalakeng hindi naman niya kakilala. Naburo na ang mga mata ni Mico kay Avril, hindi na alam ang sasabihin pa sa mga ito ngayon. Pinanlakihan siya ng mga mata ng dalaga, hindi na rin alam kung ano ang sasabihin sa mga magulang niyang mali ang pagkakaintindi sa sitawasyong iyon. Na sa halip na malutas na kanina ay mas lalo pa iyong lumala, ano na lang ang sasabihin ng mga magulang niya ngayon dito? “Kailan niyo ba planong magpakasal?” muling hirit ng ama ni Avril na ikinatayo na ng dalaga. “Dad, for pete’s sake!” bulalas na ni Avril na hindi na napigilang magtaas ng kanyang tinig, “Uulitin ko, he is no my boyfriend—” “Baby, bakit hindi na lang natin aminin sa kanila na ilang taon pa ang pina-plano natin bago tayo magpakasal na dalawa? At marami  pa tayong mga isinasaalng-alang sa panahong ito.” tayo na rin ni Mico na ikinahulog na ng panga ni Avril ng mga sandaling iyon,  hindi niya inaasahang sasabihin niya ang bagay na iyon sa kanya. Ang iniisip niya ay aamin na itong walang namamagitan sa kanila, hindi iyong papalalain niya pa ang sitwasyon nila ngayong dalawa. “Doon din naman ang punta nating dalawa sa hinaharap, kaya lang ay hindi pa muna iyon sa ngayon.”  “What are you talking about now, Mico?!” may galit at diin na sa tinig ni Avril na iritableng-iritable na sa lalake, hindi na nito maipinta ang kanyang hitsura na sasabog na sa labis na galit anumang oras ng sandaling iyon. Kulang na lang din ay lamukusin niya ang mukha ng binata ng mga sandaling iyon ngayon. “Huwag ka nga diyang sinungaling, idiot!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD