Kaagad na nagpalit ng aura ang mukha ng babaeng kaharap niya, napalitan na rin iyon ng galit at labis na pagkadismaya sa kanya. Iyon ang palagi niyang ginagawa upang huwag makawala ang nobyo sa kanya.
“Okay, let’s break up! Ang dami mo pa diyang pasakalye, hindi mo na lang ako deretsahin na may iba ka ng babae at nagsawa ka na sa akin!” bahagyang histerikal na turan niya, alam naman niya na ni minsan ay hindi magagawa ni Mico na maghanap ng ibang babae. Sigurado niya iyon dahil baliw ito sa kanya.
Nanlalaki ang mga mata ni Mico na tinitigan siya, here she goes again sa mga patama niyang kailanman ay alam nitong hindi naman niya magagawa. Bahagyang umangat ang gilid ng labi ng binata sa nobya. Nakaisip na ng paraan kung paano tuluyang makakawala sa tanikala ng pagka-alipin niya pa sa babae.
“Puro ka diyan bintang, wala ka namang katunayan o proof na maipakita sa akin na totoong ginawa ko ang bagay na iyon.” dabog pa nito at ibinagsak na ang milktea na hawak sa lamesa nila, “Ang sabihin mo ay ikaw ang nagloloko sa ating dalawa! Ikaw ang may ibang kalaguyong babae!” patuloy na akusasyon pa nito sa kanya ngayon na animo ay siya ang may sala, “Ikaw ang may third party sa ating dalawa, Mico!”
Bahagyang nagbaling ang malapit na mga taong nakakarinig sa kanila, ngunit hindi na iyon alintana pa ni Mico na gustong-gusto ng makawala sa babaeng puro pang-aabuso na lang ang inaabot niya at nahihita. Wala na siyang pakialam at hindi niya na alintana ang kahihiyan na kanyang matatamo sa oras na iyon. Ilang beses na gumalaw ang kanyang magkabilang panga, hindi na mapigilan pa na magtagis ang bagang niya. Umaabuso na talaga ang babaeng nasa harapan niya, at hindi na niya masikmura ang bagay na ito.
“Oo, tama ka, may babae nga ako!” matapang na turan ni Mico sa nobya, ipinarinig pa niya iyon sa mga kapwa nila customer ng cafe na nakikinig na sa kanila, “But hindi ako umabot sa punto ng ginagawa mo. Break na tayong dalawa nang ligawan ko siya, wala na tayo nang magdesisyon akong mahalin ko siya!”
Unti-unting napawi ang emosyon ng tagumpay sa mukha ni Madox, hindi na makapaniwala sa mga rebelasyon na kanyang nalaman nang mga sandaling iyon. Kaagad itong namutla sa nalaman niya na.
“What?” hindi makapaniwalang tanong ni Madox habang nakatitig sa seryosong mukha ng nobyo, “Sweety are you serious? Nakahanap ka na ng iba?” maluha-luha na niyang tanong sa kanya ngayon.
“Oo, kaya huwag mo na akong guluhin pa dahil nakahanap na ako ng babaeng mas higit sa’yo.”
Bahagyang napanganga na doon ang babae, hindi pa rin makapaniwala sa kanyang mga sinabi.
“Nasaan? Ipakita mo siya sa akin.” mahinang hamon ni Madox sa kanya, bagay na ikinatigas ng katawan ni Mico sa kanyang inuupuang silya. “Hindi ako maniniwala hangga’t hindi nakikita ng aking mga mata.”
Mabilis na natameme si Mico, tila tumigil at hindi na mag-function ang kanyang utak ngayon. Hindi niya suka’t-akalain na hahamunin siya ni Madox nang ganun. Noon niya naisip na ang hirap na magkunwari.
“See? Wala kang maipakita sa akin dahil hindi naman totoo, lumang tugtugin na iyan Mico.”
Hustong dumaan sa kanilang gilid ng lamesa ang isang babae na simple lang ang pananamit. Patungo ito sa dereksyon ng banyo na malapit sa may kanilang banda. Isang kakaibang ideya ang nabuo sa isipan ni Mico matapos na sulyapan niya ang mukha nitong para sa kanya ay ka-level ng ganda ni Madox. Iyon nga lang ay simpleng version niya ito at malaki ang pagkakaiba nilang dalawa sa paraan lang ng pananamit.
“Yes, she’s here.” matapang na turan niya sa babae na tuluyang nagpawala na sa mga ngiti ni Madox.
Ilang beses na ipinagpag ng isang dalaga ang kanyang basang kamay sa harapan ng salamin matapos niyang hugasan iyon ng tubig. Tahimik siyang kumuha ng tisyu sa loob ng kanyang sling bag na dala at ipinunas na iyon sa kamay niya. Mataman niya ng pinagmasdan ang kanyang sarili sa salamin, nang makita niyang bahagyang nabura ang suot niyang lipstick sa labi ay walang pag-aalinlangan niya itong nilagyang muli. Ngumiti pa siya sa salamin na naging dahilan upang magpakita ang maputi at pantay niyang mga ngipin. Mariin na napapikit ang kanyang mga mata nang maalala ang naging katanungan ng kanyang ina na kasama niya sa cafe na iyon. Alam naman niyang doon din siya patungo, iyon nga lang ay wala pa lang talaga siyang mapusuang lalake. Kung mayroon man ay malapit na itong ikasal sa ngayon.
“Hija, hindi ka naman namin minamadali kaya lang ay kailan mo kami bibigyan ng aalagaang apo?”
“Mommy, baka hindi pa po ipinapanganak ang lalaking para sa akin.” kwela niyang sagot nito.
“Wala ka bang nobyo, anak?” singit na ng kanyang ama.
“Daddy, ang tamang tanong po ay kung naranasan ko na bang magkaroon ng nobyo.”
Pagak na humalakhak ang dalaga, tanggap naman niyang baka matanda na siya magka-asawa. At hindi rin naman siya nagmamadali. Hindi pa siya tapos mag-enjoy sa pagiging buhay single niya kasama ang kanyang matalik na kaibigan na kagaya niya ay wala pa rin itong asawa ng mga sandaling iyon ngayon.
“Okay na siguro ito, pauwi na rin naman kami.” bulong niya pa sa kanyang sarili.
Lumabas na siya ng banyo, mabagal na naglakad pabalik ng kanilang lamesa habang iniisip ang gagawin niya sa suhestiyon ng kanyang ina na maghahanap sila ng kanyang mapapangasawa. Nasa counter na ang kanyang mga magulang at bumibili ng iuuwi nilang kape, hindi pa sila nakuntento sa ininom nila at nais pang mag-uwi ng mga ito sa kanyang apartment kung saan doon sila magpapalipas ng gabi bago umuwi ng Zambales. Malawak na ngumiti siya sa mga magulang niyang nakatingin na rin sa may kanyang banda, kumaway pa ang ina sabay senyas kung gusto niya ba ng take out na donut. Ngunit kaagad iyong natakpan ng mukha ng isang lalake na malawak nang nakangiti sa kanya ngayon. Mabilis na napawi ang kanyang mga ngiti, ayaw niyang mag-assume pero parang siya ang ngini-ngitian nito ngayon. At nakumpirma niya iyon nang magsalit na ito na noong una ay hindi niya maunawaan.
“Baby, bakit ngayon ka lang?” seryosong tanong ng makisig na binata na ang buong akala niya ay hindi pa rin siya ang kausap, sino ba namang estranghero ang tatawag sa kanya ng endearment na baby? Wala! Akmang lalagpasan niya na ito nang magaan na siyang hawakan nito sa kanyang isang kamay. Malamig iyon, ang ang matang nakatuon sa kanya ngayon ay punong-puno na ng pakiusap na hindi niya mawari. “Oh, lalagpasan mo pa ako na parang hindi mo ako kilala at nakita, late ka na nga sa usapan nating dalawa tapos ganyan ka pa sa akin.” sipat pa nito sa relo niya.
Akmang ibubuka na ng dalaga ang kanyang bibig upang magprotesta nang bigla na lang nitong inilapit ang kanyang mukha sa kanya at walang pag-aalinlangan na siya nitong halikan. At ang labi nito ay saktong tumama sa kanyang nakaawang na labi. Isang bagay na nagpamulagat ng kanyang mga mata dahil hindi niya nagawa pang umatras at umilag sa labi nitong sa unang lapat pa lang sa kanyang nanuyong labi ay malambot at napakainit pa.
Ang first kiss ko! Tahimik na sigaw ng utak niya nguniti hindi niya iyon nagawang isatinig pa.
Hindi alam ng dalaga kung ano ang pumasok sa kukute niya para ihawak niya pa ang kanyang dalawang braso sa leeg nito para sa mas malalim at mapusok na mga halik sa oras na iyon. Hindi niya na alintana ang mga matang nakatingin sa kanila, lalo na ang mga mata ng kanyang mga magulang na kulang na lang ay mabitawan ang hawak na baso ng kape na kanilang iuuwe sana!
“I miss you, Baby...” puno ng pagmamahal na turan ni Mico sa kanya matapos ng halikan nilang dalawa.
“I miss you too...” walang pag-aalinlangan na tugon ng kanyang katauhan na tila saglit na lumipad sa alapaap, bagay na nagpangiti na nang malawak kay Mico dahil alam niyang iyon ang simula upang mapalayo niya ang dating nobya sa kanya. Alam niyang sampal na iyon sa kanyang pagkatao ngayon habang titig na titig sa kanilang dalawa. Mabilis na ikinurap-kurap ng dalaga ang kanyang mga mata nang magtama ang kanilang paningin, bahagya niya pang inilapit ang labi sa tainga ng binata at mahinang nahihiya nang bumulong dito. “But...who are you?” tanong nito na kaagad nagpawala ng mga ngiti ng binatang si Mico nang dahil sa talim ng kanyang mga mata, “At sino ka sa akala mo para nakawin ang first kiss ko sa lips?!”