Hindi siya pinansin ni Mico na tuloy-tuloy lang na pumasok sa pintuan ng nasabing cafe habang inaalalayan pa rin si Avril sa gilid ng kanyang isang siko. Hindi magawang iwaksi iyon ni Avril na nahihilo pa rin ng mga sandaling iyon. Pinabayaan na lamang niya ito sa kanyang nais na gawin. Pagkaupo nila sa table ay awtomatikong umikot ang mga mata ni Avril sa binatang naupo na rin sa kanyang harapan. Pinagsalikop pa nito ang kanyang dalawang palad at matamis na ngumiti. Ang mga mata nito ay nakatuon na sa kanya ngayon, naghihintay ng kanyang mga sasabihin pa. Marami ‘mang katanungan ang patuloy na bumubulabog sa isipan ng dalaga ay hindi niya na ito piniling isatinig pa. Hangga’t maaari ay ayaw niyang makipag-usap sa binatang kaharap niya na. “Anong gusto mong kape, Avril?” tanong pa ng bina