Tatlong buwan ang matuling lumipas magmula ng magkasundo silang dalawa sa pagpapanggap. Sa unang buwan ay ilang beses lang silang nagkitang dalawa, iyon ay nang dahil sa bigla na lang naging busy sa kanyang trabaho si Mico. Ilang beses din siyang lumipad patungong Hongkong at kasama doon ni Julian kung kaya naman ay hindi sila madalas na magkita ni Avril. Ganundin ang nangyari kay Avril, naging abala siyang makinig sa suliranin ni Asher at maging ni Yuriah. Bukod pa sa abala rin siya sa mga bagong branch ng grilled chicken restaurant nila na nagbukas. Siya rin ang naging tagapayo nila sa mga pagkakataong iyon. Ganunpaman ay hindi naputol o nawala ang communication nila ni Mico na tanging si Yuriah lang ang nakakaalam ng bagay na ito dito. Ngunit hindi naglaon ay nalaman din ni Asher ang tu