Chapter 1

1064 Words
“Daig mo pa ang pamilyadong tao Mico, ganyan ka ba ka-busy ha?” pagsasatinig ng kaibigan niyang si Froylan nang minsan niya itong tanggihan, “Ayaw mo man lang damayan sa katangahan niya si Lacim?”  “Dude, hindi naman sa ganun sadyang busy lang ako ngayon. Huwag kang mag-alala, nag-uusap naman kami ni Lacim. Kayo na lang muna ngayon, sa sunod pupunta na talaga ako sa gatherings natin.”  “Minsan lang ako lumuwas ayaw mo pa akong pagbigyan,” narinig niyang pagdaramdam na ni Rain sa kabilang linya, “Dude, ang unfair mo talaga. Higit pa bang mahalaga iyang babaeng palagi kang iniiputan sa iyong ulo nang hindi mo alam?” sintemyento pa nitong halatang may tama na ng alak ang katawan.  “Dude, umayos ka naman ng pananalita diyan,” narinig niyang saway na dito ni Julian. “Baka sadyang busy lang si Mico kung kaya intindihin na lang natin siya ngayon. Saka nandito naman kami nina Lacim.” “Unfair talaga iyan si Mico, paulit-ulit nang niloloko hindi pa rin natatauhan. Dude, gumising ka nga!” “Hoy, tama na iyan Rain,” narinig niyang saway na rin ni Lacim dito. “Hayaan na mun natin si Desperate.” Naiiling na tumawa siya, naiirita sa nickname na ginamit nito sa kanya kahit na totoo naman na iyon. “Pasensiya na Dude, lasing na ang lalakeng mangangabayo este  nag-aalaga ng mga kabayo dito.” ani pa ni Froylan na sinundan na iyon nang malakas niyang pagtawa, “Tawg ka na lang kapag hindi ka na busy.” “Sige Dude, salamat.” Muli niyang sinulyapan ang dating kasintahan na unti-unti ng naluluha habang sumisipsip pa rin sa straw ng milktea niya. Habang pinagmamasdan ang mukha nito ay hindi pa rin mawal ang bakas ng pangyayari na iyon na nakadikit sa kanyang isipan. Ilang beses na iyong nangyari, at dahil mahal niya ay pinalagpas niya. Ngayon lang talaga siya napuno sa kanya, ngayon lang nito nasagad nag kanyang pasensiya doon. Ang pangyayaring iyon ay hindi niya na kayang palagpasin dahil lang mahal niya ito, pagod na pagod na siyang intindihin ito kung ano ang pagkukulang niya sa kanya. Hindi iyon kagaya ng dati na hihingi lang ito ng sorry at maglalambing ay okay na ang lahat sa kanya, hindi niya na mapapalagpas pa ito ngayon. Iba ang araw na iyon, ayaw na niyang aging martir pa dahil pagod na siya. Ayaw niya ng maging alipin pa nang maramot na pag-ibig kahit pa ang lahat-lahat ay ibinigay niya na dito at ginawa niya na noon pa. “Madox...” muli ay seryosos niyang tawag sa pangalan nito sabay titig niya nang malalim sa mga mata ng babae na punong-puno na ngayon ng emosyon ng pang-unawa na humihingi ng tawad sa kanya at huling pagkakataon pa, bagay na alam niya hindi niya kayang ibigay. “Let’s end our relationship here. Pagod na ako, ayoko ng ituloy pa ang relasyon nating ito na puro kalokohan lamang. Hindi ka na magbabago pa.” “Hey, Sweety, anong sinasabi mo diyan?” maang-maangan pa nitong tanong sa kanya gamit ang inosente niyang pares ng mga mata. Kumurap-kurap na iyon, pilit na pinipigilan na maluha sa kanyang harapan na alam naman ni Mico na pawang pagkukunwari lang. “Hindi kita maintindihan, ipaliwanag mo sa akin ang lahat.” hamon nito na tila siya pa ang mayroong kasalanan sa kanilang dalawa ngayon. Kasintahan na ni Mico ang babae simula pa noong huling taon nila sa kolehiyo, na tumagal ng ilang taon. Ang buong akala ng binata ay siya na ang babaeng makakasama niya hanggang sa huli at sa kanyang pagtanda, kung kaya naman ay ibinibigay niya ang lahat ng naisin nito. Ultimong mamahaling bagong labas pa lamang na kotse na ihiling nito sa kanya ay nakakaya niyang gawing pang-regalo. At nang dahil sa kanyang pagmamahal dito ay nagagawa niya pa itong patawarin oras na lambingin lang siya nito at romansahin na humahantong sa umaatikabong labanan nila sa ibabaw ng kama. Doon mas lalo pang minahal ni Mico ang kanyang nobya, wala siyang masabi dito dahil magaling ito sa magaling. Iyon ang hindi rin siguro maintindihan ng kanyang mga barkada. Marahil ay dahil kapag ikinukuwento niya ito sa kanila ay iniisip nilang imahinasyon lamang ang lahat ng iyon. Hindi totoong nangyari sa kanila ng nobya. Kung kaya naman minsan ay ayaw na lang niyang magkuwento pa sa kanila ukol sa bagay na iyon, dahil sa huli ay napapahiya lang siya sa kanila. At doon na siya binigyan ng mga barkada niya na isa siyang desperado na akala mo ay wala ng ibang babae na para sa kanya. Ngunit ng mga sandaling iyon ay natuto na siya, hindi na siya muling papayag na lagyan nito ng dumi sa kanyang ulo. Pagod na siya dito. Pagod na siyang intindihin ito, pagod na siyang mahalin ito, pagod na siyang patawarin pa ito ngayon. “I’ve caught you again having s*x with someone else, and you know that Madox. Sinabi ko sa’yo, huwag ka ng tumanggi pa diyan at magkunwaring walang alam.” malungkot na tugon ni Mico na  bahagya nang ikinabukas ng labi ng babae na hindi inaasahan na sasabihin iyon ng nobyo sa paligid ng maraming tao. Sinususbukan lang naman niya ito kung tunay at seryoso sa kanyang mga  sinasabi ngayon. Hindi niya inaasahan na seryoso nga ito ngayon at mahirap na paamuin pa sa kanyang pinag-isipang desisyon noon. “Ilang beses na kitang pinatawad, ilang beses ko na iyong pinalalagpas, hindi pa ba ako sapat sa’yo, ha?”  “Sweety...” sambit niyang ilang bses nang lumunok ng sarili niyang laway ngayon. “Pagod na ako Madox, pagod na pagod na akong intindihin ka at patawarin ka simula pa noon!” Ma-dramang ikinurap-kurap ng babae ang kanyang mga mata, ginagawa na naman ang taktika na palagi na lang nagpapalambot ng damdamin ng kanyang nobyo na ngayon ay nagliliyab na sa kanyang galit. Hindi iyon pinansin ni Mico, ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi na muling magpapaloko dito. “Kailan ka ba titino? Kailan mo ba makikita ang lahat ng mga sakripisyo ko sa’yo?!” tanong pa ni Mico na bahagya ng tumaas ang tinig, “Kailan ako magiging sapat sa’yo? Ano pa bang kulang sa akin, Madox?!” “Mico let me—” “Ayoko nang makinig sa mga kasinungalingan mo! Tapusin na natin ang relasyong ito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD