Maliit nang ngumiti na si Avril sa kanya. Mababanaag na sa kanyang mga mata ang excitement na kanyang nadarama. Hindi siya lumaki malapit sa dagat kung kaya naman ay sabik na sabik siya tuwing magtutungo sila doon ng kanyang pamilya. Lumaki siya at nakaisip sa kapatagan kung saan ay mga alagang mga manok ang kanyang kinamulatan. Iyon ang naging negosyo ng kanilang pamilya na hanggang sa mga sandaling ito ay ipinagpapatuloy pa. Ngunit ganun pa man ay masaya siya sa kung anong mayroon sila ngayon, na minsan ay nakakapagod nga lang. “Alin sa dalawa ang mas maganda?” kumikislap na ang mga matang tanong niya kay Mico. “Pareho naman silang maganda para sa akin at pareho rin silang pag-aari ng mga kaibigan ko.” nangingiting tugon na rin ni Mico, bahagya pa itong sumulyap sa mukha ni Avril na na