Chapter 28

3051 Words

Ilang minuto pa doong naghinang ang kanilang mga matang dalawa, pilit na may hinahanap at inaapuhap na emosyon si Avril sa mga mata ni Mico. Emosyon na magpapatunay ng tunay na nararamdaman nito para sa kanya ngayon. Naniniwala siyang ang mga mata ng tao ay ang bintana patungo sa kaluluwa at pagkatao nito. Doon ay malalaman niya kung malinis ba talaga ang hangarin nito sa kanya. Sa mga sandaling iyon ay hindi niya na maunawaan ang kalabog ng kanyang dibdib, tumindi pa iyon, sumidhi habang pabilis nang pabilis ang tibik nito. Animo ay lalabas na ang kanyang puso sa kanyang ngala-ngala at ganundin ang nakikita niya sa mga mata ng binatang kanyang katitigan ngayon na mayroong malalim nang ritmo ng kanyang hininga.   Alam niya sa kanyang sarili na may kakaiba doon ngunit, subalit hindi niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD