PANAGINIP
-Krist-
"That was a f*****g night that I don't want to happen again!" Tili ko kay Rebecca. Ang katabi ni Dean sa likod.
Nakapabilog ang aming upuan at nagkukwentuhan kami. At nakwento ko nga sa kanila ang panaginip ko na walang ibang paksa kundi si Mathias.
"Ano'ng nangyari sa inyo, Krist? May jugjugan bang naganap?" Tili na tanong ni Jade.
Pinalo ito ni Dean, "Jugjugan ka diyan. Kahit bakalain 'yang si Krist, 'di 'yan papatol do'n."
"Gusto mo lang kamo si Mathias kahit bampira pa ito, rawr," Natatawang wika naman ni Rebecca.
"Rebecca, stop," wika naman ni June, isa sa mga baklang nadirito. "Mas masarap pa rin si Reniel," dugtong nito at tumawa silang lahat.
"Bakit nangunot ang noo mo?" Tanong sa'kin ni Jade.
Napatingin silang lahat at napahinto sa pagtawa. "Naalala ko ang pagmumukha ng damuhong iyon," inis na turan ko. 'Di ko alam kung bakit kumulo agad ang dugo ko sa pagkakarinig sa pangalang iyon ni Reniel.
"Bakit?" Takang tanong ni Dean.
"Bakit nga ba?" Tanong ko rin. "Ikaw ba namang hindi makakakain dahil inaagaw 'yung umagahan at tanghalian mo," anas ko at nag-cross arm.
"Awww," sambit na lamang ni Jade. "Mukhang mahirap isipin na hindi ka makakakain ng buong magdamag nang dahil lamang sa siga-sigaang iyon." Dugtong nito at napa-ungol nang dahil... "Diyos ko po, nasa likod mo siya, Krist!" Tila gulat na bulalas nito.
I froze. Nandito ang pinag-uusapan namin ng hindi namin nalalaman. "Ah, err," aniko bago lumingon sa likod. Isang matalim na titig ang nakatitig sa'kin at isang nakangising labi ang naka-ukit sa mga labi nito. Napalunok ako. Bakit ko ba kasi isiningit ang Reniel na ito?
'For your info. ay si June ang bumanggit ng pangalan nito. Nabanas ka lang dahil inaagawan ka ng pagkain. Sa katunayan ay ikaw dapat ang tumitig sa kanya ng masama dahil isang linggo ka niyang hindi pinakakakain.' Boses na naririnig ko sa utak ko.
Sinamaan ko ito ng tingin. Hindi dapat ako magpatalo sa isang damuhong kagaya nito. "Tinitingin-tingin mo?" Mataray na tanong ko. Kung ikaw ba namang isang linggo nang hindi nakakakain ng umagahan at tanghalian ng dahil sa lalaking ito, talagang magtatapang-tapangan ka.
Kahapon, normal lang ang naging ikot ng mundo ko. Hindi ako pumunta sa mansyon dahil na rin sa panaginip ko no'ng sabado.
"Aba, aba," anito sa naiinis na tono. "Mamaya ka lang hapon sa'kin," banat nito at sabay upo sa upuan niya. Hinabol ko ito ng tingin at natawa ako ng mapatayo ito bigla. "Kristttttttt!" Sigaw nito nang tumakbo ako palabas sa classroom. Akala ko ba matapang siya? Takot pala sa ipis ang walanghiya.
Natatawa ako habang tumatakbo ng mabilis. Mahirap na at baka maabutan pa ako nito. SIgurdong isang sapak ang abot ko.
"Mangha na ako sa sarili ko!" Sigaw ko habang tinitingnan ang ibang mga estudyante habang naghahabulan kami ni Reniel. But when I saw Reniel, iba ang nakikita ko sa mata nito. Hindi galit kundi pagkamangha.
Nagtataka ako kung bakit. Sandali akong nahinto dahil sa sobrang pagod. "Awwwww!" Isang malakas na sigaw ang naibulalas ko nang maramdaman ang tumutulong itlog sa aking buhok patungong ibang bahagi ng aking mukha.
He laughed. Ibang tawa ang nakikita ko sa kanya. Hindi tawa ng pangiinsulto, kundi tawa ng nagwagi. Napangiti din ako. Nakakadala pala ang ngiti niya. Saka ko lang narealize na pogi pala talaga ito. Natabunan lang ng mga negatibong salita.
"Oo na, panalo ka na. Happy?" Aniko rito.
Napatigil ito sa pagtawa. At napatingin ako sa kanya ng lumapit ito. Hindi ako makahinga ng maayos. Bakit ganito? "Salamat," anito at pinunasan ang mga tumutulong itlog sa aking mukha gamit ang kanyang panyo. Nakatulala lang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon.
"Isang linggo lang ang nagdaan, 'di ko alam kung ginayuma mo ba ako para bumait o sadyang nasasarapan lang ako sa luto ng nanay mo kaya ako ganito." Nakangiting saad nito.
"Wow, ang halimaw, natalo na," tili ng bakla sa may dulo nitong pasilyo.
Napatingin tuloy ako dito. At ang baklita, humaripas ng takbo. Natatawang nagbalik ako ng tingin dito at nahigit ko ang hininga ko nang mapagtantong nakatitig pa pala sa'kin si Reniel.
"Sasamahan na kita sa comfort room. May baon naman akong extra, kasalanan mo kasi, eh." Anito at hindi na ako pinasagot dahil bigla na lang ako nitong hinila.
Nananaginip ba ako? Kung isa man itong panaginip ay ayaw ko nang magising. Pero hindi, eh. Sa bawat dampi ng tumutulong tubig mula sa gripo ay nahihimasmasan ang aking buong pagkatao na nagpapahiwatig na hindi nga ito isang panaginip lamang.
Ano na'ng nangyari sa isang siga na kagaya ni Reniel? Baka nahipan lang ng hangin? Tapos sa susunod na araw ay demonyo na ulit.
Naiiling-iling ako sa mga tanong sa utak ko. Dumeretso na ako sa isang cubicle do'n. Inabutan naman ako nito ng sabon at shampoo. Nararamdaman kong iba ang awra nito. Ano na naman kaya? Sana'y makiusap na lang ito na hati kami sa pagkain kung gusto niya ang luto ng inay ko.
Napahagikgik ako sa naisip.
After ten minutes ay natapos na akong maligo. Kumpleto ang panligo ko dahil may maliit na kwarto malapit sa cr si Reniel at kumpleto ang gamit niya roon. Ayon iyon sa kanya.
"Tapos na ako." Wika ko dito.
Nakita ko itong nakamasid sa labas ng banyo. Nakatingin sa malayo. Tila may malalim na iniisip. Bubulabugin ko sana ito nang magsalita ito.
"Hindi ito maaari....."
"Ang alin?" Singit ko na nagpatalon sa kanya sa sobrang gulat. Napangiti ako. Dahil kung nandito pa ang bad side nito ay baka binatukan pa ako.
"Nakakagulat ka naman. Saka wala iyon," anito na umiiling-iling pa. "Nagmumuni-muni lang ako dito habang hinihintay ka." Dugtong nito.
Ibinigay ko na sa kanya ang kanyang mga gamit panligo. "Labahan mo na lang para magamit mo," aniko.
"Hindi na kailangan, ikaw lang naman ang gumamit nito, eh." Tila nanunudyong wika nito.
Napatingin ako sa malayo. Alam ko na ang ganitong galawa. Pero bakit sa katulad ko pang kaparehas niya ng kasarian? Nananadya ba siya? O gusto niya lang manakit kaya siya gumagawa ng paraan?
Napa-iling ako. I just want to disappear here. Puro negative thoughts ang nasa utak ko. Paano ako mabubuhay dito ng matiwasay kung puro salungat lang ang natatanong ko sa sarili ko?
"Ano na naman 'yang nasa isip mo?" Takang tanong ng katabi ko.
Napalingon ako dito. Kung panaginip man ito ay sana'y magising na agad ako. "Parang nagkakaro'n ka na ng halo sa ginagawa mo," dapat isinaisip ko ang katagang iyon. Pero 'di mapakali ang aking isip na isiwalat ito sa kanya dahil totoo namang magkakaroon na ito ng halo at baka magkapakpak pa.
"Bakit? Ayaw mo ba ng ganito ako?" Taka nitong tanong at bigla na lang ngumisi.
"H-hindi naman sa g-gano'n. Nagulat lang naman ako sa p-pagbabago mo. T-teka, bakit nga ba nagbago ka bigla?" Taka ko pa ring tanong dito. Hindi talaga ako mauubusan ng follow-up question kung ganito ang aabutan mo. Ang isang siga na nagkaroon ng halo at pakpak.
"May na-realize lang siguro." Anito. "'Di, ba? Matagal ka na sa Glamour Village? Buti hindi ka kinakain ng kinukwento mong bampira," anito. Mahihimigan ang pag-aalala sa tono nito.
"Bakit naman ako kakainin kung kaibigan ko siya?" Balik tanong ko rito. "Oo, matagal na ako sa Glamour Village at dahil nga nakuha ko ang loob ng bampira ay magkaibigan na kami ngayon." Dugtong ko pa.
"Mabuti na lamang dahil kung hindi....."
Hindi na nito itinuloy ang sasabihin dahil nasa harap na kami ng aming classroom. Ang masaklap pa ay nagtuturo si Miss Valerie, ang mathematics teacher.
"Why are you late?" Tanong nito at tinuro pa sa'kin ang stick na hawak nito. Nanlaki ang mga mata ko sa sunod na sinabi nito. "Nag-date kayo, 'no?" Mapang-insultong wika nito.
Kasing bilis ng kidlat ang ginawa kong pag-iling. "Nabasagan lang po ako ng itlog kaya naligo po ako. Ayun po ang dahilan kung bakit po ako late," paliwanag ko.
"Come inside. At hephep," pigil niya kay Reniel nang magtangkang pumasok ito. "Ano'ng dahilan mo kung bakit ka late?" Mataray na wika nito at iminuwestra pa ang kanyang stick.
Natatawa akong umupo sa upuan ko. Lumingon ako kay Reniel. Kung bakit ba naman binasagan ako ng itlog? Nakita ko itong lumunok. Alam kong nag-iisip ito ng paraan.
"Kinausap ako ng nanay ko," walang kagatong-gatong na wika nito.
"Ayun lang?"
"Na may-ari ng school,"
Napatayo ng tuwid ang guro. Napaatras at hindi na lumingon kay Reniel na dire-diretsong pumasok sa loob at tumabi sa'kin.
"Bakit hindi mo man lang sinabi na pumunta tayo kay mama?" Tanong nito na rinig ng buong klase.
Nag-peace sign ako. Alam kong gumagawa lang ito ng paraan para 'di magsabi ang teacher namin sa mama niya. Ang mama niya kasi ay mayroon office kung nasa'n ang principal's office. "Sorry," pahabol ko habang nagpapacute.
Napalunok ulit ito. Ilang beses na bang nangyari iyon sa kanya? Parang nahihinuha kong hirap itong magsalita sa estado nito. Kaya ba nangbubully na lang ito kaysa magkaroon ng kaibigan?
Napa-iling na lang ulit ako at humarap na sa teacher namin na nanginginig pa ang kamay habang nagsusulat sa chalk board. Sigurado akong ngayon lang nito nalaman na anak si Reniel ng may-ari nitong school. Hanga din naman ako sa bilis umisip ni Reniel ng paraan para makalusot. At sana sa susunod ay maging totoo na ito at hindi na gumawa ng kung ano mang makakasira sa imahe niya.
At sana ay hindi ito isang panaginip lamang......
~*~ ~*~ ~*~