RAINDROPS
-Krist-
Nakatingala lang ako habang sinusulyapan ang madilim na kalangitan. Lunes pa lamang ng hapon ay ganito na ang panahon. Mukhang uulan pa yata.
Totoo nga ang nasa isip ko. Gusto nitong makihati sa pagkaing mayroon ako kaya bukas na bukas din ay dodoblehin ko na ang aking baon. "Nahihiya ako sa'yo," prangkang wika ko habang nakatingin na ang aking mga mata kay Reniel.
"Nahiya ka pa. Damihan mo bukas, ah?" Pabirong tanong nito na binuntutan ng tawa. Hanga na talaga ako sa biglang pagbabago ng pagkatao nito. May kinalaman ba ang pagkakaroon ko ng kaibigang bampira? O baka tinakot siya ni Mathias para maging mabait sa'kin ito.
I looked straightly into Reniel's eye. Sincere ito. "Totoo bang nagbago ka na?" Tanging natanong ko na lamang. Nakanganga pa ako para ipakitang totoong seryoso ako. Ilang beses ko na ba siyang tinanong tungkol do'n? Kaninang tanghali, sabay din kaming kumain sa likod nitong unibersidad at sa puno kung saan ako binully nito ay do'n kami kumain at tumambay sandali. Ninamnam namin ang mabangong simoy ng hangin. Mabango nang dahil sa mga bulaklak na parang pinasadyang lagyan dito.
"Nakikinig ka ba?" Untag sa'kin ni Reniel.
"Ah, oo, oo," aniko kahit alam ko sa sarili kong niloloko ko lang ito.
"Seryoso?" Prangkang tanong nito.
"Sige, ano ulit 'yong sabi mo?" Sumusukong aniko.
"Totoong nagbago ako. Sinabi sa'kin ni mama na walang patutunguhan ang pagiging masamang tao ko. Kailangan ko daw maging good example dahil kung masama ang pinapakita ko, masama din ang nagturo sa'kin. At ayaw kong madamay ang mga magulang ko sa mga katangahang nagawa ko no'ng mga panahong may kamuntikan na akong mapatay." Mahabang litanya nito.
Ngayon, nababawasan na ang kaunting tsansa na bumalik ito sa dating gawain. Mabuti na lamang at naipamulat nga ng mga magulang nito na ang nakikita sa anak ay tinuturo ng mga magulang dito. Kahit na magloko pa iyan, hindi nabigyan ng magandang leksyon kaya nagawa ang bagay na iyon.
Nagising sa katotohanan si Reniel kaya nandito siya sa harap ko. Kasalo ang burger at pineapple juice na binili niya sa canteen. Nandito kami ngayon sa puno sa likod ng unibersidad. Gumawa na rin siya ng lamesa kaya nando'n ang aming mga pagkain.
Sumulyap ulit ako sa makulimlim na kalangitan. Alam kong anomang oras ay bubuhos ang malakas na ulan. I checked the time. Four thirty-three in the afternoon.
"Woah!" Sigaw ni Reniel at dali-daling binuksan ang kanyang bag. Napatingin ulit ako sa kalangitan.
"Bakit nga ba bigla-bigla ka na lang umuulan?" Taka kong tanong habang hinahayaang pumatak ang mga butil ng ulam sa aking mukha. Napangiti ako. Parang dati no'ng unang nagmahal ako ng lalaki at nasaktan ako ng super. Sinasabayan ko ang pagpatak ng ulan sa pagbuhos ng aking mga luha.
Pero iba na ngayon, 'di ko akalaing ang mukha ni Mathias ang maiisip ko habang nakatingin lamang sa kalangitang nagbubuhos ng malalakas na patak ng ulan.
"Ano ka ba, Krist? Gusto mo bang lagnatin?" Pasigaw na tanong ni Reniel habang pinapayungan ako. Ligtas naman ang aking bag dahil nasa kanya ito. Inagaw niya kanina, eh.
"Hindi ko naman gustong lagnatin. Gusto ko lang makisabay sa bawat patak ng ulan," malungkot na wika ko.
'Di ko alam sa sarili ko kung bakit nadala ako sa mga patak ng ulan. Siguro dahil sa kaisipang nahulog ang loob ko sa isang bampirang wala namang damdamin para sa'kin. Totoo ngang minahal ko siya.
Mahal ko na siya. Simula pa siguro no'ng una kaming magkita. Hinahanap-hanap na siya ng aking mga mata. Gusto kong siya lagi ang nauunang makaalam kung ano ang mga ginagawa ko sa eskwelahan. Gusto kong siya ang makatabi ko sa pagtulog kahit pa kabaong iyon.
Lahat ng iyon ay nagustuhan ko sa isang mortal na kayang tumagal ng ilang libong taon sa mundo.
Naratingin na lamang ako sa kamay ko nang may magtangkang humila sa'kin. Nilingon ko si Reniel na todo ang ginagawang pagtakbo habang hawak ang aming mga gamit. Si Reniel, ang lalaking siga noong mga nakaraang araw tapos ito ngayon, hawak ang aking kamay at sumasabay sa marahas na pagbuhos ng ulan. Wala namang inanunsyo na uulan ngayong araw.
I just stare at Reniel. Napa-iling din naman agad ako sa naisip ko. Alam kong hindi magandang biro ang pumasok sa relasyon at hanggang maaga, ang nararamdaman ko ay gusto kong mawala.
"Dito na muna tayo sa condo," wika ni Reniel. Ang condo ay ang tinutuluyan niya dito sa loob ng unibersidad.
"S-salamat," medyo nilalamig na wika ko. Sapo-sapo ang magkabilang balikat. Tuluyan na nga akong nilamon ng lamig.
"Sino ba naman kasing tanga ang magpapaulan?" Tarantang wika nito at tumakbo patungo sa 'di ko alam kung saan. Bumalik lang ito na may dalang tuwalya.
Tinalukbong sa'kin ang tuwalya sabay yakap. I felt his warmth skin touches the towel and goes through mine. It was just a simple raindrop that fell into my hair. Salamat naman dahil kumalas na ito. Sumobra kasi ang init na nasa loob nitong tinatawag niyang "condo."
"Ipaghahain na kita," wika niya.
Napakamot ako sa ulo. "Marunong ka?" Taka kong tanong at sinimulan nang hubarin ang mga basang damit ko.
"M-marunong," utal-utal na wika niya. Humarap ito sa'kin at gano'n na lamang ang naging ekspresyon niyo nang makita ang aking katawan.
"Mahabaging emre," sambit ko nang tila lumagkit ang tingin nito. Tinalukbong ko ng maayos ang tuwalya upang 'di makita ang aking mga hita.
"Such a lovely legs, impressive." Wika nito na nagpalunok sa'kin.
Nawa'y lamunin na ako dito ng lupa. Ayaw ko ang mga tinginan na mayroon siya ngayon. "Please, stop staring at me like that," natatakot na wika ko.
Natawa ito. Nakahinga ako ng maluwag dahil parang nagbibiro lang siya kanina. "I can't,"
"W-what?!" Kumabog ng malakas ang dibdib ko. I just don't know where its come. Siguro dahil sa takot ko.
"You're such a lovely person, inside and out. You've teach me how to be good at others. You've given me reason to trust and love again," anito habang lumalapit.
Napaatras ako. Ito naman ay lumalapit sa'kin. I just don't want the next of it. Kung sinusubukan niya lang ako, baka makasapak ako.
Pero mukhang 'di nagbibiro ang mga mata nito na nakatingin direkta sa'king mga mata. His brown eyes filled with lust. Napapikit ako sa sobrang lapit niya sa'kin.
Napaamang ako at iyon din ang naging dahilan kung bakit nakapasok ang kanyang dila sa'king bibig. Hinalikan niya ako without knowing na pareho kaming lalaki. Withouth knowing that after of all this s**t ay lalayuan ko na siya. Mahal ko si Mathias but I was kissing Reniel?
Napatigil ito. Napatingin ako sa kanya. Kahihiyan ang unang nakita ko sa kanyang mga mata. At ang ulan ay tumila na rin. Pero nananatili pa ring malamig ang paligid nang mawalay sa'kin ang mga labi nito.
"S-sorry, 'd-di ko mapigilan," halos pabulong na wika nito at lumayo na sa'kin. "Ipagluluto na lang kita," wika nito habang naglalakad patungo sa kusina na tanaw na tanaw ko.
"Marunong ka talaga magluto?" Ginawa ko nang kaswal ang aking boses na parang wala man lang namagitan na kahit mga labi lang sa'min.
"Marunong, kaso mas masarap magluto ang nanay mo," anito habang hinahanda ang lulutuin. "Nga pala, huwag mong sasabihin sa iba ang ginawa mo sa'yo." Anito at lumingon sa'kin.
Seryosong mukha ang nakikita ko. Napatango ako. "Makakaasa ka," tanging nasambit ko at naupo na sa single sofa here. Pinagmasdan ko si Reniel. Nunka ko nalaman na nakahubad pala ito. Namula ako sa isipin na hindi ko man lang naramdaman na naghubad ito no'ng naghahalikan kami?
Sandali akong napaisip. Tumugon ba ako sa nagbabagang halik niya? Bakit parang nakadikit pa rin ang labi niya sa labi ko? Gano'n na ba ako karupok para bumigay agad?
Mabuti na lamang at hindi sinagad ni Reniel ang karupukan ko. Dahil kung hindi, "paika-ika na ako ngayon,"
"Talaga,"
Napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi ni Reniel. Lumingon ako sa kanya at gano'n na lang ang pagkabog ng dibdib ko nang makita itong nakangisi at nakatingin pa sa'kin ng malagkit.
"You want?"
Napa-iling ako sa tanong niya. He wear a mischiveous smile I'd never seen. "Ayaw ko nga," tanggi ko sa nakakalokong alok nito.
"Kung gusto mo ng adobong baboy?" Tanong ulit nito.
"G-gusto," nauutal na wika ko.
"Gusto mo pala ako,"
"Luh?" Nagulat ako. "'Di kita gusto, 'no?" Mataray na wika ko.
"Eh, bakit ka nakipaghalikan sa'kin kanina?"
Napalunok ako. Confirmed. Tumugon nga ako sa halik niya. "Hindi ko naman akalaing hahalikan mo 'ko." Nasambit ko na lang.
"Luto na ang adobong baboy," wika nito at naghain na sa maliit na mesa. "Nga pala, may nalaman ako tungkol sa'yo."
"Ano naman 'yun?" Tanong ko habang naglalakad palapit sa kanya.
"Hindi ka pala tunay na lalaki,"
Because of that, nabangga ako sa isa pang sofa at gano'n na lamang ang nangyari. Iniisip ko na kung gaano kasakit ang malapat ang mukha sa sahig pero laking pagtataka ko dahil hindi man lang ako tumama. Unti-unti akong nagmulat. Tanging mukha lang ni Reniel ang nakikita ko.
Bakit ganito? Ayaw kong pumasok sa relasyon pero 'yung isip ko kung ano-ano na lang ang pumapasok. Paano na lang kung ito na pala ang para sa'kin na hindi naman talaga dapat. Nalilito na ako ngayon. Saan ba talaga ako dapat lumugar?
At gano'n na lang ulit ang pagkagulat ko nang maramdaman na naman ang mga labi niya sa labi ko.
~*~ ~*~ ~*~