bc

Love Under The Moonlight

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
drama
scary
loser
campus
office/work place
disappearance
assistant
naive
like
intro-logo
Blurb

Krist Delos Santos living in a farm. They're have a farther neighbor, pero umalis ang tao roon, so they called it a one horror house.

Horror house nga ba? O pagmamahal na naghihintay sa kanya?

He wants to take an air before loving the someone with a strange personality. That was Mathias Arcillas, a secret vampire of their village who making him fall for.

Magkabilang mundo pero iisa ang sinisigaw ng puso. Kaya kaya nilang ipaglaban iyon kahit simula't sapul ay may isang sikretong magpapabago sa kanyang pagkatao?

chap-preview
Free preview
Chapter I
Being Accepted "Tada!" Wika ng aking itay. Kadarating ko lamang galing eskwelahan to enrool myself nang sunduin ako nito sa 'di kalayuan. At tinakpan nito ang aking mata. Sorpresa daw na gugulat sa'kin ang makikita ko sa bahay. Laking tuwa ko nang makita ko ang iba ko pang mga kamag-anak. At ang handang pagkain sa likod ng mga ito. "Bakit napasobra ang katalinuhan mo pero itong mga pinsan mo'y halos mapapagbuhatan ko na ng kamay," natatawang wika ni tita Isolde. Mas matanda ito kay inay. "Nga pala, Krist," may iniabot na sobre sa'kin si Inay. "Salamat anak at 'di mo pinabayaan ang pag-aaral mo kahit na mahirap lamang tayo," madamdaming wika nito. Binuksan ko ang sobre. Hindi ito pera pero nakakapagpangiti pa rin ng labi. Napatingin ako sa kanilang lahat. Inisa-isa ng aking mga mata ang aking kamag-anak na tahimik na nakatingin sa'kin. Lahat sila ay nakangiti. Sa mismong araw ng kaarawan kong ito, ipinapaalala kung gaano nagdiwang ang aking puso. Napapaluha na rin ako kapag sandaling napapatingin sa sulat at sa kanila na naghihintay ng aking sasabihin. Paano nga ba sisimulan ang pag-s-speech gayong alam na nila at tanggap pa? "Sis, huwag ka ngang magdrama d'yan!" Wika ng pinsan kong si Alexis na anak ni Tito Cardo-- na kapatid ni Inay. "'Di ko lang alam ang sasabihin," may halong kabang sambit ko ay yumuko. "Ano na?" Wika ni James na kapatid ni Alexis. "S-salamat dahil tanggap niyo ko sa pagiging ako," halos naiyak na ako sa sinabi kong iyon. "Huwag ka ng umiyak, anak," masuyong sambit ni inay. "Matagal na naming alam ni itay mo ang tunay mong pagkatao. Natutuwa lamang kami dahil kahit papaano ay pinipilit mo itong labanan at magpakatatag." Wika ni Inay. Wala akong magawa kundi ang yakapin ito. Sobrang saya ko dahil hindi ko na itatago kung sino ako. Sobrang saya ko dahil wala man ni isang tumutol sa pagiging kakaiba ko. "Maraming salamat po sa inyong lahat. Ito ang best birthday ko ever!" Masayang wika ko at niyakap silang lahat. Nagsimula na ang salu-salo. Abala kami sa pamimigay ng pagkain sa mga 'napakalapit' na kapitbahay. Lahat ng bahay dito ay hiwa-hiwalay. Pinakapamalapit na sa'min ang mansyon ng mga Feranil. Isang kilometro ang layo niyon sa'min pero dahil nga sa mansyon iyon ay tanaw na tanaw pa rin. Wala naman kasing puno dito kung isang mahabang kalsada lang at mga damo. "Oh, anak, dapat masaya ka ngayon," wika ni itay. Napansin siguro nito na nasa labas ako ng bahay at nakatitig na naman sa mansyon na iyon. Pinapangarap ko kasing magkaroon ng gano'ng kalaking bahay para sa mga magulang ko. Gusto kong magkaroon ng sapat na pagkain sa pang-araw-araw. Kaya nalulungkot ako sa isiping ito pa rin ako. Nag-aaral sa huling sandali.  "Anak, pwede mong ibahagi 'yan." Wika ni itay at inakbayan ako. Nasa forties pa lang ang itay ko. Medyo bata itong tignan. Malaman ang katawan dahil na rin siguro sa hirap. Ang inay ko naman ay balingkitan. Maputi si inay at sa edad na treinta nueve ay nadala niya ito. May matangos na ilong si inay na sa kasamaang palad ay 'di ko namana. Pango ako kung tutuusin. Pero bawi naman sa mukha dahil clear skin ako. May kaputian ding taglay. "Anak...." "Ow, 'tay, wala naman akong problemang maibabahagi sa inyo," wika ko. "Ahmm.. Tanungin mo 'ko ng tapat ha?" "Sige po, ano po ba iyon?" Tanong ko kay itay at lumingon sa kanya. "May boyfriend ka na ba?" Nasamid ako sa sinabi ni itay kahit wala naman akong kinakain. "'Tay, ano namang tanong iyan?" Medyo naubo-ubo pa ako. Si itay talaga, walang liko ang bibig, eh. "May boyfriend na 'yan," ani James na nasa likod ko na pala. "Anong may boyfriend? Sa katulad kong tabingi ang pagkatao may magkakagusto?" Mataray na tanong ko kay James. "Oh, sandali, relax," he said then raised his both hands. "Lumalabas ang pagiging dragon mo, eh," mapang-asar na dugtong nito. "Wala nga akong boyfriend," matigas na sambit ko at lumingon kay itay sabay ngiti. "Weh? Sa ganda mong iyan?" Humarap ako dito at sinamaan ko siya ng tingin. Ito ang pinsan kong mapang-asar. Simula pagkabata ay kasama ko na ito. Iyakin ako noon dahil lang sa pang-aasar nito. Pero kung makapag-utos na magtimpla ako ng kape ay napakagaling. "Sa ganda kong ito?" Tinarayan ko ito. "Kung ikaw nga wala pa ring girlfriend ngayon, eh." At napangisi ako sa naturan ko. "Siguro katulad kita, ano?" Wika ko at tumaas-taas pa ang mga kilay. Asar-talo ito kapag nag-aasaran kaming dalawa. May pumapasok kasing insulto sa utak ko kapag nagsimula ito. Napalunok ito. "A-anong katulad mo?" Kinakabahang wika nito. "Siguro'y nahawa kita noong mga bata pa tayo, tagilid ka na rin---" "For your information, tagilid man katulad mo, top pa rin 'to," "Top daw, eh gusto ka na ngang ihampas sa pader ni Tito Cardo dahil lagi na lang daw siyang napupunta sa guidance dahil sa'yo," natatawang pang-iinsulto ko. Ramdam kong kumukulo na ang dugo nito sa'kin. Kaunting hintay na lang Krist at mapapaputok mo na ang batok ng damuho mong pinsan. "Natahimik ka?" Wika ko. Lumingon ako kay itay pero wala na ito doon. Siguro'y pumasok na sa loob. "Wala ka na bang masabi?" Patuloy pa ring pang-iinsulto ko dito. "Kung 'di lang talaga kita pinsan, kanina pa kita nahalikan," tila sumusukong wika nito. Ako naman ngayon ang natahimik. "Putres ka James!" Wika ng ate niyang si Ate Alexis. "My HD ka pala kay 'coz, ha? Susumbong ki--" "Huwag, ate. Alam mo naman na bawal iyon, eh. Saka joke lang naman iyon, sinusubukan ko lang kung maiinsulto si Krist, tignan mo, na-insulto kanina. Bigla na lang natahimik," natatawang wika nito. Nag-inti ang pisngi ko. That damn cousin! Tumayo ako. Bigla na lang itong umatras ng ilang metro. Alam siguro nitong hahabulin ko siya kagaya noong dati na ako 'yung asar-talo. "Huwag ka lang papahuli sa'kin," banta ko at humaripas na ng takbo. Agad naman itong tumakbo. Habol-habol ko ito. Habang tumatawa kami. Para kasing ang dami naming namiss noong kami'y mga bata pa. Ito ngang ngayon lang ulit kami nagkita sa loob ng tatlong taon. "Hindi mo 'ko mahuhuli!" Pang-iinsultong sigaw nito. "Mahuhuli rin kita!" Dahil medyo payat ako dito ay nakakaya kong maabutan siya. Pero 'di ko pa man siya naabutan ay may nakita akong naka-itim. Unti-unti kong binagalan ang aking pagtakbo. Paanong ang isang taong ito ay nakakayang maglakad dito? Madilim at halos sampung metro ang layo ng bawat street light dito. Naaninag ko ang kanyang katawan pero ang mukha niyang halatang tinakluban ng sombrero. "Naliligaw ka po ba?" Taka kong tanong dahil nagpalinga-linga pa ito. "Hindi naman," Base sa tono ng boses nito ay kaedaran ko. Ang kaso, kahit naman saan dito sa lugar na ito ay walang magbabalak maglakad. It depends. Aaminin kong naglalakad din ako minsan dito kapag gusto ko magpahangin. Nakakarating ako hanggang sa mansyon at kapag narating ko na iyon ay bumabalik na ulit ako. "Trying to get some fresh air?" I asked. "Oh, you've got it." Pero noong tumingin ito sa'kin at nakita ko ang mga pulang mata nito. Nunka ko nalaman na. Wala na palang nakatira sa mansyon. At nasa harap ako nito. Kasama ang estrangherong ito. Kahit na kinakabahan ay 'di kumilos ang aking mga paa. Hindi ako makahingi ng tulong dahil parang nawalan ako ng boses. At ang aking pinsan ay nakita kong bumalik na. Hindi niya ba ako nakita? "Ikaw? Bakit mag-isa ka lang na naglalakad dito? Hindi mo ba alam na delikado dito?" Tanong nito pero ang mga labi nitong nakangisi ang lalong nagpaigting ng aking kaba. Mapupulang mga labi na dinaig ang naglipstick. May pulang mga mata na 'di mo alam kung gumamit ba ito ng contact lens o totoong mga mata. Hanggang sa nag-sink in sa utak ko ang mga kwento-kwento dito sa lugar. A handsome vampire named Mathias Arcillas. 359 years old and everyday ay may namamataang patay. Hindi ito napapabalita sa telebisyon dahil malayo ito sa kabihasnan. At lumalabas daw si Mathias kapag full moon. So, I tried to look up. At nakita ko ang medyo mapulang bilog na buwan. And its moonlight hits me really different. At may pumasok na namang salita sa'king utak. Napatingin ako sa lalaki. Sinilip ko ang likod nito at lalong kumabog ang dibdib ko nang makitang wala itong anino. Nasisilayan ko ang anino kong nakatindig malapit sa kanya. At ang kanya ay nawawala. "S-sino ka ba talaga?" Kinakabahang wika ko. Hindi pa ako handang mamatay. Marami pa akong hangarin at pangarap sa buhay. Pero ang mga paa kong ito na hindi makuhang kumilos. I just heave a deep breath bago pumikit. Mukhang tutulo na ang luha ko. Pero 'pag mulat ko ay wala na ito sa harap ko. Luminga-linga din ako sa paligid ngunit wala na ito. Tanging presensya niya lang ang dama ko at alam kong pinagmamasdan ako nito kung nasaan man ito. "Ako si Mathias Arcillas," Huling wikang narinig ko at tumakbo na ako palayo. Nakarating ako sa bahay ng hingal na hingal. Naabutan ko pa doon ang mga ilan-ilan naming kamag-anak. Nakita ko rin si James na nakakunot ang noo. Napalapit ako dito. "Hindi mo ba ako nakita kanina?" Taka kong tanong. "Nakita kitang bumalik kanina sa bahay." Dugtong ko. "Sinasabi mo? Sinundan kamo kita noong umikot ka at hindi mo na ako hinabol pa. Paano nasabing bumalik ako ng ako lang?" That damn Mathias. A mysterious man who got my attention. And I smirked, nakaya din nitong gumawa ng kwento. ~~~~~~~~~~~~~~

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Purr-fect Match

read
7.1K
bc

Madness [MxM] - Completed

read
57.1K
bc

My Fireheart

read
1.3K
bc

The Little King

read
5.4K
bc

Bending My Straight Boss

read
62.8K
bc

JARED'S ESTRANGED MATE(book two chronicles of Her Grace)

read
568.9K
bc

Love In The Moonlight (BXB)

read
33.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook