DARK IMAGINATION
-Krist-
"Hindi ko akalain na magkakaro'n ako ng kaibigan na kagaya mo." Masayang wika ni Mathias.
Nasa rooftop kami ng mansyon na ito. Parehas kaming nakatingala sa maliwanag na buwan. Matapos naming kumain ay dumeretso kami sa isang kwarto kung saan maraming nakataklob na frame. Medyo duda pa ako kung bakit iniwan ang mga frame na iyon. Nagbalak nga ako magbukas ng isa pero 'di ko nakita dahil pinigilan ako ni Mathias. May mga ala-ala daw iyan sa umalis na huling nangupahan. Baka daw magbalik ang ala-ala na iyon at mag-isip ng kung ano-ano ang kung sinumang sisilip sa litratong nando'n.
"Nasa'n na naman iyang utak mo?"
Napatingala ulit ako sa ulap dahil sa narinig ko mula kay Mathias. Iba na ang dating nito sa'kin. Itinuturing ko na talaga siyang kaibigan. Hindi niya naman daw kayang sipsipin ang dugo ko dahil ako lang daw ang umunawa ng side niya.
"Nasa kung saan." Tanging sagot ko.
"Alam mo, kapag ganitong maliwanag ang sikat ng buwan. Tinititigan ko lang ito at umiisip ng paraan para magkaroon pa ng pag-asa ang buhay ko," anito.
Napalingon ako sa kanya. Seryoso ang kanyang tingin sa buwan.
"Love me under the moonlight," biglang bulalas ng kanyang bibig. "I want to love me under the moonlight."
Siguro sa pagkakataong iyon ay inayos niya ang kanyang salita. Parang nakipagkarera ang puso ko sa narinig. "Gusto mong mahalin ka sa ilalim ng sinag ng buwan?" Taka kong tanong. "Kung gusto mo 'yan, para mo na ring hiniling na mahalin ka lang tuwing full moon at mangyayari iyon once in a month." Aniko.
"Nagiging matalino ka na, ha? Alam mo, hindi ko naman binabase sa science ang pagmamahal ko. Nagmahal lang ako sa ilalim ng sinag ng buwan. At gusto kong ang buwan na iyon ay mananatiling ala-ala tuwing sasapit ang mga buwan na magkasama kami." Paliwanag nito.
"Kung iyan ang nasa isip mo. Sino ba naman ako para tumutol," aniko at humikab. Sumilip ako sa relo ko at napansin kong alas onse kinse na ng hating gabi. "Ahmmm. Mathias," tawag pansin ko rito.
"Alam ko," anito at tumayo na. Inalalayan niya ako at bigla ko na lang binawi ang kamay ko dahil sa naramdaman ko.
"Ramdam mo 'yun?" Taka kong tanong dito.
"Uhumm," anito at tumungo-tungo. "May kuryente, grrrr," dugtong nito at tumawa.
Tumawa na lang din ako at nagpaalalay na bumaba.
~*~
"Ano? Eh, 'di, tinanghali ka ng gising,"
"Ang agang bungad niyan inay. Sarap sa ears," pamimilosopo ko.
"Ayan ba ang natututunan mo kapag lumalabas ka ng gabi?" Sermon nito. Biglang pumasok si itay. Buti na lamang at Sabado ngayon. Walang pasok. "At saka, mabuti na lamang at hindi ka naaabutan ng bampira na 'yon," tili ni inay. Siguro'y gigil na gigil na sa'kin.
"Pinapayuhan ka lamang ng iyong inay," wika ni itay sa mahinahon na tono. "Pero kung aabusuhin mo ang pagpayag namin sa'yo ay baka pigilan na kitang gumala pa sa gabi lalo na't may patay na naman sa tapat ng haunted house." Mahabang dugtong ni itay.
Ang sarap batukan ni Mathias. Sabi niya ay hindi na siya sisipsip ng dugo. Napakasinungaling. Nanggigigil na rin 'yung dugo ko.
"Aba'y, magandang babae pa ang nakitang patay do'n. May ilang test na ginahasa daw iyon bago sipsipin ang dugo."
Nanayo ang mga balahibo ko. My dark imagination imagined that scene. Parang may tumusok sa dibdib ko. Ano kaya iyon?
"Mabuti pa'y huwag ka na lang gumala sa gabi. Ang laki ng oras mo sa Sabado at Linggo," wika ni itay.
Tumayo na ako at nag-agahan. Sumabay naman sina itay. Si itay daw ay pupuntang bukod kasama si inay. Ako ay mananatili lang sa loob ng bahay dahil na rin sa kagustuhan ko.
Nang makaalis na sila ay pumunta na akong kwarto ko upang kumuha ng librong babasahin ko. Pero 'di ko pa ito nakukuha ay nahagip ng mata ko ang bintana na nakasara pa. Binuksan ko ito at laking gulat ko nang may makitang pulang rosas dito.
Naalala ko na binigay ito sa'kin ni Mathias. That damn! Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Wala akong nagawa kundi isara ulit ang bintana at lumabas. Kinuha ko ang aking bisikleta at pumadyak patungong mansyon. Medyo nangangatog pa ang aking tuhod nang ako'y makababa sa bisikleta. Humarap ako sa mansyon. May ilang tao ang nasa harap niyon at tila sinisuri ang loob. Wala naman siguro silang makikitang ebidensya na may nakatira pa rin do'n kahit inabandona na ng huling nangupahan.
"Ano po'ng nangyari dito, boss?" Tanong ko sa isang police officer na nakatalikod.
Nang humarap ito ay para na lamang naestatwa ang aking pagkatao. Bakit ang isang police officer ay kamukha ni Mathias?
"Ahmm.. .Ganito kasi sir,"
Saka lamang ako natauhan nang magsalita ito. Hindi ito si Mathias. Maputi lamang ito na matangos ang ilong and to tell this to other, pogi ito. "Atake na naman ba ng bampira?" Tanong ko agad dito.
"Mukhang gano'n na nga po, sir,"
Lalong dumilim ang imahinasyon ko para kay Mathias. Why does he need to sip blood? Just to have another life? Just to make his self younger? "f**k, Mathias," naibulong ko na lamang at walang kaabog-abog akong pumasok sa loob. Wala namang nakalagay na caution dito, eh.
"May pumigil sa'kin pero nagulat lang siguro ito nang bigla na lang nag-sara ang pintuan ng mansyon at maski ako ay nagulat din. Pagsilip ko sa pintuan ay naalala ko ang panahon kung kailan gusto kong tumakas sa kamay ni Mathias. May mga nakalagay na kahoy dito na nagsisilbing lock.
Parang bumalik lahat sa unang gabi nang pagkikita namin ni Mathias. Pero walang Mathias na nasa loob ng mansyon. Nilibot ko ang tingin ko.
"Teka, paanong nakapasok iyon?" Narinig kong sigaw na tanong ng lalaki sa labas.
Kung ako ang sasagot ay 'di ko rin alam. Bakit nga ba ako nakapasok? Dahil ba nakita ko itong nakabukas? May scientific explanation ba ito after kong malaman kung ano ang mga nangyari? Siguro wala, dahil si Mathias ang may kagagawan.
"Nasa'n ka Mathias?" Tanong ko. Umalingaw-ngaw lang ang tanong kong iyon sa buong mansyon.
Luminga-linga ako. Nagisismula na namang magkaroon ng napakaraming katanungan ang aking utak. Nagsisimula na naman ang mga imahinasyong hindi ko dapat bigyan ng kulay.
Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan kung nasa'n ang mga frame ay nakatalukbong. Umuusbong na kasi ang kuryosidad ko sa mga nakataklob na mga frame. I just want to see what's in the frame.
Habang naglalakad ay pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko. I was about to open the door when I heard some footstep at the second floor. Nakaramdam ako ng kaba. Pero nanatili pa rin ang kuryosidad ko sa kung sino ang gumawa ng yabag na iyon.
I try to reached to stairs. And I did. Habang palapit ako ng palapit sa ingay ay lalong kumakaba ang aking dibdib. Naabot ko ang second floor. Ganito na lang ba ang kaba kung makakakita ka ng kabaong at ang imahe ni Mathias na nakahimlay do'n?
Madilim ang palapag na ito. At dahil nga maaga ngayon ay matatanaw ko ang kabuuan nito. Puro paintings na nakatalukbong ang makikita dito. Gusto ko mang silipin ang isa sa mga ito ay hindi ko magawa dahil parang na-glue ang paa ko sa nakikita ko.
May isang paso ng rosas dito na katulad ng binigay nita. Lalong tumindi ang pagkabog ng dibdib ko nang makarinig ng hikab. Napalingon ako kay Mathias. Mahimbing pa rin na natutulog ito. Nagkaroon ng lakas ang aking paa upang lapitan ito.
Pero laking gulat ko ng may tumalon na pusa sa bubong. Napatakip ako ng bibig nang gumalaw si Mathias. Dahan-dahan akong nagtago sa isa sa mga sofa dito. Napalingon ako sa kabaong. Tumayo si Mathias at nag-inat-inat.
"Ang hirap maging ganito, bakit kasi?" Tila inis na bulalas niya at nahiga ulit sa kabaong.
Ano 'yung mga pinagsasasabi niya?Naguguluhan ma'y 'di ko na ito pinansin. Mas pinagtuunan ko pa ng pansin ang mga nasa paligid. Bakit puro frame? Dakilang artist ba ang may-ari nito o nangupahan para magkaroon ng ganitong kadaming frame? Sa lawak ng second floor at sa paglilibot na rin ay may nakita pa akong bakanteng kwerto.
May nakalagay na name sa mismong pinto. "Math". Iyon ang nakalagay. Nagkakaroon na naman ng iba't-ibang imahe sa isip ko. Math, it can be the shortcut of named "Mathias." Pwede din namang "Mathew," "Matheo." Napailing ako sa mga iniisip ko. Kung bakit si Mathias ang lagi, kung pwede namang iba ang nakapangalan dito.
Curiosity filled my body. Hinawakan ko ang doorknob ng pinto. And I was about to open it when I heard a scream.
Napalingon ako, tulog pa rin si Mathias. At ang yabag ay nanggagaling naman sa baba. Humakbang ako ng mabilis para makapunta sa hadgan pero padaan pa lang ako sa tinutulugan niya'y ako naman ang napasigaw.
"Hinawakan ka lang," wika ni Mathias.
"Alam mo! Aatakihin ako sa bigla-bigla mong paghawak sa kamay ko." Anas ko.
"Bakit ka pa kasi nandito?" Tila iritado ding tanong nito.
Bakit nga ba ako nandito? "Dahil du'n sa babaeng patay diyan sa tapat ng mansyon," sagot ko
.
Napatayo ito. Laking gulat ko dahil bampira ito, pero, pero. Napa-iling ako. Wala namang sikat ng araw dito, eh. Maliwanag lang talaga. Pero bakit sa lahat ng bampira ay siya lang ang may kakayahang makipagtitigan sa maliwanag na paligid?
~*~ ~*~ ~*~