Chapter V

1562 Words
DRAWING -Krist- Ilang araw na rin ang lumipas. Ilang gabi na rin ang nagdaan ay nakasama ko pang lalo si Mathias. Naging malapit din kaming lalo at ngayon ngang sabado ng gabi ay excited akong pumunta sa mansyon. "Saan ka na naman pupunta, aber?" Saway sa'kin ni inay. "Diyan lang ako, magpapahangin," nakangiting wika ko. "Magpapahangin? Gabi-gabi mo na 'yang ginagawa ha?" Pagalit na wika nito. "Kung gusto mong gumala ng gabi, sabihin mo na lang na gagagala ka, hindi 'yung papalusot ka pa," natatawang dugtong nito. Cold temper ang mga magulang ko. Hindi sila minsan nagkaroon ng galit sa'kin dahil sa pagsisinungaling ko. Tactic din yata nila iyon para makonsensya ako. "Tama ka po inay, gagala nga lang po ako at gusto ko rin naman magpahangin. Kastress kaya sa school lalo na 'yung bully na anak ng may-ari ng school na katabi ko pa sa classroo---" at bago ko pa matakpan ang sarili kong bibig ay lumabas na lahat ng hinanakit ko sa paaralan. "Ano kamo, anak? Binubully ka do'n?" Pagsingit na tanong ni itay. Lumabas ito ng kwarto nila. Siguradong naglinis ito ng tutulugan nila. "'Nay, 'tay, hayaan niyo na siya. Hindi naman po siya nananakit physically. Pero 'yung baon ko lang po talaga ang habol niya. Masarap daw po kasi ang luto ni inay kaya ayun, iba ang nakikinabang," wika ko at humakbang na palabas. "Basta mag-ingat ka ha? 'Yung bampira," bago pa makapagreact si inay sa bampira ay nakatakbo na ako palabas. Alam ko kasing 'di ako papayagan ng mga ito dahil sa issue na may bampira dito. Mabait naman si Mathias, eh. Hindi nga lang sa iba na ang alam lang ay matakot at magalit sa mga ito. Hingal na hingal akong nakarating sa lumang mansyon. Nakapatay ang ilaw kagaya ng inaasahan ko. Nakita ko itong nakatayo sa maindoor ng mansyon. Kumaway ako, iba na ang dating nito. Maayos na ang suot na damit hindi kagaya no'n na akala mo'y pulubi. Medyo kumabog ang dibdib ko ng biglang bumukas ang ilaw sa labas at makita ang mukha ni Mathias. Lalo pang kumabog ang dibdib ko nang makita itong may hawak na pulang rosas. "A-ano 'yan?" Natatangang tanong ko. "Para sa'yo," nakangiting wika nito. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Bakit parang ang bilis niya? Nahalata niya bang hindi ako straight na lalaki? "B-bakit?" Taka kong tanong. "Turuan mo ko magguhit." Nakangiting wika nito. May naikwento pala ito sa'kin na gustong-gusto niya matuto sa pagguguhit. "Tuturuan naman talaga kita, eh," aniko habang tumatawa. "Bakit kailangan mo pang magbigay ng rosas?" Tanong ko. Pero sa ganitong klaseng kilos ay kinikilig ako. Ikaw ba naman na ang isang gwapong bampira ay mag-alay sa'yo ng bulaklak. "Itanim mo 'yan. Tapos ilagay mo sa bintana mo. Para kapag sumapit ang araw at bigla ka na lang bumangon at mapasilip sa bintana, iyong rosas agad ang iyong makikita at maalala mong may kaibigan kang hindi ordinaryo," paliwanag nito. Tumango-tango na lang ako. "Pasok na tayo, baka habulin pa ako ni itay at pauwiin," natatawang wika ko at nauna nang pumasok sa lumang mansyon. Narinig ko naman ang yabag nito papasok din ng mansyon. Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa'kin ito. Ang pagkakaroon ng kaibigang may kakaibang katangian ay nakakakaba na nakakatakot. Hindi ko pa siya lubos na kilala pero ang utak ko ay nagsasabing manatili sa tabi nito. "May ikukwento pala ako sa'yo mamaya. Do'n tayo sa may rooftop." Wika nito. Iniisip ko na lang siguro na mahulog sa bampirang ito. Ikaw ba naman na bigla na lang maghuhubad at makikita ang yummy nitong katawan? Pero kailangan kong magpigil. Sino ako para pagnasaan ang ganitong klaseng nilalang? Mabuti sana kung katulad siya ni Reniel. "What about Reniel?" Parang tangang tanong ko sa sarili ko. "Anong mayroon sa taong iyon?" Tanong naman ng nasa harap ko. "Uh, that guy was a bully," aniko. Dahil kaibigan ko na siya, may sikreto naman yatang pwedeng sabihin sa kanya at mananatiling sikreto ito. Tumayo ito at hinawakan ang aking braso. Napasinghap ako nang maramdaman ang kuryenteng dumaloy dito patungo hanggang sa dulo ng aking mga kuko. What't with that touch? I looked at him and I saw him checking my body. "Wala ka namang galos mula sa pambubully niya," anito at bumalik na sa kinauupuan. "Paano ako magkakagalos kung pagkain ko sa umagahan at tanghalian ang kinukuha niya?" Asik ko rito. Parang nainsulto kasi ako sa sinabi kong si Reniel ay isang bully. "Sorry na," he said then raised his both hands for surrendering. "Ano kamo?" Parang nagulat pa ito at pahambalos na ibinagsak ang kanyang mga kamay kaya nagsitalunan ang kutsara at tinidor na akala mo'y sumali sa circus. Pati ang puso kong bigla-bigla na lang kakabog ng malakas. "Hindi ko mapapayagan na ang isang katulad mo ay mabubully niya," nagtagis ang mga bagang nito. Ikinuyom ang mga kamao na akala mo'y kaharap na niya ang kalaban. At ang mga pulang mata na pulos galit lang ang makikita. "H'wag kang gagawa ng masama sa kanya," banta ko rito. "Hindi naman ako gagawa ng masama sa kanya, pagsasabihan ko lang siya," wika nito sa mahinahon na tono. Siguro'y nahinuha niya ang pinupunto ko. "Ayan, chill ka lang. Problema ko 'yun," bulalas ko naman. Baka sa susunod na araw ay maging laman ng balita si Renie na may kagat sa leeg at ubos na ang dugo. Alam ng mga kaklase kong kaibigan ko si Mathias. Kaya wala akong ligtas once na mangyari ang gano'ng senaryo. "Did you tell others na may kaibigan kang bampira?" Tila nangangambang tanong nito. Kailangan ko nga bang magsinungaling dito. If he can read minds, siguro ay hindi niya ito mababasa kung iibahin ko ang ekspresyon ng aking mukha. Ngumiti ako. Salungat sa dapat kong ipakita. Kanina pa kasi ako kinakabahan na what if umamin ako, ano kaya ang mangyayari? "Wala pa namang nakakaalam na magkaibigan tayo. Hindi ako gano'ng kadaldal na tao," aniko pa na tamang-tama sa'kin. Kailan ba ako tinuruan ng magulang ko na magsinungaling. Sa pagguhit ko ng salita ay para namang naniwala si Mathias kaya hindi na rin ako kumibo at kumain na lang din. Habang kumakain ako ay napapatingin ako kay Mathias. Maraming katanungan ang gusto kong mabigyan ng sagot. Pero isang iling lang ang ginawa ko upang mapalis ang mga katanungan na iyon sa aking isip. Bakit ba hindi nauubusan ng tanong ang mga tao? Kagaya ngayon na punong-puno ng katanungan ang aking utak. Hindi ako makapaniwala na may bampira akong kasama dito sa lumang mansyon. A one horror house. Teka, horror house nga ba? "Ano na naman 'yan? Bakit ka nakakunot noong nakain?" Puna ko kay Mathias. "Huwag mo na lang akong intindihin. Ganito lang ako kumain." Walang ganang sabi nito. Babae nga lang ba ang nireregla? Eh, kanina, tuwang-tuwa ito nang makita ako tapos ngayon ay nakasimangot na parang 'di maintindihan. "Nireregla ka ba?" Hindi ko na mapigilan ang tanong na pumasok sa isip ko. "'Yung pagguhit 'yung iniisip ko. Hindi ko alam kung paano sisimulan," tila problemadong wika nito. "'Di ba? Sabi ko naman sa'yo na ako na'ng bahala sa pagtuturo." Nakangiting wika ko. Kuminang ang mga mata nito. Kinang na hindi maihalintulad sa isang dyamante. Kumabog ng ubod lakas ang aking dibdib. Hindi maipaliwanag dahil wala namang nakakakaba sa pagkinang ng mga mata nito. O, baka gusto lang nito ang dugo ko at inuunti-unti lang ako. Napalunok ako sa isiping iyon. At dahil do'n ay nabilaukan ako. Agad na iniabot ni Mathias ang basong may tubig at inalalay pa ako sa pag-inom. Nang mahimasmasan ay napatingin ako kay Mathias. Isang bampirang maputi ang balat. May kapulahan ang mga mata at aakalain mong sampid lamang sa mga kamag-anak ng bampira. But he was. Tinitigan ko ang mukha nito. Wala naman sa itsura nitong kaya akong patayin sa pamamamagitan ng pagsipsip ng dugo. Napa-iling ako. Kung ano-ano na ang naiisip ko. Si Mathias Arcillas ang kasama ko sa isang mansyon na ito. Isang kilalang bampira na pumapatay ng tao sa pagmamamagitan ng pagsipsip sa dugo ng mga ito. I were thinkin' na sana ay hindi ako maging biktima nito. "Wala ka bang planong sipsipin ang dugo ko?" Wala sa sariling tanong ko dito. "Ano namang tanong 'yan?" Natatawang balik tanong nito. Napatakip pa ito sa bibig dahil 'di mapigilan ang pagtawa nito. "Gagawin ba kitang kaibigan para lang sipsipin ang dugo mo? Iba ang pagsipsip na gagawin ko sa'yo," wika nito at ngumisi. My heart pound hard again. Umiiba ang pagguhit ng utak ko sa salitang binitawan ni Mathias. Alam na kaya nito na hindi ako tunay na lalaki at isa akong nilalang na pwede magmahal ng kapwa kasarian? "Kung ano man iyang nasa isipan mo, Krist, alis-alisin mo. Hindi ko sisipsipin ang dugo mo. Ngayon nga lang ako nagkaroon ng kaibigan pagtataksilan ko pa?" Wika nito. Napatango na lamang ako. May punto din naman ito. Kinaibigan ako para magkaroon siya ng kaalaman sa mga nagagawa ng normal na tao na kahit alam ko namang alam din nito iyon dahil ilang taon na siyang nabubuhay sa mundo. Mahirap pala malagay sa ganitong sitwasyon. Pero kakayanin ko dahil pumayag ako. Baka kapag pinutol ko na ang ugnayan namin ay hindi na ako sikatan ng araw. Dahil sa pagkakaroon ko ng madilim na imahinasyon ay nagkakaro'n din ako ng mga katanungang nangangarap magkaroon ng kasagutan. Ang tanong na bakit ako ang pinili niyang maging kaibigan? ~*~ ~*~ ~*~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD