CURIOSITY
-Krist-
I woke up in midnight. Panaginip lang pala ang nangyari sa mansyon. Pero parang totoo iyon dahil hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang aking tiyan na maraming laman. Napasarap ako ng pagkain at noong masabing siya daw ang nagluto ay mas lalo akong ginanahan.
Tila masarap kasama si Mathias, para ngang hindi siya tunay na bampira dahil wala akong nakikitang pangil kagabi.
Wala akong magawa kundi ang bumangon upang maghilamos. Sumilip ako sa bintana at tinanaw ang mansyon. Kumabog ng malakas ang puso ko ng biglang dumungaw ang mukha nito.
"A-anong g-ginagawa m-mo r-rito?" Utal-utal kong tanong.
"Sinisilip ka kung maayos ka bang nakakatulog, aking kaibigan," wika nito at ngumiti. "Alis na rin ako," dugtong na saad nito. Pero 'di pa ito nakakalayo ay bumalik din kaagad. Simbilis ng kidlat. Kaya nanlaki ang mga mata ko ng muntik ng magdikit ang aming mga labi. Takang-taka man ay 'di ko na pinansin ang ngiting umukit sa labi nito. "Nga pala, huwag mo 'kong asahang gising sa umaga ha? Nocturial ako." Anito at bigla na lang nawala.
Napailing na lang ako at binaba na ang bintana at muling bumalik sa pagkakahiga. Iniisip ang maamong mukha ng bampira. Napangiti ako at hindi pinagkait ang kaunting oras na tulog.
"'NAK, gising na,"
Napamulat ako nang magsalita si inay. Napasarap ang tulog ko. Napanaginipan ko na naman kasi si Mathias na nakaakbay sa'kin habang nakatingin sa maliwanag na sikat ng buwan at nakapwesto kami sa bubong ng mansyon.
"Gising na po," wika ko na pupungay-pungay pa. Napasilip ulit ako sa bintana. Hinihintay na may maggood morning sa'kin na Mathias pero nahuli ko na lang ang sarili kong ngumingiti at biglang napabuga ng hangin.
"Nocturial daw siya, means, tulog siya sa umaga,"
Muntik ko ng makalimutang bampira nga pala ito. At natutulog ba ito sa kabaong kagaya ng mga nasa kwento? Sinilip ko ang ilalim ng aking papag. Mahimbing pa ring natutulog ang alaga kong aso na si Choy. Matagal na ito sa'kin dahil simula pagkapanganak pa lang nito ay kinuha ko na at inalagaan.
Wala akong nagawa kundi ang lumabas na lang ng kwarto. Si inay ang nagpapakain diyan tuwing may pasok ako. At tuwing weekend naman ay ginagala ko ito sa labas. "'Nay, ano pong ulam?" Tanong ko kaagad habang nagtitimpla ng kape.
"Adobong atay na may catsup,"
"'Nay, may handaan?" Taka kong tanong.
"Wala naman, ipinagluto ka lang ng paborito mo ay tinatanong mo agad kung may handaan?" Natatawang sambit ni inay.
Napalingon na lang ako sa kape. 'May the light shall embrace you' nawika ko.
"Mukhang kinaadikan mo na ang larong iyon, anak, ha?" natatawang tanong ng aking inay.
"Naririnig ko po kasi iyon sa heroes kapag gusto mong i-pick." Sagot ko at umupo na sa upuan. "Nasaan po pala si Itay?" Taka kong tanong dahil 'di ko ito naabutan ngayong umaga.
"Nasa bukid natin, anak. Malapit na ang tag-ani kaya todo gawa na ang tatay mo ng scarecrow," saad nito at nag-ala scarecrow pa.
But curiosity filled my body nang makitang umuwi si itay. Susubo pa lang ako ng isang beses ay bigla na lang itong nagsalita.
"May patay sa bukid natin," wika nito na pagod na pagod. "Isang babaeng estudyante." Dugtong nito.
Dahil malaki ang oras ko sa umaga ay tinapos ko agad ang pagkain ko at sinundan si itay sa bukid.
Nang makarating kami ay napatakip ako ng ilong. Nangangamoy na ito. Hindi ba sila nagdududa? Mas lalo akong nagulat at lalong nagtaka nang makitang may kagat ito sa kaliwang bahagi ng leeg. Sigurado akong si Mathias ang gumawa nito.
"Ang bampira na naman." Wika ng isang pulis. "Ilang beses na namin siyang gustong hulihin pero 'di namin magawa. Masyado siyang tuso dahil maski kami ay natatakot sa kilos niyang bigla-bigla na lang susulpot sa harap at bigla na lang mawawala," iiling-iling na wika ng pulis.
Napatingin ako sa babae. Estudyante daw sabi ni itay. Iba ang suot nitong school uniform. Kulay dilaw. Ang dati kong pinapasukang eskwelahan lang dito ang nagpapasuot ng kulay dilaw na uniform. Kulay blue naman sa pinapasukan ko ngayon. Base sa itsura ng babae ay nakapagtatakang may mga dugo ito. May hindi ba sinasabi sa'kin si Mathias? I shrugged. Kagabi lang pala kami nagkakilala kaya tinataguan niya pa ako ng lihim.
"Uwi na po ako, itay." Aniko. Hindi ko na siya hinayaang magsalita at tumakbo na lang ako papuntang bahay namin. Parang ang sakit isipin na mayroon kang kaibigan na tinataguan ka ng lihim.
Pumasok na ako ng balisa. Nakasalubong ko pa si Rebecca at Reniel pero 'di ko sila pinansin. 'Di ko ba alam sa sarili ko. Parang mas gusto ko pang kasama si Mathias na tawa lang ng tawa kapag nagkukwento ako at hindi na nagkokomento kung saan ko iyon nagawa.
"'Di na namamansin, ah?" Wika ni Rebecca at naupo na ito sa likod ko.
"I was just absurd sa nangyari sa village," saad ko.
"What was that?" Tanong nito.
"May patay sa bukid namin," wika ko at napatingin na lang sa chalkboard. Nagkaroon ng buhay ang aking mga paa at humakbang ako patungo doon. Kinuha ko ang chalk at banayad na sinundan ang nasa utak ko.
"Wow, ang gwapo naman niyang, Krist," wika ni Jade na nasa kabilang row. Bumalot ang kuryosidad sa'king katawan. Bakit ko ginuhit ito? Gusto ko mang burahin pero 'di ko magawa.
"Si Mathias Arcillas," rinig kong sabi ni Reniel. "A vampire of Glamour Village," dugtong nito. Napalingon ako sa kanya. "Kahit anong ganda ng itsura niya'y mananatili pa rin siyang nakakatakot," dugtong ulit nito.
Nag-init ang tainga ko. "I saw him last night." Matigas na wika ko habang palapit nang palapit sa kanya. 'Di ko alam kung bakit nagiging ganito ang kilos ko. Wala naman itong scientific explanation kaya 'di ko maipaliwanag kung bakit ganito ako ngayon. Sumama ang tingin ko dito. Alam kong 'di ito matitinag dahil isa itong siga sa eskwelahang ang mismong magulang nito ang may-ari. "Nag-usap kami," ramdam kong nagulat ang karamihan sa mga kaklase ko. "He just wanted a friend so I draw his face at kung sakali mang makikita siya sa daan ay imbis na matakot ay ngumiti at banggitin ang pangalan." Aniko.
Nilibot ko ang tingin ko. Ang ilang babae ay natuwa at ang iba'y parang sinilihan ang pwet dahil sa nasagap sa'kin.
"Did you mean na kaibigan mo siya?" Takang tanong ni Rebecca.
"He is." Simpleng sagot ko at hinagis ko patalikod ang chalk na hawak ko.
"Wow, sakto," wika ng lalaking nasa tabi ni Jade.
"May mga pagkakataong tama ka, mali ako. Tama ako, at mali ka. Pero sa kalagayan natin ngayon, ikaw ang nasa maling posisyon. Kuryosidad ma'y gumapang sa'king buong katawan, hindi ako nag-alinlangang tanggapin ang alok nitong pakikipagkaibigan," wika ko at bumalik na sa upuan.
Eksakto namang dumating ang aming first subject teacher. Wala na akong ginawa kundi ang makinig.
Pagsapit ng breaktime ay nagsialisan lahat ng tao sa classroom. Sumulip ako sa aking bag at nakita ang baon na ipinasok ni inay dito. Naaawa ako para sa aking inay na nagpakahirap magluto para lang may makain ako sa recess pero ito ay nasa kamay na ng siga na si Reniel.
Napalingon ako dito, nakita ko itong nakangiti pero binawi din agad. "Ang bango naman ng amoy nitong pagkain mo." Masayang wika nito at lumabas na ng classroom. Sinilip ko ulit ang aking bag. Dalawang baon ang tangay-tangay ng isang siga.
Inubos ko na lamang ang oras ko sa pagguguhit ng mukha.
"Ito, oh, nakita ko ang ginawa sa'yo ni Reniel,"
Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang lalaking katabi ni Jade. Mabilis kasi akong makalimot sa mga pangalan lalo na kung hindi ako interesadong kilalanin. Napatingin din ako sa hawak nitong fudgee barr. Ayon ang pinakagusto kong tinapay sa lahat.
Walang pagdadalawang isip ko itong tinanggap. Hindi naman masama ang 'di tanggihan ang alok, 'di ba?
'Katakawan lang,' wika ng mapang-insulto kong utak na akala mo'y 'di rin makakatikim ng fudgee barr.
"Salamat," aniko at binuksan na. Tumabi naman ito sa'kin.
"Bakit nga pala parang ang lalalim ng salita mo?" Takang wika nito.
Maski naman ako sa sarili ko ay nagtataka rin. 'Di ko ito ugali noong nasa kabilang school pa ako. Nang mapunta lang ako dito ay parang bumaliktad na ang mundo. "'Di ko rin alam sa sarili ko. Naging gnaito lang ako nang makilala ko si Mathias," wika ko.
"'Yung bampira kuno?"
I nodded. "Para bang mayroon siyang kapangyarihang kontrolin ang katawan ko. Hindi ko kita ang nasa likod ko pero noong ibato ko ang chalk ay alam kong papasok iyon sa lagayan." Wika ko at inalala ang pangyayari kanina.
"Hanga rin ako sa'yo dahil wala pang nakakagawa niyon kay Reniel," manghang wika nito.
"Kaya niyo naman siya labanan, lahat tayo'y may tinatagong katapangan. Nauunahan lang tayo ng ating pag-iisip kung ano ba ang mas nararapat na gawin." Matalinhaga kong saad.
"Tignan mo, pati 'yang salitaan mong ganyan," wika nito and followed by tsking.
Natawa na lamang ako sa aking sarili. "Hayaan mo na lang ang side kong iyon, tinutupak siguro," wika ko na kinatawa niya. "Nga pala, ano'ng pangalan mo?" Ako na ang naunang magtanong baka mamaya ay makalimutan ko na namang tanungin.
"Chard, Chard of lightness," wika nito na kinatawa namin.
~*~ ~*~ ~*~