Chapter III

1575 Words
A ONE HORROR HOUSE -Krist- Tuwang-tuwa ako ng uwian na. Halos 'di ako nakakain ng buong araw gawa ng ginawa ni Reniel. Pati ang tanghalian ko ay kinuha niya rin. Ang sama talaga ng ugali nito. Wala ba itong mga magulang na nagluluto ng pagkain para sa kanya? Tila parang umaayon ang panahon sa kanya dahil nang makalabas ako upang puntahan ang aking bisikleta ay nawawala ito. Dito ko lang iyon inilagay, eh. "Oh, bakit Krist?" Sambit sa'kin ni Rebecca. Ang babaeng nangangarap ng isang dosenang anak. "Nawawala ang bike ko," wika ko. Medyo namamaos na rin ako. Ganito ba kapag transferee? Kailangang makaranas ng mga ganito? Hindi nga ako nabully physically pero nabully ako gamit ang paggutom sa'kin. "Nandiyan lang iyan. May cctv dito kaya itanong natin sa principal. Baka nagkamali lang ng kuha," wika nito at hinila na ako sa kamay. Iba na ito ngayon, hindi man lang ako natusok sa mga kamay nito. Agad kaming nakarating sa principal office. Sinilip namin ang footage at ang walanghiyang si Reniel ang kumuha ng bike ko at itinag iyon sa likod ng school. Agad akong tumakbo papunta do'n. Gusto kong umuwi ng maaga pero ano ito? Ang tagal namin sa principal office dahil si Reniel ay anak ng may-ari ng school kung saan ako pumapasok ngayon. I just shool my head. Bahala na, edi bumalik na lang sa dating school kung patalsikin ako dito. Ayaw ko lang magkaroon ng kaaway. Lalo na ang anak ng may-ari nitong eskwelahan. Tatlong minuto din ang tinakbo ko bago ko marating ang likod ng school. At napabuga ako ng hangin ng makitang nahiwalay ang unang gulong nito. Luminga-linga ako. May napansin akong bag sa likod noong puno kung saan ako tumambay noong tanghali. Ito siguro si Reniel at binabalak magtago. "Bakit mo ito ginagawa sa'kin, Reniel?" Pasigaw na tanong ko. Wala man lang sumagot. Tanging uwak lamang. I sighed. Buti na lamang at dumaan ang janitor sa likod upang diligan ang mga halaman. "Mang Janitor?" Untag ko dito. Agad naman itong napalingon sa'kin at nagtanong. Pero bago ko pa sagutin ang tanong niya ay nahulaan niya na kung bakit. "Sandali lang, 'toy, may mga gamit ako sa budega." Wika nito at mabilis na umalis. Mabilis na natapos ni manong Hernan ang aking bisikleta. "Mabuti na lamang at inalis lang ang gulong sa tinidor, kung iyan ay binaklas lahat, mukhang gagabihin tayo sa pag-aayos," wika nito at tinapik ang aking balikat. "Mag-ingat ka na lamang sa anak ng may-ari nito. Marami na iyong nabubully. Simula noong magbreak sila ng kasintahan ay nag-iba ang ugali. Limang taon na ako dito at kahit may-ari pa ng school ang anak ay lagi na lang itong balik eskwela sa fourth year." Mukhang naiintindihan ko na kung bakit ganito ang trato nito sa iba. "Lalaki lang po ba ang binubully niya?" Natatakot kasi akong baka pati mga babae ay madamay sa tahasang pambubully nito. "Hindi, alam mo bang bisexual iyang si Reniel?" Namangha ako sa narinig. Bisexual naman pala, eh. Bakit naging bully? "Paano niyo po nalaman?" Curious na tanong ko. "Ang kanyang ina ay nagbigay ng magarang kaarawan sa kanya na may temang iba't-ibang kulay. Proud daw ito at nagkaroon siya ng anak na ganoon. Ngunit noong bumagsak ito ay nag-iba na ang tingin sa kanya ng kanyang ina," wika nito at napakamot sa ulo. "Oh, siya, baka malayo pa ang ipepedal mo. Maabutan ka pa ng dilim." Anito at umalis na sa harap ko. Tumingin ako sa puno. Wala na doon ang bag. Ano kayang dahilan nang paghihiwalay nila ng kanyang kasintahan? Kaya ba nag-iba ang ugali nito dahil sa dalawang dahilan? Bakit hindi niya na lang galingan sa eskwelahan ng maging proud ulit ang kanyang ina? I just heave a deep breath at sinimulan ng pumadyak. Sumaludo pa ako sa guard doon na night shift daw. Siguradong gagabihin ako nito. I just looked at the sky. Tama nga, medyo madilim na nga. Hindi ko na kita ang maski sinag ng araw sa kalangitan. Habang pumapadyak ay napatingin ako sa paligid. Ibang-iba na ito sa tunay nitong anyo. Simula noong magkaroon ng "bampira" dito ay nag-iba lahat. Ang mga tao ay maaga ng nagsasara ng kani-kanilang bahay. Ako na lang yata ang makisig na pumapadyak pa rin ng bisikleta kahit gabi na. I just checked the time at my wrist watch. Alas sais na. Hindi pangkaraniwang oras para sa'min. "Paano magiging pangkaraniwan ay may bampira nga," aniko at umirap. Napalingon ako sa mansyon. Horror house na sigurado ito dahil sa patay sa loob. Pero ang aking paa ay imbis na ipadyak ay huminto. Saglit akong napatitig sa mansyon. Sa magandang kulay nitong kulay lila ay naging kulay itim na dahil sa walang kailaw-ilaw. Tinanggal na rin kasi ang ilaw ng poste dito. Napundi daw. My heart beats fast when I stepped forward. Medyo natatakot ako sa kinikilos ko kapag nakaharap sa mansyon. Bigla na lang akong bumaba ng bisikleta at naglakad patungong mansyon. Anong hiwaga ang mayroon ka? Hindi ko naisatinig iyon pero ramdam kong may nakarinig sa'kin. "Wala naman, dati naming tirahan iyan," My heart pound hard than a normal heartbeat. Ninenerbiyos na ako dahil sa sobrang takot na rin. "Paanong naging sa inyo ito?" Tanong ko kahit 'di ko pa nakikilala ang nasa likod ko. "Ako si Mathias Arcillas," Napabuga ako ng hangin at napahawak sa aking dibdib. Takot na takot na ako sa nangyayari sa'kin ngayon. Naramdaman kong naglakad ito. Nakatingin lang ako sa baba. Wala pa rin siyang anino. Binuksan niya ang pinto. "Tuloy ka," wika nito sa malambing na tono. "Ayaw ko," wika ko pero ang aking paa ay unti-unting humakbang papasok sa mansyon. Binuksan niya ang ilaw at nakita ko ang iba pang mga gamit na nakabalot sa puting tela. Mukha ngang horror house ito. "Pwede mo na ba akong pauwiin, please?" Wika ko. Alam kong may kapangyarihan ito base sa kinikilos ko ngayon. Ibang-iba na kasi, tutol ang isip ko pero ang katawan ko ay sumusunod sa inuutos nitong bampira. Tuluyan na bang napikot ang aking isipan? Mukha pa namang hindi dahil nagsasalita pa rin ako ng ayon sa gusto kong sabihin. Tanging katawan ko lang ang sumusunod dito. "Saglit lang, ngayon lang kita makaka-usap ng matino ay lalayasan mo 'ko?" Wika nito at natawa. His laugh. "Pwede bang huwag mo ng pasunudin ang aking katawan?" Natatakot na paki-usap ko. "Ayaw ko nga, gusto ko pa kasing maglaro ng katawan ng iba. Mas masarap kaya ang dugo ng lalaki?" Tanong nito at ngumisi. Napalunok ako. Hindi dahil sa takot kundi sa ganda ng labi nito. Bakit ganito? Bampira siya. Lalaki ako at dapat 'di ako maapektuhan sa magagandang anyong mayroon ang kanyang katawan. "'Di ako masarap," wika ko at iiling-iling. "Hmmm. Tara sa kusina, may hinanda akong pagkain doon," wika nito at naglakad sa kaliwang bahagi ng bahay. Sinundan ito ng aking mga paa. Dahil nga inamin nitong nasa loob ako ng kapangyarihan niya ay hindi na ako nagprotesta pa. Kung ito na ba ang huling hantungan ko ay haharapin ko. Hihingi na nga lang ako ng tawad sa mga magulang ko dahil 'di ko pa yata matutupad ang malamansyon kong pangarap. Nang makapasok kami ng kusina ay namangha ako. Ang daming nakahain. Pero sa likod niyon ay halos masuka ako. Iniisip ko kasing kinatay na tao ang ginawang karne nito. "Kung iniisip mo ngang karne ng tao ito ay nagkakamali ka, bampira ako. Kaya kong tumakbo ng mabilis para lang manghuli ng native na manok," wika nito at umiling-iling. "Ang talino mo talaga," dugtong pa nito. Nakahinga ako ng maluwag. 'Di ko alam kung bakit. Parang ang sarap pakinggan na pumuri ito sa'kin kahit 'di naman ako katalinuhan at ako lamang ay nagtataka. Naupo na ito sa upuan. Ito na ang pagkakataon ko upang makatakas. Tumakbo ako patungong maindoor at napasalampak ako sa sahig nang makitang nakakadena ito. "Ano ba itong ginagawa mo sa'kin?" Halos maiyak-iyak na ako sa mga ginagawa niya. "Bakit 'di mo pa ako patayin para matapos na'ng lahat ng ito." Dugtong ko pa. "Hindi ko iyon kayang gawin. Gusto ko lang naman magkaroon ng kaibigan kahit ganito ako, ah?" Halos nabasag ang boses ni Mathias sa mga sinabit niya. Napalingon ako dito. Malungkot ito. Ganito na ba ako kajudgemental? Wala naman yata sa isip niyang sipsipin ang dugo ko at sincere yata ang pagsasabi na gusto niyang magkaroon ng kaibigan. "Tama 'yang nasa isip mo. Wala ako balak sipsipin 'yang dugo mo. Gusto lang kitang maging kaibigan dahil kakaiba ka sa ibang mga nakasama ko," wika nito. Parang nabunutan naman ako ng tinik sa sinabi niya. Umayos na rin ang pagtibok ng puso ko. Siguro nga tama siya. Hindi lahat nababase sa panalabas na kaanyuan. Oo nga't pambira siya, kailangan niya pa rin ng masasandal sa mga panahong uhaw na uhaw na siya sa dugo. "Tara na," sambit ko dito. Tumayo ako at nagpatiuna na sa kusina. Mukhang natakam na naman ang aking tiyan dahil sa sobrang gutom. Kaninag umaga pa pala ako walang kain dahil sa mokong na Reniel na iyon. Naging maayos ang aking pagkain. Sumusulyap ako kay Mathias at nahuhuli ko ito minsang nakatingin sa'kin at nakangiti pa. Medyo may takot man ay pinalis ko na ito. Gusto niya magkaroon ng kaibigan. Isa akong sociable person at kailangang ipagkaloob ko sa kanyang ang kagustuhan niyang magkaroon man lang kahit na isang dadamay sa kanya. Magpapasaya sa kanya at magpapaalala na ang mundo ay sobrang makulay. ~*~ ~*~ ~*~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD