Chapter II

1560 Words
Buhay Estudyante -Krist- "Mag-iingat ka, ha?" Wika sa'kin ni itay. "Opo!" Sigaw ko at nagsimula ng magbike. Isang linggo na rin ang nakalipas mula ng makita ko ang lalaking nagngangalang Mathias. Siya ba talaga ang dahil secret vampire o isang tao lang ito na nananakot? Pero ang aninong hindi ko nakita ang nagpakaba na naman sa'kin. Muntik pa akong magsemplang dahil sa sobrang kaba. Napadaan ako sa mansyon. Wala na ngang tao doon. Pero may van sa tabi niyon. Napahinto ako at saktong tumigil ang bike ko sa puno. Ang pamilya Feranil ay naghahakot ng mga gamit. Bakit kaya? "Grabe naman, diyan pa sa bahay natagpuang patay ang isang babae. At may kagat ito sa leeg. Natatakot na talaga ako. Pero ang inay ko ay ayaw pa ring umalis dito kaya nandito pa rin ako." Wika ng babae sa likod ko. Lumingon ako dito. Akala ko ay may kausap itong iba. Sa'kin pala ito nakaharap. "Alam mo, gumagamit ng tactic ang bampirang iyon. Alam mo kung ano?" Tanong ng babae . Parang hindi ito aware na isa akong estranghero. "Ano 'yung tactic niya?" Pero sa huli ay natagpuan kong nagtanong ako dito. "'Yung itsura niya. Ang gwapo niyang bampira pero syempre, hindi ako papatinag do'n, 'no? Gusto ko pang mamuhay ng mapayapa at magkaroon ng isang dosenang anak," wika nito at umalis na. Natawa na lamang ako sa huling sinabi niya. Isang dosena. Nakakairitang pangarap iyan. Wala akong nagawa kundi ipagdyak ulit ang bisekleta ang magsimulnag tahakin ang kahabaan ng kalsada. Mayaman 'yung babae dahil nakita ko itong nakasakay sa school bus. Samantalang ako, ito. Apat na kilometro pa ang ipapadyak para lang makarating sa school. I was seventeen years old. At isa akong fourth year highschool. Hindi naman ako katalinuhan pero palaban sa klase. After thirty minutes ay nasa gate na ako ng eskwelahan. Buhay estudyante na ulit. Kung malapit lang sana kami dito ay sana kanina pa ako nakarating. Sinilip kong muli ang buong kalooban ng eskwelahan. Nalibot ko na 'to no'ng nag-enroll ako pero iba pa din ang dating sa'kin. Parang naninibago na ako. I was a transferee here dahil noong malaman ko na may mas malapit palang eskwelahan kaysa sa dati kong pinapasukan ay nagmadali agad akong nag-enroll. "Hi, cutie," wika ng babaeng pumasok sa gate. Napatingin ako dito at napangiti. Ito 'yung babaeng nangangarap ng isang dosenang anak. "Hey, too," bati ko rin dito at yumuko. "Dito ka rin pala napasok," wika nito. Ako ma'y nagtaka pero 'di ko na ito sinambit pa. Bakit nauna ako sa kanila? 'Di ba dapat ay nasa loob na siya at pinupuntahan ang room niya, o kung mas maaga pa doon ay nasa room na ito. Something went wrong. I just shook my head and walked through my room. Katapat lang ito ng gate, kung uwian ay susuwetehin at baka maaga rin ako sa bahay. Makakapagluto na rin ako. "Anong section ka ba?" "Diamond 10," aniko. "Kaklase pala kita, halika na baka ma-late pa tayo," wika nito at hinila na lamang ang kamay ko. I felt something spike at her hand. So, binawi ko ito. Wala namang natusok na parte kung saan ako hinawakan. Pero masakit talaga, eh. "What's wrong?" "Ahmm.... nothing," sagot ko na lamang at ako na ang humila sa kanya. "Ang wierd mo," anito at umirap when we arrived at our room. Halos nangangalahati na ang mga magiging kaklase ko. Kaya bigla na lang nanginig ang tuhod ko nang halos lahat sila ay nakatingin sa'min. Napalingon ako sa babae, nakatingin din ito sa'kin. "May pumasok na couple, oh, iniinggit tayo," wika ng isang lalaking mukhang siga. Namula ako. Couple, at bago pa ako magreact ay may parang tumusok sa kamay ko. At napasilip ako do'n, magkahawak pa pala ang mga kamay namin. Kaya siguro kami kinukutya as couple. Binitawan ko na ang kapit ko sa babae at humarap ulit sa mga kaklase. Ang issue nila. Magkahawak lang ng kamay ay magkasintahan agad. 'Di ba pwedeng friends, bestfriends muna? "Humanap na nga tayo ng upuan, sarap banatan." Parinig ng babae. "Huwag mo ng patulan. 'Di pa kita kilala, hinila lang naman kita at baka ma-late ka pa," aniko na pinaririnig sa ibang klase. "Salamat sa concern, cutie," wika nito at kumindat. "Ikaw pa ba, Ms. I don't know what your name is," wika ko naman dito na ikinakamot ng ulo nito. Humanap ako ng bakanteng upuan. At may nakita akong upuan. Nasa tabi ng bintana, kung sinuswerte nga naman. Mahilig ako sa ganitong set-up ng upuan. 'Di ko ba alam. Nasa isip ko lang, kapag umihip na ang hangin ay gagaan na ang pakiramdam ko. Ang kaso, may katabi akong mukhang siga at ang sama ng tingin sa'kin. Hindi niya ako matatalo dahil gustong-gusto ko umupo doon. I just gave him a genuine smile at tulungan na ngang lumapat ang aking pang-upo sa upuan. Lumingon ako dito. At nagbawi din agad nang makitang ang sama ng tingin nito sa'kin. May problema ba ito sa'kin? I just shrugged and get my notebook. Magsusulat na lamang ako ng mga lines. Mahilig akong maglaro ng games. Lalo na ang league of angels 3. Kinaadikan ko ito. Wala namang problema iyon sa mga magulang ko. Huwag ko lang daw pabayaan ang pag-aaral ko na sa kabutihang palad ay hindi nga. 'Stay away from me if you don't want to die' sinulat ko lang ang narinig kong salita ng isang hero na nagngangalang Kalypso, a mythic+ hero. "Just stay away from you pero ikaw 'yung umupo diyan sa tabi ko," ani ng lalaking mukhang siga. Napatingin ako dito. "Sinusulat ko lang 'yung naririnig kong lines," aniko at sumilip ulit sa notebook. Napatanga ako, sa dinami-dami ng lines ay iyon pa ang sinulat ko. "I was just wasting my time," aniko ng pabulong. "Ano 'yung sinabi mo?" Tila galit na wika nito. Oh, gosh. First day ko pa lang may galit na agad sa'kin. At mukhang galit pa yata ito sa lahat dahil sa dinami-dami ng kaklase ko ay wala mang lang umupo sa harap, likod, at kaliwang bahagi. Parang siga ito kung tutuusin. Halos lahat kasi ng lalaki't babae ay sa'kin na nakatingin. Namangha ako sa sarili ko. Ang isang ito ay nakatabi ko? Pero 'yung tingin sa'kin ng mokong na ito ay kakaiba. Hanggang sa nakarinig na lamang ako ng nagkukwentuhan kaya sinara ko na ang notebook ko ay nakinig sa kanila nang hindi nahahalata. "Grabe, nakakatakot pala sa Glamour Village," wika ng babae sa harap ko. "May patay na naman. At sa mismong mansyon pa ng mga Feranil natagpuan ang bangkay kaya umalis na ang tao roon," wika nang nasa harap nito. "Grabe, kada gabi ay isang babae ang nagiging biktima. Palibhasa kasi gwapo 'yung bampira kaya siguro sumama. Marurupok nga naman," I said from nowhere. At napakamot ko sa ulo nang tunay na salita ang lumabas sa bibig ko at hindi lamang bulong. "Taga-doon ka ba?" Wika ng babae sa harap ko. I just nodded for an answer. "Malapit lang ba sa inyo ang mansyon?" Tanong naman ng babae sa likod ko. Siguro'y kanina pa ito nakikinig. "1 kilometer between," I answered. "So, nakikita mo ang bampira?" Tanong noong nasa harap ng kaharap ko. "I saw him last night," walang kagana-ganang sagot ko. Gusto ko sana sagutin ang mga tanong nila ng nakangiti pero 'di ko alam sa mga kinikilos ko kung bakit nag-iiba. Sociable ako. Pero ngayon, wala na. "Really? I mean, bakit wala ka man lang kagat? At hindi nasipsip ang dugo mo?" Ani ng babae sa likod ko at chineck pa ang aking leeg. Medyo naiilang ako. Mabuti na lamang at dumating na ang unang teacher namin. ~*~ "Anong nangyari sa'yo after mong malaman na isa siyang bampira?" Sambit ni Dean, 'yung babaeng nasa likod ko kanina. "I wanted to shout, I wanted to run but I failed. Hindi gumagalaw ang aking mga katawan, even my mouth can't release a voice," aniko then followed by tsking. "Sige na nga, mamaya na lang ulit," wika nito at tumayo na. Recess time namin ngayon kaya halos wala ng laman ang room. Mukhang ako na nga lang, eh. Lumabas na rin ako dala ang bag ko. Nagtungo ako sa likod ng school. Mukhang mayaman ang may-ari nito kasi ang daming klaseng bulaklak ang nakatanim dito. Bukod pa ito sa nakita kong garden na nasa gilid lang ng school. I started to walk. Binaybay ko ang kahabaan ng damuhan kung saan may iba't-ibang kulay ng bulaklak. Isa lang ang layunin ko ngayon. Makapunta sa malaking puno na napapalibutan ng maraming bulaklak. I picked some daisies and smelled it. Hanggang sa tuluyan na nga akong nakarating sa punong ito. Naupo ako sa damuhan at kinuha ang isa sa dalawang baunan na nasa loob ng bag ko. Iisa lang ang ulam ko ngayon, pinritong itlog na may sardinas made by myself. Nang buksan ko ito ay may biglang humablot. "Mukhang masarap ang ulam natin, ah?" Wika ni Reniel, 'yung katabi kong siga nga talaga. "Ulam ko lang 'yan," mataray na wika ko. "Eh, nasa akin na, kanino na ito ngayon?" "You're steal my food. Maraming nagugutom sa Africa kaya kung gusto mong itapon iyan, ipamigay mo na lang sa kanila at baka humanga pa ako sa'yo." Aniko. "Matalino ka pala, ha?" Sambit nito at naglakad na paalis habang kinakain ang pagkain ko. Fuck that guy! Makikita niya, gaganti ako. ~*~ ~*~ ~*~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD