Chapter XX

1506 Words
NUMBER 24 -Krist- Pinikit-pikit ang aking mga mata at muling pinagmasdan ang kwarto. "Nasa'n ako?" Maang kong tanong kahit alam ko naman na nandito ako sa condo ni Reniel. Muli na lamang akong pumikit nang marinig kong bumukas ang pintuan. Gumawa lang ako ng kaunting siwang sa'king mata upang makita ko kung ano ang ginagawa nito. May hawak lamang itong isang planggana at isang towel. Napaka-cliché naman dahil alam kong sa'kin gagamitin iyon. Pero kahit gano'n ay lumambot ang aking puso. Ang dating umaagaw ng pagkain ko ay nagpipiga na ng binasang towel at ngayon ko lang din napansin na wala itong saplot sa itaas. Nag-init ang aking pisngi. Nakita ko kasi ang mabato nitong katawan na parang batak na batak sa trabaho. Napalunok ako at napatigil naman ito sa tangkang pagpunas sa'king mukha. Tinitigan ako nito maigi kaya ang aking ginawa ay pumikit. Wala akong makita dahil ayaw kong mabuking ako nito. Ilang sandali pa ang nagtagal at tila wala itong balak na punasan ang aking mukha. Unti-unti ko ng minulat ang aking mga mata at napalaki ito nang makita kong nakaboxer na lang ito at sa'kin pa nakaharap ang harapan nito. "Alam kong kanina ka pa gising, Krist." Malambing na wika nito. Wikang malalaman mong may binabalak. "A-ano'ng binabalak m-mo?" Medyo kabado kong tanong. Ni minsan sa isip ko ay makikita ko ulit ang 'di ko dapat makita sa pangalawang pagkakataon. He was removing the last cloth he has that made a hottest feeling ever. We weren't drink any alcohol. Kaya alam namin ang gagawin namin. "I'll let you feel the hot that you made for me," halos paos na wika nito. Nag-init ang buong kwarto. Ang pinigang towel ay aking nahawakan kaya nagbalik ako sa ulirat at nuli itong tinulak. "Nakakadalawa ka na ha?" Anito at ako naman ang tinulak kaya muli akong napahiga. "Reniel...." Bulong na lang na sambit ko. Tumama pa ang galit na pagkalalaki nito sa'king binti na nagbigay ng bolta-boltaheng kuryenteng 'di ko matukoy kung bakit nagkaganito . Pinatungan ako nitong muli. Ngayon ay ramdam ko na ang sobrang pag-iinit ng kanyang katawan. Hindi ko mapigilan ang bilis ng t***k ng puso ko. Bakit ganito na lang? He likes teasing me. Ako naman ay naiinis sa ginagawa nito. Pero kahit anong inis ngayon ay wala akong makapa. Nakapa ko na lang ay ang labi nito. It was so hot. And was saying any emotion you can't hear, but feel. Nakipagsabayan ako sa ginawa nito. At ito na yata ang pinakamasarap na halik na maihahalintulad kay Mathias. Mathias. Muli ko itong tinulak at nang tignan ko ito sa mata ay makikita dito ang lubos na pagkagulat. "'Di ko ito kaya," aniko dahil iniisip ko pa rin ang nararamdaman ni Mathias. Lumabas ako ng condo nito. Hindi naman nakalock ang main gate nitong university nang dahil sa mokong na ito. "Sandali!" Huling salita na narinig ko dito at ako ay humaripas ng takbo. Alam kong malayo ang lalakbayin ko but atleast, nakalayo ako sa init ng katawan. Hindi ko pa ein lubos na maisip kung bakit kailangang mangyari ang mga ganitong bagay. Ayaw ko sa nakakagulat na rebelasyon. Lalo na kung tutungkol ito sa mga bagay na may bahid ng kabastusan. Habang naglalakad ako ay nakakarinig ako ng huni ng kuliglig. Umiiba ang aking isip tungkol sa bagay na ito. At iyon ay amg muling pagkikita namin ni Mathias. Malapit na pala ako sa lumang mansyon kaya pala naaaninag ko ang anyo nito. "Gaya pa rin ng dati, hindi ka pa rin nag-iingat," bungad nito 'pag dating ko sa harapan nito. "Alam kong makikiusap ka na dito matulog dahil sa ginawa sa'yo ni Reniel," wika nito. Nanlaki ang mga mata ko. Paano masasabi ni Reniel na hindi extraordinary si Mathias kung kaya nitong basahin ang nasa isip ko. Unti-unti lamang akong tumungo upang malaman niyang tama ang sinasabi niya. "Good. Sumunod ka sa'kin," anito at nauna nang pumasok sa loob ng mansyon. Gano'n pa rin ang nangyari. 'Pag pasok ko sa loob ng mansyon ay muli kong sinilip ang maindoor. At voila! Nakalock na ito. "Hmm, Mathias?" Untag ko habang humahakbang kami pataas. "What?" Tanong nito. "Bakit sinasabi ng iba na-" "Na hindi ako bampira?" He cutted me off. "Uhmm," aniko. "Kailangan kong magpanggap para sa minamahal ko," anito. Napatingin na lamang ako sa mga litrato sa gilid habang kami ay pataas. Hindi ko mawari ang sarili ko. Parang ayaw kong maniwalang totoo si Mathias at kaya lamang nito nalalaman ang bumabagabag sa isip ko ay sinusundan ako. Napatingin din ako sa paligid. Mukha namang wala talagang balak bumalik ang totoong may-ari nito. "Tapatin mo nga ako," aniko na kinatigil nito. Humarap ito sa'kin at tumingin na parang nagtatanong. "Bakit?" Maang nitong tanong. "Dapat hindi ka na magtatanong ng bakit kung nababasa mo ang nasa isip ko." Aniko na kinatango niya. "Hindi naman namin ability ang bumasa ng nasa isip. Kaya ko lang naman nahuhulaan iyon ay dahil sa mga mata mong 'di nagsisinungaling." Mahabang litanya nito. Ako naman ang nanlaki ang mga mata. Bakit kasi hindi muna ako nagresearch tungkol sa mga kakayahan ng mga bampira? Wala akong nagawa kundi ang mag'peace sign'. "Sorry naman," aniko na lamang dito. "Siguro naniniwala ka sa kwento na ako'y namatay dahil sa pagmamahal," anito at tinitigan ako ng mainam. Kinakabahan ako sa tinginan nito. Para akong pinapatay sa pamamaraan na iyon. Mabuti na lang at nagawa kong umiling. "Ahmm, naalala ko lang 'yung mga panahon na magkasama tayo nang hindi mo man lang sinipsip ang aking dugo. "Gusto mo pa yatang mamatay?" Anito at humakbang pababa para makalapit sa'kin. Sa sobrang kaba ay pababa rin ang aking hakbang. Habamg nakatitig sa nagliliwanag nitong mga mata. Hindi ko alam kung kumislap ba iyon dahil sa pagkakatitig sa'kin o nagkaroon iti ng paraan para gawin ang gusto nito. Dahil nga sa pababa din ang hakbang ko, sumablay ang huling hakbang ko kaya napapikit ako. Handa na sana akong damdamin ang sakit ng pagbagsak pero wala akong naramdaman. Unti-unti kong minulat ang aking mata at gano'n na lang siguro ako kamanhid dahil sa nasalo pala nito ang aking likod. O sadyang nakafocus lang ako sa isipin kong baka gawin nito ang dapat kaya nangyari ito? "Mabuti na lamang at malapit na ako sa'yo," naamoy ko ang mabangong hininga nito. We're just two inches away from each other. I felt the tension that I've never felt before. I just stare at his eyes, reading of what he was thinking right now but I failed 'cause Imma mortal. I just shook my head para mailayo ang sarili ko sa gusto kong mangyari. At laking gulat ko na lamang dahil bigla ako nitong hinila paitaas. Wala akong ibang marinig kundi ang pagtibok ng puso ko na parang nakainom ako ng isang drum na kape. Napunta kami ngayon sa harapan ng isang pinto na alam ko na kung ano-ang dating kwarto na tinulugan naming dalawa kung saan sa paggising ko ay mukha ni Reniel ang aking nabungaran. May katotohanan kaya na biktima lang get tttdin si Reniel no'ng gabing iyon? Dahil kung biktima lang siya ay sana naisama na ito sa balita kung saan nasipsip na ang dugo nito. "Think too deep," Napalingon na lang ako sa tabi ko. Hindi ko man lang napansin na may pagkakahawig sila ni Reniel. Matangos din ang ilong nito na kasing tangos nang kay Reniel. Ang jaw line na hawig na hawig din. "Sinusuri mo na ako?" Napatingin ako sa mga mata nitong mababahiran ng kalungkutan. Parang ang saya pa nito kanina tapos ngayon ay malungkot na parang batang inagawan ng candy. "H-hindi, ang g-gwapo mo pala t-talaga sa malap-pitan," utal-utal na sambit ko. "Matagal ko na iyang alam," anito at tinaas pa ang noo. "Alam kong inaantok ka na kaya matulog ka na," anito nang sandali akong matahimik dahil sa pumapasok sa isip ko. Paano kung mangyari ulit ang nangyari no'ng nakaraan. Mabuti nga no'ng una nakapasok pa ako, eh kahit halfday lang. Pero ito kayang susunod? Nagiging malandi na ang aking isip. Hindi ko naman kasi talaga kakayanin kung mangyayari iyon nang nasa huwisyo pa ako. Iisipin pa lang na maghuhubad siya sa harap ko ay nakakatuliro na. Paano pa kaya kung papatong siya sa'kin. "Tumutulo na laway mo," nagising ako sa katotohanan nang magsalita na naman ang katabi ko. "Palibhasa hindi mo ako nakita ng ilang gabi kaya nfayon ay parang ginagahasa mo na ako sa isip mo." Dugtong nito na nagpakilabot sa'kin. Agad nama akong napailing dahil sa sinabi nito. "Ano ka? Chicken joy?" Pataray na tanong ko dito. Hindi ko ba naman lubos maisip kung bakit sa dinami-dami ng dahilan ay iyon pa ang napili. "Ang manyak ko naman kung iyan ang naiisip ko sa tuwing matutulala." Aniko at nag-iwas ng tingin. "'Di nga?" Paniniyak nito. Hinarap ko ulit ito at bigla na lamang akong nahilo nang magtama ang aming mga mata. Kagaya kanina, we're just two inches away from each other's face. Ang mga pulang mata parang walang ekspresyon. "Totoo ka nga ba talaga, Mathias?" ~*~ ~*~ ~*~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD