Chapter XXI

1610 Words
IT WAS FAKE Nakatulala pa rin ako dito sa aking kwarto. Dalawang araw na din ang nakalilipas no'ng matulog ako kay na Mathias-na hindi pala talaga totoong bampira. Tamang-tama ang kwento sa'kin ni Reniel sa ikwinento sa'kin ng pekeng Mathias. Nagmahal si Mathias ng isang mortal na lalaki na mahilig sa pagbabasa ng libro. Sinubukan kasi ni Mathias habulin ang lalaking mahal nito pero nakalimutan daw nito na pasikat na ang araw kaya no'ng tumama ang araw sa balat ng tunay na Mathias, bigla na lamang itong naglaho at hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung buhay pa ba ito o isa na lamang sa mga kwentong panakot sa mga bata dito sa Glamour Village. Pero kahit na alam kong hindi na si Mathias ang kasama ko, palaisipan pa rin sa'kin kung sino ang lalaking iyon na nakasuot ng maskara ni Mathias. "Anak, araw ngayon ng Lunes." Sigaw sa'kin ni inay. Lumabas na lamang ako ng kwartong gulong-gulo pa rin ang isip. Paano ka ba magiging matino kung ang taong pinangarap mong makasama habang buhay ay hindi pala totoo at nasa isang pagkakataon lang? Pero, bakit ginagawa iyon ng pekeng Mathias? "Ano'ng ginagawa mo?" Napatingin na lamang ako sa aking inay na nagtataka sa kinikilos ko. Kiwento ko na din dito kanina ang nangyari at ang totoong pangyayari. "Inaalis ko lang itong rosas sa bintana inay, peke ito, eh," aniko na lamang at muling sinulyapan ang pekeng rosas na binigay sa'kin ng pekeng Mathias. Ni hindi ko namalayan na napabalik ako sa aking kwarto dahil sa lubos na inis. Bakit ang daming pekeng tao? Pinakitutunguhan naman ng maganda pero peke pa rin. "Paano mo naman nasabing peke iyan anak, eh, halos malanta na dahil 'di mo inaalagaan?" Sambit ulit ni inay. Nilingon ko ulit ito. "Peke ito inay, kasing peke ni Mathias." "Anak, may rason naman ang tao kung bakit kailangan nilang gawin ang gano'ng bagay." Ani inay at dahan-dahan nitong sinara ang pintuan. May punto ang aking inay. Pero sino nga ba ang nasa likod ng pagpapanggap na iyon? —— "Nangyari sa'yo bakla?" Bungad sa'kin ni Rebecca—ang nangangarap ng isang dosenang anak. "Wala," sagot ko na lamang pero hindi pa yata natatapos kay Rebecca ang delubyo dahil dumating si Jane, Dean at ang bago daw nilang friend na si Shiela. "Anong balita simula no'ng weekends?" Ani Dean na mapaghahalatang tsismosa. "Wala," walang kagana-gana kong sagot at naglakad na ako papasok sa university. "Ano'ng nangyari sa isang iyon?" Rinig na rinig kong tanong ni Rebecca at hindi ko na narinig pang muli ang kanilang mga tinig. Pero papasok pa lang ako ng room when some guy shout at me. Nilingon ko ito at napabuntong hininga. Sana na lang au hindi ko na lang pinansin ang kumag na 'to. Lalo lang tuloy nasira ang sira-sira kong araw ngayon. "Krist!" Muling sigaw ng kumag. Wala akong nagawa kundi ang humarap dito at panlakihan ng mga mata. "Ano ba ang problema mo?" Habol hiningang tanong nito. Napakamot ako sa ulo ko. Bakit ba gano'n na lang ang tanungan nila? Tumikhim ako bago ako magsalita. "Ano ba'ng mayroon at ganyan ang tanungan niyo?" "Just look at your face," anito na may halong pag-aalala sa mukha. Mula sa bag, kinuha ko ang aking phone at itinapat ko sa aking mukha. "Hindi ko naman malaman dahil malabo, eh." Reklamo ko. "Oh," tanging nasambit ng babae sa likod ko at iniabot sa'kin ang maliit na salamin. I just stared at a small mirror and I saw how I sad right now. Napatingin din ako sa kanila. My friends with pure of concerns in their eyes. "Bakit ka naging malungkot?" Tanong ni Reniel. Hindi pa nila alam ang tungkol sa pekeng si Mathias at alam kong maiinis lang sa'kin si Reniel dahil sa pinagtanggol ko ang pekeng iyon sa kanya. "Can I keep it secret?" Tanging naitanong ko na lang. Wala akong kagana-gana sa pag-aaral ngayong araw. Parang gusto kong umuwi at umiyak dahil sa nalaman. "You can, pero kapag 'di mo na kaya ay nandito lang kami, lalo na ako," napatingin ako sa nakangiting si Reniel. Kahit paano naman ay gumaan ang loob ko dahil sa pagpayag nilang itago ko muna ang dahilan. Tumango na lang ako at nag-excuse. Gusto kong mapag-isa. Hindi pa man nakakarating sa comfort room ay ramdam ko na ang pagtulo ng luha ko. Maraming magtataka sa inaasal ko pero wala akong magawa kundi ang lumuha. Sa dinami-daming pekeng tao sa mundo, ang nagpapanggap pa bilang Mathias. And the one thing enters ob my mind. We made love-- that fake Mathias uses my body. Pero siya nga ba talaga? Bakit napakagulo? Nagising akong si Reniel ang katabi ko. Paano nga ba ako titino nito kung ang buhay na mayroon ako ay sadyang nakababaliw. "Krist!" Alam ko kung kaninong boses iyon. But I ignored it. The more I want to have a conversation with him, the more I want to cry and tell what are the things running on my mind. I just locked the door. Alam kong sa pagkatok nito ay pag-aalala ang gumuguhit. Pero paano naman ako kapag pagbubuksan ko ito at hahayaan na lang na lamunin ako ng lubos na inis at galit. "Alam kong nandiyan ka, Krist! Buksan mo ang pintuan! Gusto kitang tulungan!" Patuloy na sigaw at pagkatok ni Reniel sa pintuan ng banyo. Nilingon ko ang pinto. Parang nagsusmamong pagbuksan ko si Reniel pero nanaig pa rin ang galit at inis ko. Muli akong napatingin sa salamin. "Ang layo mo na sa dating ikaw, Krist!" Aniko at sinabunutan ang sarili. "Hindi ka nagbago! Sila ang nagbago! Sila ang pumeke sa'yo kaya inaakala mong nagbago ka!" Napatingin na naman ako sa pintuan. Ganoon na ba kalakas ang boses ko para marinig sa labas. "Papasukin mo na kami!" Rinig kong sigaw ni Jane. "Kaya nga, Krist!" Sigaw naman ni Rebecca. "Totoo kami, hindi kami ang pekeng sinasabi mo. We're here just to make you calm," mahinahong wika ni Dean. Humarap ako sa salamin. Pero sa pagharap kong iyon ay may bulto ng isang lalaking nakatingin sa akin. Ang bulto ni Mathias. "Mathias," pabulong na wika ko. "Hindi ako nandito para takutin ka, nandito ako para sabihin lang sa'yo na makinig ka sa kanila. Mahahanap mo rin ang solusyon kung bakit nagkaganito ang buhay mo," anito. Sumilip ako sa likod at wala akong makitang anyo ni Mathias. Napatingib ulit ako sa salamin at tuluyan na nga akong napabintong hininga nang mapagtantong ako lang mag-isa. Hinarap ang pinti at hindi ko pa man nabubuksan ay bigla na lamang itong pumihit at naramdaman ko ang isang mainit na katawan sa aking harapan. Tuluyan na ngang nilamon ng pighati ang aking buong pagkatao. Para akong hinang hina kahit umaga pa lang. Ang gusto ko lang ngayon ay umiyak sa yumakap sa'kin. "Salamat Shiela, ngayon mo lang ako nakilala pero drama agad ang binigay kl sa'yo," aniko at hinigpitan lalo ang pagkakayakap kay Shiela. "Ayos lang, nakwento na nila sa'kin ang kwento mo. By the way," anito at kumalas sa pagkakayakap. Hinawakan ang dalawa kong balikat at tumingin sa'king mata, "kapatid ko ang nagpapanggap na si Mathias," nakangiting wika nito. Ako naman ay napanganga. Paano naman na maging ganito ulit ang sitwasyon. "Sabi sa'kin ni kuya na may nagbigay sa kanya ng trabaho. 'Yun pala ang simula ng pagiging pekeng Mathias niya." Alam kong hindi pa tapos ang sinabi niya. Alam kong may karugtong ito. Tumingin ako sa kanyang mata na may halong pagtataka. "Ako ang magwawakas nito. Totohanin natin lahat ng pekeng nangyari sa'yo, magtiwala ka lang." Anito na nakangiti. Napangiti na rin ako. Hindi ko akalain na may tutuldok na sa istoryang ginagawa ng aking manunulat. Magwawakas na din ang tambak-tambak na suliranin sa aking buhay. At mabubuhay na lamang akong tahimik. Nagsimula na akong maglakad patungong room. Hindi na ako magtatanong sa sarili ko kung bakit nangyari sa buhay ko ito. Naging ganito pala ang buhay ko dahol sa nahanap ko ang tunay na humahawak sa puso ko. ~*~~*~~*~ "Lagi ko siyang kinukumpara kay Mathias, pero 'di ko pala talaga alam na sa kanya na lamang ang atensyon ko at tanging isip na lang ang nagkakagusto kay Mathias." Wika ko kay Shiela. Mabilis natapos ang aming klase dahil wala nang bumabagabag sa isipan ko. Nangyari lang iyon kung hindi dahil kay Shiela. "So, sino naman ang lalaking kinukumpara mo kay Mathias? Ang boss ba ng kuya ko?" Tudyo nito. "Boss ng kuya mo?" Kunot-noong wika ko. "Hind mo kasi natanong na ang pinsan ni Reniel ang boss ni kuya," wika nito. "Si J-Jake?" Kinakabahang tanong ko. Sila lang naman ang magpinsan sa loob ng university na ginulo ang buhay pagakestudyante ko. Kaya hindi nakapagtataka kung siya din ang gumulo sa buhay ko. Pero nagkaroon na naman ako ng katanungan sa isip ko. "Bakit ginagawa niya ang bagay na iyon?" "Bagay na hindi mo na dapat pinagtaka, Krist. May gusto syempre sa'yo ang isang iyon." Tila kinikilig na wika nito. "Eyy, alam mo naman na hindi ako babae kaya paano ako magugustuhan ng matipunong lalaking iyon?" Takang-taka kong tanong. "Malay ko. Siya lang naman ang dapat tinatanong mo." Anito. "Nga pala, tapos na ang pinagagawa ng kuya ko. PEro friends pa rin tayo ha?" Napalatak ako sa una pero naintindihan ko din naman kung ano ang tinutukoy niya. Tumango ako ay hinawakan ang kamay niya. "Kaibigan pa rin kita. Kung hindi dahil sa inyo ay baka palaisipan pa rin sa'kin kung babalik pa ako sa katinuan." Aniko nang nakangiti. "Salamat," Dugtong ko bago ako umalis sa kanilang bahay. Pero sa kalayuan pa lang ay tanaw ko na ang isang magarang sasakyan na may nakasandal na isang bulto. ~*~ ~*~ ~*~

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD