Chapter XIX

1563 Words
KAPIRASONG PAPEL PART 3: NUMBER 19 "19. Don't try to wish so, so high. Don't try to wish a fish upon the sky. Don't try to wish a star under the sea. Don't try to wish somethin' you can't see. Love isn't like that. Just look at your side." "Ang hirap naman hanapin ng bwiset na kapirasong papel na iyon." Reklamo ni Lucas dahil halos tumuwad tuwad na siya sa kakahanap do'n. Naghahanap ako sa mga cabinet dito at si Reniel naman sa desk ng teacher. Wala namang magagalit sa kanya dahil anak siya ng may ari nitong unibersidad. "May nakita akong lumang notebook dito sa cabinet," aniko at tinitigan maigi ang notebook. Sa sobrang luma niyon ay parang taon na ang bibilangin na nakatago ito dito. "Pero bakit nga nakatago ang notebook na ito na halos anayin na kung walang barnis ito." Aniko at kinuha ang notebook na kulay green. Naglakad ako patungong desk at ipinatong ito. Laking gulat ko na lamang dahil tatlo na iyon. "Kaya pala wala kayong imik, may hawak din pala kayong notebook." Aniko at ipinitik ang mga daliri. Iba iba ang kulay ng notebook na ito. At tamang tatlo pa kami. Gusto yatang pahirapan nito ang pagbibigyan. "Sabay-sabay nating bubuksan," Ani Lucas. Nagkatinginan kami ni Reniel at tinanguhan ko ito. Tumungo din ito na nagsasaad na nakuha niya ang gusto kong gawin. May hinala kasi ako kay Lucas, eh. Sabay-sabay nga naming binuksan ang notebook at may nakita akong page 19 sa unang pahina ng kwaderno. Nagtataka man ay ginawa ko iyon. May nakalagay na pages kada papel kaya madali kong nahanap ang bahaging iyon at laking gulat ko dahil may nakasulat dito. "Sa page 24 ko, may nakasulat na 'don't try to wish' tapos punit na ang kabilang bahagi. Palength wise ang hati kaya 'di ko alam ang kasunod." Ani Reniel. Sumulyap ako kay Lucas. Binali-baliktad nito ang notebook. "May nakalagay na page 24 sa'kin tapos wala namang nakasulat." Tila naiinis na wika nito. "Nasa'kin ang karugtong," aniko kaya napatingin silang dalawa sa'kin. Pahina 19. Pero isang punit na papel ang nando'n at length wise din ang pagkakapilas. "Punitin mo ang iyo, Reniel." Aniko na sinunod naman nito. "Ibigay mo sa'kin ang sulat na iyan." Dugtong ko na ginawa din naman nito nang walang sinasabi na kung ano. Pinagdikit ko ang papel. Magkarugtong na magkarugtong ang sulat na iyon. Pero bakit kailangan pang pahirapan ang pagbibigyan ng sulat—ako? "Don't try to wish so, so high. Don't try to wish a fish upon the sky. Don't try to wish a star under the sea. Don't try to wish somethin' you can't see. Love isn't like that. Just try to look at your side." Pagbabasa ko. "Pero punit pa rin ang dulo." Tila sumusukong wika ni Lucas. Napalingon ako dito. Dapat suot nito ang salamin nito. Pero ayos na rin na nakakaadjust ang kanyang mata kapag hindi nagsusuot ng salamin. Mukhang sinusunod nga nito ang gusto ko. Lumabas na ako dala ang notebook na may nakaipit na kapirasong papel na may sulat. Minsan, sumagi sa isip ko kung bakit kailangang gawin ito ng isang tao—ang maggawa ng nakakakilabot na plano para sa taong ninanais. Pwede namang sabihin nang harapan. Pwede namang idaan sa kaibigan. Pero ang ganitong parang naghahanap kami ng antique na bagay para lang malaman kung simo ang gawa nito, nakakagigil. I just heave a sigh before stepping down the stairs but someone pulled me back. So, I've lost the balance at natumba ako. Napapikit na lamang ako para damdamin ang saking ng edges ng hagdan pero wala akong naramdaman gano'n sa pagbagsak ko. Bagkus, isang malambot na bagay na mahahalata mong katawan ng tao. Unti-unti kong minulat ang aking mata at gano'n na lamang ang pagkagulat ko dahil si Jake ang nasa ilalim at hindi ang inaasahan kong si Reniel. At bakit nga ba papasok si Reniel sa ganitong eksena, eh, nagpapanggap lamang kayo na magkasintahan? I just shook my head at marahas na tumayo. Pinagpag ang maruming damit at matamang tinitigan ito. "You looked so tense, Krist." Malambing na wika nito na nagpatayo ng balahibo ko. "Gusto ko lang makausap ka tapos nakapatong ka na sa'kin." Dugtong na wika nito at ngumisi. Tumayo yata lahat ng balahibo ko sa way nang pagkakangisi nito. "You looked so tense, Reniel." Nag-echo ang sinabi nito sa'kin na lalong nagpadagdag ng tensyon ko. "W-wala akong ginagawa sa'yo!" Sigaw ko dito. "Bakit nakapatong ka sa'kin kanina?" Pang-iinsultong tanong nito. "First of all, you pulled me back when I stepping down and for that, I've lost my balance kaya ako natumba sa'yo." Paliwanag ko. He shook his head and followed with tsking. "Oh, so kasalanan ko?" "Ikaw na ang may sabi niyan." Aniko ulit. He greeted his teeth. "Iniinis mo ba ako?" Pero sa tono ng pananalita nito ay natutuwa pa ito. "Nababaliw ka na ba?" Taka kong tanong. "Nababaliw sa'yo." Nakakakilabot na wika nito. I shrugged and go down the stairs. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang magpahinga nang maaga. Sabagay, ano'ng oras na rin naman. Sa pagbaba ko sa hadgan ay naririnig ang mahihinang sigaw nina Reniel at Lucas. Pero binalewala ko iyon dahil sa kaguatuhan kong makauwi ng umaga. "Bahala na," sambit ko and I heave a sigh. Nakakailan na ba ako? Nakakailang hakbang na rin ba ako? Bakit parang bumagal ang paghakbang ko pababa. At bago pa ako bumagsak ay may nakita akong anyo ng tao na nakatayo. "Reniel,"—— ~*~ ~*~ ~*~ I'm awake. Pero parang gugustuhin ko na lang na muling mawalan ng malay nang mabugaran kung nasa'n ako. "Bakit nandito ako sa condo mo?" Tanong ko sa pumasok na tao. "Alam kong ligtas ka dito kaya dito na kita dinala," malumanay na sambit nito. "Sagutin mo nga ako ng maayos," "Wala ka pa namang tanong, ah!" Nilingon ko ito at sinamaan ng tingin. "You're a piece of s**t, malamang 'di pa ako nagtatanong kaya huwag ka muna sumagot ng pabalang." Wika ko at inirapan ko. "Tsk, ang arte mo naman. Gahasain kita dito, eh—" "SUBUKAN MO!" Sigaw ko dito. "'Di na mabiro." Anito at umupo sa paahan ko. "So, anong tanong mo?" Paglingon nito sa akin. "Bakit kailangang gawin ito sa'kin?" Taka kong tanong. "'Yung pagkakabagsak mo ba sa sahig?" "Hindi, 'yung nagsulat ng tula." Aniko. "'Di ko alam," anito at lumabi. "Iba kasi ang sulat ni Jake sa sulat kamay na nando'n sa papel. May kaayusan ang sulat kaya alam kong hindi iyon kay Jake," mahabang litanya ko. Tila tumahimik ang paligid. Pinakikiramdaman ko si Reniel. Nang hindi ito sumagot ay nahiwagaan ang aking isip sa isang senaryo. "I-ikaw ba ang may pakana nito?" Tila kinakabahan kong wika. "Pasen—" "Bakit?" The word that cutted him off. Ayaw kong makarinig nang paumanhin lalo na kung sinasadya ang nangyari. "Hindi mo pa ba halata, ah?" Tila nanlulumong tanong naman nito. Pinilit kong tumayo sa kama pero tinulak lang ako nito at ito'y pumaibabaw. Tinitigan ko ito sa mga mata. Wala akong ibang nakikita kundi ang kumikinang nitong kayumanggi na mata. "Mahal kita," halos pabulong na wika nito. Naiintindihan ko ito kaya bigla na lamang tumibok ng mabilis ang aking puso. Nakikipagkarera sa mga kalaban na kabayo. Nag-eensayo na parang gustong manalo sa patimpalak ng buong mundo. Bakit ganito? "Alam mo ba 'yon?" Napatingin na lamang ulit ako dito nang may naramdaman akong pumatak sa tubig sa'king pisngi. Umiiyak ito. At kita kong humihigpit ang pagkapit nito sa bedsheet dahil sa labis na inis. "Reniel....." Pabulong na wika ko. "Simula no'ng pinaghiwalay tayo ng tadhana, naisip kong ikaw ang para sa'kin. Kahit mapanghusga ang mundo ay hindi ko pa rin iyon inisip dahil ang makasama ka ang pinakamagandang pangyayari ang magaganap sa buhay ko." "Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Tanong ko dito dahil hindi maganda ang iniisip nito. "'Di lang nadidinig, nararamdaman din iyon ng aking dibdib." Patulang bigkas nito. Gano'n din ba ang nararamdaman ng dibdib ko? Kaya bigla-bigla na lang ang titibok na parang nakikipagkarerang kabayo? Pero kaagad ko ding inalis sa isipin ang senaryong iyon. Hindi pwede. "Hindi pwede," naisatinig ko kung ano man ang nasa isip ko. Hindi ko kasi maitago kung ano ang bumabagabag sa'kin. Tinitigan ako nito ng mataimtim. "Bakit mo naman nasabing hindi tayo pwede?" Anito at isang patak ng luha sa kaliwang mata. "Ginawa ko ang lahat para pag-hinalaan mo sila. Pero, ako rin ang mabubuking mo sa bandang huli nang dahil sa sulat-kamay na iyon." Anito at pumikit. At sa muling pagmulat ay nakita ko ang malulungkot nitong mga mata. Mga matang nagsusumamo na tugunin ko ang hinihiling nito. "Hindi talaga pwede, Reniel." Aniko at itinulak ito. Nalaglag naman ito sa kama. I'm umupo ako at tinitigan siya ng masama. "Hindi magandang biro ito," wika ko. Gusto ko magkaroon ng sasabihin para naman hindi ako magmukhang tanga at mukhang umaasa dito. Baka akalain nitong kaya wala akong masabi 'cause I felt the same. Alam ko sa sarili kong may nararamdaman din ako para dito. Pero ang ipinangako ko kay Mathias ang laging pumapasok sa isip ko. Nakalimutan ko na siya, nasira na ang isa sa mga salita ko para dito. At ayaw ko namang masira ang salitang hindi ko siya iiwan. "Si Mathias Arcillas pa rin?" Nagising na lamang ako at sa pagmulat ng aking mata'y iisa pa rin ang nasa isip Dèja vú.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD