KAPIRASONG PAPEL
PART 2: NUMBER 18
"18. You don't need to fly up in the sky,
Just try looking to your side.
You will see that someone here loves you."
Pilit kong inikot-ikot ang kapirasong papel na ibinigay sa'kin ni Lucas kahapon ng hapon. Hindi ko kasi mabasa 'yung linyang sinabi niya sa'kin kahapon kaya pilit kong iniikot-ikot iyon sa kung saan.
"Kahapon pa talaga kita tinatanong kung ano ang sinabi sa'yo nang Jake na iyon," ani ng kasama ko na si Reniel.
Kanina niya pa inuulit-ulit ang tanong na iyon pero hindi ko iyong masagot dahil ayaw ko namang magkaroon ng issue with that kind of person, 'no? Kaya sinara ko na ang aking tainga sa gano'ng tanong.
"Akala ko ba nag-break na sila, bakit magkasama pa rin?"
Nilingon ko ang babaeng kasabay ko sa paglalakad papasok sa eskwelahan na nagsalita. "May sinasabi ka?" Sa tono ng tanong ko ay ginawan ko ito nang nakakatakot na tono. Hindi naman sa nagagalit ako dahil kanina pa rin ang tanong na 'yan simula sa playground malapit sa school, sa fast food sa labas ng university, at pati sa loob?
Umiling na lang ito at mabilis na naglakad kasama ang baklang kaibigan siguro nito.
Ako naman ay humarap kay Reniel. Pagkaharap ko dito ay bigla na lamang akong kinabahan sa itsurang nakaukit sa kanyang mukha. "Bakit sinusundan mo pa rin ako?" Tila sumusuko kong tanong. Ayaw ko na kasing makipag-argumento dito kaya gusto ko na itong mawala na parang bula.
"Gusto ko lang malaman kung ano ang sinabi sa'yo ni Jake," kalmadong sagot nito.
Bumuntong hininga ako. "Bakit gusto mong malaman?" Inartehan ko ang pagtatanong dito para itago ang tunay na rason.
"Dahil ako lang ang makakatulong sa'yo kapag nagkaproblema ka." Bakas ang pagiging sigurado nito sa sinasabi niya.
"'Sige nga, tulungan mo nga akong hanapin ang karugtong ng sulat na 'to," aniko at itinaas ang sulat na binigay sa'kin ni Lucas. Sabi ni Lucas ay kompleto ang sulat na iyon pero nakita namin sa dulong papel nito na may punit kaya nagtaka kami.
"Pinunit niya siguro para walang makaalam kung ano ang mga sinasabi niya noong siya ay si Mathias pa," ani Lucas.
"May punto ka diyan. Pero bakit niya nga ba ginagawa ito sa'kin?" Tanong ko dito.
"Siguro mahal ka no'n,"
At palaisipan pa rin sa'min ni Lucas kung saan makikita ang karugtong niyon.
"Ano ba ang nakasulat diyan at para namang importante?" anito na hindi nakatingin sa'king mga mata.
"Sobrang importante ng sulat nito. Doon nakasalalay ang buhay pag-ibig ko," siniglaan ko ang aking boses at baka sakaling tulungan niya akong hanapin ang karugtong nito.
"Akin na nga," anito at hinablot na lang basta ang papel.
"18. You don't need to fly up in the sky,
Just try looking to your side
You will see that someone here loves you."
"Ito 'yung nakasulat." Nasambit na lamang nito at inikot-ikot ang papel. "Wala namang akong nakikitang may karugtong pa ito maliban sa napunit na dulo nito." Dugtong nito.
"Dulo nito," inulit nito ang sinabi.
Inagaw ko naman ang papel. "Bakit unulit-ulit mo ang "dulo", wala nga ang dulo." Aniko. Pero nakita ko sa unang pangungusap ang numero disi-otso.
"May '18' sa unahang sulat," tila nakangiti kong wika. Pero napakamot din ako sa ulo. "Ano'ng ibig sabihin ng '18' na ito?" Dugtong na tanong ko.
"Nahanap n'yo na?!" Sigaw na tanong ni Lucas.
Sinulyapan ko ito. Hingal na hingal itong nakarating kung saan ako nakatayo. "Sa'n ka galing?" Tanong ko.
"Sa bahay syempre," anito at tinapik ang balikat ko. "Natulog ka ba?" Tanong nito habang hinahabol ang hininga.
"Hindi," simpleng sagot ko na nagpanganga sa kanya. "Dahil iniisip ko kung bakit pa kailangang gawin sa'tin ito," aniko at nilukot ang papel.
"May nakasulat sa likod ng papel," ani ni Reniel.
I just stared at crumpled paper and I saw some letter. Inayos ko ulit ang papel at nakita ko ang hiwa-hiwalay na salitang "room".
"What room does mean?" Tanong ko.
"Baka room number 18, kagaya nang nakikita natin." Ani Lucas at inalis ang salamin nito sa mata.
Napatingin na lamang ako at nakarinig na rin ng iba't-ibang bulungan dito sa labas ng school.
"Ang gwapo pala ni nerdy kapag inalis ang salamin," impit na tili ng isang babaeng nahihimigan ang boses.
Nilingon ko ito at laking gulat ko dahil ito rin ang babaeng nag-usisa sa'min. Pinanlakihan ko ito ng mga mata at bigla na lamang itong tumakbo palayo.
Tsismosa.
Ayun lang naman ang masasabi ko sa babaeng ito na walang ibang alam kundi ang pakialaman ang buhay nang nasa paligid niya.
"So ano na?" Taka kong tanong dahil parang walang umiimik sa'ming tatlo.
"Wala tayong magagawa kundi ang pumunta sa room no. 18. Sana totoo 'yung nga clue d'yan." Mahabang wika ni Lucas.
"Bakit niyo ba ito ginagawa?" Tila naiinia na tanong ni Reniel.
"Bakit ba inuulit-ulit mo 'yung tanong na 'yan?" Balik tanong ko rin dito.
"Dahil gusto ko lang malaman ang totoo." Sagot nito.
"Gusto mo rin pala malaman, eh, gano'n lang din naman kaming dalawa ni Lucas." Aniko rito.
Hindi ko pa rin mawari kung bakit ganito ang inaasal ni Reniel. Kulang na lang ay malaman niya ang buong ditalye kung bakit namin hinahanap ang karugtong nitong sulat.
"Pero bakit nga ba gusto mong malaman?" I'm asking him teasingly.
Napalunok na lang ito at umiwas ng tingin sa'kin. I smiled at thought. Para kasi itong batang may tinatagong lihim sa kaibigan.
Baka mayroon nga. At ano kaya ang lihim na iyon?
"May balita na ilang araw nang hindi nagpaparamdam si Mathias Arcillas."
Narinig kong salita ng isang babae na dumaan sa'min. Nilingon ko ang mga ito at tama nga ang nasa isip ko. Ito ang mga babaeng nakatira din sa Glamour Village.
"Bakit naman?" Tanong naman ng kasama nito. Ayaw ko sanang makinig pero naintriga ako dahil narinig ko ang pangalang Mathias.
"Nasunog das dahil sinubukang lumabas noong umaga para sundan ang pinakamamahal na lalaki." Nakatingalang wika nito na animo'y nangangarap ng gising.
"Lalaki?" Gulat na gulat na wika ng kasama nito.
"Tinutunganga mo diyan? Gusto mo ma-late?"
Bigla na lang akong napatingin kay Licaa na ngayon ay nakacross arm at wala rin ang suot na salamin nito sa mata.
He looks like a one of the greek god. Regardless na lamang sa katawan nitong kapag humangin ng malakas ay matatangay.
"Ito na nga po, susunod na po." Pabalang na wika ko at wala sa mood na naglakad papasok. Gusto ko pa sanang makinig sa sasabihin ng dalawang babae tungkol kay Mathiasat dahil nga hindi ko sila kaclose, hindi ko ns mabubuksan iyon sa kanila kung sakaling makasalubong ko ang mga ito.
Pero isang tanong pa rin ang bumabagabag sa aking isip. Bakit nasunog si Mathias nang dahil sa lalaki? Totoo nga bang lalaki ang nagustuhan nito?
Kaya pala wala siyang pag-asa sa bampirang ito, lalaki din anv gusto.
Nagkibit balikat na lamang ako at sinuksok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa.
~*~ ~*~
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig namin. Kumalat kasi ito sa buong unibersidad. At isa pa sa kinaiinis ko naman ngayon ay ang pagsunod nitong si Reniel sa kung saan man kami magpunta ni Lucas. Patungo na kasi kaming room number 18.
"Pero paano natin mahahanap iyon. Oh, saan natin mahahanap ang kapirasong papel na iyon?"
"'Di ko alam kung paan, Lucas. Pero gawin natin ang lahat mahanap lang ang kapirasong papel." Pagcheer up ko dito.
"Ikaw nga dapat ang sinasabihan ko niyan dahil lovelife mo ang nakataya dito." Natatawang saad nito.
May punto ito. Lovelife ko ang nakataya dito kaya ako dapat ang chini-cheer up.
"Ako, hindi niyo ichi-cheer up?" Pagsingit ni Reniel.
"Gusto nga kitang mawala sa landas ko tapos ichi-cheer kita?" Pabalang na tanong ko rito. "Hmph! Cheer-ain ko buhay mo, eh." Dugtong na pagtataray ko sabay irap dito.
"Ang taray mo, halikan kiya diyan, eh."
My heart skipped a beat. I just sighed with a heavy deep breath dahil barang nawalan ako ng hangin. Bakit ganito pa rin ang epekto nito sa'kin?
Hindi ko akalaing nakaharap na kami sa room number 18. Inayos ko na ang aking sarili at baka mahalata niyang nawala ako sa sarili sa sinabi niyang iyon
"Medyo malaki ang room na ito," manghang sambit ko habang sinisipat ang kabuuan ng kwarto.
"Pero mas malaki 'to," pabulong na wika sa'kin ni Reniel na nagpatindig ng aking mga balahibo.
"Ang bastos mo," namumulang wika ko. Para akong kamatis ngayon. Paano ba naman, 'di ba? Nakita ko na ang kabuuan ng kanyang katawan nang walang saplot kaya ganito ang epekto ng mga sinabi niya.
"Bakit? Ano ba ang sinabi niya?" Lingon ni Lucas.
"Wala, nasagi ko lang 'yung hita niya kung maka-react akala mo hinihipuan." Palusot ni Reniel.
Wala na lamang akong magawa kundi ang tumitig sa gwapo nitomg mukha.
Kung hindi lang sana sugo ito ng impyerno ay nagustuhan ko na ang lalaking hindi ko akalaing mababago ang ikot ng mundo ko.
Itutuloy ko pa ba ang paghahanap sa kapirasong papel? O hayaan na lamang malunod ang sarili sa kakatitig sa lalaking hindi ko akalaing tinatanggi ko lang ang sariling puso ko sa kanya?
~*~ ~*~ ~*~