KAPIRASONG PAPEL
PART 1: LOVE ISN'T THAT FAR....
"Ahm.. I mean, may pagkakahawig ka lang naman kay Phuwin Tangsakyuen," alanganin akong ngumiti.
"Khowthoth, (Sorry)" Anito.
Nanlaki ang mga mata ko dito. "Akala ko ba hindi mo 'yun kilala?" Taka ko dito dahil nag-thai ito.
"Hindi nga, ang pinapanood ko pa lang naman na BL ay ang Bad Buddy. Ayun lang,"
Napabuga ako ng hangin. Bakit ba nerdy ang tawag dito kung alam din nito ang BL? Parang ako na rin ang sumagot sa tanong ko dahil umiling ako. Alam ba nang nakararami kung ano ang pinaggagagawa nito sa buhay?
I heard some ringtones. Alam kong phone ko iyon kaya naman kinuha ko ito sa bulsa ko. Sinagot ko ito nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag. "Hello?"
"Ano ka ba? Paano nila iisipin na magkasintahan tayo kung ayaw mo 'kong paupuin sa tabi mo?" Bulyaw na tanong agad sa'kin ni Reniel.
"He shouts?" Tanong naman ni Lucas.
Tumango lang ako. Siguro ay narinig niya ang nakakarinding sigaw nito sa kabilang linya. "Sinabi ko na sa kanila," kahit hindi naman talaga. Gusto ko lang naman malayo sa kanya kaya ko ginawa ang bagay na iyon. Nawa'y mabawasan pa rin ang kasalanan ko kapag nagsimba ako.
"Sinabi ang alin? Kaka-tawag lang talaga nila sa'kin ay sabi na may katabi ka daw at ang katabi mo daw ay si nerdy?" Anito na kinakabog ng dibdib ko. "Ayaw ko sa sinungaling kaya magsabi ka ng totoo. Bakit ayaw mo na akong makatabi?" Bakas na ang pagtatampo sa huling tanong nito.
Nakatingin pa rin sa'kin si Lucas habang kausap ko itong si Reniel. "Ah, basta. Gusto ko lang naman malayo sa'yo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pwede natin totohanin ang dapat ay laro lamang. At alam mo naman na umaasa ako na balang araw...... ay hindi na siya masusunog sa sinag ng araw." Aniko at pinatay na ang tawag.
Ngumiti ako sa harap ni Lucas. "Alam mo naman siguro kung sino ang tinutukoy ko, 'di ba?" Aniko.
"Oo, si Jake."
Nabigla ako sa sinasabi nito. Parang may kung anong pumapasok na ala-ala sa aking utak.
"Love isn't that far..... just look at your side." Tumagos ang minsang sinabi sa'kin ni Mathias nang kami ay nasa rooftop ng mansyon kung saan ko siya lagi pinupuntahan.
"You were wishing snow at Philippines, you were wishing that someday, the commonwealth doesn't have traffic in an hour. You were wishing that your love is not like stars at night."
Nilingon ko si Lucas. "Paano mo nalaman ang salitang iyan?" Ito kasi ang karugtong ng naalala kong sinabi ni Mathias.
"Dahil minememorya iyan ni Jake." Anito at tumango-tango. "Don't look up to the sky, just to see your love. Don't look at the sea if you wanting a star. Don't look at sky if you wanting a fish. Love isn't that far.... it's right here. You can see who loves you the most," anito.
"Tugmang-tugma ang sinasabi mo sa sinabi niya noong nakaraan. Paano?" Tila taka ko pa ring tanong dito.
"Dahil pagkatapos niyang mamemorya ang salita ay tinapon niya ang papel sa likod. At ako naman ay pinuntahan iyon at pinulot. Hindi niya tinapos ang salitang nando'n. Mayroon pang kasunod iyon. Pero nakalimutan ko na dahil matagal na iyon." Anito at yumuko.
Tila palaisipan pa rin sa'kin kung ano ang nangyari sa madaling panahon. Hindi naman ako nangangailangan ng atensyon ng iba. Gusto ko lang naman maranasan ang mahalin at magmahal. Pero hindi sa ganitong pamamaraan. Paanong nagagawi ni Jake ang magpuyat nang gano'n ng magmukhang isang bampira?
"Sandali, Krist!" Sigaw sa'kin ng papalapit na si Reniel.
Napatigil na lang ako sa paglalakad sa pag-iisip na rin kung bakit ba ginagawa sa'kin ito ng tadhana. Nilingon ko ito, pero ibang paglingon na hindi kagaya dati na nasasayahan ako kapag nakikita ko siya dahil nga sa may pinagsamahan kami ng kami'y mga bata pa-- kundi ang tingin nang isang taong parang ngayon lang nakilala ang taong tumatawag sa kanya.
"Bakit?" I am trying to make cold my voice and I did.
"Bakit?" Pabalik na tanong nito pero mababasa sa tono na hindi ito masaya sa sinabi ko. "Bakit mo 'to ginagawa sa'kin?" Siya naman ngayon ang nagdugtong sa pangunang tanong na "bakit."
Tumikhim ako para pakalmahin ang aking sarili. Masyado akong nalilito sa nangyayari. At hindi ko na alam kung mababaliw ba ako pagkatapos nito o mananatiling nagmamahal sa isang tao-- este, bampira.
"After all those days, akala ko mababaling sa'yo ang pagtingin na dapat sigurong ipagkaloob sa'yo nang kahit na sino. Pero 'di nangyari dahil sa kauna-unahang rason ay si Mathias Arcillas pa rin ang tanging nagugustuhan ko." Mahabang litanya ko.
"Mathias Arcillas? Nababaliw ka na ba? Hindi naman totoong si Mathias ang nakikita mo dahil ang sabi-sabing bampira sa Glamour Village ay matagal nang nasunog sa sinag ng araw dahil sa lubos na pagmamahal sa isang lalaking hindi kayang matugunan ang pagmamahal na ibinibigay niya."
Napatanga ako sa sinabi nito. Bakit kada tao ay may iba't-ibang opinyon? Ngayon ay lalo lang akong naguluhan sa mga nangyayari. Mababaliw na yata ako. Hindi na yata ako magkakaroon ng magandang buhay kasama ang aking minamahal kung sa unang pahina pa lang nang aking buhay ay may mga pangyayaring hindi mo inaasahang maraming dahilan.
"Sino ngayon ang paniniwalaan ko?" Taka kong tanong sa mga ito dahil tamang-tama ang pagsulpot ni Lucas, si Jake at pati na rin si Duean.
"Kailangan mo munang pag-isipan ang mga sinasabi ko, Krist. Ayaw ko lang na mapahamak ka." Ani Reniel at naglakad na ito palayo.
Napatingin ako kay Lucas na ngayon ay nakatingin sa'king mga mata. Ang mga mata nitong may sinasabing iba.
"Ano pa'ng ginagawa mo dito?" Matigas na tanong ni Jake.
Napamaywang ako sa tinanong nito. "Ikaw 'tong susulpot-sulpot na lang bigla sa harapan ko tapos ako pa ang tatanungin mo niyan?" Mataray na tanong ko.
"Ano'ng sinusundan ka, you're blocking the way to the court, are you?" Ito naman ang nambato nang tanong.
Pero bago pa ako makipagword war dito ay naalala ko nga palang si Reniel ay sumigaw no'ng ito ay nasa loob ng court at ngayon ay kaharap ko sina Jake na wala man lang saplot pang-itaas dahil sa katatapos lang nito na practice.
"Sorry," aniko na lamang at napangiti ng alanganin. Tumabi ako sa daan para makalabas ang dalawa pero ang lokong si Jake. Binangga pa ako at tuloy-tuloy na naglakad papalayo. Napalingon na lamang ulit ako nang tumikhim si Lucas.
"Tara maupo muna tayo sa upuan." Anito at naglakad na patungong bleacher.
"So, ano 'yung nararamdaman mo nang lumalapit sa'yo si Jake?" Biglang tanong nito sa'kin pagka-upo ko palang sa isa sa mga bleacher dito.
Nandito kami sa pinakalikod upang walang taong makapansin sa'min. I was scrolling at my cellphone at wala naman akong nakikita doon kundi ang tinanong sa'kin ni Lucas.
Napaharap na lang tuloy ako sa kanya at nakita ko siyang inaabangan ang magiging sagot ko. "Wala," aniko.
Nagulat na lamang ako nang itapat nito ang kamay nito sa dibdib ko. Nakipagtitigan pa ito sa'kin at bigla itong napangiti nang hindi ko matukoy kung ano ang dahilan. "Bakit?" Tanging naitanong ko na lamang nang alisin na nito ang kamay nito sa dibdib ko.
"Fine, wala ka ngang nararamdaman sa sinasabi mong Mathias Arcillas na 'yon," anito.
"Paano mo naman nalalaman kung ano ang nararamdaman ko kung hindi mo pa danas ang mga dinaranas ko. Nagtanong ka pa nga sa'kin kung ano ang meaning ng "butterflies inside the core" tapos ngayon alam mo na kung ano ang "love?"" Bakas ang sarkasmo sa sinasabi ko dahil bigla na lamang itong nagkaroon ng paraan para malaman kung ako ba ay inlove na.
"Binibiro ka lang naman sa tinanong ko kanina. I was just thought that you were likes jokes." Anito at alanganing ngumiti.
My heart melted when I saw his braces, again. "Pinatatawad na kita. At bakit nga pala nandito tayo ngayon?" Tanong ko rito.
"Gusto ko lang kasi maging likeable like you were." Anito at yumuko. "I was hate myself for being like this," anito.
"Hush, you don't have to hate yourself. You are likeable."
Napatingin ito sa'kin at ang mga mata nitong kumikislap dahil sa papuring natatanggap sa'kin.
"You're such a lovely person, inside and out. You were just covering yourself by wearing thick eyeglasses, wearing braces, style of hair, etcetera, etcetera." Aniko.
"So, madami palang hadlang?" Nakangangang tanong nito.
"Hindi naman, nasasaiyo iyan kung gusto mong magustuhan ka." Aniko. "If you really want to be a likeable, just act like you're cool. Tutulungan naman kita diyan, eh. Huwag mo nga lang ipagkalat na ako ang tumulong sa'yo." Aniko at ipinitik ang aking mga daliri. "At ito pa, kapag nangyari ang bagay na iyon ay ako dapat ang maging unang kaibigan mo. Okay ba iyon?" Tanong ko dito habang nakangiti.
He made an okay sign. "Ikaw pa nga lang ang kumausap sa'kin ng ganito, eh. Saka kaibigan na rin ang turing ko sa'yo simula no'ng kinausap mo 'ko at gusto mo pa akong makatabi." Anito na nakangiti.
"Alam mo, cute ka naman, eh." Aniko at huminga nang malalim. "Pinag-isipan ko rin ang sinabi mo kanina." Biglang pag-iiba ko sa usapan. Saka na siguro sabihin dito na ayos lang sa kanya ang porma niya at buhok lang talaga ang problema.
"Ano'ng sinabi ko?" Tanong nito.
"'Yung mga sinabi mo na gawa ni Jake para sa'kin," aniko. "Gusto ko marinig nang buo ang sinulat niya.
"Saglit lang kukuhanin ko lang." Anito.
"Ano naman 'yung sinabi sa'yo ni Jake?"
Napatalong ang puso ko nang marinig ko ang boses ni Reniel sa likuran ko. Mukhang patay ako nito.
~*~ ~*~ ~*~